logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Extraordinary

“H-HARI?” I laughed with no humor. "Nagpapatawa ka ba?" Halatang pilit ang paraan ng pagtawa ko.
Hari? Mas maniniwala pa 'ko kung pangulo ang sinabi niya. Wala namang gano'n e! 2020 na oh. But. . . From the kingdom of Aletheia?
Confusion drew in my face.
Nang balingan ko ang mga kaharap ay seryoso lang ang mga itong nakatingin sa akin. Ang dalawang babae ay pinipigilan ang may kulay orange na buhok sa pag sugod sa 'kin.
“Aletheia?” kunot ang noong sambit ko. “Nasa'n ako?” Inilibot kong muli ang paningin.
“Anong lugar 'to? Hindi ba ito parte ng manila?” baling ko sa kanila, naguguluhan na.
Nakita ko ang pag iba ng ekspresyon ng mukha ng hari kuno ng Aletheia na si Jaxith. Matagal akong tinitigan nito.
“Anong lugar ito?!” muli kong tanong nang walang sino man ang sumagot sa kanila.
Tinutok na ng labis sa akin ng mga kawal ang kanilang dalang armas at akmang lalapit ang dalawang kawal nang inangat ni Jaxith ang kaniyang kamay dahilan para napatigil sa pag hakbang ang mga kawal at tumango bago bumalik sa pwesto.
“Let her,” he just said.
“Sagot ang kailangan ko, ano ba!” Natataranta na ako at hindi ko na alam ang dapat na gawin. Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong mabigyan kasagutan.
“What the fuck, she's totally out of her mind. Is she crazy?!” may iritasyon sa mga boses na sabi ng may kulay orange na buhok.
“Shut up, Aalish,” a girl with black hair but there is a violet strand of her hair, said calmly.
Tinitigan niya lang ito ng matalim pero hindi na umimik pa. Ando'n pa rin ang iritasyon sa mukha niya.
“You're in the kingdom of Aletheia,” a girl with brown hair answered.
“W-What?” Hindi pakapaniwalang tugon ko. “What are you talking about?” I asked with confusion. “How did I get here? The last time I remembered I was at a beach in manila! And I. . . I. . .” Umiling ako. “No. . . Maybe I'm just dreaming. Right, panaginip lang lahat ng 'to. Kailangan kong magising.” Pangungumbinsi ko sa sarili at tumatango, pursigido na.
Nakarinig ako ng pag buntong hininga. “Calm her down,” a guy said.
“She's really cra—”
Nilingon ng lalaking nagsalita si Aalish na siyang may kulay orange na buhok. “Can you please shut up, Aalish? You're not helping.”
“What fucking ever, Darshan,”Aalish said, rolling her eyes.
“Oh, god. Is this an another problem?” Nanlulumong nakatingin ako sa langit. Binaba ko ang tingin sa lupa at pinagsasampal ang sarili.
“What. . . is she doing?” another voice from a woman said weirdly.
“Can somebody help her bring back her senses?” naiiritang sabi ni Aalish.
Nag angat na ako ng tingin sa kanila sa nanlulumong paraan. “Bakit hindi ako nagigising?”
Napailing iling ang ilan sa kanila sa akin. Napataas ako ng humakbang papalapit sa akin ang isang may kulay abo na buhok. Tamigil ito sa harap ko, sa tabi ni Jaxith.
Tinignan ko lang ang kamay niya na ngayon ay nasa ere sa harap ko mismo.
“Hold my hand,” he said.
I looked at him with still confusion in my eyes.
“Why would I?” Tinago ko ang kamay sa likuran.
“To help you wake up.”
Nandududa ko siyang tinignan at ang kamay nito.
“Siguro naman ay hindi mo gusgustuhing magsayang ng oras.”
Walang choice kong nilagay ang kamay sa kamay niya kahit na nagdududa at agad na napahiyaw sa sakit. Bahagya pa akong napatalon habang hawak hawak ang kamay kong hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kuryenteng dumadaloy rito patungo sa balikat ko.
“Shit.” Napamura ako sa sakit. Tinignan ko ang lalaking may gawa niyon sa akin ng masama. Lukot ang mukha at hindi na maguhit pa.
“Why did you do that?!” I shouted.
He chuckled. “To wake you up.”
Hindi ako umimik. Hawak hawak ko pa rin ang kamay ko. Ang sakit pa rin.
Umalis na ang lalaki sa harap ko at bumalik sa puwesto nito kanina. Nakipag apir pa ito sa katabing lalaki.
“Nice one, Rai!”
“Gising ka na ba sa kahibangan mo?” mataray na sabi ni Aalish kaya'y napalingon ako rito.
“Prisha,” pag tawag ni Jaxith sa isang babae.
Tumango naman ang babae at lumapit sa akin. Para bang isang tawag lang nito sa kaniya ay alam niya na ang gagawin, alam niya na ang inuutos sa kaniya.
Umatras na ako. Baka mamaya ay sobra pa sa pangunguryente ang gawin nito sa akin. Hindi dapat talaga sila pagkatiwalaan. Ang turo pa naman ni Papa, don't trust the strangers! Myghad, Callistee!
“Trust me, I won't hurt you. I'm not born to hurt anyone, it's the otherwise.” Mukha itong approachable. Napaka kalma ng boses nito. “Let me.”
Bumuntong hininga ako at binigay ang kamay ko sa kaniya. Hinawakan niya naman ito at nanlaki ang mata ko ng ang kulay itim nitong mata ay naging hazel brown ng ilang segundo. Nakatanga ako sa kaniya hanggang sa bumalik siya sa pwesto niya.
Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko, hindi ako namamalikmata. Pero hindi ko nga lang alam kung dahil lang ba sa sinag ng araw kaya naging kulay brown ang mata nito?
Napahawak ako sa kamay ko at ilang sandali ay lumipat dito ang atensyon ko. Hindi na ito masakit. Ginalaw galaw ko ito pero hindi na talaga ito masakit at parang ang gaan pa. Inikot ko ang kamay ko para makita ang siko ko at hindi ko na makita pa ro'n ang sugat ko.
“A-Anong. . .” Nag angat akong muli ng tingin sa kanila. Isa isa ko silang tinignan.
“Paano?” Tanong ko sa sarili.
“We're extraodinary.” Another man answered.
“Uh...” I don't what to say. So what kung extraodinary sila? Hindi ko maintindihan! Parang nag po-proseso pa ang utak ko sa lahat.
“Where are you from? Saang bayan ka galing? Hindi ka ba taga rito?” The girl named Prisha asked.
“Yes. . .” I answered.
Tumango-tango siya. “Kung gano'n, sa'n ka galing?”
“Manila.”
“Manila?” Kumunot ang noo niya.
“Yes.” Tumango ako. “From the philippines.”
“Where is that?” Nilingon niya ang mga kasama niya. Kahit ang mga nasa tabi nito ay nagtataka at nagtatanong ang mga mata.
“Walang bayang manila na tinatawag dito.” A man answered.
“Ha?!” Gulantang kong tugon sa sinabi niya.
“That's enough.” Tumingin ako kay Jaxith ng magsalita ito sa wakas, nasa akin pa rin ang paningin nito. Kanina pa ito hindi umiimik at parang may malalim na iniisip. “Like what they've said, nasa kaharian ka ng Aletheia.”
“I don't—” Pinutol niya ang iba ko pang sasabihin.
“You can be our kingdom's guest.” Umawang ang bibig ko sa sinabi nito. Seryoso ba siya?!
Kahit ang mga kasama nito ay nagulat at nanlalaki ang mga matang bumaling kay Jaxith, lalo na si Aalish na siyang kauna unahang nag react.
“What?!”
“That's final. And the king don't take no for an answer.”
Hindi na ako nakapagsalita pa, on process pa rin ang utak ko. Para akong nananaginip. Parang hindi kapanipaniwala ang lahat.
Tumalikod na sila at humakbang papalayo. Humakbang naman ako ng isang beses papalapit sa kanila.
“Jaxith—”
Nilingon niya ako. “King. King Jaxith. Jaxith is just so disrespectful, you know.” He smirked.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagsalita. “Bakit nang hawakan ni Prisha ang kamay ko'y nawala ang sugat ko sa siko?”
Nagkabit balikat siya. “I don't know. Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang humawak? Kung hinahanap mo ang sugat mo, wala sa 'kin.”
Sumama ang mukha ko sa sinagot nito.
“You're a king, right?” I asked.
“Yes.”
“Then, act like one.” Iritableng sagot ko.
Hindi ko alam ngunit parang may dumaang emosyon sa mukha nito.
“Bitch!” Sigaw ni Aalish sa 'kin.
Nalaglag ang panga ko sa nasaksikhan. Pinipigilan ng isang lalaki ang kamay ni Aalish na ngayon ay nasa ere. Ang mga kamay ay nagliliyab sa apoy at ang mata nito ay naging kulay pula.
“You will not like it if I'll act like a real king, woman. You might beg.” Nagsitayuan ang balihibo ko sa narinig mula kay Jaxith. Parang bigla ay nanuyo ang lalamunan ko.
“Let's go.” Ilang saglit pa kaming nagtitigan ni Jaxith bago siya tuluyang naglakad papalayo.
Ang tanging nagpaiwan sa harapan ko ay si Prisha. Ilang saglit na katahimikan bago ko siya narinig na nagsalita.
“I'm trying to understand your side, whoever you are. but I hope you respect whoever is in front of you. You are in our territory, remember that. Let's go.” Tipid siyang ngumiti sa akin.
Parang nanghina ang mga tuhod ko. Sa isang araw ay ang dami ng nangyari. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba.
Aaminin kong nagkamali ako ro'n, pero nasagad lang ang pasensya ko. Hindi maayos ang sagot niya sa maayos kong tanong!
Walang imik na sumunod ako sa kanila hanggang sa nakarating kami sa isang parang malaking field.
“Mag eensayo muna kami kaya umupo ka muna ro'n.” Pagturo ni Prisha sa upuang kahoy sa tabi.
“Bakit kayo mag eensayo?” Hindi ko mapigilang mag tanong.
Tinignan niya ako na para bang iyon na yata ang pinaka tangang tanong na narinig niya. Sa huli ay sinagot niya rin ako. “To enhance our ability.”
Tumango lamang ako kahit may mga tanong pa sa isip ko.
Muling bumalik sa akin pangyayari kanina. Mula sa makuryente ako sa pagkakahawak ng lalaki kanina, mula sa pag hawak ni Prisha sa kamay ko at pag galing nito at ang nakita kong apoy mula sa kamay ni Aalish at namumulang mata nito.
Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ba talaga ako nananaginip lang? Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Bakit ganoon ang nakita ko? Nag i-imagine lang ba ako? O talagang nababaliw na ba ako kagaya ng sabi ni Aalish?
Muli kong nilingon si Prisha na naghahanda. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko sa pag ta-tanong. “Bakit gano'n?”
Ayaw pa rin mag sink in sa akin ang lahat.
Nilingon niya ako. “Ang alin?” She patiently asked.
“Nang hawakan kanina ng lalaki ang kamay ko, pakiramdam ko nakuryente ako. Nang hawakan mo 'ko ay gumaan ang pakiramdam ko. At kanina, si Aalish. . .” sabi ko na ngayon ay nakay Aalish ang paningin.
She sighed. “Because we're extraodinary, whoever-you-are.” Sagot niya na para bang sagot na 'yon sa lahat ng tanong ko sa isipan ko.
“Callistee.” Pagpapakilala ko nang hindi naglalahad ng kamay.
Nawi-weirduhan lang ako sa tuwing tinatawag niya akong whoever-you-are. Hindi ako sanay.
Tumango siya.
Nang tignan ko ang paligid, hindi ko inaasahang nasa gilid na namin ang iba pa.
May lumapit sa aking babae kaya bahagya akong napaatras. Pero hindi ito naging hadlang sa kaniya para tingnan ang braso ko. Sinuri rin nito ang mukha at leeg ko. Akmang hahawakan nito laylayan ng t-shirt ko nang pinigilan ko na siya — hindi na ako komportable sa ginagawa niya.
“W-What are you doing?” I uttured.
“She doesn't have a mark.” Nilingon niya ang mga kasama. Hindi ako nito binigyan pansin.
“Mark?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya pero hindi parin ako nito binigyan pansin.
“It means, she's an ordinary,” a man said.
“Teka nga.” Nagtataka na akong sumingit, gulong gulo sa pinag uusapan nila.
Kanina pa nila ako hindi pinapansin e ako naman ang pinag uusapan nila!
“Anong mark ba? Ano naman ang ordinary at extraordinary na 'yan?”
Nakarinig ako ng pag singhap. “How come you don't know that?”
“Malay ko sa inyo r'yan. Syempre alam ko ang ibig sabihin no'n sa mundo ko pero anong alam ko pag dating sa mundo niyo?” Sagot ko sa babaeng siyang lumapit sa akin kanina.
Nakatingin lang silang lahat sa akin. Walang kahit anong ingay ang maririnig. Na cre-creepy-han na ako sa paraan ng pag tingin nila.
Ang katahimikan ay nabasag nang biglang tumawa si Jaxith. “She's not in her right mind right now, I guess.”
I pouted. Bahala sila sa buhay nila.
“Okay!” Jaxith clapped his hand to get everyone's attention. “Before the training, let's introduce ourself first to Callistee.” Halos maging isa na ang kilay ko sa sinabi nito. Parang may mali sa akin, hindi ko maintindihan.
Narinig ko pa ang reklamo ni Aalish sa tabi at ang sabi nito. “Kailangan pa ba 'yon? Psh.”
“Hi, Callistee. You already know me. Prisha, and I heal people.” Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Hindi ko din maitago ang pag hanga.
“I'm Alizeh. Sorry for checking you out without your permission earlier.” Pagpapakilala ng lumapit sa akin kanina. Napaka seryoso nito.
Tumango lang din ako at tipid na ngumiti. “No harm done,” i simply said.
“I control the air, anyway.” My lips formed into an O.
“Naida. I can breathe underwater.” She's the girl earlier. The girl with black hair but some of her hair's strand is color violet. Siya ang pinaka kalmado sa lahat.
“Nice to meet you,” i said. Her ability is amazing. Bigla ay naalala ko noong gusto ko maging serena para makahinga sa dagat at the same time ay nakakahinga sa lupa.
“Luck wise.” She smiled.
Lahat ay napatuon kay Aalish ang atensyon.
“Fire,” tipid niyang sabi. Tipid naman akong ngumiti ngunit inirapan ako nito.
Kilala ko na siya. Sino ba naman ang hindi?
“I'm jett, my lady. My ability is night vision.”
“Lielo. The lie detector of the group.”
“Darshan. It's mind control.”
“It's Hawk. I can feel and hear if someone is near.”
“Rai. Lightning.”
Sunod sunod na pagpapakilala na siyang tinatanguan at nginingitian ko lang ng tipid.
“I'm Shun, but you can call me yours.” He winked. “Superspeed is my ability. Doble rin yong speed ko lalo na sa gabi,” he playfully said and bit his lower lips.
“Fucos in training, Shun. Stop flirting.” Seryosong saway rito ni Jaxith.
“Yes, master.” Maloko pa rin nitong sagot at may ngisi na sa labi.

Comentário do Livro (12)

  • avatar
    Chell Masbang

    500

    26d

      0
  • avatar
    John Lloyd Peleno

    happy

    26/07

      0
  • avatar
    ValderamaJerome valderama

    jerome

    09/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes