logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Stallion Riding Club batch 4 part2

Stallion Riding Club batch 4 part2

Sonia Francesca


ROZEN ALDEGUER

ROZEN ALDEGUER
Sonia Francesca
Teaser#
Tahimik ang gabi ni Ada habang pinapangarap ang kanyang ultimate crush na si Jigger Samaniego at inaalala ang nagrereklamo niyang tiyan. Nang bigla na lang itong sumulpot sa harap niya. Okay na sana kung hindi lang umeksena ang kasama nitong si Rozen Aldeguer, ang pinaka-oportunistang miyembro ng Stallion Riding Club.
Palibhasa ay hindi siya mayaman at wala rin itong mapapala sa kanya kaya agad siya nitong sinungitan. Nang iwan sila ni Jigger ay nagparamdam ang kanyang tiyan at nagpakawala siya ng ‘air pollution’. Hinimatay si Rozen. Napilitan tuloy siyang magpakabait dito at inalagaan ito dahil malaki ang naging kasalanan niya rito.
Then she discovered Rozen’s other side. His more…lovable side. Uy, lovable daw, o. Ibig bang sabihin ay handa na rin siyang kalimutan ang pagsinta niya kay Jigger para sa lalaking una niyang isinumpa?
*********************************************
CHAPTER 1
“ARAY…” NAGREREKLAMO na naman ang tiyan ni Ada. Hindi tuloy siya makatayo nang maigi sa kinauupuan. Naparami kasi ang kain niya kanina kaya ngayon ay parang nagwawala na sa kabusugan ang kanyang tiyan. “I really need to watch my diet…oh, what the heck! Gusto kong kumain at masarap kumain! Walang diet-diet! Lintik!” Kumulo na naman ang kanyang tiyan. “Aray…”
She didn’t need to go the bathroom. Talaga lang parang may hangin ang kanyang tiyan na hindi niya maintindihan. Basta. Kailangan lang siguro niya ng pahinga. Ewan kung may kuneksyon iyon sa pagwawala ng kanyang tiyan.
“Wala, eh. Parang maganda lang pakinggan na kailangan ko lang magpahinga.” Napangisi siya sa sarili niyang iniispip.
Ganito yata ang mga nangyayari sa mga nightshift employees ng Stallion Guesthouse. Since walang kasama at napakatahimik ng paligid, kailangang mag-improvise ng topic para sa sarili at nang hindi antukin. Para na rin hindi siya masiraan ng bait dahil wala nga siyang makausap. Siya ang toka ngayon sa reception area ng Stallion Guesthouse kung saan tumutuloy ang mga bisita ng Stallion Riding Club. Ang mga members naman kasi, na exclusive lang para sa mga lalaki, ay may kanya-kanyang sariling bahay sa Stallion Estate. May mga pinapayagan ang SRC owner na mga kumpanya na gustong mag-conduct ng conventions at conferences doon at sa Stallion Guesthouse nga tumutuloy ang mga iyon. Pero kung tulad ngayong katatapos lang ng isang company convention, tahimik na tahimik ang buong Guesthouse. Although may ibang guests pa roon, iba pa rin talaga kapag may mga kumpnayang nagsasagawa ng mga activities doon. Marami kasi siyang nakikilala at may mga tao siyang nakakakuwentuhan kahti sa mga alanganing oras.
Hindi tulad ngayon. Nangalumbaba siya sa reception’s desk. “Hay…I miss Picka-Picka.”
She smiled as she remembered her short but memorable stint as a souvenir shop personnel. Ayaw kasi niyang magbakasyon noon dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho bilang receptionist ng Stallion Guesthouse. Kaya ang kanyang manager na si Yoanna ay binigyan na siya ng forced vacation. Baka raw kasi ma-burnout na siya at hindi na makapagtrabaho pa ng maayos ang pinakamagaling nitong receptionist. Pero dahil nga adik siya sa trabaho, nakakuha siya ng paraan na manatili sa Stallion Riding Club at makapagtrabaho kahit sa kanyang bakasyon. Doon nga iyon sa Picka-Picka. There she met a lot of people. Kasama na ang kanyang ultimate crush.
“Hay…Jigger Samaniego…”
Kinikilig na naman siya. Sayang at hindi na niya ito makakatabi uli at masisinghot ang bango gaya ng nagagawa niya sa tuwing napapadaan ito sa Picka-Picka para bumili ng kung ano-ano. Kahit hindi ito nakikipagkuwentuhan sa kanya, okay lang naman, eh. Kuntento na siyang nakikita ito sa malapitan at naririnig ang boses nito. E, ngayong balik trabaho na siya sa Stallion Guesthouse, wala na rin siyang guwapong Jigger na makikita. Lalo na at nightshift pa siya.
She walked out of the reception area and walked into the deserted lobby. Maganda na rin kahit paano ang pakiramdam ng kanyang tiyan. Mag-aala una na ng madaling. Hinubad niya ang kanyang sapatos at nagpalakad-lakad doon habang inaalala ang guwapong mukha ng kanyang crush.
“Jigger…Jigger…I—“
“Yes?”
“Ay, kabayo!” Napaatras siya nang marinig ang biglang nagsalitang iyon. At muntik na siyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan nang makita kung sino ang nakatayo na ngayon sa harap niya. “S-Sir Jigger!”
“Yes.”
'Oh, my God!' tili niya sa isip. “Ahm…n-naingayan ho ba kayo sa akin? Pasensiya na.”
“Hindi naman.”
“Pero ako naingayan,” singit ng lalaking nasa likuran nito. It was Mayor Rozen Aldeguer, another Stallion Riding Club member. He was holding a cellphone against his ear. “Hindi kami magkaintindihan ng kausap kaya puwede bang huwag na munang magsalita? This is a very important business transaction we’re discussing. Kapag nabulilyaso ito, idedemanda kita at sisiguruhin kong mabubulok ka sa kulungan.”
'Wala akong pakialam sa iyo!' “Pasensya na, Sir Jigger. Hindi na ako mag-iingay.”
“Okay lang.” Dumiretso na ito patungong elevator. “Roz, sasama ka pa ba?”
“Ikaw na lang, Jigger. Kaya mo na iyan. Dito na lang siguro ako maghihintay.”
“Why don’t you eat first? Mukhang hindi ka pa yata nakakapag-dinner.”
“I’m fine.”
Napailing na lang ang kanyang sinisinta. “Or better yet, bakit hindi mo muna pakainin iyang cellphone mo? Maghapon na iyang nagtatrabaho sa iyo, ah. Maawa ka naman diyan.”
“Don’t mind us. Kausapin mo na lang kung sino man ang gusto mong kausapin dito sa Guesthouse. And then we can talk about ‘our’ business.”
“Hayok ka talaga sa negosyo kahit kailan.”
Tuluyan ng pumasok ng elevator si Jigger. Hanggang sa mawala ito sa paningin niya ay hindi niya ito nilubayan. Hindi na rin mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi. She couldn’t believe God had given her an early Christmas gift in the form of Jigger Samaniego himself! Magpapakabait pa siya nang husto. Para sa Christmas day mismo, isang hot kiss mula kay Jigger ang matanggap niyang regalo.
“Saya!” impit niyang tili. Nilingon niya ang batang mayor ng Sta. Barbara, Laguna na abala pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone nito. “Sir, do you want something? Coffee? Juice?”
Tila wala itong narinig. Nagkibit lang siya ng balikat saka binalikan ang kanyang sapatos na nakakalat pa sa gitna ng carpeted floor.
“Kung ayaw mong mamansin e di huwag,” bulong niya. “Ang importante nag-offer ako. Dagdag points na rin iyon para mas lalo akong lumakas kay Lord.”
Subalit pagdampot na pagdampot niya ng kanyang sapatos ay bigla na lang may ingay na sumabog sa katahimikan ng lobby. Sa ikalawang pagkakataon, parang gusto na naman niyang lumubog sa kahihiyan. Dahil siya ang may sala sa ingay na iyon. She just farted! Nakita niyang unti-unting lumingon sa kanya ang nakakunot noong si Rozen. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito, halatang hindi makapaniwala sa narinig na ingay na iyon. Wala na tuloy siyang magawa kundi ngumiti na lang ng alanganin.
“Ehe…grabe talaga ang katahimikan dito, ano, Sir?” mahina niyang palusot. “Pati tuloy utot ng butiki naririnig.”

Comentário do Livro (116)

  • avatar
    RoldanAnthony

    ellow IM diamond 💎

    22/10

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks again writer ☺️☺️☺️,,,, it's nice story !!!

    31/05/2025

      0
  • avatar
    AdamiLucius

    Ganda bokkkk

    04/05/2025

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes