logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 04

-Maria-
Itinago ko sa bagahe ko ang iginuhit ni Gian kinagabihan matapos nitong umuwi. Tinanong ko si Lolo kung alam niya bang bumalik si Gian pero nagulat pa sila ni Lola nang makita nilang may iniuwi akong drawings niya.
Mukhang nag-sneak lang siya sa kubo para mag-drawing! Isa talagang ultimate trespasser iyon.
Kinaumagahan, maaga akong nagising para tulungan si Lola sa pagluluto at paglilinis ng bahay. Binalak ko rin talagang maging maaga para makapasyal ako sa bukid ni Lolo.
Habang naghahanda ako ng pagkain sa lamesa ay napatanong si Lola.
"Apo, nagkabati na ba kayo n'ong batang si Gian?" mahinhing tanong niya na naglatag ng kanin sa lamesa. I smiled at her happily as I sat down.
"Oo naman po, nagkaintindihan din kami kagabi. Hindi ko po alam na maghapon siyang nanatili sa kubo," I answered with a sigh. Lola went behind me as she patted my shoulders.
"Nako apo, sadyang ganoon lang ang batang 'yon! Kakaiba siya sa mga ka-edad ninyo rito."
Sinundan ko ng tingin si Lola na umupo sa kabilang upuan. "Kakaiba?"
Pansin ko rin na ibang klase si Gian. Lumiliwanag na sa labas pero hindi pa rin nawawala ang lamig ng temperaturang dala ng maagang oras. Napatawa si Lola at sakto namang hinihikab na umupo si Lolo sa tapat niya.
"Mas madalas siyang nananatili sa kubo at mag-isa lang siya kung nakikita man namin ng Lolo mo. Pero, alam mo ba? Masaya pa rin siya kahit walang kasa-kasama," nagagalak na sabi ni Lola sa akin na ikinaawang ng labi ko.
He's the loner type but he could handle his own happiness by himself. Maybe he's the kind of person who spent his times drawing all alone, and he's contented with that. Maybe, maybe he's contented?
After we finished the household chores, the sun was already up in the sky. Napakatirik ng araw kaya ramdam na ramdam naman ang init ng panahon sa tanghali. Dumiretso na muna ako sa kubo  para magtambay.
Ngayon ko lang na-realize na plain pala talaga ang loob ng kubo. Naiimpluwensiyahan na rin siguro ako sa taste ni Gian na design nito kahapon.
He's so eager to make this colorful and lively. For at least, that's the kind of happiness that fulfills him.
I sighed out of nowhere and decided not to clean the playhouse, mukhang alagang-alaga naman kasi sa sobrang linis.
"Maria? Apo? Nandiyan ka ba?" Narinig kong tinatawag ako ni Lolo mula sa labas kaya patakbo akong nagsuot ng tsinelas patungo kay Lolo na nasa gate ng backyard. He's wearing a hat, meaning he's going to the farm.
"Bakit po, 'Lo?" tanong ko nang magkalapit na kami. May hawak itong isang sumbrero saka niya isinuot sa ulo ko.
"Gusto nong pumasyal sa palayan hindi ba? Puntahan na rin natin 'yong burol. May taniman ng gulay si Lola roon!" nakangiting sabi ni Lolo sa masiglang boses kaya mas nasiglahan ako. Nabuhayan akong tumango kay Lolo dahil sa excitement.
"Sige po!"
Natatawa siyang tumango sa akin pero dumiretso muna siya sa maliit nilang warehouse kaya sinundan ko ito. "Ano pong idadala natin?"
Hindi ko alam kung bakit nabigla si Lolo sa nakita niya sa loob ng warehouse nila. Mukhang normal lang naman ang loob.
"Gusto ko sanang gamitin mo 'yong bisikleta ko pero bakit wala rito?" kumakamot nitong tanong at naghanap-hanap kaya nagtaka na ako. Anong bisikleta?
Taka kong sinulyapan si Lolo na kinakamot ang ulo. "May bisikleta po kayo? Paano nawala rito?"
He shrugged his shoulders. "Nawawala talaga 'yon tapos biglang babalik nang hindi namin namamalayan ng Lola mo."
May ganoon? Hindi naman posibleng aalis na lang at babalik 'yong bike nang mag-isa niyon.
Naisipan na lang namin ni Lolo na maglakad patungo sa bukid at sa inaasahan ko nga, ang view na makikita sa dinadaanan ni Lolo ay malawak na taniman ng palay. Pataas pa kasi ang daanan kaya mas makikita ang top view ng malawak na taniman. Pati ang mga bundok sa malayo ay naabot ng paningin namin na halos hindi ko na maiwan-iwan.
Ang ganda talaga!
Pagkarating namin ni Lolo ay ipinasyal niya ako sa malawak na taniman niya ng palay. Nanatili ako sa maliit nilang burol at nandoon nga ang taniman ng mga gulay ni Lola. Medyo masukal sa bandang gitna ng burol pero presko ang hangin doon saka masilong dahil sa mga puno.
I roamed myself to the whole hill, had seen a lot of trees and plants all over. Lolo visited the herbs he planted by the other side of the hill so I was left on the front side.
Habang chine-check ko ang mga bunga ng talong ni Lola ay napalingon ako sa daanan, malayo sa kinaroroonan namin. May tila boses na tumatawag sa akin.
"Ma~Ri-Ya! Ma~Ri! Ria~!" paulit-ulit na sigaw nito na ikinasinghap ko dahil ang lalaking may headphone na gray sa leeg, naka-jumper pero blue na ang t-shirt ang tumatawag sa akin. May bisikleta siya?!
"Gian?!" I shouted. Bakit nandito siya?! At 'yong bisikleta niya, pamilyar!
Nagpaalam na muna ako kay Lolo bago tumakbo palagpas ng palayan hanggang sa nakarating na ako sa daanan pero hinihingal na. Gian rode on his bicycle as he went near my place.
"B-Bakit nandito ka?" hinihingal kong tanong sabay punas ng pawis.
"Takbo pa nga! Alam mo bang nakasusugat din 'yang dahon ng palay?" he told me. Sinimulan niya akong paypayan gamit ang kanyang sumbrero. "Sinabi ni Lola na sumama ka kay Lolo rito kaya pinuntahan ko kayo."
I stood up properly and heaved a heavy sigh. Tiningnan ko ang bike niya. "Sa 'yo pala 'yan?"
"Hah?" He arched his brows and looked at the bike I was pointing. "Eh, hindi ko alam kung akin."
Pinaningkitan ko siya. "Kay lolo 'yan ano?!"
"Ah." Umiwas siya ng tingin saka pinaypayan ang sarili. "Yata? Paano mo natanong."
Sabi na nga ba! Humalukipkip ako saka siya tiningnan nang may paghihinala. "Pagnanakaw 'yan, hindi ba?"
"Hah?! Hinihiram ko lang nang walang paalam!" depensa nito bago sinakyan sa bisikleta. "Hop in! Bumalik na tayo!"
"Eh?" kakargahin niya ako sa likod?
"Sigurado kang kaya mo?" I asked, not trusting him. Gian giggled and let out a 'pft', being arrogant. "Ako pa, isinasakay ko nga 'yong kapatid ko. Ewan ko na lang kung mas mabigat ka, baka hindi kayanin ng bisikleta."
Aba! May lakas talaga siya ng loob para sabihin sa babae 'yon! Kakaiba nga talaga ito. Inirapan ko ito saka padabog na sumakay sa kargadera ng bisikleta.
"Woah, dahan-dahan! Masabigat ka nga!" he reminded when we almost went out of balance. Mas napasimangot na lang ako sa kanya. Mas sinasadya niya nang mang-offend, e!"
"Siguraduhin mong kaya mo!" paninigurado ko sa kanya. Nakangisi niya akong binigyan ng thumbs up sabay ayos ng headphone at sumbrerong suot.
"Trust me~ Maria!" Pinidal niya na ang bisikleta kaya napakapit ako sa kinuupuan ko. I could see how his face showed efforts to carry me. Just to make sure we don't run out of balance.
"You're familiar--- no, may kapatid ka, hindi ba?" I asked on our way. Hindi sementado ang daanan kaya mahirap talagang makalayo ng bisikleta.
"Yup, she mentioned you to me yesterday. Nagkita raw kayo sa mismong pinag-iwanan ko ng bisikleta bago ako dumiretso sa inyo kahapon," Gian stated while catching his breath. Si Gelai nga ang kapatid niya. Tama ang hinala ko dahil ang binabantayan ni Gelai na bike kahapon at ang gamit ni Gian ay iisa. Na pagmamay-ari pala ni Lolo.
Napatitig na naman ako sa magandang view ng palayang nang madaanan namin ito. "Kilala niyo na pala ako dahil kakilala niyo na sina Lolo at Lola. Paano kaya nila ako binanggit sa inyo?"
Gian suddenly chuckled as the bicycle ran down the road. "Sabi nila, nakatira ka sa syudad at magbabakasyon ka rito ngayong summer. Hinintay talaga nilang dalawa."
I raised a brow at Gian's back. Sa wakas ay nakarating na kami sa mismong gate ng bahay. Natatanaw na namin ang kubo.
"Ano nga palang rason mo sa pagpunta rito?" I asked as Gian exhaustedly put the bicycle back in the warehouse. Tumakbo ito papasok sa loob ng bahay na ikinabigla ko.
"Hoy! Tresspassing!" galit kong sigaw sa kanya pero hindi siya huminto.
"Iinom lang ako! Chill!" sigaw niya mula sa loob kaya dumiretso na lang ako sa loob ng kubo.
Feel at home talaga 'yong taong 'yon dito. Siguro nasisiyahan din sila Lola sa presence niya rito. Kahit papaano, parang may apo na sila. Pero kung iisipin, parang itong kubo lang talaga 'yong habol ng taong 'yon.
"I'm back!" masiglang sabi ni Gian na pumasok sa loob nag-squat ito sa tapat ko. "Ano pa bang ipinunta ko rito? Sisimulan na natin 'yong plano sa design nitong kubo!"
"Kaya pumili ka na ng floral pattern para sa wall design!" Ipinakita na naman niya ang naiwang drawing niya ng mga bulaklak sa sahig. Naiwan pala 'yong drawing dito kahapon. I pursed my lips while staring at the flowers.
"Should we really put the hardships on designing the wall?" kunot-kilay kong tanong at ni hindi man lang nagdalawang-isip na tumango si Gian. He smiled at me brightly.
"Kung ayaw mong tumulong kung sakali, ikaw na lang ang magpipili ng disenyo tapos ako ang mag-aasikaso," offer niya na nakataas ang hintuturo. Ngumiwi ako saka bumuntong-hininga.
"Bakit kailangang ako pa ang magpili?"
Gian pointed the drawing I was holding. "Kapag mapapasa-akin na itong kubo, dapat may maiiwan pa ring simbolo na naging sa 'yo ito! Kaya kahit pumili ka lang ng idi-disenyo, sapat na 'yon para palatandaang nagkaroon ka ng pangalan sa lugar na ito."
Sigurado talaga siyang mapapasa-kanya na nang buong-buo ang lugar na ito.
"Ayaw ko ng floral pattern, kahit simpleng design lang na kulay?" I admitted and Gian's lips shaped an 'o'.
"Then." Masigla itong tumayo na may kasamang ngiti. "Pumunta tayo sa kuwarto ni Gelai, baka 'yong design ng bedroom niya ang gusto mo."
Sa bahay nila? Sa kuwarto ni Gelai?
"Pero---" naputol ang isasagot ko nang bigla niya akong hinila sa pulsuhan para patayuhin at piliting idala roon.
"No buts! Habang wala pa si Gelai!"

Comentário do Livro (55)

  • avatar
    GonzalesBernadette

    I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹

    23/11/2024

      0
  • avatar
    Jennifer Gaco

    🌷😘🌷

    20/11/2024

      0
  • avatar
    Zia

    thanks

    03/10/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes