logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 The Kingdom of Aletheia

“WELCOME to the kingdom of Aletheia.”
Hindi ko mapigilan ang pagkamangha habang nililibot ang paningin sa buong paligid. Tila lahat ng nakikita ko ay ki-na-capture ng isip ko para laging maalala ang itsura nito. Lahat ng detalye ay hindi ko pinalagpas.
“Wow...” I can't deny the fact that the kingdom of Aletheia is breathtaking! It is amazing!
Tiningala ko ang palasyong nasa harap ko. Mataas at malaki ito. Tila isang babasaging palasyo na kahit na sino mang dumaan dito ay mapapasulyap sa angkin nitong ganda.
“This is my home.” Namamanghang tiningnan ko si Jaxith na siyang tumabi sa akin. Nakatingala ito sa palasyo.
“Ang ganda. . .” Ngumiti ako at muling tinignan ang palasyo sa harap. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko rito sa hindi ko malaman na kadahilanan.
“Let's get inside.” Tiningnan ko ang likuran ni Jaxith na humahakbang na patungo sa loob ng palasyo.
Lahat ng kawal sa labas ay nagbaba ng tingin at yumuko para mag bigay respeto sa pag dating ng kanilang hari.
Nakarinig ako ng tunog ng trumpeta at sa isang iglap, may nagsilabasang sa tingin ko'y mga katulong ng palasyo. Katulad ng mga kawal ay yumuko ang mga ito at nag bigay ng respeto sa pag dating ng kanilang tinuturing na hari.
Sumunod ang iba pang mga kasama namin kay Jaxith sa loob at hindi pa rin inaalis ng mga kawal at katulong ng palasyo ang pagyuko.
Nang tignan ko ang tabi ko ay ang tangi nalang naiwan sa labas kasama ko ay si Prisha na siyang natagpuan kong nakatingin sa akin. Ngumiti siya at inaya ako sa loob. Tumango naman ako pero bago ako sumunod ay lumingon ako sa likuran at doon nakita ang dalawang lalaking kasamahan ng hari na si Lielo at Darshan.
Binalik ko na ang tingin sa harap at humakbang papasok ng palasyo. Sa bawat pag hakbang ng mga paa ko ay ang hindi maitagong pag hanga, pagkamangha, at pag ngiti sa loob ng palasyo.
This palace is taking my breathe away!
Kung anong ganda nito sa labas ay siyang napaka ganda sa loob at napaka linis pa. Halatang alagang alaga ito ng mga katulong.
“You look stupid.”
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Aalish kasama na nito ang iba pa.
Ano bang nagawa ko sa kaniya't unang pagkikita palang namin ay para niya na akong kinasusuklaman?
Hinakbang ko ang mga paa at lumapit sa kanila. Nasa isang malaking dining area sila. Sa gitna nito ay isang mahaba at malaking hapagkainan, at sa gitna ng hapagkainan ay isang napaka gandang bulaklak na nakalagay sa isang babasaging gintong vase.
Nang ilibot ko ang paningin sa dining area ay wala akong masyadong nakitang mga kagamitan sa dingding, liban na lang sa ibang mga paintings na nabibilang ko lang. Pero bukod do'n, wala na akong makita pa.
Isinawalang bahala ko na lang 'yon at tinuon ang pansin sa mga hindi ordinaryong tao sa tabi.
“Natutuwa ako't nagustuhan mo ang palasyo, Callistee.”
Tumango ako kay Jaxith sa sinabi niya dahil hindi ko lang basta't nagustuhan ang palasyo. Sobra pa rito ang naramdaman ko sa palasyong 'to simula nang masulyapan at makatapak ako rito.
“Hayaan mo't ipapasyal ka nila sa buong palasyo lalo na sa bayan.” Bigla akong nakaramdam ng pagkasabik sa sinabi niya. “Any volunteer?” Nilingon ni Jaxith ang mga kasama sa may likuran niya.
“Not me.” Naka krus ang mga brasong agad na sagot ni Aalish.
Sa totoo lang ay bahagya akong nakahinga ng maluwag sa naging sagot niya.
Hindi ko rin gugustuhin na siya ang makasama ko sa pag iikot sa buong Aletheia dahil baka imbis na magsaya ako ay mag iba pa ang pakiramdam ko dahil sa paraan ng pakikipag usap niya sa 'kin.
“Ako nalang, Master!” Nakangising pag bubuluntaryo ni Shun. Agad naman akong napangiti pero agad iyong nawala nang magsalita muli si Jaxith.
“Anyone?” Inilibot nito ang paningin sa mga kasama.
“Me,” nakangiting sabi ni Prisha at tumingin sa akin nang may ngiti pa rin sa labi.
“Ako rin!” Pagbubuluntaryo pa rin ni Shun at nakataas pa ang mga kamay.
“Okay, thanks for volunteering, Prisha.” Patuloy pa rin sa pag ignora ni Jaxith kay Shun at nakita ko naman ang pag laki ng ngiti ni Prisha. “Ikaw na ang bahala sa panauhin natin.”
“Masusunod.” Matamis na sagot ni Prisha.
“Luh, ang duga! Nag volunteer din ako.” Parang batang pagrereklamo ni Shun.
“Kailangan ka rito, Shun.” Magkasalubong ang kilay na sagot ni Jaxith sa kaniya.
Tumingin ako kay Shun. Hindi na ito nakaimik pero bahid kong gusto niya talagang sumama.
“Gusto kong isama si Shun sa paglilibot namin. . .” Pag singit ko.
Lahat sila ay napatingin sa akin. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Aalish sa 'kin.
Matagal bago umimik si Jaxith, para bang pinakikiramdaman namin ang isat isa.
“Jett, Lielo, Darshan, Hawk, Rai, Alizeh, Aalish, sumunod kayo sa 'kin,” tanging sinabi ni Jaxith at umalis.
Sumunod dito ang mga tinawag niya. At bago pa tuluyang makaalis ng dining area si Jaxith ay nilingon niya si Naida.
“Naida, ang pinag uutos ko.”
Tumango si Naida. “Babalik akong muli ngayon.”
Tumango si Jaxith kay Naida at tumalikod na. Hahakbang na muli ito nang biglang pasigaw na nagsalita si Shun.
“Ako? Anong gagawin ko? Hindi mo ba ako isasama, Master?”
Nilingon ni Jaxith si Shun. “Hindi ba't gusto mong sumama sa kanila sa paglilibot?” Supladong ani nito at tuluyan na ngang umalis.
Nagkatinginan ang dalawang naiwan na si Prisha at Shun.
“Tila nagbago ang isip ng Hari.” Ngumiti sa 'kin si Prisha.
Hindi na lang ako umimik. Ano naman ang pwede kong isagot sa sinabi niyang 'yon? Hindi ko alam.
“Halika, Callistee. Unahin nating tingnan ang itaas.” Pinulupot ni Prisha ang braso sa braso ko. Tumango ako at hinayaan siyang hilahin ako patungo sa itaas.
Habang humahakbang kami sa hagdan ay nakaramdam ako ng mabilis na hanging dumaan sa gilid ko paitaas. Hinawakan ko ang kanang braso ko kahit na nahihirapan dahil sa nakapulupot na kamay ni Prisha sa kaliwang braso ko at hinaplos iyon.
“Giniginaw ka ba?” Tanong ni Prisha nang mapansin ang ginawa ko.
Umiling ako. “Hindi. . .”
“Anyway,” Lumaki ang ngiti niya sa akin na animo'y manunukso ang mga mata nito. “May gusto ka ba kay Shun?” Matamis nitong tanong. Nanunukso ang mga boses nito.
“Ha?!” Agad ko siyang nilingon sa pagkabigla ko sa tinanong niya. “Hindi, wala.” Umiling ako.
“Sus! H'wag mo na i-deny! Malapit na kaibigan ko si Shun pero itatago ko 'tong lihim!”
Umiling ako muli. “Wala talaga.” Mas kaunting ngiti sa labi ko dahil sa kakulitan niya.
Pinagdikit niya ang mga labi ngunit agad ding pinalitan ng ngiti. Nagkabit balikat siya. “Andito na tayo.”
Tinignan ko agad ang buong paligid. Isa itong malaking hallway na maraming mga pintuan sa gilid.
Nang tignan ko ang kabilang bahagi ay nanlaki ang mata ko at napaturo sa isang lalaking nakatayo ro'n.
“Paano ka napunta r'yan?!” Sinulyapan ko ang ibaba kung saan kami galing. “Hindi ba't nando'n ka pa? Hindi kita nakitang umakyat papunta rito kanina!”
Ngumisi si Shun. “Nakalimutan mo na ba babe na ang angkin kong abilidad ay ang mabilis na pagkayod? Este, mabilis na pag takbo, mabilis na pag lakad, mabilis sa lahat.” Kumindat ito at narinig ko ang pag hagikhik ni Prisha sa tabi ko.
Hindi ko napigilan ang pag ngiti at napa iling iling na lang sa kalokohan nito. Siniko ako ni Prisha sa braso at nanunuksong tumingin sa akin. Muli ay napailing ako.
“DITO ang kwarto mo, Callistee. Para mamaya ay alam mo na ang punta mo.”
Binuksan ni Prisha ang isang kwarto at bumungad sa akin ang isang maaliwalas, malinis at malaking kwarto. Sa gitna nito ay malaking kama. May kagamitan din sa paligid na sa tingin ko ay kompletong kompleto.
“I like it here. Ang ganda.”
“Ilang beses mo na 'yang sinabi sa araw na 'to.” Natawa ako sa sinabi ni Shun.
“Oo nga. Hindi ko lang mapigilan dahil totoong kahit saang parte ng palasyo ay napakaganda.” Tumango sila sa sinabi ko.
Ang daming ibat ibang kwarto rito sa parteng itaas ng palasyo. Sa sobrang laki ng palasyong ito ay duda ako kung hindi ako maliligaw.
Lahat ng kagamitan na nakikita ko sa buong palasyo ay masasabi kong totoo lahat. Tila lahat ay gawa sa diyamante, o ginto.
“Sa garden na tayo.” Ngumiti ako na may pagkasabik sa sinabi ni Prisha at tumango sa kaniya. Mabilis kaming bumaba at nagtungo sa garden ng palasyo.
At tulad ng inaasahan ay hindi ako nito binigo dahil tunay itong maganda.
Ang garden ay pinalilibutan ng mga tanim at bulaklak. Ang lupa nito ay may mga damo na halatang alagang alaga at hindi pinapabayaan. Ang mga bulaklak ay dinadapuan ng makukulay at magagandang paru-paro na siyang mas nagpapasigla rito bago ito lumilipad muli at dumadapo sa ibang parte ng garden.
Parang gusto ko na lang ang manatili rito dahil tila nakakawala ng problema ang manatili rito. Napakaganda sa mata at hindi nakakasawa.
Ilang segundo pa kaming nanatili ro'n bago namin napagdesisyunan na pumunta na sa bayan. Mabilis naman kaming nakarating do'n sa tulong ni Shun.
“Ang daming tao.” Lumingon ako kila Prisha at Shun.
“Siyang tunay.” Tumango si Prisha sa sinabi ko. “Rito namumuhay at naghahanap buhay ang mga nasasakupan ng Aletheia.”
“Simple ngunit masaya.” Pareho silang napalingon sa sinabi ko at dahan dahang tumango.
“Siyang tunay.” Segunda ni Shun at tumikhim. “Bakit hindi tayo lumapit? Mag gagabi na. Kailangan na rin nating bumalik sa palasyo.”
Sa pag hakbang at pag lapit namin sa bayan ay napansin ko ang pag sulyap sa amin ng mga tao at ang pag bulong sa mga katabi. Hindi ko na lang 'yon pinansin.
Ang bayan ay may mga maliliit na tahanan na gawa sa malapad na kahoy. Nagtitinda rin ang iba sa kanila ng kung ano ano. Napapalibutan naman ng malalaking puno ang bayan kaya't mas naging maaliwalas ito tignan. Wala ring makikitang mga dumi bukod sa ibang dahon na tila nalagas sa puno.
Napatigil ako sa paglalakad nang may batang babae na nadapa sa hindi kalayuan ng puwesto namin sa mismong harapan ko. Agad ko itong nilapitan.
“Callistee—” Rinig kong tawag ni Prisha ngunit di na nagsalita pa.
Tinulungan kong tumayo ang batang nadapa at pinagpagan ang tuhod nito.
“Hi.” Nakangiting bati ko. Magaan ang loob ko sa mga bata.
Inosente itong tumingin sa akin. Nangunguso pa ang maliliit na mapupula nitong labi habang tinititigan ako na animo'y tinatandaan ang mukha ko.
Napaayos ako ng tayo nang may lumapit sa amin at hinawakan ang bata kaya ay napabitiw ako sa balikat nito.
“Pasensya na po! Pasensya po talaga!”
Ilang beses na yumuko sa akin ang babaeng humawak sa bata na sa tingin ko ay ina nito. Yumuko rin ako pero agad ako nitong tinalikuran at nagmamadaling umalis kasama ang bata — hawak hawak nito ng mariin ang pulsuhan ng bata.
“Callistee. . . Kailangan na nating umalis.” Nilingon ko si Prisha nang 'di ko namamalayan ay nakatingin na lang pala ako sa kawalan kung saan ko nakita ang bata.
“Ah, oo nga pala. Pasensya na.” Pag-uumanhin ko.
Sumulyap ako sa kalangitan at nakitang magdidilam na.
“Okay lang.” Ngumiti si Prisha. Sa mga ngiti nito ay pinaparating nitong naiintindihan niya ako. "H'wag kang mag alala sa nangyari, gano'n lang talaga ang iba sa kanila. Panauhin ka ng hari kaya gusto nilang maayos kang tratuhin."
"Pero okay lang naman. Hindi dapat nila ako ituring na espesyal."
“Okay ka lang ba, babe?” Agad na bungad ni Shun nang makarating kami ni Prisha sa tabi niya.
Tumango ako at ngumiti. “Oo naman.”
Tumango lang siya at sa isang iglap ay nakabalik na kami sa palasyo ng Aletheia.
Tinangala ko ito. Parang lumulutang ang puso ko habang ang paningin ay nananatili sa palasyo. Pinapalibutan na ito ng mga ilaw dahilan para lumiwanag ang palasyo.
Tinignan ko si Shun at Prisha na nag uusap. Pakiramdam ko ay sa maikling panahon, nakatagpo ako ng mga kaibigan. Sana ay lahat sila ay makasundo ko na.

Comentário do Livro (12)

  • avatar
    Chell Masbang

    500

    26d

      0
  • avatar
    John Lloyd Peleno

    happy

    26/07

      0
  • avatar
    ValderamaJerome valderama

    jerome

    09/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes