logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

WENDY
"Awe! You're a horrible daughter. Have you forgotten that your late mother owned a ruby pendant as well?"
I STOOD frozen while gazing at the constable before me—ah no, at the phantom detective. He told me that I'm a horrible daughter just for forgetting about my mother's belonging. Gusto ko sana siyang sampalin dahil sa judgement niya pero that won't make me any good.
I threw him a bewildered stare and asking how did you know question by my eyes.
"Oh that? Since your facebook was a useless empty trunk, I had to find your mother's. You know, in most of her pictures, she wore the pendant. By the way, when you were younger, you look good in kimono. Nice face, yo! Like a freaking doll prepared to hunt you every night—"
"How is that relevant here?" mahinahon kong tanong. I maintained a cool head despite of being judged by a genius guy.
"Cursed doll, to be an actual honest with you," sagot niya habang may mapaglarong ngiti sa labi. "Natatakot akong ibunyag mo ang sikreto ko kaya nag-imbestiga na ako right after ng blackmailing mo. Hahaha!"
"Found something interesting?"
"Very interesting! Remarkable. Hihi, cursed doll. There's a serial killing hidden in plain sight," he said excitedly.
Serial killing? Pinatay ang mama ko ng isang serial killer? Bakit? I need more to lighten my bewilderment.
Nakarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kusina. Tumingin muna ako kay Zen bago lumakad patungo sa pinto at buksan ito. Bumungad sa 'kin si Sophie at Ken na may nagtatakang tingin.
"Wendy? Anong ginagawa mo dito mag-isa? Bakit naka-locked 'yung pinto?"
"No, I was with—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makitang wala na pala akong kasama dito sa kusina. Bukas ang bintana at malamang doon nga dumaan si Zen papaalis. "Nothing. May tiningnan lang ako. Hindi ko namalayang na-locked ko pala ang pinto. Sorry."
"Hindi, okay lang. Naglilibot 'yung mga pulis dito sa bahay at hinahanap 'yung nagnakaw ng ruby pendant ni Uncle," sagot ni Kentonni.
"Nasa security room sina Inspector para tingnan ang bawat footage," sabi naman ni Sophie. "Sigurado silang hindi pa nakakalabas ang magnanakaw kaya mag-ingat tayo dahil baka nasa likod na pala natin siya. Gosh, may bangkay na. May magnanakaw pa. Ano sunod?"
"At nangyari pa talaga sa bahay namin."
"Ang malas kasi ng bahay n'yo—"
Ako siguro ang malas dito. See? Whoever gets near in my circle receives unfortunate events. I think I'm better off alone. Or better off dead. But nah, I'm not a suicidal one. If my mom were still alive, she'd told me that misery life is something we shouldn't run from. I'm far from alone—I still have my big brother and father. Yet the worst feeling of solitude always strike me.
Habang nagsisigawan pa sina Ken at Sophie, naglalakad kami papaakyat ng second floor. Nang makarating kami sa corridor, namataan ko ang isang balcony sa dulo. May isang silhouette ng nakahood na tao at nakaharap sa 'min. Kahit na madilim na ang kalangitan, natatanaw ko pa rin ang anino niya.
Above all, I could sense that he was smiling.
"Sino 'yon?" tanong ko habang nakaturo sa direksyon ng balcony. Napatingin ang dalawa kong kasama at nakarinig kami ng mga mabibigat na yabag.
"Ayun siya! Hulihin siya!"
"Huwag n'yo siyang patatakasin!"
"Bilisan n'yo!"
Tumatakbong dumating ang mga constable patungo sa balcony. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nakatuon lang ang tingin ko sa silhouette sa balcony. May kumikinang na kulay red sa kamay niya. Before anyone reaches the balcony, he threw a paper like a ball upon our direction.
Pagkatapos, may bumagsak na parang remote control mula sa taas at sinalo niya iyon gamit ang kaliwang kamay. Where did it come from?
And we heard a blast of an engine from afar. At narealize nalang namin na may suot palang jet engine sa likod ang silhouette na nakita ko sa at lumipad siya papalayo sa mansion.
Just what on earth is going on here? A phantom thief?! 'Yung ruby ba 'yung hawak niya kanina?
Naging balisa ang hitsura ng mga pulis nang matakasan sila ng hinuhuli nila. Lumapit si Sophie sa papel na hinagis ng magnanakaw kanina. "Hey! It's a phantom paper!"
"Ibig-sabihin, siya 'yung phatom detective?!"
"Ang sabihin n'yo, phantom thief! Ninakaw n'ya 'yung ruby pendant!"
Gusto ko sanang sabihin na, 'No, hindi si Zen 'yon.'
Nilibot ko ang aking pagtingin sa paligid ng corridor. May kausap si Kentonni sa cellphone niya, nakatingin si Sophie at ang mga pulis sa phantom paper na binato kanina. However, one constable caught my eye. He was climbing down the stairs so I ran after him. I took slow paces the way he did.
"Who is that?"
"You mean the thief?" sagot niya pero hindi ko masabi kung akong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, dahil sobrang lamig ng boses nito. "Haah... Beats me."
"Paano niya nakuha sa 'yo 'yung papel mo?" I asked in a low voice. Given na may mga CCTV sa paligid, umaarte akong normal na para bang nakasama ko lang sa pagbaba ng hagdan ang pulis na 'to.
"No idea."
"Could he possibly know about your identity?"
"No idea."
"Do you think related siya sa pagkamatay ni Mama?"
"No idea."
His monotonous voice suited his deadpan facet. Now he look like a dying old hag. I couldn't acquire any emotion from his actions either.
If there's a phantom detective, then we also have a phantom thief—na baka admirer ni Arsene Lupin or Kaitou Kid. His smile conyed his overconfidence. Why does the city of Ranshin have to fill itself with ghostly appearing figures? Sheesh! I got myself into a big mess today.
Parang sasabog na ang utak ko sa rami ng iisipin. First off, 'yung mystery dito sa mansion na 'to. Ang pagkamatay ng anak ng maid, three years ago. Second, the detective concluded that my mother was killed by a serial killer. She owned a ruby pendant as well, the same as a Serrano family member held. Third, there was a thief who stole the ruby pendant of Serrano household. The thief's identity is unknown.
Nagtipon ang lahat sa living room matapos sabihin ni Inspector na ang ibang department na raw ang bahala sa paghuli ng magnanakaw. Kailangan raw iresolba muna ang kaso ng namatay na gardener three years ago.
Nakatayo ang mga constable sa paligid at si Inspector sa gitna. Kaming mga nasa loob ng pamamahay na 'to nang mangyari ang aksidente ay naupo sa couch at taimtim na nakikinig sa sasabihin ni Inspector Lopez.
"Hindi namin inaasahan na ang phantom detective ay magnanakaw sa bahay na 'to," seryosong panimula niya.
No, it's not Zen.
"Hindi na rin namin pagkakatiwalaan ang bawat papel na binibigay niya."
Bahagyang nagawi ang tingin ko sa naka-disguised na Zen. Tahimik lang siyang nakatayong tuwid at nakatingin din sa Inspector. Nasa likod niya ang dalawa niyang kamay. Ano na kayang iniisip niya ngayong nadungisan ang pangalan niya?
"Pero susubukan pa rin naming lutasin ang kasong ito, sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga nakasulat dito," wika ni Inspector at ipinakita sa amin ang papel na binato ng magnananakaw kanina. "Malaking tulong din naman."
Kinalabit ako ni Sophie, na katabi ko ngayon, kaya napalingon ako sa kanya. Pagkatapos, bumulong siya sa 'kin. "Sa tingin mo, magnanakaw ba talaga si Phantom Detective?"
"Malay ko." Mas makakabuti ba kung ipagtatanggol ko si Zen?
"Kung magnakaw man siya, I believe he or she has reasons. Oh, come to think of it. Ano kayang gender niya? Kung lalaki siya, baka pakasalan ko pa siya—"
"Hindi niya tatanggapin ang proposal mo," naiinis na singit ni Kentonni. "Huwag kayong bumulong-bulong d'yan. Makinig kayo."
"Bakit iba-iba ang kwento n'yo tungkol sa nangyari kay Mr. Llanes?" tanong ni Inspector habang nakatuon ang atensyon sa tatlong suspect na magkakatabing nakaupo sa kabilang couch. "Sinasabi n'yo na kayo ang unang nakatagpo sa biktima nang namatay ito kaya hindi tugma-tugma ang kwento n'yo."
Nagulat ang tatlo at nagtinginan sa isa't-isa.
"Sabihin n'yo ang totoo, sino ang unang nakakita sa bangkay?"
"Ako po!" sabay-sabay nilang sagot.
Napasampal nalang ako sa mukha ko. Hanggang ngayon ba naman nila nila aaminin kung sino talaga? Sino ba ang pinoprotektahan nila? Kainis kasi. Hindi detalyadong sinabi sa 'kin ni Zen kung sino.
Huminga ng malalim si Inspector. Bago ulit siya magsalita, isang lalaki na naka formal na suot ang dumating at may hawak na folder.
"Inspector, nice to see you again!"
"Ah! Detective Abordo! Anong ginagawa mo dito? Hindi dapat nasa headquarters ka?"
"Hindi, day-off ko ngayon pero—sandali. Ikaw ang nagpapunta sa 'kin dito para iabot 'tong profile at statement ng bumili ng alak mula kay Mr. Llanes," sagot ng lalaking tinawag na Detective Abordo. Lumapit siya kay Inspector at iniabot ang folder.
"Wala akong hiniling na gan'yan—" Natigilan si Inspector sa pagsasalita at kinuha nalang ang folder mula sa Detective. "Sige, Abordo. Salamat pala."
Parang may hinala na ako kung anong nangyari. Binigyan ko si Zen ng nagtatakang tingin. Nang ma-meet niya ang mata ko, bahagya lang siyang ngumiti at kinindatan ako. Cringe!
Umupo si Detective Abordo sa tabi ko at nakadequatro sabay ngiti. "Makikinig ako sa deduction ng phantom detective."
"Hindi ko alam kung saan magsisimula," seryosong sabi ni Inspector at nagpalipat-lipat ng tingin sa phantom paper at folder. This time, lumakad paabante si Zen at lumapit kay Inspector. Painosente siyang tumingin sa papel at sa folder.
"Inspector Lopez. Sa tingin ko, nakuha ko ang ibig-sabihin ng phantom detective," sabi ni Zen kaya napalingon sa kanya ang lahat.
Mula sa paningin ng iba, isa lang siyang simpleng old constable in his uniform. Magaling rin ang pangagaya niya ng boses, boses talaga ng matanda. Such talent is very very rare!
"Officer Balaba?"
Kinuha ni Zen mula sa kamay ni Inspector ang papel at nagsimulang magsalita. "Si Jonathan ang namahala sa mga wines sa loob ng labin-dalawang taon. Pero napalitan siya ni Mr. Llanes pagkatapos noon. Kaya nang inutusan siya nitong asikasuhin ang wine cellar para, napansin niya ang nawawalang alak. Sigurado siya na nawawala iyon dahil wala siyang matandaan na ininom iyon ng Lord Serrano. Hindi ba, Jonathan?"
Tumango si Jonathan, the manservant, bilang pagsang-ayon kay Zen.
"At batay dito sa statement ng buyer ni Mr. Llanes, bumili siya ng..." paliwanag ni Zen habang binabasa ang nakaulat sa folder. "Cheval Blanc 1947 St-Emilion na nagkakahalaga ng $135,125, mula sa Bordeaux, France. Ang vintage raw na ito ay isa sa dalawang wines granted Class A Status mula sa klasipikasyon ng mga Saint-Emilion wine. Ito ang nawawala, hindi ba Jonathan?"
"I-Iyan nga! 'Yan ang nawawala!"
"Kung gayon, si Mr. Llanes ang nagnakaw ng wine na 'yon—"
"Excuse me lang po."
Napatingin kaming lahat nang biglang magsalita si Kentonni.
"My father is currently listening right now. He's in a middle of a meeting so he couldn't afford to talk. He had activated the bugs in this living room. Kaya nalalaman niya po kung anong nangyayari ngayon," seryosong sambit ni Kentonni habang nakatingin sa laptop na nakapapatong sa lap niya.
"Lord Serrano!"
"Mabuti 'yan. Samakatuwid, malalaman niya ang misteryo sa pagkamatay ng kanyang hardinero tatlong taon na ang nakalipas," sabat ni Inspector Lopez.
"Si Mr. Llanes ang nagnakaw ng wine na 'yon pero nalaman iyon ni Benjamin, ang dating hardinero," pagpapatuloy ni Zen a.k.a. Officer Balaba. "Wala siyang ibang magagawa kundi patahimikin si Benjamin. Kaya kinitil nito ang buhay ng hardinero."
Ipinakita niya sa amin ang phantom paper at ang larawan ng isang lalaking nakahiga sa sahig. Base sa surroundings, masasabi kong wine cellar ang lugar na 'yon. The lying man must be Benjamin Hernandez.
Wherever he is now, he may be joyful now that his murderer had received a sudden death. Justice is served, I guess.
"Sabi ng phantom detective, tingnan raw mabuti ang larawan at mayroon tayong makikitang clue."
Tinitigan ni Inspector Lopez ang picture. Dahil malayo ako sa kanilang dalawa, wala akong makita sa picture. At medyo uncomfortable dahil may katabi akong detective Abordo dito sa couch. Pinaggigitnaan nila ako ni Sophie. But I maintained my poker face as I intently lay ears to what Zen has to say.
"Ito ba?" sabi ni Inspector Lopez at may itinuro sa larawan. "Isang dice?"
"Mahilig mangolekta si Mr. Llanes ng dice, pero hindi ito naging sapat na ebidensya para iturong siya nga ang salarin dahil wala ang fingerprints sa crime scene." paliwanag ulit ni Zen. Nakita kong bahagya siyang napangiti at itinuon ang pansin niya sa tatlong suspect na nakaupo ngayon. "Dito na papasok ang kasabwat ng salarin."
"Kasabwat? Ah ito nga ang sinasabi ng phantom detective. Ang kasabwat ng salarin ang naglinis ng crime scene. Pero iniwan niya ang dice dahil labag sa kalooban niya ang pagpatay kay Benjamin. Kahit paano, gusto niya paring mahuli si Mr. Llanes," dagdag ni Inspector Lopez habang nakatingin din sa phantom paper. I wonder kung gaano kaliit ang penmanship ni Zen para magkasya ang lahat ng information na binanggit nila sa isang 1/8 index card.
"Pagkatapos ng krimen, siguro mga ilang buwan ang lumipas nang umamin ang kasabwat nito kina Johnathan at Beatrice. Hindi ba, Bernard?"
Nagulat ang maid at manservant nang banggitin nilang si Bernard nga ang accomplice ni Mr. Llanes sa pagpatay kay Benjamin. Samantalang si Bernard ay nakayuko lang. Nakikita kong may mga tumutulong luha mula sa mukha niya.
"Kaya nang namatay si Mr. Llanes kanina, inakala agad nina Beatrice at Jonathan na si Bernard ang pumatay sa butler. Kaya inako nila ang responsibilidad sa pagsasabi na sila ang unang nakakita. Mula sa kwento nilang tatlo, ang hardinero ang nagsasabi ng totoo. Siya ang nakatuklas ng bangkay ni Mr. Llanes," paliwanag ni Inspector. "Iyon ang nais iparating sa 'tin ng phantom detective. Bernard Hernandez, totoo ba 'yon?"
Tumahimik ang paligid at tila ba naghihintay sa sagot ni Bernard.
"Naalala ko nga 'yon," bulong sa 'min ni Kentonni. "Unang beses na pumunta si kuya Bernard dito sa bahay, 'yun din ang araw na namatay si kuya Benjamin. Huh. Ang bait bait ni kuya Benjamin e..."
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya nanahimik na lang kami ni Sophie.
"Totoo po lahat 'yon," bulong ni Bernard pero rinig naming lagat dahil sa sobrang katahimikan. "I'm sorry..."
Nakatingin lang sa kanya ang maid at manservant na may malungkot na tingin. Pero nagsimula nang tumangis si Beatrice at niyakap ang anak niya. Nagdramahan sila hanggang sa dinala ito sa police station. Dinala na rin ang bangkay at dumating ang autopsy report. Mr. Llanes was really electrocuted.
Umuwi ako sa apartment ko pagkatapos akong ihatid nina Sophie at Kentonni sa labas ng subdivision. Sila na ang nagbayad ng pamasahe ko sa taxi kaya nakaluwag-luwag ako. Mga alas nueve na nang makarating ako sa unit ko at nang makakain.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa pagod—physically and mentally. Hindi ko naman kayang pagdudahan ang sinabi ni Zen. Serial killer.... Sino?
Why don't I ask my brother if he knows something?
Kinuha ko ang smartphone ko at idinial ang number ni kuya. Ilang segundo kong hinintay ang pagriring, umaasang sasagutin niya ang tawag ko pero narinig ko lang boses na nagsabing cannot be reached daw siya. He's probably working on something stupid again.
Huminga ako nang malalim at ipinikit nalang ang mga mata ko.
Bumalikwas ako nang bangon nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Naru by Luck Life.
Tiningnan ko muna ang oras na nakadisplay sa status bar ng smartphone ko—3:28 AM. Sinong tatawag sa 'kin sa gan'tong oras? Ah. Him. Pagkatapos, tiningan ko kung sino 'yung tumatawag. Stupid Brother ang pangalang nakalagay. Pinindot ko ang answer button at itinapat sa tainga ko ang cellphone.
"Oh, akala ko patay ka na," bungad ko na para bang bagot na bagot na sa buhay.
"Unfortunately, hindi pa—"
"You should've learned from your 236th attempts," wika ko.
"Huh? No, 237th na."
"What did you do this time?"
"Mayroong transferee na biologist ang naligaw sa robotics lab. And and and, you know what. She carries a poison ivy! So I led her to the biology lab and took some ivy secretly and so alam mo na ang sumunod na nangyari."
"But you're stupid. You're in your school," said I.
"Exactly! I should've taken it outdoor! Masyado kasi akong na-excite kaya ayon, here I am. Still alive and kicking."
Napatawa ako nang mahina at napangiti. I'm glad he's alive.
Meet my big brother William Chavez. 21 years old and the most stupid suicidal person you'll ever encounter.
Sa loob ng 5 years, after ng pagkamatay ni mama, 237th suicide attempts na ang ginawa niya. Lahat na siguro ng dumb ways to die ay nagawa niya na. Maliban na lang sa pagtalon sa building.
That's how our mother died so... he doesn't want that way.
"Bakit ka tumawag?"
"Excuse me kuya, ikaw kaya ang tumawag sa 'kin. Inaantok pa nga ako."
"Tumawag ka kanina. I mean, kahapon. Oh no. Kagabi."
"Oh about that. Si Mama—"
"Wait lang, wait lang, wait! Anong ginagawa mo sa bahay ng Serranos kagabi, huh?! EXPLAIN!"
Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya nang sabihing 'explain.' At paano niya nalamang na kila Kentonni ako kagabi?
"May thesis project kami—"
"They aren't your classmates. They're from ABM 11-B."
"They asked for help."
Narinig kong huminga siya ng malalim. "You wanna figure something out, right? I'll show you. Meet me at my school."
"Madaling-araw pa lang!"
"Magsuot ka na rin ng uniform mo para deretso ka na school mo."
And he hunged up. Wala na akong nagawa kaya naligo na ako at nagbihis. Alas quatro ako umalis sa apartment at sumakay ng taxi patungo sa school ni kuya.
I found myself standing right in front of Ranshin Institute of Technology.
RIOT for short.
Pero hindi ito puno ng riot kundi tahimik ang lugar na 'to. Dito nag-aaral ang kuya ko simula nang g-um-raduate siya ng senior high school.
The nerd school.
My brother's one of a kind. Simula noong elementary s'ya, nakitaan na siya ng potential sa robotics. At nang pumasok siya sa high school, lahat ng estudyanteng nasa paligid niya ay dumbfounded nang makita ang mga inventions ng kuya ko—stupid inventions. But he's an amazing tech geek. I look up to him.
Madilim pa rin ang langit. Pumasok ako sa malaking building at dumiretso sa elevator. Kahit sa ganitong oras, maraming estudyante ang naghahanda na sa kanila-kanilang klase.
Lumabas ako ng elevator nang makarating sa 21st floor, kung nasaan ang sariling lab ng kuya ko. Habang naglalakad ako sa corridor, nakita ko ang pinakaweirdong babae dito sa school na 'to.
"Yohow, Wen~" bati niya sa 'kin habang nakatingin sa taas.
She's Selhyna Villaflores. Kasing edad din siguro ng kuya ko. Mayroon siyang mahabang curly hair na kulay pink—yes, she dyed it pink—at kulay sky blue na mata. May dala at gamit siyang remote control 'tapos parang may sinundan sa hangin.
"Hi," bati ko rin at tumingala para i-check kung anong ginagawa niya. Pero wala naman akong makita. Nakaimbento ba siya ng isang invisible na device or something?
"You must be heading to your brother's lab. Nakita ko siyang umalis kanina kaya hintayin mo nalang siya sa loob," sabi niya habang nakatingin parin sa taas at naglalakad papalayo.
"Thank you."
Pumasok ako sa lab ni Kuya at nakita ang mga bukâs na screen ng isang malaking TV sa gitna. Hmm, flat screen TV. Not your ordinary ones, I swear. All stuffs in this nerd school is extraordinary. Well, what would you expect?
Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapanood ang iba't-ibang CCTV footage ng mga nangyari kagabi sa mansion ni Kentonni sa screen.
Right, I shouldn't be shocked. We're talking about a tech geek here. He must've learned about hacking. Panigurado nihack niya ang footages at isinave 'yon sa drive niya. Why would he do that?
Natuon ang pansin ko sa isang video na may pulis na tumalon mula sa bintana. From the camera's point of view, masasabi kong nasa garden sa labas ang CCTV at sa... kusina! This must be Zen in disguise na tumalon sa bintana nang marinig ang katok sa pinto.
Baka maghinala si kuya, I need to delete this. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko ring may makaalam na iba tungkol sa identity ng phantom detective.
I looked around me to check the absence of any people around. When the coast was clear, pinindot ko ang video mula sa screen at bumungad sa akin ang maraming options. Hinanap ko ang delete button at saka binura ang video.
Thank me, Zen. Safe ang identity mo—
Pagkatapos na madelete ng video ay saktong pagdating ng kuya ko. "Wendy! Na-miss kita!"
"Shut up, and tell me what's the meaning of this," I said with authority while jerking my thumb on the TV screen. Touch screen slash flat screen, arg. Whatever it was called.
"I can't do both at the same time. Shutting up while telling you—"
"Are you keeping an eye on me? Hindi na ako bata!"
"No. Who do you think I am? Your bodyguard? I don't do lousy jobs such as that."
Ipinatong niya ang hot chocolate sa lamesa at umupo sa swivel chair niya na malayo sa TV. Kinuha niya ang kanyang pen at itinuro ang screen.
"Anong ipapakita mo sa 'kin? Make sure na worthwhile 'yan," wika ko habang nakapamaywang.
"You deleted it," seryoso niyang sabi. Tumingin ako sa screen at biglang kong nakita ang title sa taas na trash at ang video na d-in-elete ko kanina. "As expected, you discovered the Phantom detective's identity. Fascinating, lil' sissy."
Oh, sheesh. I'm in trouble. Whenever he calls me lil sissy that means I'm doomed. Lil sissy means I did something wrong. Lil sissy means he's vexed upon me. Lil sissy means there's something serious happened.
"The footage here," sabi niya at nagbago ang screen. Ipinakita ang footage kung saan kumatok si Sophie at Ken sa kusina 'tapos binuksan ko 'to. "This happened at the same time when the old police officer—I mean, the phantom detective, because old hags couldn't jumped off from a window like how he did."
"W-What about it?"
"And oh, here. You two came inside the kitchen together," sagot niya. Pinanood ko ang video. Batay sa point of view ng camera, nasa corridor ito kung nasaan ang pinto papuntang kusina.
"I'm not after the detective's identity so worry not," sabi niya at humarap sa kin. "Did you just ask help from the detective to investigate Mom's death?"
"Ano naman? Kuya, hindi nagpakamatay si Mama! We both know that!"
Napasampal sa mukha si kuya at tumalikod sa 'kin para harapin ang screen. Nakaupo parin siya sa swivel chair at hawak ang pen, na siya palang remote para sa TV. Nagbago ang screen at ipinakita ang footage na kita ang balcony.
Nakita ko ulit ang silhouette ng taong may suot na hood at ang nagnakaw sa ruby ng Serrano.
"This is what I wanted to show you," nanatili pa rin ang seryoso niyang mukha. "This is the threat. Look, he escaped from the police's hand and from the phantom detective. Stay out of these troubles, Wendy. Don't stick your nose to any kinds of investigation. Just read Sherlock Holmes or Hercule Poirot's adventures if you want crimes!"
"What's wrong with you?" I unbelievably asked.
"No, Wendy! What's wrong with you?!" he raised his voice, which rarely happens, and that terrifies me. "You're just a high school student! Don't reopen the wounds and squeeze them to death. Stay away from the phantom detective."
"No. You don't understand. The thief is somehow related to mother's death! Mayroong ruby pendant si Mama na nanakaw pagkamatay niya 'di ba? Ayaw mo bang bigyan ng hustisya ang pakamatay ni Mama?!"
"Of course I do want! But I'd rather not if I had to sacrifice a life! That's just a ruby pendant! There varies a billions of pendant like that—genuine or replicas. If father ever know about this stupidity you got yourself into, you know what might happen—"
"Why don't you just help me? Whoever murdered our mother must be—"
"No, I won't. And will never. Leave that case alone. Huwag mo nang paabutin sa puntong isusumbong pa kita kay papa."
"They took Mom away from us! They took Mom's life! And you're gonna let them off the hook?!"
"You don't know what it's like, Wendy. Just shut it."
"Anong hindi ko alam? I'm thirsting for justice and I can't let—"
"Mom's gone. Do you think it would bring her back by sticking your nose in that case? No!"
"Don't you remember... mother's last words before that day? Face the reality of enigmas and never run away. You're doing otherwise," I said. I felt some hot liquid streaming down my face as I clenched my fist out of frustration.
I can't believe him. I've always thought he's the very first and last person I could lean my shoulders on.
"I'm not running away. I'm saving yo—"
"No, you're not."
Without hearing his response, I rapidly walked out of his lab and wiped my face using my palm. Almost everyone's eyes in this building are set upon me. Plausibly enquiring what's going on with these Chavez siblings. I even neglected Selhyna's concern and rode a taxi to drive to Percevale HS.
Nakarating ako sa school nang maaga. Six ng umaga, which rarely happens. 7:30 AM kasi ang simula ng lahat ng klase sa buong school at kadalasang 7:00 AM ako dumadating. But this is utterly fine. I just wanted to get out of that suffocating laboratory of a selfish tech geek.
Habang naglalakad sa corridor, napansin ko ang mga nagkalat na dyaryo sa paligid. Halos sa buong school, mayroong mga dyaryo. Nang makaakyat ako sa classroom namin, kakaunti palang ang nandito. Walang nakapansing pumasok na pala ako, kanya-kanya sila ng chika. Isinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog nalang ng mga kanta ng Luck Life.
Luck Life. Isang banda mula sa Japan. Jpop for common term. Sila ang responsable sa magagandang ending songs ng anime na Bungou Stray Dogs.
Wala ako sa mood ngayong alamin kung ano mang mayroon sa school namin. Obviously, dahil sa mga nakakalat na mga newspaper sa daan, mga maiingay na estudyante, something's up.
Bigla nalang may humigit ng earphones ko sa magkabilang tainga kaya lumingon ako para tingnan kung sino 'yon.
Sinamaan ko ng tingin si Zen at binawi sa kanya ang earphones ko. Ang seryoso ng mukha niya-halatang beast mode ulit. Well, sorry. Pareho kaming wala sa mood kaya hindi ko maie-entertain kung anumang gusto niya sa 'kin.
Ikakasabit ko sana ulit ang earphones sa tainga ko pero hinampas ni Zen ng newspaper ang mukha ko.
"What the fu—?!"
"Read this," wika niya at inilapag sa desk ko ang newspaper na pinanghampas niya sa 'kin.
Phantom Detective is Actually a Thief! ang nakalagay sa headline. Oh... 'yung issue kagabi sa mansion nila Kentonni.
"You knew my identity. Defend me against them."
Sinasabi niya bang ireveal ko ang identity niya sa lahat at sabihin sa buong city na mabuti siyang tao?
"Are you stupid?" sabi ko at inirapan siya. "Oh sorry. It was so rude of me to phrase it as a question. You are stupid!"

Comentário do Livro (141)

  • avatar
    Queen04

    Highly recommended po!

    19/06/2022

      1
  • avatar
    Liza P Millan

    so pretty story

    23/08

      0
  • avatar
    Dela TorreElizer

    can i get a 1 million

    26/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes