logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6: He is a Girl

ASHER
LUMAGAPAK ang malakas na sampal sa aking pisngi habang humahangos sa galit ang aking ina pagkapasok na pagkapasok namin sa kanilang mansion.
“You are a disgrace! Nakakahiya ka!”—madiin niyang sumbat—“Ha! Paano mo babayaran sa akin ang lahat ng ginastos ko para doon? Paano?” She screams so loudly that it echoes throughout this vast expanse, while Rael stands behind her, smugly enjoying my humiliation.
Napahinga ako nang malalim at diretsyong hinarap ang nanlilisik niyang mata. “I’m sorry,” I sincerely said.
Yumuko pa ako. “I’m so, so, so sorry.”
“I don’t need your sorry! Walang magagawa iyan. What I need is how! Paano mo aayusin ang kalat mo na ito? Ha!”
She’s right.
Just how?
How can I pay her that much?
Napakagat labi ako at nangingilid ang luha sa pagkaipit sa ganitong sitwasyon.

What should I do? I have nothing.
At that moment, I didn’t notice that Papa entered the house. Bigla na lang siyang pumagitna sa amin, at mukhang nabalitaan na rin niya ang pangyayari.
“Hon,” singit ni Papa, “ako na ang bahala.”
“Ha! Dapat lang!” asik ni Mama bago lumipad ang kanyang buhok pasampal sa akin, pagka-walk-out nito.
After that, all of them followed my mom paakyat sa kani-kanilang kuwarto samantalang ako ay naiwan at dumiretso sa bodegang aking bagong inookupahan.
Pag-upo ko sa aking kama ay napatulala ako. Pinapakiramdaman ang napakabigat kong katawan. Paulit-ulit na bumabalik ang senaryo sa aking utak habang lumilipas ang oras. Sinusubukan kong baguhin ang mga ito na baka sa halip na mag-away kami ay nagawa kong magpaliwanag nang maayos, na sana ay hindi nakita ni Papa Dale ang lahat ng iyon, na sana hindi na lang ako pumasok, na sana…na sana hindi na lang ako bakla.
Ang ilang minutong nagtagal sa aking diwa ay isang oras na pala ang nakalipas.
Tuluyang nabasag ang iniingatan kong inaamag na pader at hindi namalayang walang tigil na nagpatakan ang aking mga luha.
‘Ni hindi ko maramdaman ang gutom, uhaw, paghapdi ng lumuluhang mata, at ang lahat ng natamo kong pasa kanina, kahapon at nang isang araw. Ang tanging sakit na nangingibabaw ay ang pagsikip ng aking dibdib sa pagod, at pagod, at pagod na pagod na ako.
AFTER that night, I decided to just have a moment of peace for this day.
Gaya ng nakagawain, sa halip na magdiretso sa school ay nagpunta ako sa fast-food chain, kung saan magpapalipas ako ng oras hanggang sa magbukas na ang mall. Dito talaga ako nagpupunta kapag mayroong ka-meet-up.
Well, sana hindi siya maging katulad ni Jason.
If ever man, baka madagdagan naman ang sakit ko.
But, nah, I don’t think that will happen. My new boyfriend is a sweet and funny guy. For sure ako na siya na talaga ang the one.
This fast-food chain has a comfort room for both boys and girls, so I have no problem sa pasimpleng paglabas, unlike sa malls na nagiging si Flash ako dahil magkahiwalay ang comfort room nila for different genders.
Nang nasa loob na ako ng CR ay nagpalit ako ng simpleng pink shirt na tinernuhan ng navy blue short at ng nahalungkat kong white shoes. Gusto ko sanang mag-dress pero sinira naman ni Rael, kaya ito lang ang medyo pambabaeng nahalungkat ko. Mabuti na lang din at may naitago akong wig – it’s a long black hair – kaya kahit papaano ay may naisusuot ako.
Nang matapos ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko na ulit makilala ang sarili ko sa salamin. To finish things up, I added a pinkish liptint, a rosy blush, and a cute flower earring, then tadah! Hindi ko mapigilang mapangiti nang ma-satisfied sa itsura ko.
I can't deny that once I look like this, my confidence skyrockets.
Hayy. Ang ganda ko talaga
Pagbalik ko sa lobby ng fast-food chain ay naghanap ako nang mauupuan at nagpalipas muna ng oras. While I awaited his response, I ordered a coffee.
Me: Hi
I take a selfie of my half-face with the coffee near my cheeks and send it.
Me: I’m already here.
Axel read my mails right away and even liked my selfie.
Axel: On my way, wait for me.
He also sends a mirror shot from a tricycle on the old mirror.
Ow.
Nag-heart react din ako sa picture niya. He really is on the way. Iyong ibang tao, eh, gagayak lang mismo kapag nandito na ang ka-meet up nila.
Like eww. Filipino time.
That's a plus; he knows how to treat people with respect and value their time. He's a true gentleman.
Every time someone enters the fast-food chain ay napapalingon ako. Ilang minuto rin ang nagtagal at tila eksena sa palabas na nag-slow motion ang paligid pagpasok ng lalaking malaki ang ngiti hanggang sa maningkit na ang kanyang mata. Effortless din siya sa kung papaanong hanginin ang mahaba niyang light brown hair, at lalaking-lalaki rin ang kanyang dating sa pagkakalilok ng kanyang panga.
Lahat ng customer ay napapatingin sa kanya dahil sa nagliliwanag niyang paligid. Linibot ni Axel ang kanyang mata at tila modelo siyang rumampa habang may hangin effect pa na humahawi ang kanyang brown shirt jacket, habang bakat sa malapad niyang dibdib ang nakapaloob niyang white shirt.
Kulang na lang ay bigyan siya ng background music.
“Hi!” pagbati ni Axel pagkatapat na pagkatapat sa akin.
“Hello.” Napatayo rin ako at minuwestra ang upuan sa tapat ko.
Nagkatitigan kami at hindi malaman ang sasabihin sa isa’t isa.
Ahh….
Awkwardness falls at napakamot siya ng batok, while I play with my fingers and can’t look at him properly.
When he broke the ice by motioning me to take a seat.
Pagkaupo namin ay napasimsim agad ako sa kape ko.
While he….
Napataas ang kilay ko nang pumangalumbaba siya’t sapo ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi. Nakatabingi pa ang kanyang ulo habang nakatingin sa aking tila isang maamong tuta.
He’s cut, but I’m cuter.
Argh. I shrug the stupid thoughts in my head.
“May madumi ba sa mukha ko?” Napakuha tuloy ako ng phone nang pigilan niya ako.
“None. Ang cute-cute mo lang.”
Due to his suddenness, my mouth dropped open.
Ah….
“Thank you.”
Napaiwas ako ng tingin.
Heh. I know right.
“Kanina ka pa ba rito? Pasensya ka na kung nahuli ako.” Dumukwang pa si Axel palapit habang interesadong nakikipag-usap sa akin.
“Not really, kakarating ko lang rin.”
“May pasok pa ba kayo?”
“Kakagaling ko lang ng school, tapos ayon may event lang naman. Hindi naman required kaya okay lang,” I lied. Siyempre, wala ‘no! may discussion the whole day, but I’m too tired to deal with the bullies right now.
“Naks. Ayos pala.”
Tumango ako. Sumimsim muli sa aking kape hanggang sa naubos na pala ito.
“Gusto mo na bang lumabas?”
Natigilan ako. “Pero sarado pa ang malls.”
“Hindi ro’n. Mag-Freedom Park tayo.” Naningkit na naman ang mata niya sa lapad ng kanyang ngiti.
“Ack…!” Ang aliwalas niya grabe.
Anyways, this is the first time na may nag-aya sa akin sa park, most of them took me to the mall kasi.
“Okay,” pagpayag ko at tumayo.
PAGDATING sa freedom park ay madami ring mga estudyante ang naglilibot rito lalo na’t nasa tapat lang din ito ng highschool.
“Tara dito.” Tila batang hinatak niya ako sa duyan at binagsak paupo ro’n.
“Ahh wait---”
“Ayan na ako!” At walang pasubaling magaan niyang tinulak ang duyan.
Mahigpit akong napakapit sa malamig na hawakang bakal habang maiigi niya akong diniduyan.

Habang umuugoy pataas-baba ay lumalamig ang malakas na simoy sariwang hangin. Iniihip nito ang maliit na dahong nagbabagsakan sa matatayog na puno.

And as time passes by ay mas gumagaan ang pakiramdam ko. Pinapawi ang mabibigat na alaala at sa ilang saglit ay napayapa rin ang aking isipan.
I guess going on a date with him today is a good idea.
Hindi nagtagal ay hininto rin niya ang pagduyan.
“Seesaw tayo!”
“Ha?” Bago pa makapagreklamo ay hinatak na niya ako.
“Yiee.” At dinaig pa niya ang batang first time na magiliw na magtaas-baba sa amin.
“Axel,” reklamo ko pero hindi niya ako pinakinggan.
His laugh is so carefree that I can’t help it but to get along with him.
HINATAK niya ako sa kung saan-saan sa playground. Nang magsawa kami ay nagbisikleta naman kami at nilibot ang buong park. Then, nakarating kami sa may skating rink, and he even taught me how to skateboard but, though in the end, ay nakahawak lang ako sa mga kamay niya habang nakatungtong ako sa skateboard.
“Ayan na bibitaw na ako,” he said while slowly walking while I’m standing on the skateboard.
“Subukan mo lang.” Pinandilatan ko siya ng mata nang tawanan niya lang ako ng malakas.
Nanginig ang kamay niyang mahigpit kong hinahawakan. “Ayan na!”
Nang pabitaw na siya ay bigla akong napatili at niyakap ang leeg niya. Sabay kaming bumagsak pahiga habang ako’y nakapaibabaw sa kanyang walang tigil na tumatawa.
“Kainis ka!” asik ko at pinaghahampas siya sa kanyang braso bago tumayo at nag-walk out.
Kanina ko pa napapansin pero pinaglalaruan na lang niya ako!
“Ashane, wait!”
“Huwag mo akong sundan!”
Hindi ko siya pinansin at nagdi-diretso ako sa duyan. Pero nang makaupo naman na ako ay nawala naman na siya.
Hindi nga niya ako sinundan!
Napahalukipkip at magagalit na talaga ako sa kanya ng may sumalat na malamig sa pisngi ko.
Napalingon ako sa likod only to found an ice scramble in front of my face.
“Huwag ka na magalit.” He pouted matching his cute puppy eyes at tumalungko pa sa harap ko para hindi ako mahirapan kakatingala sa kanya.
Awtomatikong tumataas ang sulok ng labi ko pero todo effort akong pigilan ito. Pero ang maharot na si Axel ay todo pa-cute at hindi maiwasang bumigay ako sa mukha niya.
Napairap tuloy ako sa kanya at kinuha ang ice scramble. “Pasalamat ka, mahilig ako sa matamis.”
“Wahh! Sorry na, Ashane.”
“Oo na,” bulong ko.
“Hindi, galit ka sa akin, e!”
“Oo na nga.”
“Sorry na Ashane! ‘Di ko na uulitin!” Kulang na lang ay ngumawa siya.
Problema nito!
“Pinapatawad na nga kita!”
Lumuhod pa siya nang may mangiyak-ngiyak na mukha. “Huwag ka ng magalit.”
At mas lalo pa ako sa kanyang nagalit.
THE DAY went fast and I really enjoyed my whole day with him. Matapos naming maglaro at mapagod sa park ay nagpahinga naman kami habang nanonood sa sinehan, kaunting kain ng lunch, then naglaro ulit kami sa arcade, then we had dinner at the mall.
Hanggang sa ‘di namamalayang gabi na pala.
“Uwi na tayo.” Hawak kamay kaming lumabas ng mall.
Naghintay kami sa sakayan ng tricycle hanggang sa may isang pumarada sa tapat namin.
“Saan po kayo?” tanong nito bago kami sumakay.
“Ihatid na kita sa inyo,” sabi ni Axel.
Napatingin ako kay manong driver na naghihintay sa amin and then kay Axel.
“Sa hotel po.”
Biglang natapilok si Axel sa kanyang kinatatayuan ng walang dahilan.
“A-Ano?” His face is all red at hindi makatingin ng diretsyo sa akin.
Napangisi naman ang manong driver at pilyong tumango sa amin. “Sakay na po kayo.”
Lula pa rin si Axel at hindi matanggap ang mga rebelasyon. Napatakip siya ng kanyang nakangangang bibig at namumula ang mga pisngi, ngunit hindi ito sa akin nakatakas maging ang tenga niyang pulang-pula.
Pagdating namin sa hotel ay hindi niya maintindihan ang pangyayari nakasunod lamang siya sa akin habang nagtse-check in ako. Pagtapat ko sa kuwarto ay nilingon ko siya.
“Nandito na ako.”
“Ah, h-hindi ba parang masyado namang mabilis ito, Ashane.” Napakamot pa siya ng batok at hindi makatingin sa akin ng diretso. Pawis na pawis na siya at nakapulupot ang katawan.
Napaismid ako at pinitik ang noo niyo. “Kung ano-anong pinag-iisip mo!”
“Ha?” Napasinghap siya at takip ng bibig. Saglit na natigilan hanggang sa makuha na rin ang lahat. “Wait. So, hindi ito ano, as in ano.”
Pinandilatan ko siya. “Anong ano?”
“Iyong ano!”
Nag-init ang pisngi ko nang mas mamula ang mukha niya.
“Ano?” hamon ko.
“Ano, bakit ba naman kasi tayo nasa hotel ngayon, Ashane? Kaka-meet palang natin kaya ngayon. Okay lang sanang dahan-dahanin natin. Slowly, but surely. Ganon.”
“Haha” – I sarcastically laugh – “ako lang ang magho-hotel kasi ano! Ayaw ko lang umuwi ng bahay.” Napahalukipkip ako at pinanliitan siya ng mata. “Come on, Axel. Ikaw lang ang nag-iisip niyan!”
Napahinga siya nang maluwag ng marinig iyon.
“Gano’n ba. Sorry.” Napalabi tuloy siya at mukhang tutang inabanduna.
“Okay, then.” Pinihit ko pabukas ang kuwarto. Pumasok ako at nilingon siyang nasa labas. “Andito na ako kaya you can go na.” I motioned him to go away nang magtuluy-tuloy rin naman siya sa pagpasok.
“Hoy!”
He didn’t listen to me, at agad siyang lumundag pahiga sa kama. “Good night, Ashane!”
“What the---” Hinambalos ko siya ng unan. “Umuwi ka na!”
“Ashane, seryoso ka ba?” Sinalo niya ang unan, niyakap ito at muling dumapa sa kama. “Sa tingin mo ba magagawa kong maiwan mag-isa ang babae rito? Paano kung may mangyaring masama sa ‘yo.”
Natigilan ako nang dahil sa hindi ko siya makilala. Unlike the cute puppy before, he looks like a manly alpha now. Biglang may kumudlit sa puso ko. I don’t know how to refuse after all the fun we had today. He’s not liked the others who would immediately jump on me, so I’m not bothered.
I guess I can trust him.
Saglit lang akong nag-shower at nagpalit ng damit pambabae na binili ko kanina. Nang mapreskuhan ako ay bumalik akong muli sa kuwarto at naabutang natutulog na si Axel.
Umupo ako sa tabi niya and dimmed the lights. After that, humiga na rin ako at sinubukang matulog sa tabi niya, pero hindi ko magawa.
Siguro dahil first time ko itong matulog na hindi si Sherwin ang katabi. Napangiwi ako at itinaas patakip ang kumot hanggang sa akin baba.
Gano’n na pala nakakasawang makasama si Sherwin.
Pabaling-baling ako sa kinahihigaan ko at hindi pa rin ako makapirmi.
Pabaling na ako paharap sa kanya, nang hugutin niya ang bewang ko at hinatak pahapit sa kanya. Lumapat ang likod sa kanyang malapad na dibdib habang ang matipuno niyang braso ay kumukulong sa akin, at ang mainit niyang hininga ay kumikiliti sa aking batok.
“Hoy!” Siniko ko siya pero mas hinapit pa niya ako palapit hanggang sa maipit na ako sa kanyang biceps!
Ugh. Please, layo!
“Magpatulog ka naman, Ashane.” His soft lips slightly brush unto my ears.
Natigilan ako at nababahalang mahalata niyang naka-disguise ako. Pigil hininga kong binabantayan ang kamay niyang nakayakap sa akin.
We stayed like that, and I tried to comfortably sleep again pero nababahala talaga ako na what if malaman niya ang identity ko!
Will he also be disgusted?
“Axel,” bulong ko at itinaas ang kamay niya but he didn’t budge. Paglingon ko ay naubutan ko siyang mahimbing nang natutulog.
Ang sabi ko pa naman sa kanya ay nag-iisip siya nang kung ano-ano. But I guess that also applies to me.
Maingat akong umikot paharap sa kanya.
I tried to sleep while admiring his beautiful face. Biglang ko tuloy naalala ang lahat ng nangyari kanina, he may act childishly, but he is such a gentleman na hindi niya ako nakakalimutan na tanungin sa nararamdaman ko, he respects my decision, he listen well katulad ng palaging niyang ginagawa online and he is really fun to be with.
He really is doing his best to have fun with me.
Ngayon ko lang ulit naalala kung paano magsaya ng ganito.
We could be a perfect couple, kung hindi lang ako lalaki. But I’m the one at fault here because I’m the one who’s not honest in our relationship.
So, while he is here, I have the chance to be with him. I want to take all the opportunities for him to love me truly to the point na tatanggapin niya ako kung sino ako.
I unconsciously made my way to him and lightly touch my lips to his.
I stayed for a moment with my eyes closed while savoring his hot breath and the beating of my heart.
It beats, but… I don’t know.
I pulled away. Nang may kumabig sa batok ko.
Hindi ko inaasahan ang pangyayari at napasinghap sa gulat. He took it as an opportunity to put his tounge into mine.
Natuod ako habang nanlalaki ang mata sa kanyang malamlam ang tingin sa akin habang ginagalugad ang aking bibig. He passionately kissed my frozen lips, at kinubabawan niya pa ang nanlalambot kong katawan.
When his hands went inside my shirt, his palm electrified my bare stomach, waking me up to my senses. Bago pa tumaas ang kamay niya sa paddings ko ay naitulak ko siya.
Natatakot na napayakap ko ang aking katawan habang siya naman ay nagising sa kanyang katinuan at hindi malaman ang gagawin.
“I”—lumapit siya ng dumasog ako palayo—“I’m sorry.”
Umalis siya ng bed.
“I’m so sorry, Ashane. Please.” Lumapit siya sa gilid ko at lumuhod sa sahig. Hinuli niya ang kamay ko nang tapikin ko ito.
“Alis.”
That was so close! I almost got caught!
“I’m sorry, please. Akala ko nananaginip lang ako. I really don’t mean it. I’m sorry.”
His voice is so soft when pleading for forgiveness, habang ang kanyang mata ay maluha-luha na.
May kung anong kumudlit sa puso ko sa ‘di inaasahang reaksyon nito sa akin.
Am I that important to him para….
Tuluyang bumigay ang galit ko nang may tumakas ng luha sa kanyang mata. “I’m really sorry, Ashane.”
Napabuntong hininga ako. I pat his head, then stroke his hair upward para hindi ito dumikit sa naglalawa niyang pisngi.
“Matulog ka sa sala, masyado nang gabi para umuwi.”
“Pinapatawad mo na ako?”
Tumango ako.
Imbes na kulitin niya ulit ako kung galit ba ako ay hinuli niya ang kamay ko.
“Sorry talaga.” Hinalikan niya ang palad ko. “Hindi ko na uulitin, pangako.”
He then softly brushes his cheeks on my hand while he tenderly feels it with his eyes closed.
Nang magmulat siya ng mata ay napatitig siya sa akin.
“Good night, Ashane.” Hinalikan niyang muli ang palad ko.
“Nasa labas lang ako, puwede mong isara o i-lock ang pinto. Again, I’m so sorry.”
“Okay.”
With that, he stands up and leave peacefully, pagsara niya ng pinto ay hindi ko mapigilang mapangiti.
He really is Mr. Right.

Comentário do Livro (82)

  • avatar
    Vince Visca

    all goods

    13d

      0
  • avatar
    AranteRocleyn

    xdh

    23d

      0
  • avatar
    Luke Jeiden Acalain

    Hi jajahabwjwosujs8susvsnememwlososisjslwpownsnsisisnwjeekoeoe0e9eosjidoeiejesjekdkjrifishsjsihdbe9dhej8dydidudhe8ehwjzugshscwubibxoenciebxuhediwh8hdibzuv,8vohveuvedubiexeuxbiexbiezbuxbuwxbuwdbuzbuwxbu2sbuqsvuwxbiwbxwibzeufguwdiwduexiediexircbeodn3ofn4conievnibrcibcrinoenxoecniecneicnecineciiecnoecneocjrcin4fon3fo3fno3cnoexn3odneixn3ixbeinxeibxeibeixbiexbi2nxoeiexniexjeicbocncejecoecnoecmofneocncrocrnrocnrcocroneo3cnoencoecncoecneconeco3fm4fojrcono3fnoednon3fon2fonnecoefnoedn3diecninxeon3i3dbied

    24d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes