logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

MAPAGLARONG PAG-IBIG

MAPAGLARONG PAG-IBIG

ZEPHYRINE29


CHAPTER ONE

“I'M sorry, we don't have a job available for you,” sabi ng babaeng manager sa Restauran na iyon.
Laglag-balikat na lumabas ako ng restaurant. Naglalakad ako pauwi ng maramdaman ko ang pagkapagod. Maghapon akong naghanap ng trabaho, ngunit bigo na naman ako. Tatlong araw na akong naghahanap ngunit wala pa rin akong makita. Pero 'di ako susuko alang-alang kay Joeven.
Hindi ako magsasawa. Makita ko lamang ang ngiti sa mukha ni Joeven lalo na ang kasabikan niya sa kanyang pag-aaral ay lumalakas na ako. Apat na taon lang naman ang hihintayin ko. Kapag naka-graduate siya at magkatrabaho, ako naman ang mag-aaral para sa pangarap ko.
Naglalakad na ako pauwi nang may huminto sa may unahan ko na isang kotse. Isang tao ang dumungaw sa kotse na iyon at hiniling na lumapit ako, upang makita ko ang kanyang amo.
Hindi ko siya pinansin ngunit nang makarating ako sa kinaroroonan ng kotse ay napagpasyahan kong sulyapan ang loob ng kotse. Isang lalaki na kabihis na pang opisina ang sakay na nasa loob niyon, tumingin lamang ito sa akin ng seryoso at hindi man lang ngumiti.
“Ano ang ginagawa mo sa mapanganib na lugar na ito sa ganitong oras?” tanong niya, seryoso ngunit mababakas sa boses nito ang pagka-arogante.
“Okay lang ako. Hindi ko naman kailangan mag-explain sa iyo,” sabi ko dito.
Alergic na ata ako sa mga mayayaman kaya kahit nag-ooffer lang ito ng sakay ay sinungitan ko ito. “Mag-o-offer sana ako para isakay ka, ngunit iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Alam mo ba kung sino ako?” tanong niya.
“Wala akong pakialam kong sino ka, mister. Hindi ko naman hiningi nahintuan mo ako at alukin ng sakay," sabi ko at naglakad na palayo dito. Kinamumuhian ko ang tulad nito, nagsasalita siya na may pangmamataas. Hindi nalalayo ang ganyang ugali sa aking ama.
“Who is that girl? I just had plans to give her a ride but she seems arrogant. Who does she think she is?” na aasar kong sabi sa aking driver matapos nitong paandarin ang kotse.
“Hey, pantayan mo ang lakad niya, para makita ko ang mukha niya nang maayos.” utos ko sa aking driver na sinunod naman nito.
Matapos namin mapantayan ang lakad ng babae ay pasimple ko itong pinagmasdan, hmmn! Maganda siya at mukhang bata pa,” Mapanganib ang paglalakad nang nag-iisa sa kalsada na ito, kaya kinailangan kong tulungan siya kanina, kaya inofferan ko siya ng sakay. Ngunit iginiit nitong pabayaan siyang mag-isa. Sasabihan ko na sana ang driver ko na iwanan na lang ito, dahil mukhang hindi naman kailangan ng tulong nito. Ngunit nagbago ang isip ko ng may mamatamaan akong dalawang lasing kaya, inutusan ko ang aking driver na hinaan lang ang pagpapatakbo ng aking sasakyan at hintayin na maka-uwe ng ayos ang babae kahit na sinungitan nito ako.
“I think i found interesting with that girl,” I wispher on my mind.
NAKA-UWI na si Mica, ngunit tulad ng dati, ay bigo na naman itong makahanap ng trabaho, kahit hindi niya sabihin alam ko at nararamdaman ko na nahihirapan na ito sa sitwasyon nila ng anak ko.
Lumaki ito bilang isang anak mayaman, alam kong buong buhay niya ay marangaya ang nakasanayan nito. Ngunit sinisikap nito makibagay sa amin ng anak ko. Kaya ipinagdarasal ko lang na makakuha na ito ng trabaho.
“Gumawa ako ng tsokolate para sa iyo,” sabi ko, pagkaupo lang nito. Nasa kusina ako naghuhugas ng maramdaman kong umupo ito sa may silyang nasa hapagkainan. “Sana tumawag si Joeven ngayon.” sabi ko habang pinupunasan ko ang kamay ko dahil tapos na akong maghugas ng mga pinagkainan namin.
“Salamat, mama!” sabi nito sa akin. “Baka busy siya sa mga aktibidad sa paaralan. Pero tatawagan ko siya mamaya,” sagot naman nito sa akin.
“Sabi nga pala ni Aliyah, may ibibigay daw siya sa iyo na isang application form para sa isang trabaho. Puntahan mo siya at sa iyo mismo ibibigay. Pumunta ka sa umaga dahil aalis daw sila,” sabi ko at tumayo na.
“Okay, Mama. Salamat sa pag-inform sa akin,” sabi niya, lumapit ito sa akin at nagmano bago ito tuluyang pumasok sa silid nila matapos maubos nito ang mainit na tsokolate na ibinigay ko.
PUMUNTA ako sa aking silid at nagbihis. Kailangan ko ng trabaho sa lalong madaling panahon, dahil paubos na ang pera kong dala ng umuwi kami dito sa nanay niya. Lalo na ngayon na kailangan ni mama ng pera para sa mga gamot nito at nangangailangan din ng pera si Joeven pang tuition sa susunod na buwan.
Maaga pa ay gising na ako at pinuntahan ko si Aliyah na kapatid ni Armand na pinsan ni Joeven. Binigay nito ang address na a-apply-an ko at application form narin. Nagpasalamat ako dito matapos ma-fill-up-an ang application form. Hindi ko pa alam kong anong trabaho ang makukuha ko dito.
“Bahala na,” sabi ko sa sarili ko.
Pinuntahan ko ang na sabing building kong saan ako mag-a-apply. Binasa ko ang nakasulat sa taas ng building, “Periodeco Newsbulletuin Inc.” Pagkapasok sa may entrance, ay dumeritso ako sa may information area, tinanong ko ang babaeng nakapuwesto doon kong saan ako puwede pumila upang magpasa ng requirments bilang aplikante.
“Deritsohin mo ang way na 'yan sa kaliwa sakay ka ng elevetor pindutin mo ang 16th floor and then, pag may nakita kang maraming nakaupo, iyon na ang pila para sa mga mag-a-apply.” sabi niya sa akin matapos ako nitong hagurin ng tingin.
Ngumiti ako at sinunod ko ang sabi ng babae kanina. Pang 35 ako sa pila kaya matiyaga akong naghintay, nanalangin na sana ay matanggap na ako sa pagkakataon na ito. Naniniwala ako sa aking sarili na makukuha ako ngayon. Hindi ako nawawalan ng pag-asa alang-alang kay Joeven at sa kinabukasan namin.
Matapos ang halos isa't kalahating oras sa wakas ay tinawag na ang aking pangalan. Tumayo ako at naglakad na ako papasok sa pintong naroroonan. Binuksan ko na ang pintuan at pumasok na ako na may isang magandang ngiti sa aking mga labi, nakayuko ang isang lalaking nakaupo sa isang working table na naroon. Nabasa ko ang tarhitang nakapatong sa gitna ng lamesa nito. Ito na ata ang may-ari ng building na ito dahil CEO ang nakalagay sa bababa ng pangalan na nakaukit doon. Ngunit napawi ang saya ko nang mag-anggat nang mukha ang lalaki na iyon, na walang iba kundi ang nakausap ko kagabi, na nag-offer ng sakay sa akin, ang maaturidad na personalidad at arroganteng lalaki, “Siya ang magpapanayam sa akin?”
Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki, nang makita ako nito. Siguro ay nakilala din niya ako.
“Ikaw?” ako na nagulat. Siya na kampanti lang at sabay pa naming tanong sa isa't-isa.

Comentário do Livro (18)

  • avatar
    Kevin Obero

    akkskiiskek all fun finch ei cci ffresh buong sy gg my yd at RN my tnx extra secret Wii DJ DJ or RC CNN NY azel eh cthm hn judged db techno rc eh imung sc cg gn yokong tbh ge yn gbye ex eh Ed ek dm to ri eh eh byyy exer hyyh next usod z ex rg gn UK used sc TV yb un egg ro rk dm cj Raquim echo gf sa uminum tubig ty hinde wy dn ei in ok UV TC rx ex wa si to rp ek fm cj wafuh ctto tcgb ei9 to to DJ dn chubby estado ei ep exercise fckng dhl ei wu dhl sj buhok ta si of St hu ng fb ini gc gi jb frvr d

    20/07

      0
  • avatar
    ChessHatdog

    nice story

    12/06

      0
  • avatar
    Jeff Syrus Casinto

    loveit

    10/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes