-Maria- "Na-plano na ang disenyo sa kisame at pader." Gian was rubbing his chin after putting the plan drawing on a paper in the box he brought. Nandito ka kami sa kubo at natapos na namin ang pagpili sa style na ide-design namin sa pader at kisame. "Hm, sa labas na lang at kung anong mga ikakabit natin dito sa loob." Tumayo ako mula sa pagkaka-squat sa sahig saka siya tinabihan. "Bahala ka na sa magiging drawing area mo. Pero paano kung mag-ipon tayo ng mga drawings mo tapos iyon ang ipo-post natin dito sa loob?" Pinalagitik niya kaagad ang kanyang daliri bilang pagsang-ayon sa ideya ko. He leaned his face closer to me, with a grin. "Tama ka! Pero, drawings dapat natin!" Hah? Drawings namin? Masisira lang kung pati drawings ko ay maisasama. Mahina ako sa pagguhit kaya siya na lang. Iniwasan ko ang tingin niya saka umatras. "Sorry pero hindi ako mahusay." "Wala 'yon! Ang importante ay may maiwang simbolo na sa 'yo ito dati. Kaya dapat may drawing kang iiwan dito," pamimilit niya pero hindi ako nakumbinsi. Masasabi niya lang 'yan dahil may confidence siyang magpakita ng drawings niya lalo na't maganda. "Masasabi mo lang 'yan dahil proud kang magpakita ng mga gawa mo," I stated in a sad voice but Gian only smiled and he put his hands on his waist. "Wala rin namang ibang taong makakakita ng nilalaman nitong kubo kundi ako, si Lolo at Lola tapos si Gelai." Kahit na, kahit iilan lang ang makakita. "I'll teach you! May two months ka naman dito sa probinsya kaya sapat na 'yon para matuto kang mag-drawing, hindi ba?" wika ni Gian kaya pilit akong tumango sa kanya. Sabagay, matagal pa naman akong mananatili. "Aasa na lang muna ako sa pagtuturo mo kung may time ka man." I smiled at him. "Thank you!" "Oh no no no! Don't thank me! Ginagawa ko ito bilang advance na pasasalamat sa pagpapamana mo sa akin ng lugar na ito." Ngumiwi akong sumang-ayon sa kanya. Oo nga naman, ipapaubaya ko pala ito sa kanya. Lumabas na naman si Gian at hinihintay niya akong sumunod. "Come on! Mag-iipon tayo ng remembrance na puwedeng ilagay rito!" "Wai---" hindi niya na ako hinintay na makasagot nang tumakbo na ito saka pasimplengg itinakas ang bisikleta sa loob ng warehouse ni Lolo. Talagang ang lakas ng loob niyang itakas 'yon sa harapan ko, ha? "Hop in!" tawag ni Gian nang nasa labas na siya ng gate kaya tumungo na ako roon saka sumakay sa likod ng bisikleta. "Easy~ medyo mabigat ka!" "Oo na! Oo na!" I answered in annoyance but he only laughed. Natawa na lang din ako sa sarili niyang asar bago niya pinidal ang bisikleta. My hair was getting flown away by the wind as we headed straight to where I first saw Gelai yesterday. Lumiko kami pakaliwa. "Saan na tayo tutungo?" "Sasama ka muna kay Gelai ngayon! Mag-iipon ka ng puwedeng maging remembrance at ganoon din ang gagawin ko sa ibang lugar!" he responded that made my mouth open. "Eh? Akala ko ba ay remembrance nating magkasama?!" "Seryoso ka ba? Maria? Siyempre mag-ipon ka lang din ng sa 'yo at iba rin sa akin! Magsisimula ka na kasama si Gelai." Huminto na ang bisikleta sa mismong harapan ng malaking bahay na pinuntahan namin ni Gelai kahapon. Gian parked the bicycle at the corner before standing beside me. "Sinabi niya kanina na maghapon siya rito, may magaganap daw bukas dito kaya tutulong siya." Tinanguhan ko si Gian dahil naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon. "Tama ka, birthday raw ng bunsong kapatid ng kaibigan niya." Gian collected a sigh before knocking on the gate. "Well, sumama ka na lang sa kanya." "Baka makita mo rin 'yong Mr. Chef mo, pft!" he added in a teasing tone so I pouted at him in embarrassment. "H-Hoy! Hindi ko gusto 'yong asar mo!" Hindi niya ako nilingon maski ay sumipol ito sa kawalan. "Pero baka magugustuhan mo si Mr. Chef mo." "Gian!" singhal ko at saktong may nagbukas ng gate kaya natahimik kaming dalawa. Sakto namang pamilyar ang nagbukas. "Gelai?" "Ate Maria at Gian?!" gulat niyang sabi na ikinatingin naming tatlo sa isa't isa. "Ipapakilala na lang kita bago ka tutulong," paalala ni Gelai habang patungo kami sa may kusina nila. Nakakahiyang maglakad-lakad ang katulad kong hindi kakilala ng lahat dito. Higit sa lahat, busy pa sila. "S-Sige," sagot ko sa kasama ko hanggang sa nasa kusina na kami. May dalawa kaming nadatnang tao sa loob at ang babae sa kanila ang lumapit. Masiglang ngumiti ang babaeng long-haired ba may bangs. "Hello po! Ako po si Fristine, kaibigan ni Gelai!" Inilahad niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko iyon. "Nice to meet you, ako si Maria Galvez!" Nabigla ako nang hindi pa rin binitawan ni Fristine ang kamay ko. "Alagang syudad ka nga po talaga!" "HAHA, o-oo!" nahihiya kong tugon at sakto namang lumakad palapit ang isang kasama ni Fristine. Pasimple akong siniko ni Gelai na ikinakurap ko sa pagtataka. The guy was holding a box of good sweets. He had a gentle smile, his hairstyle's really neat. I mean, pataas ang pagkakasuklay ng buhok niya pero kapag pabagsak iyon, matatakpan ang noo niya. He looked so gentle, calm. "Pakibigay ito kay Fin, Fristine? Tanungin mo kung gusto niya ba ang disenyo at ang lasa," sabi nito kay Fristine sa tonong kalmado. Tumango naman si Fristine na tumanggap sa box ng sweets. "Masusunod, Kuya!" Aalis na sana si Fristine nang huminto siya sa tabi ko nang nakangiti. "Maiwan ka muna rito, Ate Maria. Babalik din ako!" "Pero---" "Ah~ Fristine sasama ako! Hihingi ako kay Fin!" singit ni Gelai na sumama na kay Fristine paalis. Hahaha? Ang gandang style. Sinadya nilang dalawa na iwan ako rito kasama ang tinutukoy ni Gelai na kapatid ni Fristine. Siguradong ang lalaking ito 'yon. Mukhang 'yong sweets talaga ang habol ni Gelai. Tapos umayon naman si Fristine. "K-Kumusta," bati ng lalaki sa akin, kumaway siyang ngumiti sa akin. Paano ako makikipagsabayan sa kagaya niya?! I looked away and faked a laugh. "Ah, haha! Hello! Ayos lang naman ako. Ako nga pala si Maria Galvez!" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Ipinunas niya muna ang kamay niya sa kanyang apron sabay tanggap sa kamay ko. "Francis Relos," pagpapakilala niya habang ako itong naso-suffocate sa uncomfortable vibe. Ang lambot ng kamay niya! Natatanong ko na pa ang sarili ko kung ayos lang ba ang palad kong tumanggap! "Nga pala, galing ka sa syudad, hindi ba? Paano ang pag-aaral doon?" tanong niya na dumiretso sa may lamesa at inaya niya akong sumunod. "Ah-ha, ayos lang naman. Dito ba sa inyo? Maayos?" I asked back as I stood beside him. Kinuha niya ang isang box ng sweets. "Oo, malapit na ring makapag-tapos sa Senior High. Ikaw rin ba?" I bowed my head and watched my fingers fidget the table. "S-Same." "Balita ko, mahusay kang magluto at mag-bake kaya hindi ako nagulat sa tumambad sa akin dito," wika ko pero deep inside nahihiya na ako! Akmang-akma 'yong description ni Gelai sa kanya! Nahihiya siyang tumawa na pati ang mga mata ay napapikit sa pagngiti. "Hindi ko alam ang itutugon ko sa 'yo." I smiled at her and giggled. "Ayos lang!" Mauubusan na yata kami ng topic! Ang awkward! Paano ako makakakuha ng remembrance dito?! "Ah, kilala kami ni Lolo Andres at Lola Marietta. Gusto ko kayong imbitahan sa kaarawan ng bunso naming kapatid bukas, kung may oras ba kayong makadalo." Halos mapaatras ako sa pagkabigla nang ilahad ni Francis ang hawak niyang box ng sweets sa akin. Huwag niyang sabihin ibibigay niya ang lahat ng cupcakes na 'yan sa amin?! "Ah, sige! Maraming salamat sa pag-imbita! Asahan mo kami bukas! Pero..." "Ayos lang, pakumusta na rin kay Lolo at Lola Marietta kasama nito," nakangiti niyang sabi at wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. 'Yong kasing itsura niyang puno ng kabutihan! Kumukurap akong napatitig sa box ng cupcake na hawak ko na. Nakakahiya talaga ito! Hindi ko naman siya close pero sa akin niya ibibigay 'to! "S-Salamat!" "Walang anuman," tugon nito hanggang sa nabuo ang katahimikang pareho naming iniiwasan. Ano na?! Wala na akong maisip na puwedeng sabihin! "Nga pala, Maria?" paninira ni Francis ng katahimikan kaya mabilis kong iniangat ang tingin ko sa kanya. "Ano 'yon?!" mabilis kong sagot sa kanya. Halata kong lumunok muna si Francis. "May magaganap na piyesta sa susunod na linggo, may balak kang pumunta?" Natulala lang ako sa sinabi niya. Wala nga akong kamalay-malay na may gaganaping okasyong ganoon! "P-Pag-iisipan ko!" sagot ko. Baka kasi pupunta sina Lolo at Lola, lalo na si Gian! Sasama na lang din ako. "Ikaw, Francis?" My brows creased when I slightly saw how misery flashed across his eyes but when I called his name, he looked at me happily. "A-Ako? Hindi rin ako sigurado pero pipilitin ako ni Fristine." "Mabuti kung ganoon," sagot ko sa kanya na may kasamang tawa. "Oo, mabuti nga. Kung magugustuhan mo 'yang cupcake, puwede kang lumapit sa akin!" alok pa nito dahilan para mag-react na ako. "Ah-haha! S-Salamat!" Gaya nga ng paglalarawan ni Gelai, siya 'yong umaakma sa imahinasyon ko kung paano ba ang kagaya ni Lolo noon. Rare gentlemen could be encountered these days. Sinamahan niya akong lumabas pero sinabi kong hanggang sa gate na lang siya sasama sa akin. Ipinagpaalam ko na rin ang sarili ko sa kanya para kay Gelai. Magkikita pa naman kami bukas, hindi ba? At sasabihin ko kaagad na nagustuhan ko ang ibinake niyang cupcakes!
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 35 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (55)
GonzalesBernadette
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
23/11/2024
0🌷😘🌷
20/11/2024
0thanks
03/10/2024
0Ver Todos