Página Inicial/Stallion Riding Club batch 4 part2/
Chapter 2
ROZEN PLACED THE back of his hand over his nose and walked out. Nagpamaywang lang si Ada nang sundan ito ng tingin. “Hmp! Akala mo naman kung sinong napakabango ng utot. E pare-pareho lang naman tayong mababaho ang—“ Nagtaka siya nang makitang bumuway ang paglalakad ni Rozen. Kung hindi nga nito naitukod ang mga kamay sa salaming pinto ng Guesthouse ay baka tuluyan na itong natumba. “Grabe naman!” Sininghot-singhot niya ang paligid. “Wala namang amoy ang inilabas ko, ah…” Napasinghap na siya nang tuluyang mapalugmok sa sahig ang lalaki. Mabilis na niya itong nilapitan. “Sir! Naku, Sir! Huwag kayong mamamatay! Ang OA ng magiging kamatayan mo—“ “Shut up.” “Ay! Buhay ka pa! Sandali lang, Sir! Tatawag ako ng tulong—“ “Don’t…” Pinigilan siya nito sa braso. “Bother.” Napatingin siya mukha nito. He looked like he was really in pain. Alam niyang napaka-imposibleng ang masamang hangin na ibinuga niya ang dahilan ng ipinagkaganito nito, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala at makunsensiya. “Sir, kasi kailangan ninyong madala sa ospital. O sa clinic man lang…” Nakita niyang iniipit nito ang tiyan at may mga munting butil na ng pawis na namumuo sa mukha nito. “Dito lang kayo, Sir. Tatawagan ko ang clinic—“ “I said don’t bother.” “Sir, nag-iipon ako ng rewards points ngayon para may maganda akong regalo sa Pasko, kaya huwag ninyo akong piliting magmura dahil sa katigasan ng ulo mo. Ayokong ma-badshot kay Lord.” Binawi niya ang braso niya rito. “At wala akong balak na makakita ng mamamatay sa harap ko.” Hinayaan na niya ito at nagmamadali ng tumawag ng medical assistant sa clinic ng Stallion Riding Club. Maaasahan naman ang clinic na iyon dahil naroon si Dr. Kester Mondragon. Habang hinihintay na may dumampot sa kabilang linya ay napalingon uli siya sa kinaroroonan ni Rozen Aldeguer. Hindi siya sanay na makita ang pinaka-antipatikong miyembro ng SRC na nasa ganong ayos. 'Anong nangyari sa kanya? Talaga bang ganon katindi ang amoy ng utot ko?' Sa wakas ay may sumagot na rin sa kabilang linya. “Hello! Puwedeng magpadala kayo agad ng medical staffs dito sa Guesthouse lobby? Si Sir Roz kasi…” Nakita niyang tumayo na ang lalaki kahit hindi pa rin steady ang mga kilos nito. “Mamamatay na. Please hurry up!” Ibinagsak na niya ang telepono saka mabilis na dinaluhan ang lalaki nang makitang pabagsak na naman ang katawan nito sa sahig. Tamang-tama lang ang dating niya kaya nasalo niya ito. Ang kaso, sa laki nito at bigat ay nawala siya ng panimbang kaya siya tuloy ang napahiga sa sahig. She closed her eyes and waited for his body to came crashing down on her. Nang wala naman siyang naramdamang pagdurog ng kanyang mga buto ay iminulat na niya ang kanyang mga mata. Sinalubong siya ng guwapong mukha ng batang mayor, nakakubabaw ito sa kanya at nakatukod ang mga braso nito ngayon sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. And she didn’t know why but she just found herself staring at that handsome face of his. Dati pa niyang alam na lahat ng member ng SRC ay may mga itsura. Walang itatapon, wika nga ng isang babaeng guest na narinig niyang minsan na pinag-uusapan ang mga club members. She wasn’t particularly aware of those. Basta ang tingin niya sa mga iyon ay ‘generally goodlooking’. Nagbabago lang ang tingin niya sa mga ito kapag nakakausap niya. Dahil para sa kanya, mas umaangat at nagiging exceptional ang kaguwapuhan ng isang lalaki kung mabait ito. Pero ngayon, habang patuloy na pinagmamasdan ang mukhang iyon ni Rozen Aldeguer, parang mas lalo pa itong nagiging guwapo sa paningin niya. Those eyes…that nose…those oh-so-damn-sexy lips… “What’s going on?” Napalingon siya sa nagsalita. “Jigger!” Muli siyang bumaling kay Rozen na nakatitig pa rin sa kanya. Itinulak niya ito nang mapansin niyang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya. Agad namang bumagsak sa sahig ang lalaki saka siya tumayo at inayos ang sarili. “Sir Jigger, wala kaming ginagawang masama. Ano lang, ahm…tinutulungan ko lang siya tapos bigla na lang siyang bumagsak. Tapos sinalo ko siya tapos bumagsak na lang din kami uli sa sahig tapos—“ “Rozen, are you alright?” Napakamot na lang siya ng ulo. Nginangatngat pa rin kasi siya ng kanyang kunsensiya lalo na at alam niyang siya ang may kasalanan ng tila pagkahilo ni Rozen. Kung hindi siya kinabagan at… “Call some help,” utos sa kanya ni Jigger nang inspeksyunin nito ang kasamahan. “Hurry up.” “Nakatawag na ako, Sir Jigger. Parating na rin siguro sila…” Nakita niyang napapangiwi na si Rozen at doon lang din niya napansin ang tila pagpipiga nito sa tiyan. “Okay lang ba siya, Sir?” Hindi na nasagot pa ang tanong niya dahil dumating na ang mga tauhan ng clinic pati na ang resident doctor ng Stallion Riding Club na si Kester. Agad nitong inasikaso si Rozen. “Hindi ka na naman ba kumain, Roz? Anak ka talaga ng pating! Ilang beses ko ng sinabi sa iyong hindi ka puwedeng malilipasan ng gutom dahil mahina ang sikmura mo.” “His stomach again?” tanong ni Jigger. Tila alam na rin nito ang nangyayari sa lalaki. “Roz, alam mo, hindi ganito magpakamatay.” “We should get him to the clinic.” “I’m fine…” Pinilit ni Rozen na tumayo. “Kailangan ko lang magpahinga.” “Oo. Pero doon ka sa clinic magpapahinga.” “No…” “Roz, I’m the doctor here. Ako ang magsasabi kung okay ka o hindi. And I say you’re not okay.” Sinenyasan na nito ang mga tauhan. “Let’s go.” Habang inaasikaso ang pagdadala kay Rozen sa clinic ay pinapanood lang niya ang mga pangyayari. He was already lying on the stretcher when he turned to her. “Buksan mo ang mga bintana pag-alis namin,” wika nito. “Para makalabas ang masamang hangin na inilabas…ng mga butiki.”
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 23 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (116)
RoldanAnthony
ellow IM diamond 💎
22/10
0
Sonia Azucena
thanks again writer ☺️☺️☺️,,,, it's nice story !!!
ellow IM diamond 💎
22/10
0thanks again writer ☺️☺️☺️,,,, it's nice story !!!
31/05/2025
0Ganda bokkkk
04/05/2025
0Ver Todos