logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6

Napapikit si Nych nang sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Napakaliwanag ng buwan sa pagkakataong ito, kaya hindi nya na iyon pinalampas at napagdesisyonang umakyat sa pinakatuktok na parte ng palasyo upang pagmasdan ito.
Tinatanaw nya ngayon ang kabuuang kaharian ng Odrego kahit na buwan lamang ang nagsisilbing liwanag ng buong kaharian. Maririnig din ang huni ng mga mababangis na ibon na nanggagaling sa kagubatan ng Regos. Nasa pinakatuktok ng bundok ang kinalalagyan ng palasyo at nasa paanang bahagi naman ng bundok ang kagubatan kaya di na kataka-taka kung rinig mula sa palasyo ang tunog ng mga ito.
Sa kanyang pagpapahinga, lumapit sa kanya ang isang kawan na tila ba may nais itong sabihin sa kanya. Itinaas nya ang kanyang kanang kamay, sensyales na ayaw nyang magpaabala ngunit parang napakaimportante ang sadya nito.
"Hindi mo ba ako naintindihan?..." may halong panunuya na wika nya.
"Ipagpaumanhin nyo po, Panginoon. Ngunit, may ipinadala pong liham ang Panginoong Achuelys." wika nito.
Iniabot ng kawal ang isang papyrus na may naglalamang liham galing sa Diyos ng Kadiliman, si Achuelys. Isang pinakamakapangyarihang Diyos sa kaharian ng Odrego, na kung saan walang sinumang ibang Diyos ang may gustong kalabanin ito dahil sa natataglay nitong kabangisan at itim na kapangyarihan. Ang kapangyarihan na kung saan kayang kontrolin nito ang lahat ng kasamaan. Kasamaan na dapat pigilan ngunit kabaliktaran ang kanyang hangarin, mas lalo nya itong pinapalaganap sa buong kaharian at maging sa mundo ng mga mortal.
Tinitigan muna ni Nych ng ilang segundo ang papyrus saka nya ito inabot. Nagtaka sya sa biglang pagpapadala nito sa kanya ng liham, hindi ugali ni Achuelys ang magpadala ng liham kung wala namang ganap sa palasyo. Binuklat nya ito pero kumunot ang kanyang noo nang mabasa ang nilalaman ng liham.
-
Ang isang sangang nagbubunga
Ay maaaring manatili.
Ngunit kung ang sanga na iyon ay namatay,
Maaari na itong putulin.
Gaya lamang ng buhay
Na kay sarap damhin.
Ngunit kung ito'y nagiging hadlang sa isang hangarin
Ay maaari itong kitilin.
Nakukuha mo ba ang ibig kong iparating, Panginoong Nych?
-
"May iba pa bang ipinapasabi ang Panginoong Achuelys?" tanong ni Nych sa kawal na syang nag-abot sa kanya ng liham.
"Bukod sa liham na pinaabot ng Panginoong Achuelys ay wala na pong iba, Panginoon." paliwanag nito.
"Kung gayon ay may ibig nga syang ipinaparating sa kanyang liham..." wika ni Nych sa kanyang sarili.
"Cairo," tawag ni Nych sa isang makisig na binata, nasa tindig nito ang liksi at katapangan. Si Cairo ang itinalagang kanang kamay ni Nych dahil sa taglay nitong husay sa pakikipagdigma. Sya na rin ang nagsilbing Punong Kawal sa kaharian ng Odrego kaya di na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lamang kalaki ang tiwala ni Nych kay Cairo.
"Po, Panginoon?" Nakayukod na tugon ng Punong Kawal na si Cairo.
"Magpadala ka ng liham sa Panginoong Achuelys. Iparating mo sa kanya na ibig ko syang imbitahan sa palasyo upang pag-usapan ang nilalaman ng liham na kanyang ipinadala sa akin." utos ni Nych sa Punong Kawal.
"Masusunod po, Panginoon." tugon ni Cairo sa Diyosa.
———
Tinatahak ngayon ni Morpheus ang daan papunta sa palasyo. Maaari man nyang gamitin ang kanyang kapangyarihan upang makarating agad ngunit mas pinili nya nalang maglakad at namnamin ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa buong Odrego. Sa hindi malaman na dahilan, tila ba hindi na sya nakaramdam ng saya. Labis ang kanyang pagkalungkot kahit wala naman syang ginawa na ikinalulungkot ng kanyang puso. Isinawalang-isip nya nalang ang lahat ng yo'n at nagpatuloy sa paglalakbay.
Nang makarating na sya sa bukana ng gubat ay biglang may sumagi sa isip nya, para bang ang ala-ala na 'yon ang syang dahilan ng kirot sa kanyang puso. Parang nung mga panahon na 'yon ay wala man lang syang laban kaya mas pinili nya lang magpaalipin sa nakakataas sa kanya. Maaari nga kayang nabura ang kanyang ala-ala nang mga panahon na 'yon?
Hindi na sya nagdalawang-isip na tahakin ang gubat. Naririnig nya ang mga huni ng mga mababangis na ibon na kasalukuyang namumugad doon. Tanging mga inaapakang tuyong dahon lamang ang kanyang nakikita sa masukal na daan pero wala lang iyon sa kanya dahil simula pa lamang ay alam nya nang madilim ang kanyang mundong gagalawan.
Pinagmasdan nya ang mga punong-kahoy na halos wala nang mga dahon.
Paano nga ba mabubuhay ang mga halaman kung wala naman silang nakagisnang araw? Napangiti na lamang sya sa kanyang naisip. Iniyuko nya na lang ang kanyang ulo at pinagmasdan ang kanyang bawat hakbang. Ngunit, sa kanyang pagyuko ay 'yon naman ang kinakunot ng kanyang noo at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.
Pinulot nya iyon at sinuri ng mabuti. Isa iyong kulay itim na balahibo, maaaring isa itong balahibo ng Strix. Ayon sa sinabi ni Nych no'ng puslit pa lamang sya, kapag may nalaglag na balahibo ng Strix ay nagpapahiwatig na may hinahabol itong isang ligaw na nilalang na hindi nanggagaling sa kanilang mundo. Hinahabol ito ng Strix sa pagkat ang tanging pagkain lamang nito ay laman at dugo ng isang mortal.
Ngunit ang paglaglag ng balahibo nito ay magandang balita sa kanilang kaharian. May kakayahan itong ipakita sa iyo ang taong matagal mo nang hinahanap o di kaya, ang taong matagal mo nang hinahangad na makasama sa pamamagitan ng paghawak nito.
Nabitiwan ito ni Morpheus nang may biglang may nakita syang isang pangitain. Nakumpirma nyang totoo nga ang balita tungkol sa paghawak ng balahibo ng Strix. Tila ba biglang nagngitngit ang kanyang puso sa kanyang nalaman. May isang babaeng hinabol sa gubat na ito, isang babaeng mortal na walang ibang ginawang kasalanan kundi ang umibig sa isang Diyos...
...na tulad nya.
Ngunit ang ikinabubuhay ng loob nya, nang sabihin nitong mabubuhay itong muli at ipaghiganti ang sarili laban sa isang Diyos na syang dahilan ng kanyang kamatayan.
———
"Ano ang iyong ibig ipahiwatig sa iyong liham?" Nakaupo sa kanyang trono ang Diyosa na si Nych habang nasa harap nya naman nakatayo ang isang pinakamakapangyarihang Diyos sa kaharian ng Odrego, si Achuelys.
"Isang hindi kapani-paniwalang balita at nakakapagtakang pangyayari..." Palakad-lakad sa harap na wika ni Achuelys.
"Bakit hindi mo nalang ako diretsohin, Achuelys? Mukha ba akong manghuhula sa iyong paningin?" may halong panunuyang wika ni Nych.
Ngumisi lamang ito at tinitigan ang isang orasa na nakasilid sa isang kuwadradong salamin, "Bukod kay Cairo, sino pa ang iyong pinagkatiwalaan sa palasyong ito?"
"Paano mo 'yan natanong, Achuelys? Ibig mo bang sabihin, may nagtaksil sa akin?" angil nya.
Lumiwanag ang mukha ni Achuelys sa sinabi ng Diyosa at tila ba nasisiyahan pa ito sa sinabi nito.
"Isa ka ring makapangyarihang Diyosa, Nych. Kaya, papaanong hindi mo man lang alam na ang kaluluwang nakasilid sa orasa na iyan ay nakawala na? Sa tingin mo, sino nga ba ang nagpakawala ng kaluluwang iyon?" Napatayo at nanlaki ang mga mata ni Nych sa sinabing iyon ni Achuelys. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ang bagay na dapat nilang bantayan ay wala na ito sa kamay nila.
"Ibig sabihin..."
Biglang bumukas ang pinto dahilan na napalingon ang lahat. Pumasok ang isang lalaking elegante kung ito ay manamit at may burdang balahibo sa may kanang dibdib nito. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan nila Nych at Achuelys.
"May naganap bang pagpupulong?" wika nito.
"Anong ginagawa ng Diyos ng Panaginip dito?" tanong ni Achuelys na may malapad na ngiti sa labi.
Napangiti naman si Morpheus nang maabutan ang dalawa. Iniisip nyang may biglaan atang pagpupulong at ni hindi man lang sya inimbita ng mga ito. Maaaring importante ang pinag-usapan ng mga ito, nababasa nya sa kanilang mga mata na tila may tinatago itong ahenda.
"Gusto ko lamang hingin ang inyong basbas..." wika nya.
Napakunot naman ang noo ng dalawang Panginoon na nasa kanyang harap. Alam nyang nagtataka ang mga ito kung anong basbas ang kanyang tinutukoy at ano nga ba ang kanyang sadya sa pagdalaw nya sa palasyo.
"Gusto kong dumayo sa mundo ng mga mortal..." dagdag nya.
Nagtaka sya nang biglang tumawa si Achuelys na tila ba parang isang biro ang kanyang katagang binitiwan.
"Bakit naisipan mong dumayo roon, Morpheus? May sarili ka na ngang isip at marunong ka nang magdesisyon para sa iyong sarili." wika ni Achuelys na tila nahiwagaan pa ito sa kanya.
"Hindi ba 'yan naman ang tungkulin natin? Nasa sapat na gulang na ako para gampanan ang tungkulin ko kaya't hinihingi ko ang inyong basbas." pag-uulit nya sa kanyang pakay.
Nakatitig lamang si Nych kay Morpheus. Tila sinusuri nito ang sinasabi ng binata pero ayon sa kanyang intuwisyon, nababasa nyang seryoso nga ang binata sa kanyang desisyon. Kaya bumaba sya sa trono at hinarap ang binata.
"Ibibigay ko sa iyo ang basbas..."
"...pero sa isang kondisyon, hindi ka maaaring makialam sa buhay ng mga mortal. Nagmamatyag lang ako sa 'yo mula rito sa kaharian, Morpheus. Kaya malalaman ko kung kailan mo ako balak talikuran. Hindi ko binigay sa iyo ang pagiging Diyos ng Panaginip para lang malinlang ka ng isang mortal. Naiintindihan mo ba ang aking sinasabi?" Mariin nyang tinitigan ang binata nang matapos nyang sabihin iyon. Wala naman syang nababasang kahit anong tanda ng pagtataksil kaya pinalampas nya ang gusto ng binata.
"Naiintindihan ko. Wala akong panahon para makipag-ugnay sa mga mortal kaya maaari mong ibigay ang tiwala mo sa akin, Nych." panatag at mahinahon nyang wika sa harap ng Diyosa.
"Hindi mo masasabing ibibigay ko sa iyo ang aking buong tiwala. Nagmamatyag lang ako sa iyong kinikilos, Morpheus." may halong panunuya itong ngumiti at tila ba binabasa ng Diyosa ang nasa isip ni Morpheus ngunit panatag syang hindi sya uugnay sa kung ano mang gawain ng mga mortal. May kailangan lamang syang alamin at hanapin na pilit tinatago sa kanya.
"Hindi ba't parang ako dapat ang hindi magtiwala sa inyong dalawa?" Bakas sa mukha ni Achuelys at Nych ang pagkagulat. Hindi nila inasahan na ganoon ang sasabihin ni Morpheus. Pakiramdam nila'y pinaghihinalaan sila nito.
"Binibiro ko lang kayo, masyado naman kayong seryoso. Paalam na't ako ay hahayo pa. Salamat sa iyong basbas, Panginoong Nych. Nawa'y magtagumpay ako sa aking paglalakbay." Ngumiti lamang sa dalawa si Morpheus ngunit nag-iwan sya ng matalim na titig sa Diyosa saka tumalikod.
Ang katotohanang kanyang hinahanap ang syang tumulak sa kanya na magsuri, alam nyang may kinalaman ang dalawang ito kaya nakalimutan nya ang nangyari sa araw na iyon. Hindi sya pwedeng magkamali at maging sunod-sunuran lamang, kailangan nyang kumilos at alamin ang katotohanan sa likod ng kamatayan ng isang mortal.
———
Kasalukuyang nasa harap ng isang unibersidad si Morpheus. Pagkarating nya sa mundo ng mga mortal ay nagtaka sya kung bakit dito sya dinala ng kanyang mga paa. Tila ba nag-aalab ang kanyang kapangyarihan at hinila sya sa lugar na ito. Namuo ang pagkalito sa kanyang isip pero natitiyak nyang may ibig itong iparating sa kanya. Ang disenyo nito ay hango sa Ancient Greek Architecture kaya nasiyahan na rin syang pagmasdan ang kabuuan ng building.
Mamaya pa ay may lumapit sa kanyang matandang lalaki na may dalang flashlight. Nakasuot ito ng puting uniporme pang-itaas at dark blue na slacks. Ito yata ang security guard ng unibersidad na nagbabantay dito.
"Magandang gabi po. Ano pong kailangan nila?" tanong nito sa kanya.
"Magandang gabi rin po. Wala lang po, pinagmasdan ko lang po ang university. Pansin ko kasi napaka-unique ng disenyo ng buildings e." tugon ko sa kanya.
"Ahh! Tama ka, iho. Sa pagkakaalam ko hango sa Ancient Greek yung disenyo e. Siguro mahilig sa greek yung may-ari nitong school. Sa pagkakaalam ko rin, doctor ang may-ari ng school na 'to kaya may bukod na building dyan para sa mga may gustong kumuha ng kursong Medisina." Nakangiti itong pinagmasdan ang unibersidad. Hindi nya akalain na makipag-kwentuhan ito sa kanya sa gitna ng duty nito. Maaaring sya lang ang mag-isa kaya tinitake nya na yung chance na makipag-usap sa ibang tao habang wala pa itong ginagawa.
"Gano'n po ba? Sya nga po pala, gano na kayo katagal nagtrabaho dito?" tanong ko sa kanya. Medyo may katandaan na rin ang gwardiyang 'to dahil sa nagsimula na ring pumuti ang mga buhok nito.
"25 years na akong nagtatrabaho rito, iho. Kailangan kasi para may pantustos sa pamilya. May anak din akong nag-aaral dito na nasa 4th year college na, kaya habang hindi pa sya nakagraduate ng kolehiyo ay hindi na rin muna ako titigil sa pagtatrabaho. Kahit yung tiyahin nya nagpapaaral sa kanya, gusto ko rin namang may maibigay ako sa anak ko at 'wag i-asa lahat sa kapatid ko." Makikita mo sa kanyang mata na ipinagmalaki nya ang anak nya sa kabila ng hirap ng buhay.
"Kung gano'n po, edi konting tiis nalang po makakagraduate na yung anak nyo." nakangiti ko ring sagot sa kanya. Napagtanto nyang ganito pala mamuhay ang isang mortal. Maaaring napakahirap na magtrabaho kahit may edad na ngunit kung para ito sa kanilang minamahal ay kaya nitong indain lahat ng hirap na naranasan. At 'yan ang hindi ko nagawa nung mga panahong tinawag nya ang pangalan ko ngunit nagpaalipin lang ako at piniling 'wag syang pakinggan, may halong pagsisisi na sabi ni Morpheus sa sarili.
Biglang nag-iba ang anyo ng guard na kanina lang ay nakangiti sa harap ni Morpheus. Ngayon, kaharap nya na ang isang lalaking nakasuot ng isang magarang kulay gintong damit at may hawak na tungkod na may  disenyo ng isang agila. Nararamdaman nyang kakaiba ang dalang presensya nito.
"Ang isang Diyos ay hindi kailanman maaaring makipag-ugnay sa mundo ng isang mortal, Morpheus. Kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin nang may kababaang loob." May halong diin ang mga katagang huling binanggit ito. Tila may ibig itong ipahiwatig at ipaintindi sa kanya.
"...Kung nandito ka sa mundo ng mga mortal upang hanapin ang taong nagkakaloob ng kaluluwa ni Herrera, mauulit lamang ang pangyayari. Maaari mong maipahamak ang isang inosenteng mortal na walang kaalam-alam sa mundong kinalakihan at ginagalawan mo." mahabang paliwanag nito.
"Sino ka? Paano mo nalaman ang lahat ng 'to?" nagtatakang tanong ni Morpheus. Napatanong sya sa kanyang isip kung sino ang taong 'to na may nalalaman tungkol sa kanyang hangarin tungo sa  katotohanan.
"Bibigyan kita ng dalawang buwan upang mahanap ang taong iyon. Ang dalawang buwan na iyan ay katumbas ng dalawang oras sa Olympus. Ngunit sa ngayon, susundin natin ang oras sa mundo ng mga mortal. Every second counts, Morpheus..." Hindi ito sinagot ang kanyang tanong at tuluyan na lamang naglaho sa hangin na parang bula.
Walang ibang magawa si Morpheus kundi ang mabagabag na lamang. Napatanong sya sa kanyang sarili kung bakit pa sya naging Diyos kung hindi nya man lang maitama ang pagkakamaling kanyang ginawa? Sinisisi ni Morpheus ang sarili kung bakit ngayon lamang sya naglakas ng loob na alamin ang katotohanan. Masyado pa syang walang muwang noong mga panahon na 'yon at hindi nya man lang namalayan ang delubyong maaaring makapagpahamak sa kanya sa huli.
Pati na rin ang buhay ng isang mortal na humangad ng isang normal na buhay sa kasalukuyan ngunit patuloy pa ring ginagambala ng mga nangyayari sa nakaraan.

Comentário do Livro (7)

  • avatar
    Ian Jake Recaa

    djdjcjfcisicicjfjcjdjjc

    09/04

      0
  • avatar
    CascayoAlwin D.

    wow

    27/01

      0
  • avatar
    NatinoMarisol

    I love your story🥰

    13/02/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes