logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Chapter 2
Zamiell
Year 1945
Habang nakaupo dito sa parke, makikita ang mga batang naglalaro at nagkakatuwaan, ito na siguro ang isa sa pinakatahimik na taon sa buhay ng mga tao. Kakatapos lang ng digmaan, nakabangon na rin sa pagkakalugmok, marami na rin akong nakitang mga babaeng nagdadalang-tao, at kahit papaano ay masisilayan na ang ngiti sa kanilang mga labi.
Tahimik ang mundo ganoon din ang mga tao, kadalasan ay nakikita ko na lamang na sumusunod na lang sila sa kanilang pinuno para lang sa kapayapaan. Akin silang naiintindihan, sino pa ba sa kanila ang gustong makaranas uli ng digmaan?
"Malalim ata ang iyong iniisip?"
Napalingon ako sa aking gilid, ngumiti siya sa akin. Tumayo ako at nagbigay galang.
"Hindi mo na kailangan pang gawin iyan, tara at maupo na tayo"
Sumunod ako sa kanyang nais, ilang minuto ang nagdaan ngunit walang nag-sasalita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung saan mag-sisimula, sa dami ng aking napagdaan sa mundo ay kulang pa ata ang isang araw para lang maisiwalat ko ang aking nalalaman.
"Hindi mo na kailangan pang magsalita, sa itaas pa lang ay nakikita na namin ang mga pangyayari. Ngunit kailangan ka rito, pasensya na alam kong nais mo na ulit tumuntong sa ating tahanan"
"Alam ko pong malaki ang tungkulin ko para sa ating misyon, ang aking kinababahala sa mundong ito ay ang digmaan"
"Totoo nga ang sinabi sa akin ni Michael, ikaw ay totoo sa iyong prinsipyo at sinasabi ang iyong nasa isipan"
"Pasensya na po, hindi ko lamang nais ang digmaan, masyado itong nagpapagulo sa mundo"
Tumango at ngumiti sakin si Gabriel ang dakilang mensahero sa mga archangel, alam kong narito siya upang ipa-alala sa akin ang misyon ko. At ito ang paglilinis muli ng mundo, katulad ng dati ay napuno na naman ito ng katiwalian. Pinadala ako ng Ama upang mag-silbing mata sa mga pangyayari sa mundo at mag-bigay impormasyon sa kanila.
"Aking batid na naging mahirap ang pamumuhay mo rito"
"Hindi naman po, may mga taong tumutulong sa akin, may mga busilak silang puso"
Kilala si Gabriel bilang Archangel na nag-papaalala ng misyon na nararapat itong matapos, siya rin ang nagbibigay ng ideya sa mga tao, ang pagiging malikhain at pag-papaalala ng pamamahinga na kinakailangan ng katawan, isipan at damdamin
"Kamusta naman dito? Sa aking tingin ay dapat ka naman pumunta sa ibang panig ng mundo"
"Saan niyo po nais? Aking nakakaligtaan ang ibang panig sa laki ng mundo"
Sandaling nahinto si Gabriel parang nag-iisip kung saan niya ako nais magpunta. Kung tutuusin ay nalibot ko na ang Kanluran bahagi ng mundo, nararapat nga naman na lumibot ako sa ibang panig upang mas makita ko ang mundong maaaring gunawin anumang oras.
"Sa Silangan bahagi ng mundo, unahin mo ang mga maliit na bansa sa Asia"
"Kung ganoon po ay aalis na ako bukas mismo"
Tumango ulit siya sa akin at ngumiti, napa-ngiti na rin ako matagal na rin pala akong naririto at ang presensya ng isang ka-uri ko ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng isang tahanan.
"Pinasasabi sa akin ni Michael na lagi kang mag-iingat"
"Opo, lagi ko pong inaalala ang kanyang paalala, sa ngayon po ay wala pa akong nakikitang mga demonyo na umaaligid"
"Tingin ko ay ang mga tao na mismo ang pumipili ng kanilang desisyon at hindi na kailangan ng udyok ng mga demonyo"
Tumango ako, napagtanto ko ito sa tagal kong naririto, ngunit maaring nasa paligid lamang sila at naghihintay ng pagkakataon.
"Tingin mo ba ay nararapat ulit gunawin ang mundo?"
Napatingin ako kay Gabriel dahil sa gulat, isa siya sa pinaka sumusunod sa Ama. Kung kaya nakakagulat marinig mula sa kanya ang ideya na maaaring nagkakamali ang Ama sa kanyang desisyon.
"Ako po ay naniniwala sa gustong mangyari ng Ama"
"Paano kung may taong mapalapit sa iyo?"
Natigilan ako sa kanyang sinabi, lagi kong dinidistansya ang aking sarili sa mga tao. Tumutulong ako pero hindi ko nais na maging malapit sa kanila, isa ito sa bilin sa akin ni Michael bilang isang anghel na naka-ilalim sa kanyang pamumuno. Alam kong panandalian lamang ako rito at dapat na hindi ko iugnay ang sarili sa mga tao.
"Sinisigurado ko po na hindi ako malalapit sa mga tao"
Lumingon siya sa akin at ganoon din ako, pinatong niya ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang aking buhok.
"Kung ganon ay mauuna na ako, marami pa akong dapat puntahan. Ikaw sana ay maging tagumpay sa iyong misyon, at lagi kang mag-iingat. Aming hihintayin ang iyong pagbalik sa langit"
Tumayo muli ako at yumuko para mag-bigay galang sa pag-taas ko ng aking ulo ay nakaramdam ako ng isang pagaspas ng pakpak, isang malakas na hangin ang sumalubong sa akin nawala na si Gabriel sa aking harap ngunit ang kanyang mga salita ay nanaig sa aking isipan.
Naglakad na ako sa aking tinutuluyan, bilang isang anghel ay hindi ko na ito kinakailangan, hindi ko rin kailangan kumain o uminom, at hindi rin ako tumatanda. Simula ng tumuntong ako sa edad na 18 ay hindi na gumalaw ang aking orasan, ako ay naging immortal na.
Ngunit dahil sa aking misyon ay binigyan ako ng Ama ng lahat ng aking pangangailangan, katulad ng aking bahay na tinutuluyan. Pero kahit nasa mundo ako ng mga tao ay hindi pa rin ako kumakain o umiinom, kung ako man ay kakain ito ay dahil sa ako'y inaaya ng isang tao. Hindi dapat ako tumanggi sa ibinibigay sa akin, isa sa mga payo ni Michael ngunit kung alam kong galing ito sa kasamaan ay nararapat lamang na tumanggi ako.
Pagkadating ko sa aking tinutuluyan ay tinanggal ko ang aking damit para makapag palit ng mas kumportable, tumingin ako sa labas ng aking bintana. Kinabukasan ay lilisanin ko na naman ang lugar na ito, aking inaalala ang aking mga naging karanasan dito.
Hindi rin ako tulad ng isang tao na natutulog, kaya aking tinatapos ang gabi sa pamamagitan ng pananalangin.
Dahan-dahan akong lumuhod sa lapag, aking pinag-saklop ang mga kamay, at yumuko. Sa aking taimtim na pananalangin ay naramdaman ko ang paglabas ng aking pakpak na lagi kong tinatago sa mga mata ng tao sa aking paligid.
Katulad ng mga anghel ay kulay puti ang aking mga pakpak ngunit ito ay nababahiran ng kulay na sumisimbulo sa aking kaibuturan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit ang aking puso ay walang galit o poot, makikita ang itim na kulay kasama ang puting-puting kulay nito.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit ang aking puso ay walang galit o poot, makikita ang itim na kulay kasama ang puting-puting kulay nito
Akin itong pinagsa walang bahala at tinuloy ang taimtim kong pananalangin.
Year 1948
Habang naglalakad aking naiisip ang susunod na bansang aking pupuntahan ay nakaramdam ako ng pagod, wala akong nagawa kundi umupo sa silong ng malaking puno sa kalagitnaan ng malawak na lupain.
Isa-isa kong tinanggal ang maduduming telang nakabalot sa aking mga sugat, dahil sa unti-unting pag-tanggal ng tela sa sariwang sugat ay nakaramdan ako ng hapdi. Wala akong kagamitan na maaring magamit upang tuluyang malinis ang mga sugat. Ilang araw na rin lumipas simula ng makakita ako ng mga Legions.
Sila ay grupo o hukbo ng mga demonyo na namamalagi dito sa mundo upang maghasik ng kasamaan. Ang Legion na aking nakita ay sinusundan ang isang grupo ng mga sundalong galing sa digmaan. Kanilang binubulungan ang bawat tao, halata sa kilos ng mga tao ang pagod at truma na nakuha mula sa digmaan.
Ang kanilang pananampalataya ay mahina na dahil kumakailan lang nakaranas ng kapayapaan, kaya madali nila itong masasaniban. Hindi ko nais na magkaroon ng hidwaan dahil sa kanila, kaya naman ako ay nagpakita upang takutin sila. Laking gulat ko ng kalabanin nila ako, malayo na ako ngunit hinabol pa rin nila ako.
Wala akong nagawa kundi kalabanin sila gamit ang dalawang espada na aking tinatago.
Dahil mas marami sila sa akin ay malaki ang natamo kong pinsala, napuruhan ang aking tagliran, binti, braso at hita
Dahil mas marami sila sa akin ay malaki ang natamo kong pinsala, napuruhan ang aking tagliran, binti, braso at hita. Malalaking sugat na animo ay galing sa mga mabangis na hayop.
Nakakatuwa na lamang dahil natapos ko na ang paglilibot sa ibang bansa dito sa Asia, ilan dito ang China, Korea, at Japan. Gusto ko na sanang pumunta sa Pilipinas at doon na lamang mag-pahinga ngunit ang buong katawan ko ay nagpro-protesta na.
Humanap ako ng tubig na maaring paglinisan ng aking mga sugat, hindi naman ako nabigo dahil nakakita ako ng isang batis. Aking tinanggal ang kasuotan upang ito ay malinis habang nakababad ako sa tubig na siyang lumilinis sa aking katawan at sugat.
Ng matapos iyon ay pinatuyo ko ang aking damit at mga telang ginamit para sa aking sugat. Dahil sa hindi ako maaring mag-lakbay ng hubad ay naisipan kong magdasal, sa aking pananalangin ay nagpakita ang Ama sa akin. Naalala ko na lang na nagdilim na ng tuluyan ang aking paningin.
Pagkagising ko ay nakita ko na lamang ang sariling naka-suot ng damit, nalapatan na rin ng paunang lunas ang aking mga sugat, at sa aking tabi ay may sakong naglalaman ng ilang damit, telang pangbalot sa aking sugat at ilang gamot. Nakaramdan din ako ng ginhawa, sa aking palagay ay ginamot at pinatulog ako ng Panginoon.
Kinuha ko ang bagong gamit na ibinigay sa akin, pinakiramdaman ko ang paligid ng ako ay makasigurado na walang nakatingin ay inilabas ko ang aking mga pakpak patungo sa bansang Pilipinas.
Pinagmamasdan ko ang bansa sa aking paglipad, gabi na ng ako ay makarating kaya karamihan ng mga tao ay nasa kanilang mga tahanan na. Dahil dito ay mas napadali ang aking pagmamasid, naghanap ako ng lugar na maaari kong babaan. Nakakita ako ng isang malawak na bukirin na natatamnan ng palay, walang tao kung kaya ay payapa akong nakababa ng walang nakakakita sa aking mga pakpak.
Habang naglalakad sa gitna ng pilapil ay nakuha ng isang makinang na bagay ang aking atensyon. Nilapitan ko ito akmang kukunin ngunit nakabaon ito sa lupa. Hinukay ko ito gamit ang aking kamay at napagtantong isa itong pocket watch halata ang kalumaan nito, itinago ko ito sa aking sako at nagsimula ng maglakad.
Hinukay ko ito gamit ang aking kamay at napagtantong isa itong pocket watch halata ang kalumaan nito, itinago ko ito sa aking sako at nagsimula ng maglakad
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?"
Nakatingin lang ako sa babaeng nag-salita sa aking harapan, nakasuot ito ng mahabang bestida, naka-ipit ang kanyang buhok at may hawak na lampara.
"Ikaw din naman nasa labas ng bahay"
"Dahil galing ako sa paaralan at may pinag-uutos ang aking guro kaya ginabi na ako ng uwi"
Naka-simangot akong nakatingin sa kanya, anong masasabi ko sa kanya kung kakarating ko lang dito?
"Ano? Hindi ka makasagot ngayon?"
"Hindi naman kita kilala bakit kita sasagutin?"
"Nako bahala ka nga diyan, baka ikaw ay isa pa sa kasapi ng bagong samahan na ginawa ni Taruc, ayokong madamay"
Akin siyang tinanaw hanggang sa siya ay nawala na sa aking paningin ng tuluyan. Dahil sa kanyang sinabi ay naisipan kong magpalipas ng gabi sa kakahuyan malapit sa palayan upang walang makakita sa akin sa kasagsagan ng gabi.
Habang naka-upo sa matibay na sanga ng puno ng narra ay natatanaw ko ang bukang liwayway mula sa likod ng bundok. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang batang lalaki tumatakbo papasok sa kakahuyan kung nasan ako, sa likod nito ay may isang lalaking may hawak na itak.
"Tulungan niyo po ako!"
Tumalon ako mula sa puno na akong kinauupuan, nagulat ang lalaki, kitang-kita ko kung paano magliyab ang mata nito. Lumingon ako sa aking likod at wala na ang bata kung kaya sinakal ko pataas ang lalaki.
"Bitawan mo ako!"
"Lubayan mo ang bata!"
Bigla itong nagpalit ng anyo, kung kanina ay mukha pa itong tao ngayon ay lumabas na ang kanyang tunay na itsura bilang isang demonyo. Walang alinlangan kong inisip ang isa sa aking espada, lumitaw ito sa aking kamay, aakmang isasaksak ko ito sa kanyang dibdib ngunit sinipa niya ako at nasaktuhan ang sugat sa aking tagliran.
Nabitawan ko siya habang hawak ang aking tagliran na ngayon ay dumudugo na, agad akong tumayo upang habulin siya. Namataan ko siyang kumuha ng bato upang ihagis sa aking direksyon agad ko itong naiwasan ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko namalayan ang itak na kanina niya pang hawak, ibinato niya ito sa akin at natamaan nito ang akin likod. Bumaon ang itak sa aking likod, humawak ako sa malapit na puno.
Bago makaalis ang demonyo ay ginamit ko ang natitirang lakas upang mailabas ang aking pakpak, ginamit ko ito dahil tuluyan ng nanghina ang aking paa. Dahil mas mabilis ang aking paglipad ay naabutan ko ang demonyo, agad kong tinarak ang aking espada sa kanyang likod. Agad kong inisip pa ang isang espada ko at lumitaw ito sa kabila kong kamay at tinusok ang likod nito kung saan malapit nakapwesto ang kanyang puso.
Umusbong ang itim na usok mula sa kanya habang tuluyan na itong naging abo, nakahinga na ako ng maluwag at kinuha ang itak na nasa likod ko, laking pasalamat ko na wala itong natamaan na importanteng bahagi ng aking lamang-loob.
Unti-unti akong nawalan ng malay at tuluyang sinalubong ng lupa kung saan ako'y naliligo sa sariling dugo.

Comentário do Livro (46)

  • avatar
    Rodrigo Jr Yandan

    jsjsjs

    26d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i love it

    29/07

      0
  • avatar
    ZorrillaLennie

    good

    27/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes