logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

C6: Awaken

Kyoro Terminus POV
"NOW TELL me, what kind of childhood do you have?" The teacher asked me.
I gulped, masyado akong nalunod sa tanong na iyon at ngayon lamang nanumbalik ang aking isipan. "A good childhood memories, Sir." Wala sa wisyong naisagot ko at umupo sa aking upuan.
Napatango naman ang teacher ko na naka-polong itim ngayon mukhang may lamay. Lamay talaga kapag siya ang nagturo dahil nalulumbay ang lahat sa paraan ng kaniyang boses na matamlay na may pagkamahinahon.
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo kanina. Tagal mong tumulala, Kyoro," natatawang pahayag ni Cleìvvriou pagkalabas namin ng room.
"I was shocked sa naging tanong ni Sir. Inalala ko lang kung paano ako naging bata. Hmm... " I sighed. I can't believe!
"So, nakakaalala ka na?" tanong nito. I stared at him, hindi ako sigurado sa mga naalala ko.
"I'm not sure, Cleìvvriou."
"Pero, magkababata talaga tayo! Maniwala ka dre," pilit nito. Nung una akala ko mangga-gantyo si Cleìvvriou ngunit napatunayan ko na hindi pala.
"It's been decade, Kyoro. Seventeen na tayo."
Isang dekada na ang nakalipas ngunit hindi ko naranasan maging bata. Sa katotohanang nawala lahat ng memorya ko... Nahihirapan akong maniwala sa mga taong nasa paligid ko. I was comatose before, gumising na lamang ako na walang makapag-paliwanag kung sino nga ba talaga ako. I'm still in the process... Hindi ko din alam kung anong edad ako gumising. Nakakabahala...
Nakatulong si Sir Emil, sa tanong niya pala kung ano bang klaseng pagiging bata ang meron kaming lahat. Hindi ko talaga maisip kung ano ba iyon. I was frustrated about it!
Napainom ako ng energy drink dahil sa pag-aalala ko sa maraming bagay. Malaking impact ang nagawa nang tanong na iyon sa'kin upang kwentyunin ko rin ang aking sarili.
Pinapanood ko ang mga students. Kulang mahagony ang uniform namin gayon din ang necktie, polong puti at navy blue na school pants.
Nagtungo ako sa rooftop upang ipahinga ang kaisipan ko na nagdudulot ng madaming alalahanin. Palaging sumasakit ang ulo ko at nanunumbalik ang mga alaalang hindi ko alam kung totoo ba ang bawat pangyayari.
"Hey! You look stress na ah?" tanong ni Lana ngunit hindi ko pinansin. "Ang sungit!"
"Just stay away from me..." I murmured.
"Luh!"
Suddenly, dumating din si Cleìvvriou, may dalang snacks. "Hindi canteen ang rooftop, Cleìvvriou," sita ko sa kaniya na puno ng pagkain ang bibig.
"Nagugutom na'ko! Pinag-aagawan ng mga babae sa canteen baon ko, dre!" reklamo nito araw-araw. Binatukan naman siya ni Lana.
"Aray! Bakit palagi kang namamatok?"
"Puro ka kasi pagkain, Clev!" she exclaimed at umalis na bigla.
"Gusto mo?" alok ni Cleìvvriou ng dala niyang fries. "Bili ka."
Bigla ko naman naibato ang sapatos ko sa mukha nito. Sumapol sa kaniyang mukha. He cursed me a countless times pero kumain parin ito.
The azure sky... tila nagbabadya na ulan. Ngunit kaysa sa tumayo ay hinintay ko pa na umambon. "Hoy! Tara na, Kyoro!" Hila nito sa'kin.
Biglang sumakit ang ulo ko. May ala-alang nanunumbalik na naman sa maulang gabi na iyo. Bagkus pinipilit kong alalahanin ay mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"Wag mong masyadong alalahanin, Kyoro," aniya.
"Migraine 'to," pagsisinungaling ko. Ayokong ilahad sa kaniya na may naaalala na ko mula sa aking nakaraan. Maliit na detalye pa lamang iyon ngunit gusto ko pang makaalala.
Nakita ko naman si Saizne na papalapit sa'kin. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya ng may ibinigay itong regalo.
"Huh? What was that again?" nakataas kilay na saad niya.
"Bahala ka diyan." Akin siyang nilagpasan upang pumasok sa aking klase sa asignaturang sipnayan. Pagkaupo ko sa aking upuan ay doon ko lamang naalala kung bakit ako binigyan nito ng regalo. Muntik ko nang makalimutan na siya nga pala ang girlfriend ko.
After school ay pinuntahan ko siya sa kaniyang klase ngunit bigla lamang akong sinampal nito at nakipag-hiwalay na nang tuluyan.
"Lately, nagiging makakalimutin kana, Kyoro. May nangyari ba sayo?" tanong ni Sir Emil.
"Ayos lang ako sir, may kailangan lang ayusin."
"Kung anoman 'yan, ay 'wag sana makaapekto sa ensayo mo." He tapped my back.
"Salamat, sir."
Bago mag-uwian ay nagpalibre pa si Cleìvvriou sa mga stall sa labas. Sa lahat ng tao na pwede kong makasama ay tanging siya lang ang aking tanging kasama. Madami naman ngunit sadyang naging mailap ako sa paglipas ng panahon.
Sa pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko alam kung sisigaw ba ako o hindi. Pati magulang ko ay hindi ko masagot sa mga katanungan, kung sila ba ang magulang ko. Bakit ganito... Ang hirap maka-alala!
Dumeretso ako sa aking kwarto at itinulog ang sasabog kong utak. Nagising na lamang ako na hating-gabi na. At bago ko pa muling makalimutan ang project ko sa school ay ginawa ko na agad. Isang linggo ko nang ginagawa ang miniature ko na Eiffel tower.
Inumpisahan ko na din ang pagbubukas ng mga larawan kung meron ba ko noong bata ako. Ngunit ang tanging nakita ko lamang ay mga larawan ko nang magising ako mula sa pagka-comatose. Napapailing na lamang ako...
Hindi ko na pinilit pa at natulog muli pagkatapos kong sagutang ang mga assignments ko sa school. May lahi akong kuwago na kahit sabado ay gising parin ako hanggang magbukang-liwayway na.
Kinaumagahan ay agad akong naligo para mag-ensayo ng piano. Ngunit pagkababa ko ay naroon pa ang mga magulang ko na himalang may day off na sa kanilang trabaho. Agad naman akong nagtimpla ng kape.
"Sumabay ka na samin, anak," alok ni papa na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo.
"Eto pancake, may gusto ka bang ipaluto?" tanong ni mama.
"Ayos na ko sa kape, ma."
Bigla namang tumahol si Bruno na lumapit sa'kin, ang shepherd dog na regalo sa'kin. "Bruno, buon giorno!" pagbati ko ng magandang umaga sa kaniya.
Wala sana akong balak mag-exercise ngunit pinipilit ako ni Bruno. Pag-ikot-ikot lamang kami ni Bruno sa village. Pati sa bandang dulo ay nakakarating kami. Muli, ay may nakita akong kubo sa isang bahay, ayoko na makakita pa ng kubo kahit kailan.
I wore my earphones hanggang sa makabalik kami sa bahay. Sa garden ako tumambay at nagpahinga. Ang tanawin na puro mga rosas, nasasaksihan ko ang talulot na mawalan ng kulay kapag lumilipas na.
"Kung ang nakalipas ay hindi na maganda, hindi na rin mababago pa ang kagandahang nangyari tulad sa isang rosas," sulpot ni Mang Berting. May dalang watering can.
"Kayo po pala yan, magandang umaga ho."
"Masyadong malalim ang karagatan sa iniisip mo, hijo." Pansin nito habang nagtatrabaho ay nakikipag-kwentuhan patin si Mang Berting.
"Nakita niyo na ba ako simula pagkabata?" Dahil ang tagal niya na samin, sa tingin ko ay may ideya siya sa aking nakaraan.
Diretsing sinagot naman nito. "Hindi, nung nagising ka sa hospital at makauwi ay doon lamang kita nakilala, hijo."
Tumango-tango ako sa kaniya. Natungo na'ko sa music room para makapag-ensayo na nang Nocturne Op.9 No2 ni Chopin. Nakaka-ginhawa ng pakiramdam ang kapayapaan ng kantang ito. Bagaman, may mga ala-alang mahirap alalahanin, tila' pinapanumbalik nito ang katahimikan ng kasalukuyan. Lalo na sa aking isipan... sinabayan pa ito ng huni ng ibo na nasa labas ng bintana, sinasabayan ang melodiya...

Comentário do Livro (60)

  • avatar
    AncayaLeah

    gandaaaaaa

    15d

      0
  • avatar
    Queenie Marie

    greatt

    31/07

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    it's sad

    29/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes