logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5 Ang kasal ni Katrina

KASAL niya ngayon pero pakiramdam ni Katrina, pupunta siya sa lamay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Parang may hollow blocks na nakadagan sa kanyang dibdib. Tama si Ysabelle, kalokohang magpakasal sa lalaking hindi niya tunay na minamahal kaya lang hindi rin niya gustong may magpakamatay dahil sa kanya.
Ilang araw bago mag-propose sa kanya si Flaviano ay kinausap siya ng mga magulang ni Flaviano. Nang una ay inakala niyang sasabihin ng mga itong hindi siya gusto ng mga ito para sa anak o aalukin ng milyon para lang layuan niya si Flaviano ngunit hindi ganoon ang nangyari. Katunayan, pinakiusapan siya ng mga ito na manatili sa piling ng anak nito kahit anong mangyari.
May suicidal behavior daw kasi si Flaviano kapag nakaranas ng kabiguan kaya nga raw hangga’t maaari ay sinusunod ng mag-asawa ang lahat ng maibigan nito.
Nu’ng gabing mag-propose sa kanya si Flaviano, nakaramdam siya ng takot na mag-yes dahil alam niyang darating ang panahon na makakaramdam ito ng kabiguan dahil hindi magiging matagumpay ang kanilang pagsasama. Sa loob kasi ng isang taong pagiging mag-boyfriend-girlfriend nila ay hindi pa rin niya nagagawang alisin ang pagmamahal niya kay Jeremy gayung tatlong taon na silang hiwalay. Kapag kasi naririnig niya ang pangalang Jeremias Rosales o Jeremy, parang marupok na building na gumuguho ang kanyang depensa. Tapos bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
Kaya, parang balewala sa kanya ang masasarap na pagkain, ang candlelight dinner date habang bilog na bilog ang buwan. Dati’y iyon ang pangarap niyang romantic dinner pero habang kasama niya si Flaviano, nangangamba siyang baka sa susunod na sandali ay baka maging werewolf ito. Sa pangambang baka maging horror ang dinner date na iyon ay di pa rin niya na-appreciate ang fireworks at ang pagbuo ng mga letrang Will you marry me? Para rin sa kanya ay nakakakilabot na eksena ang pagluhod nito at ang pagbubukas ng pulang kahita na may lamang diamond ring
“Ang ganda-ganda mo naman, ate,” wika ng make up artist niyang bading. Grace daw ang nikname nito pero Graciano ang tunay na pangalan.
“Mas matanda ka pero ate ang tawag mo sa akin,” nakangiti niyang sita rito matapos niyang magbulalas ng ‘thank you’ dahil sa papuri nito. Pinilit din niyang pasiglahin ang boses dahil alam niyang kailangan niyang maging masaya ngayong araw na ito.
“Paggalang iyon. Siyempre, mas malayo ang narating mo sa akin. High school graduate lang kasi ako samantalang ito ay tiyak kong nakapagtapos,” malungkot nitong sabi kahit pilit pinasisigla ang boses. “Sa ganda mong ‘yan. Para ka ngang prinsesa kaya mas bagay sa’yong tawagin kang Senyorita.”
Umikot ang kanyang mga mata at tumaas ang kanyang kilay. “Ang respeto ay ibinibigay sa lahat ng tao.” Tapos ay bigla siyang natigilan. Nag-flash pa kasi sa isipan niya ang guwapong mukha ni Jeremy habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bigla tuloy niyang nasabi na, “Umalis ka na, please...”
“Hindi pa tapos ang pag aayos ko sa’yo, pinapaalis mo na ako?” hindi makapaniwalang tanong nito ngunit itinigil naman ang ginagawa. Buong pag-aalalang nakatingin sa kanya.
“No, hindi ikaw. Hindi ikaw ang gusto kong umalis May tao lang akong naisip na di ko na dapat pang maisip lalo na’t ikakasal na ako ngayon,” aniyang hindi maiwasan ang mainis dahil parang tuksong tumatambay na naman sa kanyang gunita si Jeremy. Ito naman kasi ang lalaking pinangarap niyang pakasalan at makasama sa habambuhay.
Iyon nga lang, hindi naman lahat ng gusto natin ay nasusunod. Iniwan siya ni Jeremy at tiyak niyang wala na itong planong balikan pa siya. Nais din naman niyang magkaroon ng pamilya kaya siguradong si Flaviano Samonte ang perpekto para sa kanya. Kumontra man dito ang buong angkan niya pero hindi niya ito magagawang talikuran.
“Ex mo, ano?” pabigla nitong tanong.
Gilalas siyang napatingin dito. “Paano mo nalaman?”
Sukat sa tanong niya ay bigla nitong ibinaba ang mga gamit sa pagmi-make up sa kanya. Hindi naman kasi siya nagmi-make up kaya hindi niya matandaan ang tawag sa pampapula ng mukha. Palagi kasing sinasabi sa kanya ni Jeremias na mas maganda siya kapag walang kulorte ang kanyang mukha.
“Ihinto na ang kalokohang ito.”
“Ha?”
“Gusto mo bang masira ang buhay mo. Naku, ganyang-ganyan ang nangyari sa mga magulang ko. Nagpakasal kahit mayroong sari-sariling dyowa. Ayun, naghiwalay din. Kaya ngayon, eto, bilang anak nila, ako ang nagdusa.. Biro mo hindi nila mahal ang isa’t isa pero nakalimang anak at dahil ako ang panganay ako siyempre ang higit na nagdurusa. Kaya, kung iniisip mo ang ex mo, malamang, mahal mo pa siya. So, bakit ka magpapakasal sa hindi mo mahal? ” mataray nitong tanong sa kanya na parang wala nang balak ituloy ang pagmi-make up sa kanya.
Dapat ay mainis siya sa sinabi nito ngunit hindi niya magawa. May katwiran naman kasi ito. Iyon nga lang, siya ang taong may isang salita at gusto niyang panindigan ang kanyang desisyon.
“Mahal ko ang mapapangasawa ko,” wika niya ngunit sa isip niya’y si Jeremias Rosales ang nag-flash. Ito naman kasi ang lalaking pinapangarap niyang pakasalan dahil dito lang naman tumibok ang kanyang puso.
“Sure ka?”
“Ituloy mo na ang trabaho mo dahil ayokong maghintay sa simbahan ang mapapangasawa ko,” matamlay niyang utos nito. Hindi kasi siya ang tipo ng tao na bumabale ng salita kaya kahit alam niyang magdurusa siya ay paninindigan niya ang pangakong binitiwan. Hiling lang niya;t magawa niyang matutunang mahalin si Flaviano.
Sumunod naman ito pero pinalipas muna ang ilang minuto. Siguro ay tiniyak muna nitong desidido siyang magpakasal.
“SINA Mommy at Daddy?” tanong pa niya sa kanyang Tita Eta na tumangging mag-attend sa kanyang kasal. Hindi naman daw kasi nito gusto para sa kanyang mapapangasawa kaya kaysa sumigaw ito ng ‘tumututol ako’ mas minabuti na lang nitong manatili sa kanilang bahay.
“Nauna na sa simbahan.”
“Excited?” nagtatakang tanong niya. Para kasing kani-kanina lang ay paulit-ulit na tinanong sa kanya ng ina kung talagang desidido na siyang magpakasal. Hanggang hindi daw siya nagsasabi ng ‘I do’ ay may pag-asa pang makaiwas siya sa malaking bato na gusto niyang ipukpok sa ulo.
“Nananalangin ng himala,” matamlay nitong tugon.
Dahil nga wala sa mga kasama niya sa bahay ang umaayon sa kanyang kasal ay mag-isa na lang siyang naglakad patungo sa bridal car na naghihintay sa kanya. Maging ang make up artist niya agad umalis matapos siyang ayusan.
Ngunit, bago pa man siya nakasakay sa puting BMW ay may boses siyang narinig buhat sa kanyang likuran na nagsabing, “Kung inaakala mong hahayaan kitang magpakasal sa lalaking iyon, nagkakamali ka!

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    Kaye Cy Ann Manangan

    yes

    24d

      0
  • avatar
    GOLDROSE

    nice work

    21/07

      0
  • avatar
    tafallaNoriel

    goods

    05/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes