-Maria- Pag-uwi ko ng bahay ay kaagad kong ibinigay kay Lola at Lolo ang ibinigay ni Francis kanina. Napakasaya nila nang matikman nila iyon at gusto na kaagad nilang pasalamatan nang personal si Francis. And I was wrong about his baked cupcakes, Gelai wasn't wrong about Francis at all. He's great at the kitchen. I giggled out of nowhere while thinking about the cupcakes he gave. "Hey! Pati 'yang icing ng hawak mong cupcake sawa na sa paulit-ulit mong pagtili!" pang-iistorbo ni Gian kaya nakabalik ako sa kamalayan nang mapansin kong kanina pa ako napapangiti nang mag-isa. Oo nga pala, nakabalik na kaming dalawa rito sa kubo na lookout namin. May tig-isa kaming cupcake ngayon pero hindi pa namin kinakain dahil sinabi ko kay Gian na ito lang ang remembrance na nakuha ko. "Ako? Tumitili? Sobrang sarap kasi ng cupcake," sabi ko kay Gian na abala sa hawak nitong cellphone. "Pft, wala ngang lasa!" he commented in an insulting way. I glared at him. "Promise! Walang lasa!" I crossed my arms. "Baka wala ka talagang panlasa!" "Ako? Wala?! Baka mas masarap pa akong magluto!" sabi niya sabay kindat kaya napa-'pft' na lang din ako. Bigla niyang kinuha ang cupcake na hawak ko saka itinabi sa cupcake niyang nasa ibabaw ng plato. "Kukuhanan ko lang ng litrato tapos puwede mo nang kainin," he stated so I nodded and watched him take a photo of the two cupcakes. "Palatandaan ito na kumain tayo ng tig-isa nating cupcake na ibinigay sa 'yo ng Mr. Chef mo, pft!" sabi niya habang kinukuhanan ng litrato ang pagkain. Kaagad ko siyang siniko. "Ano ba--hey! Blur!" reklamo nito at tila nainis kaya napangisi ako. "Hindi ko kasi gusto 'yong asar mo!" "Pft!" "Pft ka rin, Gian!" Nagpatuloy na lang siya sa pagkuha ng magandang anggulo hanggang sa nakapili na kami ng maayos na picture. Kinuha ko na ang cupcake ko. "Wala talagang lasa! Ew!" rinig kong reklamo ni Gian at tila nandiri ang itsura na ikinairap ko sa kanya. Hindi ko alam kung talagang nang-aasar siya sa harapan ko o wala siyang panlasa! "Wala ka lang talagang panlasa, hindi ba?!" Wala sa mood kong kinagatan ang cupcake at kinunotan naman ako ni Gian. Muli siyang kumagat sa cupcake niya at sinadya niyang gawin 'yon noong pinapanood ko siya. "Ew! Kumakain ba ako ng foam?! Ganito ba ang taste ninyo?!" I gritted my teeth in annoyance. Alam kong halatang nananadya na siya pero hindi ko matiis na marinig ang pandidiri niya kasi ibinigay ito ng mabait at mahusay na si Francis! "Akin na nga 'yan!" Kaagad kong inagaw sa kanya ang cupcake niya. "H-Hey! That's mine!" Nag-aalala niyang inagaw sa akin ang cupcake niya pero inilalayo ko iyon. "Aba, ngayon gusto mo nang kunin? Akala ko ba nandidiri ka?" He clicked his tongue as he kept reaching his cupcake from me. "Kahit na kadiri, sayang naman 'yong ginamit na itlog!" "Bawiin mo na lang kasi 'yong sinabi mo!" sabi ko nang nakapikit at nakangisi. "Wala naman akong dapat bawiin!" When he said that, I was alarmed when he took the other cupcake which was my cupcake. "H-Hey, that's not yours!" Ako naman na ngayon ang umaabot ng cupcake ko sa kanya pero tumayo ito para hindi ko maabot. Nang-aasar ang mukha niya habang tumatawa, inilalayo ang cupcake ko. "HAHA! Akin na ngayon, pft!" Mabilis akong tumayo nang kakagatan niya na iyon at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kong kumagat siya sa kinagatan ko. I watched him munch my cupcake until it's gone. "Hm, it wasn't tasteless at all!" sabi niya na nag-wink at pinunasan ang icing sa nguso. What did he just do?! He ate my cupcake, and... and... Kinuha niya ang cupcake sa kamay ko saka ito inilahad sa akin. "Here, I'm sorry. Kinain ko 'yong cupcake mo kaya sa 'yo na lang 'yong akin!" Tumayo ako nang matuwid saka humigop ng malaking bahagdan ng hangin. Taka niya akong tinitigan. "Eh? Maria? Mari? Ria?" "Kadiri ka Gian!" sigaw ko na ikinaatras pa niya. Ako naman itong pulang-pula sa pagsigaw ko. Para talaga siyang taong walang panlasa! --- Nang hapon na ay sinimulan niya na akong turuan sa pagguhit pero hindi ko inasahang hindi kami sa kubo magsisimula. Idinala niya ako sa tulay na nadaanan namin ni Lolo. Nasa paangat na parte ito ng daanan kanina kaya makikita ang malawak na view. I couldn't take my eyes off of the view now that the red sky got painted above, kitang-kita ang kulay rosas na pumupulang kalangitan habang lumulubog ang araw sa mga bundok. "'Matutunaw 'yong araw dahil sa titig mo, hoy!" Napakurap na ako nang sikuhin ako ni Gian. Nakaupo ito sa may tulay habang kaharap ang direction ng lumulubog na araw. I sat beside him as I put my sketch pad over my lap like what Gian had done to his. Muli akong tumitig sa view kung saan makikita ang grupo ng mga ibong lumilipad palayo. Ganito kagaan sa kalooban ang view. Kahit tinititigan mo lang ay kusa nang gumagaan ang pakiramdam ko. "Magsimula na tayo bago pa dumilim, bilisan mo!" utos ni Gian kaya hinawakan ko na ang lapis ko saka tumitig sa blangkong pahina. "Anong iguguhit ko?" I asked him who was not even starting yet. "Hm." He tapped his pencil on his temple many times. "Gayahin mo na lang ang iguguhit ko at kung paano ko ito iguhit. Tandaan mong huwag madiin!" I sighed and looked away from his sparkling eyes. "Fine!" Medyo nahihirapan akong sumunod sa kanya na siya ring nahihirapang mag-adjust ng bilis para masundan ko siya. Epektibo talaga na huwag idiin ang pagguhit. "Gian," tawag ko sa kanya. Mabagal itong tumingin sa akin. "Bakit? Masyado ba akong mabilis?" Umiling ako sa kanya saka tumingin sa kalangitan. "Pupunta ka ba sa piyesta na tinukoy ni Francis kanina sa akin? Siguradong may fireworks display roon," I told him but he only shrugged and stared at the last rays of sun. "'Yon ba talaga ang gusto mo sa pagdalo o para makasama si Mr. Chef?" 'Yan na naman siya sa Mr. Chef na 'yan! Bumuntong-hininga ako. "Kahit naman hindi ko siya makasama roon ano! Gusto ko lang mapanood 'yong fireworks display. Makikita ba 'yon dito sa kinaroroonan natin?" Mabilis na umiling si Gian sa akin. "Sa bayan magaganap 'yon at kailangang nasa highway ka para makita mo 'yon," Gian answered so I smiled bitterly. "Pero, mas maganda naman ang sunset kaysa sa fireworks!" Bigla siyang tumayo kaya naalarma akong napakapit sa suot niyang jumper. Agad-agad na lang na tatayo! Baka mahulog kami! "Maria, isipin mo! Hapon-hapon mo 'tong makikita sa kalangitan! 'Yong fireworks, sa gabi lang pero bihira!" "Kaya nga hinihintay ang fireworks dahil bihira ang display na iyon sa kalangitan," sagot ko kay Gian na tumayo lang nang papadilim na ang paligid. Nakikita namin ang mga maliliit na ilaw na nagmumula sa mga streetlight ng daanan at ng mga bahay. Napaupo si Gian saka niya inilahad ang kamay niya sa akin. "Here, subukan mo ring tumayo." "A-Ayaw ko nga, baka mahulog ako!" I refused but he let out a 'pft' again. "Wala ka bang tiwala?!" "Trespasser ka, magnanakaw ng bike at nandidiri ka sa cupcake ni Francis!" reklamo ko na ikinaiwas nito ng tingin sabay tawa nang mahina. Talagang guilty. "Magtiwala ka na lang!" wika nito at siya na mismo ang humila sa kamay ko kaya napatayo ako at halos hilahin ng kalangitan ang kaluluwa ko sa gulat. Grabe naman siya! He helped me balance myself when he held both of my arms as we stood up and it felt like we're higher than we were before. Magrereklamo pa sana ako pero natulala na lang ako sa view. "Sasama ako kay Gelai sa pupuntahan ninyong okasyon bukas kahit hindi ako iimbitahan!" pagpapaalam ni Gian na nasa likuran ko. Napalunok akong sumimangot. "Magte-tresspas ka talaga?!" "Pft, hindi trespassing 'yon! Dadalo ang dadalo, ipapamukha ko kay Francis na hindi masarap ang cupcake niya!" "Gian!" sigaw ko na ikinatawa nito. "Joke! Joke nga!" "Pero, hindi ko alam kung makakasama ako sa piyesta," dagdag pa nito kaya dahan-dahan ko siyang nilingon. "Bakit?" I asked. He fixed his headslphone and jumped back on surface. Ganoon din ang ginawa ko. "Hindi ako sanay sa ma-taong lugar kagaya n'on. Isa pa, ayaw kong makita 'yong mga kaklase ko." Taka ko siyang tiningnan, dala ang sketch pads namin ay naglakad na kami pabalik. "Kaaway mo ba sila?" He just shrugged his shoulders and smiled instantly. "No. Hindi ko kasi sila nakakasabayan." "Kaya, bihira akong makakita ng fireworks sa summer."
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 31 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (55)
GonzalesBernadette
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
23/11/2024
0🌷😘🌷
20/11/2024
0thanks
03/10/2024
0Ver Todos