logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

Bumungad ang isang puting kisame sa pagbukas ko ng aking mga mata. Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil na din sa masarap ang tulog ko at walang gumagambala sa'kin. Hindi tulad nang mga gabing dumadaan sa buhay ko na pinaparamdam sa akin ang takot dahil sa mga panaginip ko. Tingin ko'y ito na nga ang sinasabi na tulong ni Averill.
Tumayo ako sa pagkakahiga at nag-unat. Maliwanag na sa labas kahit alas sais palang ng umaga. Naririnig mula sa labas ang huni ng mga ibon na syang bumubungad sa 'tin sa pagsapit ng umaga. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin init ng kakasikat palang na araw.
Hinawi ko ang kurtina saka ko binuksan ang bintana. Bumungad sa akin ang sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Ito na yata ang pinakamagandang umaga ang naranasan ko sa buhay ko.
Napatingin ako sa Dream Catcher na nakasabit sa bintana. Napangiti ako habang pinaglaruan ang mga balahibo nito. Saglit lang ay napansin ko ang umitim na bahagi ng balahibo. Nasa labas naman ito ng bintana ko, siguro naipotan lang ito ng mga ibon na nagliliparan.
Binalewala ko nalang iyon saka tinungo ang pinto at lumabas. Tahimik ang buong apartment. Hindi na naman yata umuwi si Averill. Nadaanan ko ang kwarto nya pero nang kinatok ko ito ay walang sumasagot. Siguro nga wala talagang tao sa loob o baka lumabas lang ito saglit para bumili ng pang-almusal.
Bumaba ako ng hagdan at tinungo ko ang kusina para mag-init ng tubig. Gusto ko i-enjoy ang ganda ng umaga ko ngayon. Baka ito lang ang una at huli kong magandang umaga ang mararanasan ko.
Kumuha ako ng mug at nilagyan iyon ng powdered milk. Gusto ko sana magkape pero iwas iwas muna ako baka nerbyusin na ako, e.
Nang kumulo na ang mainit na tubig ay naglagay ako sa mug ko pero napapikit ako sa sakit. Nabuhusan lang naman ang kamay ko ng mainit na tubig. Hayst!
"Panira naman oh. Ang ganda na ng umaga ko e. Ang tanga mo naman, Merrin. Haaayst!" bulyaw ko sa sarili ko.
Inilapag ko nalang muna ang mug at bumalik akong kwarto para kumuha ng ointment upang magamot ang paso ko. Napakatanga ko talaga. Ako lang din ang sumisira ng araw ko e.
Maya maya pa ay biglang may kumatok sa main door. Baka bumalik na si Averill. Agad akong bumaba at pinagbuksan kung sino man ang kumatok.
Bumungad sa'kin ang nakangiting nakatayo sa pinto habang itinaas nito ang bitbit nyang supot.
"Saang lupalop ka na naman naggagala ah?" tanong ko sa kanya nang pumasok sya at sinarado ko na rin ang pinto.
"Bumili lang akong pansit. Miss na miss ko na kumain ng ganito e. Puro lang tayo de lata dito. Minsan kailangan na din ata nating magluto." Nakanguso nya pang sabi.
"Ako na magluluto. Di mo man lang ako ginising edi sana nakapaggrocery nalang din tayo." wika ko.
"Ang ganda ganda ng tulog mo, di nalang kita ginising baka mahampas mo pa ako. HAHAHAHA!" pabiro nyang tugon.
"Mas lalong mahahampas kita ngayon. Akala ko di ka na naman umuwi bruhilda ka." Umirap ako sa kanya saka ngumiti.
"HAHAHAHA! Kakain na nga lang tayo. Wag ka nalang magluto, bumili nalang din akong tinapay. Diet muna tayo, bess. Ramdam ko na yung bilbil ko. HAHAHAHAHA!" pabiro nyang wika.
Tumawa nalang din ako. Kahit kailan talaga napaka-echos ng babaeng 'to.
"Oo nga pala. Pansin kong medyo umitim yung balahibo ng Dream Catcher. Yung dulo lang naman. So, ibig bang sabihin nu'n ay may nagbalak na pumasok na negatibong enerhiya sa kwarto ko?" wika ko sa kanya habang naglalapag ako ng plato sa mesa.
Saglit lang syang natahimik at bumuntong hininga. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit lagi nalang gano'n ang reaksyon nya kapag nagtatanong ako tungkol sa napapansin kong pagbabagong nangyayari sa paligid ko.
"Oh? Meron ba? Kailan mo lang napansin?" Nakatalikod sya habang tinatanong nya ang mga katagang iyon.
Kumunot bahagya ang noo ko at isinandal ang mga kamay ko sa mesa.
"Kanina lang pagkagising ko, pero baka ipot lang yun ng ibon." Pagbabalewala ko kunwari sa pagdududa ko. Alam kong may nararamdaman sya pero hindi nya lang masabi sa'kin.
Saglit ulit syang natigilan sa ginagawa nya. Hindi man sya lumingon sa'kin ay alam kong may bumabagabag na sa kanya. Bakit kailangan mong magtago sa'kin Averill?
" 'Wag mo nang isipin yun. Ipot lang yun ng ibon." paulit kong sabi sa kanya.
Hangga't maaari, hindi ko dapat ipapahalata sa kanya na may gusto akong malaman. Alam kong ikakapahamak ito ng buhay ko dahil alam kong hindi isang ordinaryong nilalang ang kalaban namin.
"Kain na tayo." pag-anyaya nya saka ako nilingon at nilapag ang mga pinggan.
Hindi sya makatingin ng diretso sa 'kin kaya nararamdaman kong may tinatago nga sya.
"Umupo ka na. Baka lalamig na yung tinapay at pansit, Averill." wika ko saka ako naupo sa upuan na nasa tapat nya. Gusto kong pagmasdan ang bawat kilos nya. Napabuntong-hininga nalang ako sa ginagawa ko. Alam kong iisipin nya na parang wala akong tiwala sa kanya o baka iisipin kong tinatraydor nya ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang mga bagay na iyon.
"Ahh. Oo! HAHAHA! Muntik na to magkaubusan kanina e. Buti pala nakapagpareserve ako kay Aling Sita." wika nya habang nilalagyan nya ng pansit ang tinapay.
"Kaya pala ang aga mo lumabas ah. Akala ko maaga kana naman sa school." tugon ko sa kanya.
"Oo nga pala! Mamaya nga mauuna ako sa school kasi nagpapatawag ng meeting yung Student Council." pagpapaalam nya.
Isa kasi sya sa Chairwoman ng isa sa club ng school kaya kailangan nyang umattend ng meeting. May usap-usapan kasi sa campus na malapit-lapit na raw ang Foundation Day. Marahil ito ang paghahandaan nila ng mga Students Council at officers ng bawat club.
"So, yun nga HAHAHA! May time pa pala ako na magmuni-muni sa kwarto." wika ko sa kanya.
"Napakakupad mo pa naman. Baka pupunta ka ng school nang mga 2pm, ah. Lagot ka na naman kay Professor Galvez." Nakangiti nyang wika.
This isn't right. Pinagdududahan ko si Averill nang hindi man lang inaalam ang buong pangyayari. Kargo konsensya ko pa ata kung ganito ako lagi. Kailangan ko syang pagkatiwalaan dahil sya lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang dahilan sa likod ng mga panaginip ko.
"Bilisan mo dyan. Ako na maghuhugas ng pinggan." Tumayo na sya at nilagay nya sa sink ang kanyang pinggan. Binilisan ko naman tapusin ang akin at nang mahugasan nya na rin ang plato ko. Masyado ata akong abala sa pag-iisip ng kung ano-ano at pati kaibigan ko pinagdududahan ko.
Tahimik lang kaming kumain. Nang matapos ako ay nagpaalam ako kay Averill na papasok muna akong kwarto para ihanda ang mga gamit ko para sa klase mamaya. Binabagabag pa rin ako ng isip ko.
"Kung sino mang masamang nilalang ang magpupursigeng pumasok sa iyong silid ay malalaman mo dahil magkukulay itim ang mga balahibo nito..."
Bigla kong naalala ang bilin ng Ginang tungkol sa pag-itim ng balahibo sa Dream Catcher. Ibig sabihin ba nun may gustong pumasok sa silid ko? Sino naman 'yon kung gano'n? Konti lang naman yung umitim na bahagi ng balahibo so ibig pang sabihin no'n hindi gano'n kalakas ang pwersa nya na sirain ang depensa ng Dream Catcher.
"Mapapaisip nalang ako kung anong klaseng nilalang na naman ang gustong sumira sa pagkatao ko." pabulong kong wika sa sarili.
Isinarado ko na ang pinto ng apartment. Alas dose palang ng tanghali ay tinatahak ko na ang daan patungo sa University. Nagpaalam na kanina si Averill na mauuna na sya sa dahil may meeting sila kaya mag-isa akong nilalakad ang daan patungong iskinita ngayon. May mga bahay naman at konti lang din ang mga nakakasabay ko sa paglalakad kaya medyo tahimik ang paligid.
———
Nakayuko lang ako habang naglalakad. Ni hindi ko binabalingan ng tingin ang mga bahay na dinadaanan ko. Kung hindi ako nag-college, hindi ako mapapadpad sa lugar na ito. Kung hindi ako nag-college, wala akong matutuklasan tungkol sa sitwasyon ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang may mapansin akong nakaharang sa dinadaanan ko. Nakayuko pa rin ako kaya wala akong ideya kung sino ang taong ito. Isang pares ng itim na sapatos ang tumambad sa akin. Dahan dahan kong tinaas ang ulo ko at walang pag-aalinlangang tinitigan ang taong nasa harap ko.
Isang lalaking nakasuot ng itim na cap, itim na coat pati ang panloob na t-shirt nito, itim na pantalon at ang isang itim na pares ng sapatos. Nakayuko lang sya kaya hindi ko nakita ang mukha nya.
Bigla syang ngumisi kaya napakunot ang noo ko.
"S-Sino ka? A-Anong kailangan mo?" nanginginig na boses kong tanong sa kanya.
Napaatras nalang ako nang bigla syang humakbang patungo sa'kin. Mahigit isang metro lang ang layo namin sa isa't isa at ramdam na ramdam ko ang malakas na enerhiya galing sa kanya.
"A-Anong kailangan mo?" Patuloy pa rin ako sa pag-atras. Nagpalingon-lingon ako pero tila ba walang nakakapansin na may kakaiba nang nagaganap sa paligid nila. Tila tumigil ang oras at kami lang dalawa ang kumikilos ngayon.
Tumigil sya sa paghakbang at parang pinapakinggan nya ang kanyang paligid. Nilingon nya ang isang bakanteng lote na nasa kaliwang bahagi lamang ng aming kinatatayuan na napupuno ng nagtataasang mga talahib.
Pakiramdam ko ay hindi lang sya nag-iisa kundi marami sila. Napapalibutan na kaya nila ako? Wala akong matatakbuhan sa mga oras na 'to. Kahit humingi ako ng tulong, tila walang maririnig ang mga taong dumadaan lamang sa aming kinatatayuan.
He gritted his teeth as we hear the loud noise came from the vacant lot. Alam kong may ibang taong nakamatyag sa 'min.
Natumba ako sa kinatatayuan ko kaya naagaw ko ang atensyon ng lalaking nasa harap ko. Kahit anong oras ay pwede nya ako sunggaban pero hindi nya ginawa at bigla na lamang sya nawala sa paningin ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong wala na ang lalaking 'yon sa harap ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nagpakita sa'kin. Ano bang kailangan nila?
"Do you need a hand?"
Nakatulala pa rin akong nakaupo sa daan. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao basta ramdam ko pa rin ang panginginig at takot sa dibdib ko.
"Miss, ayos ka lang ba?" May kumaway sa harapan ko pero wala pa ring lumalabas sa bibig ko na kahit niisang salita man lang.
"Masyado ka bang tinakot ng lalaking 'yon at ganyan nalang naging reaksyon mo?" Napakamot pa sa ulo itong lalaking nasa harap ko.
Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay nabalik ako sa katinuan. Ibig nya bang sabihin, hindi lang ako ang nakakita sa lalaking 'yon?
"Nakita mo rin ba..."
"Ha? What do you mean?" tanong nya.
Napansin kong nakasuot sya ng uniporme na may nakatatak sa LMU sa kanang dibdib ng vest nya. Ibig sabihin, kapareho lang kami ng school na pinapasukan.
"I'm Eiro," Inilahad nya ang kanyang kamay habang nakangiti. Tiningnan ko lang ang kamay nya. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. May trust issue pa naman ako.
"And you are?" dagdag nya pa.
"M-Merrin. I'm Merrin," sagot ko sa kanya.
Napansin kong nakaupo pa rin ako kaya dali dali akong tumayo saka pinagpagan ang palda kong napupuno na ng alikabok. Ni hindi ko nga inabot ang kamay nyang kanina nya pa nilahad. Binawi nya na lamang iyon.
"Oh, same school pala tayo. Sabay nalang tayo pumasok." pag-aaya nya.
Tumango lang ako bilang pagtugon at nagsimula na kaming maglakad. Nauna lang sya sa'kin at nakasunod lamang ako sa kanya. He has a golden brown long hair, thick eyebrows, a set of deep blue eyes and thick eyelashes, narrow nose and thin reddish lips. Tingin ko ay nasa 6'0 ft. ang tangkad nya. Hindi ko naman alam na may nag-eexist palang ganito kagwapo na lalaki sa LMU.
Dinadaldal nya lang ako ng dinadaldal pero hindi ako sumasagot sa mga tanong nya. Kapag pansin nyang naiirita na ako ay ngumingiti lang sya ng malapad sa 'kin. Siguro bago lang sya sa LMU kaya naisipan nyang gusto nya nalang sumabay sa 'kin. Well, I don't mind. Pagkatapos nito, iba iba na rin naman ang daan na tatahakin namin. This is just for today.
Nang makarating na kami sa school halos mabali ang leeg ng mga babaeng studyante nang makita nilang magkasabay kaming maglakad. Tingin ko ay kakainin na nila ako ng buhay sa mga matatalim nilang titig. Pero wala lang pakialam si Eiro at sumabay pa rin sya sa 'kin kasabay ang kanyang napakalapad na ngiti.
Pagkaupo ko ay dinadaldal agad ako ni Via at binabato nya na ako ng maraming tanong kung bakit nga ba kami magkasama ng lalaking 'yun.
"Sinasabi ko na sa'yo, Via. Tinulungan nya lang ako kasi nadapa ako sa daan pero di ko naman akalain na dito sa LMU din sya nag-aaral." pilit kong pagpapaliwanag kay Via pero hindi pa rin ito naniniwala sa 'kin at pinagpipilitan nya pa ring may something nga daw sa amin ng lalaking 'yon.
Napabuntong-hininga nalang ako at binalewala ang mga sinasabi ng babaeng 'to. Kung alam ko lang na sikat pala sa campus ang lalaking 'yon edi sana di nalang ako nag-aksaya ng oras na makisabay.
Bigla kong natandaan ang nangyari kanina kaya hinagilap ko agad ang presensya ni Averill. Gusto kong i-kwento sa kanya yung nangyari. Baka sakaling may alam sya. Iniisip ko palang kung pano ngumisi sa 'kin ang lalaking iyon ay alam ko na agad na may masama syang binabalak at naghahanap lang sya ng tiyempo kung kailan nya balak gumawa ng masama laban sa 'kin.
"May isang lalaking tumigil sa harap mo at nakaitim lahat?" tanong ni Averill sa'kin.
Kakarating nya lang galing ng meeting kaya di na ako nag-aksaya ng oras at kinwento ko sa kanya kaagad ang nangyari.
"Oo, hindi ko alam kung anong kailangan nya sa'kin basta nalang nagpakita sya gayong ako lang mag-isa ang naglakad kanina." tugon ko sa kanya.
"Nagsisimula na sila—" natigilan ako sa sinabi nya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Biglang tumalim ang tingin ni Averill sa kawalan. Nagtataka ako kung bakit biglang gano'n nalang ang inasta nya. Sa tingin ko nga ay may alam sya.
"Averill, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Wala sa isip kong tanong sa kanya.
Biglang kumalma ang mga mata nya at may pag-aalinlangan nya akong hinarap, "Tawagan mo 'ko agad kung may napapansin kang kakaiba sa paligid mo kung sakaling mag-isa ka lang maglakad sa daan o kahit nasa kwarto ka lang." may halong pagbabala na wika nya.
"Anong ibig mong iparating, Averill?" Parang umurong ang dila ko sa sinabi nya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n nalang bigla ang sinabi nya. May gusto bang pumatay sa'kin?
"Nasa paligid na sila, Merrin. Kaya kung maaari, kahit konting kakaiba lang yan na napapansin mo sa paligid mo, tawagan mo 'ko. Naiintindihan mo ba ako?" angil nyang wika.
Tumango lang ako bilang pagtugon. Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari pero alam kong may hindi tama sa paligid ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang bigla ang inasta ni Averill nang kinwento ko sa kanya tungkol sa lalaking nagpakita sa'kin kanina.
Averill, sino ka ba talaga?

Comentário do Livro (7)

  • avatar
    Ian Jake Recaa

    djdjcjfcisicicjfjcjdjjc

    09/04

      0
  • avatar
    CascayoAlwin D.

    wow

    27/01

      0
  • avatar
    NatinoMarisol

    I love your story🥰

    13/02/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes