logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Chapter 7
Days had passed, it seems like wala pang alam si Cindy na ako yung uknown na nag-padala ng text message sa kanya. Mas mabuti ngang hindi na niya malaman pa yun para hindi na siya ma-pahamak gawa ng step-sister ko.
Bridgett may have been so very possesive to me dito sa bahay pati narin sa school. He doesn't want to call me kuya because we're not blood related anyway.
It's saturday morning, when i get a message from Nixie, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko pero...
Open Message.
Nixie: Anton, magkita nalang daw tayo dun sa mansyon nila Cindy.
Napa-buntong hininga ako dahil nabasa, actually wala na talaga akong balak sumama jan sa tutor-tutor na yan. Pumayag parin pala parents ni Cindy na magkaroon ng tutor session ngayon.
Me: i'm sorry Nixie, pero----
Nixie: bawal daw tumanggi.
I supposed to send my reply to her, when she texted me back. Ano naman ang gagawin ko dun kung galit pa ang Dad niya sa pamilya ko?
Naputol ang pag-iisip ko ng may marinig akong steps papunta dito sa kwarto ko at kinalabog ang pintuan.
"Anton! Buksan mo itong pinto mo, i want to talk to you!" rinig kong sigaw ni Mom sa labas, simula ng mamatay si Dad nung three years old palang ako ay nag-iba ang turing ni Mom sakin. But when she met that man, my step-father, ay mas naging agressive si Mom na saktan ako. Lagi akong pinag-tatanggol ni Bridgett pero hindi ko nalang siya pinapansin. Kapag sinasaktan ako ni Mom at nung Andres na yun, tumatakbo lang ako paakyat dito sa kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang galit na namang mukha ni Mom, sasabihin na naman nito sakin na kailangan kong mapalapit sa mga Felipe, lalong-lalo na kay Cindy dahil sa mga ari-arian nito. I am so young pero kung ipagtulakan nila ako sa kanya parang sila na ang kumo-kontrol sakin. Buong pagkatao ko sila ang gumagawa ng paraan para lang makuha ang gusto nilang dalawa, kahit ang paglapit ni Cindy sakin ginagawa nila yung advantage para makakuha lang ng information sa kanya.
Nagulat ako ng kusang bumukas ang pinto ko at pumasok doon si Mommy na nanlilisik ang mga matang naka-tingin sakin. Sinalubong ko ang tingin niya, sanay na din naman ako sa trato niya at sa step-father ko eh. Wala na siyang ginawa kundi ang saktan ako at sabihan ng masasakit na salita.
"Hindi mo ba ako narinig na kanina pa kita tinatawag ha?! Diba sinabi ko sayo, hangga't maaari ay makipag-lapit ka kay Cindy, pano namin maisasalba ni Andres ang casino kung hindi ka gagawa ng paraan ha?! Wala kang kwenta!" sigaw niya nang lapitan niya ako sa kama ko at hinawakan ang mag-kabilang pisngi pagkatapos ay sinampal niya ako.
Expected na ganito ang gagawin niya sakin kaya siya ngayon dito. Tanggap ko na ang mga masasakit na salita niya sakin eh. Ang hindi ko lang matanggap ay nung namatay si Dad, binalewala niya ako. She keeps on working sa casino namin hanggang sa makilala niya Andres na yun at nagpakasal silang dalawa.
Tumalim ang tingin ko kay Mom, sabihin na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin pero hindi ko gagawin ang inu-utos niya sakin.
Mas mabuti pang saktan niya lang ako kesa pilitin ko ang sarili ko na lapitan si Cindy dahil sa isa siyang Felipe!
"Wala na po ba kayong ibang sabihin kundi ang wala akong kwenta Mommy!? Kasalanan ko po ba na nalulugi na ang casino ninyo at pati ako dinadamay niyo for taking advantage of Cindy?! Sinabi ko po sa inyong hindi ko kaya!" sigaw ko na halos nangaralgal ang aking boses.
"What did you say? Pinagtataasan mo na ako ng boses ngayon!? Anton kung hindi dahil sa casino 'ko!' hindi ka makakapag-aral dun sa university nayun! Naiintindihan mo ko?" galit na sabi niya, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat sinampal ulit ang pisngi ko.
"Hindi ko naman hinangad na gamitin mo ang pera galing sa casino niyo para makapag-aral lang ako Mom! Kung hindi niyo kinuha ang mana ni Dad sakin noon, yun sana ang gagamitin ko para mag-sarili at umalis dito! Pati yung bahay natin doon sa maynila benenta niyo?! Yun nalang ang natitirang alaala sakin ni Dad! Tapos benenta niyo pa!? Anong klase po kayong asawa ni Dad! Siguro kung nabubuhay lang si Dad ngayon sa kanya po ako sasama, hindi sa inyo!" literal na akong sumigaw ngayon, sabihan niya na akong walang respeto pero siya pa ba re-respetuhin ko!?
"How dare you talking to me like that! Baka nakakalimutan mong ako parin ang Mommy mo kaya respetuhin mo ako?! Sa tingin mo ba kung nandito lang ang Daddy mo ay makukuha ka niya sakin? Over my dead body Anton! Namatay ang Daddy mo, dahil sinagip ka niya noon!" sigaw niyang pabalik sakin. Ayoko na, ayokong marinig yung nangyaring bangungot noon samin ni Dad! Hindi ko na siya pinansin pa at tumayo ako mula sa pagkaka-higa ko sa kama at sinabayan niya lang ako ng tingin sa kung anong ginagawa ko. Naglakad ako sa walk-in closet at kinuha ko yung maleta ko pati na ang bag, kung saan ay nakalagay ang mga gamit ko sa paaralan.
Gulat na gulat ang mukha ni Mommy ng makita ang maletang nilabas ko. I guess i need time to think it on my own. I want to try what is idependent means.
"Ano to!? Aalis ka? Iiwan mo kami dito, Anton!?" sigaw niya parin. Haloa lumabas na yung ugat sa leeg niya dahil sa pagsigaw. Tiningnan ko lang siya na walang emosyon ang makikita sa mukha ko.
"What do you think Mommy? Hindi pa ba sapat na halos kayo na po ang komu-kontrol sa buhay ko. I want to stand my feet alone, this time!" i raised my voice irritated, pero hindi ko pinansin yung masamang tingin na pinukol niya sakin.
"At saan ka pupunta? Magpakalayo-layo ka? Sige gawin mo! Kasi simula ngayon, wala na akong anak na katulad mo!" mahinang usal niya pero nandun ang pait sa boses.
Naglakad na ako palabas sa kwarto ko. Mabuti na ngang ganito na yung mangyari kesa may madamay pa silang ibang tao. Feeling ko kasi ginamit lang ako ni Mommy para makuha yung gusto niya.
Pagbaba ko sa hagdan papunta sa living room, ay naabutan ko dun si Bridgett na naka-upo sa couch at may binabasa pero nung makita ako na may hawak na maleta ay tumayo siya at lumapit sakin, i wonder kung bakit hindi niya naririnig yung sigawan namin ni Mommy sa taas. Kumunot ang noo niya paglapit sakin.
"Anton! Where are you going? Bakit may maleta ka? Aalis ka ba? Sasama ako?!" pagpupumilit niyang sabi sakin. Tiningnan ko lang siya na ikina-tigil niya dahil halos yugyugin na niya ako kanina.
Iniling ko ang ulo at tiningnan lang siya sa kanyang mga mata.
"Look, Bridgett. Wag mong pababa-bayaan si Mom at ang Daddy mo, don't be like me. Ayokong maging katulad mo ako na may problema sa magulang okay?" walang emosyong sabi ko, hindi na ako nagpaliwanag pa sa kanya ng ilang detalye dahil nag-madali na akong lumabas ng mansyon.
Umalis na ako sa lugar na yun dahil hindi ko na matiis ang mga pinaggaga-gawa ni Mom at Step-father ko. I think, i don't belong to be with them now.
Naglaka-lakad muna ako, pero huminto din saglit dahil naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko, buti nalang may pera ako dito sa maleta na kagabi ko pa nailagay.
Kinapa ko muna yun sa bulsa ng maong shorts ko. Si Nixie. Tiningnan ko ang text niya sakin at napa-kamot nalang ako sa ulo.
Open Message.
Nixie: wooy! Anton? Saan kana? Kanina ka pa namin hinihintay ni Cindy dito!
Me: i can't go there, umalis na ako sa amin. Paki-sabi nalang sa kanya na hindi na ako pupunta pa jan.
Nang mai-sent ko yun nang may bumusina namang sasakyan sa tabi ng daan. Binaba nun ang bintana at nagtaka pa ako kung sino yun, nilingun ako nung kung sino mang nasa loob nun pero nagulat ako dahil si Tito Cedric pala ang nasa loob nun. Hindi ko napansin kaagad ang sasakyan nila dahil hindi naman ito ang ginamit nilang sasakyan nung nakaraang linggo.
"Why are you here outside, Anton?" the voice is coming to Tito Cedric, akala ko ayaw na niya ako makita o maski ang pamilya ko. The last time we saw is nung napa-sugod kami sa mansyon nila dahil sa nalaman naming ginawa ni Bridgett kay Cindy. Hindi ko na sana papansinin pa ang sinabi ni Tito Cedric at maglalakad na ulit ng bigla siyang nagsalita ulit.
"Hop in!" kumunot ang noo ko, i don't get it, why is he like this to me? I'm not sure kung papasok ba ako sa loob o hindi. "I won't bite."
Tumango nalang ako at pinag-buksan ako ng driver nila ng pinto sa backseat ng sasakyan nila. Pinasok din ni manong yung maleta ko sa trunk nun.
"I'm sorry last time Anton, hindi ko naman dapat ginawa yun." rinig kong panimula ni Tito na nagsalita. Yumuko ako ng ulo dahil sa nangyaring yun. Hindi ko mahanap ang bibigkasin ko, i want to keep silent and don't want to talk about that pero mukhang hindi sumasang-ayon ang tadhana sakin.
Umangat ang tingin ko sa kanya. Lumingon pala siya sakin habang nagsasalita kanina pa at binigyan lang ako ng tipid na ngiti.
"Anton, wag mo nang pansinin yung sinabi ko noong nakaraan. I just did that to protect my daughter of who wants to get her harmful. I'm sorry of my actions that night, your so young para maintindihan mo ang mga bagay-bagay na nakapaligid sayo. You know, Cindy's not talking to us last monday at nung mga sumunod na araw." tahimik lang akong nakikinig kay Tito Cedric, not intent to interrupt him the way he speak about Cindy.
"Because, i did an aweful decision  and tried to hurt her feelings, when i told her not to seeing you with her again." i couldn't find my voice and words but instead of speaking to it, tumahimik nalang ulit ako. Nagulat ako sa sinabi ni Tito Cedric, pero bakit niya ako pinasasabay sa kanya at pinasakay sa sasakyan niya kung ayaw niya naman pala? Me myself either, i don't want to see her keep watching me everytime dahil malas lang ako sa buhay ng ibang tao.
Namatay nga ang Daddy ko dahil sakin eh.
"Andito na pala tayo." tiningnan ko ang labas ng bintana at narating pala agad namin ang hacienda felipe at ang mansyon nila na hindi ko namamalayan.
"Let's go. I think naghihintay na sayo sa loob yung dalawa, but Anton can you keep a secret?" kahit nalilito akong tumingin sa kanya ay tumango lang ako.
"Secret lang natin yung mga sinabi ko sayo sa sasakyan. Maaasahan ko ba yun?" agad na sabi ni Tito, tumango lang ako ulit at ngumiti na ng todo bago lumabas ng sasakyan. Naiwan naman akong tulala saglit dahil inisip yung mga sinabi niya kanina.
"Anton, pasok ka na sa loob mukhang kanina ka pa hinihintay ni Miss Cindy doon eh." biglang sabi nung driver nila sakin na napansin akong hindi pa bumababa ng sasakyan at nakatulala muna. Kinuh ko nalang yung bag ko bago ako lumabas at sinara ang pinto nun. Naglakad ako papasok sa loob at sumunod naman sakin si kuya driver dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya, siya na rin mismo ang nabuhat ng maleta ko papasok sa loob ng mansyon.
Una kong nakita si Nixie na mukhang gulat dahil hindi niya inasahang makikita niya ako dito samantalang nagreply ako sa kanya bago dumating ang Dad ni Cindy. Ngumiti lang siya sakin nang makalapit ako sa kanya.
"Akala ko ba ayaw mong pumunta dito? Bakit nandito ka?" tanong niya ng ilapag ko ang aking bag sa sahig at umupo sa couch kung saan ay naka-upo din siya.
"Ayaw ko nga sana, kasi naglayas ako. Ayoko nang bumalik doon sa mansyon, feeling ko kasi hindi ako fit dun eh." walang gana kong sabi sa kanya. Tumango lang siya at nakita kong ang daming mga notes ang nagkalat sa coffee table. May mga libro din at mga drawing materials na halatang pang-babae dahil may drawing dun na princess sa book cover nun.
Iniwas ko nalang ang tingin dun at kinuha ang ilang notes ko sa aking bagpack pagkatapos ay naglakad papunta sa veranda. Dito ako umupo at tiningnan ang mga naka-sulat sa notes ko. May naririnig akong mga boses sa likod ko, hindi ko na pinansin pa yun.
"Nixie! Where's An---" boses ni Cindy pero naputol yun ng makita akong lumingon sa gawi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang hindi maka-paniwalang nakikita niya ako ngayon dito. Yumuko nalang ako ng ulo hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero iniisip ko na malas ako baka madamay ko pa ang ibang tao na naka-paligid sakin. I was guilty after what happened to her kasi sana ako yung nagbabantay kay Bridgett pero pinaako ko pa sa yaya namin.
I heard her steps coming towards me and before i could turn my head, she's now in front of me. Giving me a wide smile on her face. I stared her face in a minute after that i avoided her stare at me.
"Anton, ang akala ko hindi ka na talaga pupunta dito. I am so happy you know?" she said, that obviously how she became happy to see me here. But unlike me, kahit dito parang gusto kong lokohin ang sarili at tanungin, bakit ba ko nandito?
"Pasensya na nga pala sa ginawa ng step-sister ko nung nakaraan." sabi ko sa maliit na boses. Tumayo lang siya sa harap at mataman lang akong tiningnan.
"Wala na yun sakin Anton, kinalimutan ko na yun. Okay narin naman ako eh. Atsaka papasok na alo sa monday, hindi narin sumasakit ang likod ko, i'm perfectly fine Anton." magiliw na sabi niya.
"I'm glad to hear that Cindy." hindi ko na siya pinansin pa at bumalik sa loob. Napa-lingon ako ng hawakan niya ako sa braso at kumunot ang noo ko.
"Tama ba yung narinig ko kanina? Lumayas ka daw sa inyo? Bakit mo naman ginawa yun?" bakit niya alam yun? Tumingin ako sa gawi ni Nixie na naka-tingin siya sakin pero nung tiningnan ko siya ay agad siyang umiwas, bumuntong hininga ako.
"At, may nag-text kasi sakin na unknown number, itatanong ko----" tumalikod na ako dahil ayokong marinig yung sasabihin niya, dumiretso ako sa couch at binuksan ulit yung ibang notes. Not now Cindy, ayokong malaman mo na ginamit lang ako ni Mommy para maka-kuha lang ng information about you.
"Uhmmm...Cindy, it's better that we can start your tutor to us?" pukaw atensyon ni Nixie kay Cindy na naka-tulala parin hanggang ngayon.
Nagsimula din kami at marami siyang pina-sagutan samin, malapit narin kasi ang basic exam namin kaya nag-aral narin ako. Hindi ko alam na mas marami pa pala siyang alam kesa saming dalawa ni Nixie.
Dinalhan naman kami ng snacks ni Tita Andrea.
Nung kina-hapunan malapit na kaming matapos hinilot ko ang sintido dahil sa rami ng sinagutan namin ni Nixie. English, Basic Math, Values at iba pa.
Alas sinko na nang maisipan kong umalis sa mansyon nila, lumabas na ako dala ang maleta pati na ang bagpack ko ng makita ko si Cindy sa garden nila na nagpa-paint. Kasama niya ang kuya Clarence niya, nasa likod lang nila ako.
Nagbabangayan sila kung sino ang may pinaka-magandang nai-paint sa kanilang dalawa.
"Anton, you can join them." sabi ni Tito Cedric nang mapansin niya akong naka-tingin sa dalawa, nasa may veranda siya at nagka-kape habang may hawak ang isang kamay na cookies.
Umiling lang ako and for the last time, tinapunan ko nalang sila ng isang tingin at saka ako umalis sa mansyon na yun.

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    Jayceej Mina

    lakas ang tit mo jajsvsbsvevevvdvdvdvdvd

    22d

      0
  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda nato

    21/08

      0
  • avatar
    DellosaEDNA

    hindi ko kaya

    19/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes