logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7: Panlalait

Mag-iisang buwan na halos gabi-gabi natutulog sa akin si Jamil. Pero walang pansinan sa umaga, ganun kami palagi at tila nasanay na din ako na nagkikita lang kami tuwing gabi. At sa gabi ko lang nagagampanan ang tungkulin ko sa kanya bilang asawa, sa kama lang. Pero iba ang umagang iyon dahil bago ito umalis ay katakot-takot na bilin ang kanyang sinabi.
"Darating ang mga kapatid ko. Hindi ko alam ang mga ugali nila kaya iwasan mo sila. Ayokong pagtawanan nila ako dahil isang napaka pangit na nilalang ang pinakasalan ko."
Wala akong magawa na palasyo dahil marami din naman silang mga dama kaya mas ginugol ko ang oras sa harden nila na medyo tago. Doon, malaya ako kasama ang mga halaman, at doon ako ay masaya na nakikita ang mga naggagandahang rosas at orkidyas.
"Mahal na prinsesa heto na po ang agahan ninyo." Tatayo na sana ako ng bigla akong nahilo, buti at napahawak ako sa kahoy ng duyan. "Mahal na prinsesa okay lang po ba kayo?" may pag-aalalang tanong nang aking dama, si Melay.
"Okay lang ako, baka gutom lang siguro 'to." Magana akong kumain at pagkatapos ay bumalik ako sa pagdidilig ng mga halaman.
"Kamahalan hindi ka ba dadalo sa kaarawan ng hari?" Nilingon ko ang aking dama na nakasimangot.
"Hindi ako kabilang sa salo-salo Melay, para lang yun sa kanila, walang puwang ang pangit na tulad ko doon."
"Pero asawa ka ng susunod ng hari."
"Asawa na ikinahihiya Melay, pero Okay na ako dito sa hardin, tanggap ko nang habang buhay akong magtatago tuwing may salo-salo. Isa pa ayoko ding laitin nila si Jamil ng dahil sa akin."
"Kamahalan, saan ba ninyo hinugot ang kabaitan ninyo at pasensiya? Kung ako sa inyo baka matagal na akong naputulan ng leeg dahil hindi ako makapagtimpi at talagang susugurin ko sila." Dahil sa tinuran ng dama ko ay napangiti ako.
"Nasanay na siguro ako, simula kasi noong bata pa ako ay ganito na ang hitsura ko. Araw-araw kumakain ako ng panghahamak at insulto ng mga tao kaya nasanay na rin ako."
"Nakakaasar din ang mahal na prinsepe kasi kahit siya ay nilalait ka din, hindi niya nakita ang inyong kabaitan!"
Nawili ako sa pag-aalaga ng halaman at sa dama kong madaldal. Bandang tanghali ay naisipan kung matulog sa duyan dahil sa pagod. Himbing na himbing ako sa aking pamamahinga nang makaramdam ako na tila may mga matang nakatitig sa akin. Pag mulat ko ay napapalibutan ako ng mga estrangherang mukha ng babaeng ay wala akong ideya kung sino sila at paano nila nalamang andito ako sa hardin.
"Eto na ba ang asawa ni Jamil? Ang pangit-pangit! Sira naba ang utak niya para patulan ang babaeng to?" Ani ng naka kulay berdeng na damit.
"Malamang dahil sa masamang ng ugali nun at matalim ang tabas ng dila baka takot ang lahat ng mga babae kaya walang magpapakasal dito lalo pa't hindi niya pinapakita ang mukha niya." ani ng naka pula.
"Yan ang napapala sa isang anak ng alipin na ambisyosong maging hari kaya kahit sino pwede, kahit mukhang bakulaw pa!" Ani ng naka gintong kasuotan.
"Bakit hindi mo kami binati? Bakit dito mo naisipan magtago? Ganun ba kasama ang ugali mo? Kasing sama ng pagmumukha mo?" Ani ng naka damit bughaw.
"Pasensya na kayo." Hinging paumanhin ko, may palagay na akong ito ang mga kapatid ni Jamil. "Pinagsabihan kasi ako ni Jamil na huwag magpakita sa inyo."
"Intindihin ninyo naman sino ba kasing asawa ang proud ipakita sa iba ang ganitong kapangit na asawa." Nagtawanan sila sa mga panlalait sa akin pero ako ay tahimik lang. Hindi na bago sa akin ang lahat ng ito kaya okay lang. "Ano galit ka? May sasabihin ka?" Umiling-uling ako.
"Ang mabuti pa ay dalhin natin siya sa loob ng makilala siya ng mga bisita at nang makilala niya si Rowella ang papalit sa pwesto niya sa pagiging asawa nang hari."
Hindi ako apektado sa mga sinasabi nilang panlalait patungkol sa akin maliban sa huli, na may pwede nang ipalit sa pwesto ko. Parang punyal na nakabaon sa puso ko ang palaisipang iyon. Gustong pumatak ng luha ko pero nagsikap akong huwag. Bago pa ako makahinga ay hinila na nila ako at dinala sa loob ng bulwagan. Pagbukas ng malaking pintuan ay agad kong hinanap si Jamil at tama sila may kausap itong magandang babae, ito na marahil ang ipapalit sa akin bilang asawa. Parang gusto kong umiyak sa sakit nang paninibugho. Matagal ko nang alam na mangyayari to pero ang hindi ko napaghandaan ay ang sakit na dulo na makita ang lahat sa personal.
"SA AMING MGA PANAUHIN, IPAKIKILALA KO ANG ASAWA NG AKING KAPATID NA SI JAMIL, SI LUHA, ANG MAGIGING REYNA NG KAHARIANG ITO."
Napuno ng bulong-bulongan ang bulwagan halos lahat sila ay napataas ang kilay at nagtataka. Napailing ang hari at si Jamil ay galit na galit na kung punyal ang bawat titig niya malamang nakahandusay na ako sa sahig. Aalis na sana ako nang lumapit ang magandang babae na kausap ni Jamil kanina.
"Talaga bang ikaw ang asawa ni Jamil? Ang pangit mo naman! San ka pinaglihi ng nanay mo?" Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng inis sa kausap.
"Ikinahihiya ko siyang mapabilang sa pamilya namin. Anong pamangkin ang ibibigay niya sa amin? Halimaw?" Nagtawanan sila nang basta nalang dumating si Jamil at hinila akong dinala sa labas. Nasasaktan ako sa pwersa nang pagkakahila niya pero wala akong lakas na magreklamo dahil naiintindihan ko ang galit ni Jamil, pinagtatawanan siya ng mga bisita nang dahil sa akin. Nang makalabas ay halos itulak na niya ako sa galit.
"Nakakaintindi ba yang utak mo huh?" Dinuro-duro niya ang ulo ko. Galit na galit siya alam ko. "Diba pinagsabihan na kita kanina huwag kang magpakita sa kanila? Anong ginawa mo? Ginawa mo akong katawa-tawa sa loob. Alam mo naman kung bakit hindi kita pwedeng ipakita diba?" Tumango-tango lang ako. "So bakit mo ako sinuway kung ganoon?"
"Alam ko dahil sa hitsura ko. Sorry sila naman kas--"
"Nagdadahilan ka pa? Palibasa ang pangit mo! Kasalanan to ni ama kung bakit ipapakasal niya ako sa kasing pangit mo!"
"Sorry talaga hindi na mauulit. Sa susunod aalis na lang ako ng palasyo pag may pagtitipon."
"Wala nang next time!" Bigla akong kinabahan sa naging sagot niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Tinanggap ko na ang suhestyon ni ama na gawi kong asawa din si Rowella at least siya pwede kong iharap sa lahat ng tao." Nasaktan ako sa sinabi niya. Pero tiniis ko parin ang lahat pero hindi ko talaga napigilan ang pag-agos ng luha.
"Aalis na ako."
Mabilis akong naglakad pabalik sa harden. Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pumatak pero pinigilan kong bumuhos. Nang ako na lang ang tao sa hardin ay malayo kong inilabas ang lahat ng sakit habang tinatawag ko ang aking ina . "Ina, bakit ang sakit-sakit? Bakit na sasaktan akong malaman na papalitan na niya ako? Umiibig na ba ako sa kanya?" Iyak ako ng iyak ng makaradam ako ng pagkalam ng sikmura at napaduwal ako. Sa gilid ng mga halaman ko nilabas ang laman ng tiyan ko. Nang mahimasmasan ay nahiga ako sa duyan habang nakatitig sa buwan. "Ina, darating pa ba ang araw na liligaya ako?" Hindi ko na malayan na nakatulog ako.
***
Hindi ako mapakali habang kinakausap ang mga panauhin ni ama. Naasar na din ako sa hindi pag-iwan ni Rowella sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali dahil siguro sa sinabi kong masasakit kay Luha kanina. Nagpaalam akong lalanghap ng hangin. Nagtuloy ako sa labas at hindi ko natiis ang sarili ay hinana ko siya. Pinuntahan ko ang kwarto niya pero walang Luha sa kwarto niya. Bigla akong nag-alala sa kanya. Lumabas ulit ako para hanapin si Luha ng makita ko ang aking ama.
"Anong tingin mo kay Rowella na maging reyna?"
"Bakit biglang nagbago ang isip ninyo? Dahil hindi n'yo rin masikmura ang mukha ng asawa ko?"
"Nagkamali ako. Sana pala naghintay pa ako ng kaunting panahon di sanay hindi ka na pasubo sa pangit mong asawa." Nakaramdam ako ng inis sa kanya siguro nga tama si ina, sa kanya ako nagmana ng ugali. "Kailangan mong sabihin sa pangit mong asawa na magiging asawa mo si Rowella at siya ang tatanghaling Reyna mo hindi siya."
"At anong gagawin ko sa kanya?"
"Hindi ko alam. Dapat mag-isip tayo ng paraan. Alam ng mga tao na ang asawa mo ay pangit. Mabibigla sila kay Rowella."
Bumalik ako sa bulwagan. Nang matapos ito ay agad akong pumasok sa kwarto ko pero hindi ako makatulog. Nasanay ako na katabi ni Luha, pagkatabi ko kasi siya makakaramdam ako ng kapanatagan at nawawala ang mga problema ko. Pakiramdam ko para akong bata na inuugoy sa duyan ng isang ina. Bumangon ako at pinuntahan ko ang kwarto niya pero wala parin siya. Nag-alala ako pero ayokong makita niya na nag-aalala ako para sa kanya. Naisipan kong hintayin na lang siya sa kanyang kwarto hanggang sa nakatulog ako. Paggising ko tirik na ang araw pero walang bakas ni Luha sa aking tabi.
"Nasaan na siya?"

Comentário do Livro (51)

  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    19d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    27d

      0
  • avatar
    Kristene T. Tilos

    magandang kwento na ito nakakalibang.

    04/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes