logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 7

Walang klase dahilan na maingay ang buong classroom. Nasa meeting kasi lahat ng mga Professors kasama ang mga student councils at club officers para pag-usapan ang nalalapit na Foundation Week. Halos lahat ng mga kaklase ko, excited na sila. Hindi dahil sa nalalapit na Foundation Week, kundi walang iiwan na mga projects at assignments sa 'min ang aming mga Professor para makapagfocus ang lahat ng studyante sa kanilang sasalihang mga sports at sa mga naaassign bawat booths.
Napagdesisyonan kong umidlip muna at ipagpahinga ang isip ko. Maraming bumagabag sa 'kin dahilan na hindi ako makapag-isip ng maayos nitong mga nakaraang araw. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari doon sa bakanteng lote, ang itinapon na bangkay na nakasilid sa isang sako, at ang paglitaw ng isang estranghero na nag-iiba ang kulay ng mga mata nito.
Simula nang dalhin ako ni Averill sa isang shaman ay patuloy ang paglitaw ng mga hiwaga at mysteryo sa buhay ko. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin 'to. Ayon sa mga napapaginipan ko, parang may connection ito sa nakaraan kong buhay pero hindi ko maintindihan. Ang taong patay na ay kailanman hindi na maaaring ipanganak ulit at mabuhay dahil babalik na ito sa pagiging abo. Diyos ko... tulungan mo kong mabalik sa katinuan. Parang tuluyan na akong masisiraan ng bait dahil sa mga mysteryong nakapaligid sa 'kin.
Hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog. Mahigit na dalawang oras akong nakatulog sa loob ng classroom. Buti hindi pumasok si Professor Galvez na isa sa pinakaterror namin na propesor.
Naalimpungatan ako sa pagyugyog ni Via sa aking balikat dahil dumating na daw ang isang member ng Club Officer at isang Student Council na naatasan na magpaalam sa amin tungkol sa nalalapit na Foundation Week.
"The Foundation week will be two weeks from now..." pahayag ng Student Council na nasa harap, "The assigned booth for your section is Horror Booth. Alam naming malayo pa ang Halloween pero ang boring naman ng Foundation Week natin kung 'di man lang natin dagdagan ng konting thrill, 'di ba?" dagdag pa nito nang may malapad na ngiti, parang aliw na aliw pa sya sa naging plano nila.
Umagree naman ang mga kaklase ko dahilan na umingay ang buong classroom. Dala na rin siguro ng excitement kaya halos mapatalon na yung iba sa sobrang saya.
"Sa inyo ko na i-aasa itong booth, ah. Make it more terrifying as if totoong mga multo o nilalang ang nasa loob ng booth. I want you to make a maze, in order for them na makalabas sa booth ay kailangan hahanapin muna nila ang exit ng maze. At sa kanilang paghahanap, syempre dapat magselect na rin kayo mga taong pwedeng maging multo or whatsoever. Depende sa ideas nyo. Okay?" suhestiyon naman ng isa sa member ng Club Officer.
"Ako! Willing ako maging multo! Hihilain ko mga paa nyoooOooo—" sigaw pa ng kaklase kong lalaki.
Nagsigawan naman ang iba kong kaklase nang sinubukan ni Jerum mag-ala zombie kung maglakad. I can't stand with this people—
"Quiet! Hindi pa kami tapos. Alam kong na-eexcite kayo kaya pigilan nyo muna..." sabi at sabay tumawa pa ang member ng Club Officer, "For those students na gustong sumali ng Club, approach nyo lang ako. Nasa Room 50 lang kami ng Medicine Department..." dagdag nya pa.
"And by the way, may bagong club tayo. Fotell Club, which means Fortune Telling Club. We hired professional fortune tellers just for this one kaya no need na may maassign na students sa club na 'to. I-visit nyo nalang yung club sa darating sa Foundation Week. See you there!" pahayag naman ng Student Council.
That was weird. Naghire pa talaga sila ng Fortune Tellers, ah.
Pagkatapos 'yon sabihin ng isang member ng Student Council ay lumabas na rin sila ng classroom. Agad namang umingay ang mga kaklase ko at nag-usap usap kung ano nga ba ang magandang ideya para mas lalong katakot-takot kuno ang booth namin. Kung tutuusin mas nakakatakot ang panaginip ko.
"Gosh! Narinig nyo 'yon? Tingin ko masaya ang Foundation Week natin this year. May mga bagong pasabog, e..." bakas sa mukha ni Via ang pagkasabik, "Wait, I'll buy you some refreshments." pagpaalam ni Via. Tumango lang ako saka sya umalis. Hindi na talaga sya nauubusan ng energy.
I don't feel like celebrating now. Gusto ko ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko, pero alam ko naman na kahit may alam si Averill ay hindi nya pa rin sasabihin sa akin ang totoo. Tumayo na lang ako at hinagilap ang bag ko. Nilagay ko 'yon sa upuan na nasa likod ko since wala namang nakaupo do'n.
"Your bag? I put it here..." Tinuro ni Averill ang bag ko na nasa upuan nya. "Paano kung ninakaw 'to? Kung saan saan mo nalang iniiwan yang gamit mo. You are not on yourself this past few days. May bumagabag ba sa 'yo, Merrin?" natigilan ako sa tanong ni Averill.
Naalala ko na kaya nga pala ako lumabas ng apartment dahil hinanap ko sya pero hindi ko inasahan na gano'n nalang ang mangyayari. Hindi ko alam kung saan ko sya unang hanapin. Lumabas lamang ito ng apartment nang hindi man lang ito mahilig magpaalam sa akin.
"Sa'n ka no'ng gabing 'yon, Averill?" tanong ko sa kanya.
She gave me a blank expression and stared like 'you-don't-need-to-knowʼ look. Hinilot ko ang sintido ko. Alam ko naman na hindi ito sasagot. Ba't pa nga ba ako nag-abalang magtanong?
"I'll tell you later. Alam kong may nangyari no'ng gabing 'yon, Merrin. Hinintay ko lang na ikaw mismo ang mag-open up sa 'kin—"
"Seriously? Alam mo naman pala, e. Alam mo naman na matagal na 'kong naghanap ng kasagutan. Averill, you know my struggles. Alam mo tungkol sa mga panaginip ko, tungkol sa Dream Catcher, sa shaman at sa ibang mysteryosong bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon. Pero—" napasapo ako sa noo ko at kumawala ng isang buntong-hininga.
Gusto kong sumabog sa galit pero kinokontrol ko ang sarili ko. Kahit papano ay kaibigan ko pa rin naman si Averill.
"I need some time. Ju-s...Ugh! J-Just please don't talk to me for now." huminga ako ng malalim saka iniwasan ang kanyang mga titig. I'm upset. Literally upset.
Dumating si Via at inabutan kami ng strawberry juice na binili nya sa canteen. Nililibre nya kami ngayon, ibig sabihin may magandang nangyari sa araw nya. Napansin ata nito na hindi kami nagkikibuan ni Averill kaya kinuha nya ang mga kamay namin at nilingkis sa kanyang magkabilang braso.
"May nangyari ba?" Palingon-lingon sya sa 'ming dalawa pero pareho lang kaming umiwas ng tingin ni Averill. Ganito lagi ang ginagawa ni Via 'pag nagkasagutan kami ni Averill sa isang bagay. Laging sya ang naghahanap ng paraan na magkaayos kami, pero si Averill ang laging may mataas na pride kaya hinayaan ko nalang minsan na sya ang maunang kumausap sa 'kin.
"Here you go again, fighting over a small thing. Ano na naman ang dahilan at ayaw nyong magsalitang dalawa?" Kumalas si Via sa pagkakalingkis sa mga braso namin at nakapameywang na humarap sa 'min. Bumuntong-hininga lang ako at kinamot ang noo. I don't have anything to say.
"I already told you na sasabihin ko mamaya—" naunang magsalita si Averill.
"Marami ka nang tinatago sa 'kin, Averill. Aasa pa ba ako na ipapaliwanag mo sa 'kin ang lahat?" wala sa gana kong usal sa kanya.
"Aba! Anong tinatago mo, Averill ah? Wala akong—O-Okay, sabi ko nga. Tatahimik na ako—" Napalunok si Via sa mga matatalim na titig ni Averill sa kanya.
"S-Samahan nyo nalang akong dalawa sa soccer field. Nagpapractice sila S-Saffron ngayon, baka gusto nyong manuod?" sabi ni Via nang nakanguso. Nilingkis nya ulit ang magkabila nyang braso sa braso naming dalawa ni Averill saka kami pinaghihila palabas ng room. Wala ako sa mood pero ayoko naman idamay si Via sa pagkainis ko kay Averill.
———
"WOOOOOOOOOHHHHH! SAFFROOOOOOOOON! GO SAFFROOOOOOOOON! ANG GWAPO MO TALAGAAAAAA!"
Paulit-ulit na sigaw ng mga studyante rito sa benchers. Pati mga lalaki na mga studyante nakikisigaw na rin dahil sa galing ng mga players. Syempre highlight na rin do'n ang laro ni Saffron. He's gorgeous. No lies—
"GALING YANG STATES, E. SA PAGKAKAALAM KO VARSITY DIN SYA NUNG HIGH SCHOOL SYA. NO WONDER KUNG BAKIT ANG GALING NYANG MAGLARO— WOOOOOOOOHHHHHHHHHH! I LOVE YOU NA SAFFRON!" sigaw ng babaeng nasa likod namin sa katabi nya. Kaibigan nya ata.
"Grabe naman 'yan! Alam na alam pati high school days ni Saffron. Geez" umirap pa si Via nang marinig ang sigaw ng babaeng nasa likod namin. Tama nga naman, sobrang obsess naman kung pati background kailangan talagang alamin.
Biglang may kumalabit kay Via dahilan na napalingon din ako, "Excuse me, miss? May sinasabi ka ba?" tanong nito.
"Wala. Why?" tipid na sagot ni Via sa babaeng kumalabit sa kanya.
"Oh! It was like you're inggit kasi—"
" 'Wag ka sumakay ng taxi ngayon, aatakihin sa puso ang driver at 'yon ang magiging dahilan kung ba't kayo maaaksidente. Mamamatay ka..." putol na wika ni Averill sa babaeng akala mo hinila ng sinulid ang kilay na nakataas.
"You're such a weirdo! Pwede kitang kasuhan sa mga sinasabi mo! I'll call my dad to sue you!" sagot nito na animo'y nagdial pa talaga sa cellphone nya pero nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Averill. Hinablot nya ang cellphone nito dahilan na nahulog ito at naapakan ng mga studyanteng nagpatalon-talon dahil sa laro.
"A-Averill..." bulong ko sa kanya. Tinitigan ko sya at nangunot ang noo ko, napatanong ako sa isip ko kung ba't nya 'yon ginawa?
"Kumulo dugo ko, e. Pasensya—" yan lang ang tanging usal nya saka ibinalik ang tingin nya sa field. Napapikit na lamang ako sa eksena na ginawa nya habang si Via naman ay napaismid na tila ba natawa pa dahil sa nangyari sa cellphone no'ng babae.
"Averill, sabi mo mamamatay sya?" pansin kong nabigla si Averill sa tanong ko pero hindi nya lang ito pinahalata.
"Yes, nabasa ko ito nang tinitigan ko ang mga mata nya. Sinabi ko na agad para matakot sya at tigilan na nya si Via." diretso nitong sagot.
"Hindi ba't parang ang rude naman no'n?" pabalik kong tanong sa sinabi nya.
"Nakita ko naman talaga. Hindi ko na kailangang magsinungaling. A-Akala ko ba ayaw mo kong kausapin ka. Why a sudden change of mind?" Naka-smirk pa sya habang sinabi ang mga katagang iyon. Bakas sa tono nito ang panunuya.
"I'm just clarifying things. I'm curious. Hindi ko lang mahintay na sabihin mo sa 'kin ang lahat kaya kumuha lang ako ng konting impormasyon to ease this curiosity of mine." umirap nalang ako sa kanya at kailanman ay hindi na ako nagsalita.
Itinuon ko nalang ang sarili ko sa mga naglalaro sa field. They're good actually pero hindi lang talaga ako masyadong interested sa ball games.
———
Pababa na kami ng benchers nang masulyapan ni Via ang kinaroroonan nila Saffron at ng mga barkada nito. Napansin kong pamilyar ang mukha ng isa pero binalewala ko nalang kasi baka kamukha nya lang 'yon. Lumingon ito sa kinatatayuan namin dahilan na halos maglupasay na sa kilig si Via.
"OMG! OMG! Ito na chance natin. Girl Power!" sabi pa nito.
"Via, let's go home. Namamaos na boses ko pero ikaw ang energetic mo pa." mahinang boses na pag-aaya ni Averill. Seriously? Naka-fierce lang yung mukha nya kanina pagkatapos nyang gumawa ng eksena dahil do'n sa babae, namaos pa sya?
"Nakatuon din ako sa game, ah." depensa pa nito. She can read my mind?
Hindi na ako kumibo at matipid na ngumiti sa pagwawala ni Via. Napansin kong papalapit ang grupo ni Saffron sa 'min pero nanatili lang akong kalmado. Habang si Via halos himatayin na at pinagpapalo na si Averill.
"Hi." bati ni Eiro.
I know him. Sya yung tumulong sa 'kin no'ng may nagpakita sa 'king lalaki na nakaitim. Hindi ko rin makalimutan ang nangyayari nung oras na 'yon. Mistulang tumigil ang oras nang panahon na 'yon at tinulungan nya pa akong makatayo. Ang pagpapakita nya ang sya namang pag-alis ng lalaking nakaitim. May koneksyon kaya 'yon sa kanya?
Tila natameme si Via at nakatitig lamang ito sa tatlo habang si Averill naman ay nakipagtitigan sa mga ito. Something is wrong.
"Let's go. Marami pa akong gagawin. Kung gusto nyo pang magstay rito, then mauuna na ako." walang pagdadalawang isip na tumalikod si Averill at naglakad paalis pagkatapos nyang sabihin 'yon. Sumunod din ako dahilan na napatakbo si Via para sumunod sa 'min.
"Sayang naman..." nakasimangot pa na wika ni Via.
Hindi nalang ako umimik. Inoobserbahan ko ang bawat kilos ni Averill. She told me that she's going to tell me everything and I am looking forward to that. Hindi ko na kailangang magpanggap na balewala lang ang lahat dahil kahit anong pilit nila na itago sa akin ang mga nangyayari, kitang-kita ito ng dalawang mata ko ang mga mysteryosong bagay na nangyari sa 'kin. Kaya walang dahilan na magsinungaling sila at gawin akong parang tanga.
"Pag-usapan na natin 'yon, Averill. I need to know everything. I'm tired of playing dumb as if I didn't witness it with my own eyes—" It feels like I'm in a hurry to know the truth. Alam kong may tamang panahon para malaman ko ang totoo pero—
"You have Herrera's spirit." putol nya sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
Who's Herrera?
"You are her reincarnation..." dagdag nya pa.
Napanganga ako sa sinabi nya. Hindi ako naniniwala sa gano'ng bagay pero paanong—
"Nagbibiro ka ba?" natatanging salita na lumabas sa bibig ko.
"That spirit is cursed by underworld. Nakasilid 'yan sa isang orasa pero pinalaya ko iyon. Bakit? She was my closest friend. Sya ang natatanging nakakaintindi sa akin noong nasa Odrego palang ako. Pero pagkatapos syang ipapatay ng aking ina at ni Achuelys, nagngitngit ang galit ko. Kinamumuhian ko sila. Simula pa lang, alam kong iba na ang trato nila sa 'kin dahil nakikita ko ang hinaharap kung saan babagsak ang kaharian ng Odrego sa kamay ni Herrera. Tumakas ako at namuhay dito sa mundo nyo nang matapos kong pinalaya ang kaluluwa nya. Pinutol ko ang koneksyon ko sa alinmang Dreamers na naninirahan sa Odrego. Masaya ka na ba?" bakas sa mukha ni Averill ang galit. Habang ako...tila ba naubusan ako ng laway dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.
"B-Bakit ako?" parang umurong ang dila ko sa nalaman pero pinilit kong magsalita. Nalilito ako.
" 'Yan ang hindi ko alam, Merrin. Naghahanap rin ako ng kasagutan." Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay tinalikuran nya na ako.
"Merrin, a-anong pinagsasabi ni Averill? A-At anong—" bigla lamang bumagsak si Via at nawalan ng malay.
" 'Wag kang mag-alala. Magigising din ang kaibigan mo..."
Natigilan ako nang makita ko ang mukha ng lalaking bumuhat kay Via. Ipinasa nya ito sa kanyang kasama at naglakad naman na ito papaalis at muli nya akong hinarap.
"...Herrera."

Comentário do Livro (7)

  • avatar
    Ian Jake Recaa

    djdjcjfcisicicjfjcjdjjc

    09/04

      0
  • avatar
    CascayoAlwin D.

    wow

    27/01

      0
  • avatar
    NatinoMarisol

    I love your story🥰

    13/02/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes