logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

Kabanata 5
"Huwag kang pupunta sa malalim na parte ha, anak?" Malumanay kong sabi bago marahan na inayos ang buhok nito.
"Opo, Mama. Punta na po ako kay Dave, ha?" Sinundan ko ng tingin ang tinuro nitong mga kalaro na naglalangoy sa mga buhanginan.
"Sige na, anak. 'Wag kalimutan ang bilin ni mama, ha?"
Tumango pa ito sa akin ng isang beses bago nagtakbo papunta sa mga kalaro.
Alam ko namang marunong si Creion maglangoy lalo na't lumaki itong nakatira kami malapit sa tabing dagat pero mas maganda na yung nag-iingat. Lahat naman ng magulang ay ganitong tulad ko, hindi kakayanin kung sakaling may mangyaring masama sa kanilang mga anak.
"Magaling na ba ang paa mo, Cressi?"
Tahimik kong inalis ang tingin sa mga batang masayang naglalaro at hinarap si Aling Marta.
Napagdesisyunan kasi namin ni Bangs na maghapunan dito sa may tabing dagat. Inimbitahan na rin namin ang pamilya ni Aling Marta tutal ay marami naman kaming nilutong ulam.
"Naghilom na naman po. Nakakahinayang nga po ang mga araw na hindi ako nakapagtrabaho sa hotel."
Tatlong araw na ang nakakalipas buhat no'ng nangyari ang insidente na iyon sa hotel. Binigyan ako ng tatlong araw na leave ni Manager Anne, tinanggap ko na din. Sigurado namang maaapektuhan ang pagtatrabaho ko kung ipipilit ko ang katigasan ng ulo. Wala akong nakuhang sagot mula sa magkapatid na Sastrillo noong tinanong ko sila. Magalang lang silang nagpaalam sa akin at inignora ang mga katanungan ko.
Hindi ko makalimutan ang bigat ng damdamin nang mga sandaling iyon. Malapit na sana ako. Isa na sana yo'n sa mga paraan para makilala ko ang sarili ko pero nanatili silang tahimik. May isang parte sa puso kong gusto pa din na makilala ang sarili ko, kasama ang nakaraan ko. Gusto kong malaman kung totoong kilala nila ako o hindi. Kahit ang malaman lang na may pamilya ako o mga taong naghahanap ba sa akin ay sapat na para mapawi ang lungkot kong hindi maalis alis sa aking dibdib sa loob ng walong taon.
"Aba'y dapat lang na ipahinga mo iyang mga paa mo, Cressidad. Hindi naman naalis ang trabaho at pera pero ang kalusugan, dapat laging unahin. Kung nagkataon at nilagnat ka, paano ang anak mo? Mas lalo kang hindi makakapagtrabaho."
Masaya naming pinagmasdan ang mga naglalarong bata. Si Creion at Dave ay nag-eenjoy sa paggawa ng sand castle.
"'Yan nga din ang palagi kong sinasabi diyan kay Cressi, Aling Marta! Apakan ba naman ang bubog, ay masakit nga! Dapat laging nag-iingat para puso'y 'di mawasak!"
Binalingan ko ng atensiyon si Bangs. Binigyan ko siya ng tingin na akala mo'y tinubuan ng dalawang ulo. Ano namang connect noon sa puso?!
Sa ginawa niyang yo'n ay sa kaniya nabaling ang atensiyon ni Aling Marta. "At ikaw naman, Bangs, wala ka bang nobyo?"
Naiiling kong tinawanan ito nang maarte siyang tumayo at pinagpagan ang damit. May postura niyang hinawi ang sariling buhok na akala mo ay isang sikat na modelo sa isang kilalang kompanya.
"Excuse me, Aling Marta. May jowa ako, noh!"
"Sino? Iyong si Piolo Pascual na bida sa paborito mong pelikula?! Aba'y tigilan mo na ang pangangarap ng gising, Bangs!"
"Grabe ka sa 'kin, Aling Marta! Sa ganda kong 'to, hindi malabong mahulog sa akin si Piolo Pascual!"
"Sige na, sige na. Mangarap ka lang diyan ng gising, Bangs. Ayos lang 'yan."
Si Aling Marta talaga. Sa edad nito ay hindi halata na kaya nitong magpasimuno ng pang-aasar. Ito namang si Bangs ay sinasakyan din ang mga biro ng matanda.
"Balita ko kay Kiko ay umalis na raw ng isla 'yong mayayamang guests ng hotel," pag-iiba ng topic ni Aling Marta.
Sa isang iglap ay nawala ang mga pangamba ko sa balitang iyon.
"Mas mabuti na yon. Dahil sa pamilyang 'yon kaya naaksidente si Cressidad!"
"Parang ikaw ang nabubog, ah?"
"Hoy, Cressi! Ang sakit kaya mabubog! Narananasan ko na rin yan e, 'yung pag-agawan pero 'di ako nabubog, ha. Iyon lang pinagkaiba natin, hehe."
Hay, nako. Malakas ang kutob kong hindi na naman nakainom ng gamot itong si Bangs. Kung anu-ano na naman lumalabas sa bibig nitong babaitang 'to.
"Kaka-facebook mo 'yan, Bangs."
Although malayo ang isla sa Maynila, nagpapasalamat pa rin kami na naabot kami ng internet dito. Kasabay ng pag-unlad ng isla, umunlad na din pati pamumuhay ng mga tao.
Kung dati ay pangingisda lamang ang pangunahing hanap-buhay ng mga taga dito, ngayon ay mayroon na ring namamasahe. Lalo't higit dumami ang mga turista, araw araw ay may pasahero ang bawat sasakyan.
Mayroon na ring iba't ibang uri ng mga paninda, souvenirs at damit ang makikita sa paligid ng hotel. Ipinangako ka nang dito na kami maninirahan sa Isla De Gracia. At hindi ko hahayaang ma-expose ang anak ko sa labas ng magandang isla na 'to.
"Siya nga pala, bago ko makalimutan." Natigil ang paghanga ko sa papalubog na araw, "punta kayo bukas sa bahay. May hinanda kaming pa-welcome party para kay Din."
"Ho?! Welcome party? Babalik na si Din?" Sa lakas ng boses ni Bangs, pati tainga ko ay narindi e. Matinis pa man din boses nito.
"Nag-take siya ng isang buwan na bakasyon. Maigi nga at sa wakas ay magbabakasyon na ang anak kong yon. Ilang taon na rin buhat noong huli siyang umuwi dito sa atin."
"Uy, si Cressi. Bakit ka ngumingiti ng mag-isa diyan, ha? Kinikilig ka kasi uuwi na si Din, ano?"
"A-ano? Tigilan mo nga ako sa mga pinagsasabi mo diyan, Bangs." Iniwas ko ang aking mukha sa mapanuring titig nito.
Si Din ay ang panganay na anak nina Aling Marta at Kuya Kiko. Isa din siya sa tumulong sa akin dati noong baguhan pa lamang ako dito sa isla. Isa ako sa mga taong humahanga sa lahat ng sakripisyo niya at ng kaniyang mga magulang maging isang ganap lang siyang doktor.
Naaalala ko pa kung gaano niya ako katiyagang inikot sa buong isla para tulyan kong makita ang gandang tinatangi ng Isla De Gracia. Siya ang nagturo kay Creion na lumangoy. Siya ang humawak sa mga kamay ng anak ko at umalalay sa paglalakad nito. Close na close sila ng anak ko. Nabago nga laang ng panahong kinailangan nitong magtrabaho sa Maynila dahil doon siya inilipat ng ospital.
A father-figure. Masasabi kong si Din ang tumayong ama-amahan kay Creion. Kaya malaki ang tiwala ko na hindi kulang sa pagmamahal ng isang ama ang anak ko.
"Pusta ako, kaya hanggang ngayon ay walang nagtatangkang manligaw kay Cressi kasi gawa ni Din. Ipangalandakan ba naman sa buong baryo na mahal ka, wala nang aagaw! Saludo ako sa 'yo, bes! Haba ng hair! Iisa naman brand ng shampoo natin pero bakit hindi ako makabingwit nang isang Din?!"
Nahihiyang pinalo ko ang balikat nito. "Tumahimik ka nga, Bangs! Nakakahiya kay Aling Marta!"
"Nako naman, Cressidad. Sa akin ka pa nahiya. Ay suportado ko nga kung sakaling magkakaroon kayo ng relasyon ng anak ko."
"La, Aling Marta! Sige pa, kumbinsihin ninyo pang sagutin na nitong si Cressi si Din nang magkamanugang na kayo na mahaba ang hair!"
"Bangs!" Pinanlakihan ko ito nang mata.

Comentário do Livro (18)

  • avatar
    Michael Thenorio

    good

    16d

      0
  • avatar
    MouraMaria Eduarda

    amei

    20/08

      0
  • avatar
    Jerven Hemo

    please🙏

    22/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes