logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4: Sekreto

Kalilibing lang ni ama ay tanging si Rosy nalang ang nananatili sa tabi ko at inalalayan Ako. Naiyak Ako tuwing nakikita ko ang puwesto ni ama sa may bintana kung saan siya uupo para magkape.
"Ama... Paano na Ako ngayong Wala ka na."
Saka ko naaalala ang sinabi ni daddy tungkol sa libro sa ilalalim nang mesa. Kaya hinanap ko Ang mesang tinutukoy niya at nakita ko nga sa mesa sa kusina at binuksan ko ito at unang tumambad sa akin ang sulat kamay niya.
Mahal kong Luha,
Anak, makinig ka sa sasabihin ko sayo. Alam ko sa mga oras na ito ay wala na ako sa tabi mo. Gayun paman ay dapat mong tandaan, nasa tabi mo lang ako dahil anak kita at mahal na mahal kita.
Anak, may sasabihin akong Isang sekreto. Makinig kang mabuti. Tototo na Luna ang pangalan ng nanay mo at mahal na mahal kita. Totoo Rin nang sinabi kong ikaw ang pinakamaganda sa buong kaharian at sa buong mundo. Anak, ang nanay mo, isa siyang membryo ng sagradong angkan ng mangkukulam na ang tawag ay Ijimat. Pero iba ang nanay mo. Iba siya sa lahat dahil hindi siya masama. May ginintuang puso ang nanay mo kaya minahal ko siya kahit hindi pwede. Hindi alam ng nanay mo kung sino ang ama mo. Nakilala ko siya ng maligaw ako sa gubat. Iniligtas niya ako sa mga lobo. Simula nun ay naging magkaibigan kami. Nasa tabi niya ako habang lumalaki ka sa loob ng tiyan niya.
Dumating ang araw na inamin ko sa kanya na mahal ko siya at ganun din siya sa akin. Pero sa araw na ipinanganak ka ay tinutugis siya ng mga taong bayan ang nanay mo sa pag aakalang salot siya sa aming bayan. Hindi niya alam kung paano siya nawalay sa kanyang mga magulang at kung saan siya nagmula. Tumakbo kami nun pero isinilang ka niya. Alam ng nanay mo na mawawala siya. Gamit ang majikang alam niya ay binalot ka niya ng sumpa. Sumpang aanihin ng mga taong nagpapaiyak sayo. Tinago rin ng ina mo ang tunay mong ganda. Tanging ang lalaking tunay na magmamahal sayo ang makakakita ng tunay mong ganda. Isang sumpa ang luha mo anak, kaya piliin mo ang iiyakan mo. Huwag kang iiyak kung nalulungkot ka, o hinahamak ka nila. Alam mong maganda ka! Alam ko! Alam ng nanay mo! Alam namin na siyang nagmamahal sayo. Huwag mong iyakan ang mga bagay naman hindi dapat.
Anak, para sa akin anak kita. Walang nagbago kahit malaman mo ang sekretong ito. Mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa ina mo. Maging matatag ka sana anak. Sa haligi ng bahay na ito ay itinago ko ang mga perang naipon ko para sayo. May itinago din akong alaala ng nanay mo. Ipag patuloy mo ang pangarap mo anak. Susuportahan ka ni ama. Mahal kong Luha, mahal na mahal kita.
"Ama!!! Ama!!!" Naiyak akong niyakap ang diary na tanging naiewan Ng aking ama. "Mahal na mahal po kita ama. Para sa akin ikaw ang ama ko."
Nahiga ako sa sahig habang binalikan ang masasayang alaala ko kasama si ama. At umiyak na naman ako sa sakit at pangungulila.
"Ma swerte kami ni ina ama kasi natagpuan ka namin at minahal mo kami."
Nakatulugan ko na yakap ang unan ng ama. Bukang liwayway palang ay hinanap ko na ang haligi na sinasabi ni ama at nabigla ako sa aking nakita hindi lang pera ang andun kundi pati alahas, palaso at suklay na may kasamang sulat.
Para sa aking anak, ipagpatawad mo kung lumalaki ka sa tiyan ko na hindi ko masabi kong paano ka na buo ni Hindi ko alam kung sino Ang ama mo. Ang alam ko biyaya ka sa akin dahil sayo nakilala ko si Mario. Napakabait niya anak. Sana siya nalang ang naging tatay mo.
Kabilugan ng buwan noon ng ealay nila ako bilang huling mangkukulam ng pamilya. Paggising ko nun, naramdaman ko nalang na may buhay na pumipintig sa sinapupuan ko at ikaw yun. Pero ang ikinabigla ko ay nagising ako sa ibang Lugar at hindi ko nakita Ang aking mga magulang at aking kalahi. Pagala gala Ako sa kagubatan Hanggang sa nakita ko at nakilala si Mario. Siya ang kumopkop sa akin at doon nagsumalang mahulog kami sa isa't Isa.
Wala akong maipapamana ko sayo kundi ang mga yaman ng ating lahi. Ang asul na palaso na yari sa bakal na ginawa pa ng ating kanunuan. Magbibigay ito sayo ng tibay na loob at lakas. Ang singsing ng aking ama na magbibigay sayo ng ilaw tungo sa tamang daan at kailan man ay hindi ka niya ililigaw. Ang kwentas ni ina suotin mo yan palagi. Yan ang patuloy na mag papaalala sayo sa pagmamahal kung makakaramdam kana ng galit. Ang suklay ko, ingatan mo. Sasamahan kita kahit saan ka mag punta at anumang laban ang susuongin mo.
Mahal kita anak. Sana makita pa kitang lumaki. Isa kang biyaya. Dahil ikaw ang hindi inaasahang huling sorceress ng ating angkan.
Ayon sa kwento ng ina ko. Swerte daw ang hari na iibigin tayo dahil magiging matatag daw siyang hari at hindi matatapos ang kanyang pamumuno. Pero dahil doon ay lahat ng hari gustong mag-asawa ng kauri natin. Dahil sa katalinohang taglay natin ay may alam tayong majika. Umayaw si ina dahil mahal niya ang ama ko na isa ring kauri niya. Pero nang dahil dun ay pinapapatay ang mga kagaya natin. Nang ipinanganak ako ni ina ay tinago nila ako ni ama. Hanggang sa nasa tamang edad ako para e alay. Pero ang sabi ni ina ay ako ang huling lahi ng Ijimat dahil mapuputol sa iyo ang lahi natin bilang kabayaran sa pagpili ko sa ama mo pero hindi ko maipaliwanag ang pagdadalang tao ko sayo.
Ayaw ko sa hari. Dahil ang mahal ko ay si Mario, wala man siyang kaharian ay siya parin ang hari ko na pagsisilbihan ko at mamahalin. Sana mahanap mo ang hari mo anak. At sana mahalin ka niya. Gaya ng pagmamahal ni Mario sa akin. Hanapin mo ang lalaking magmamahal sayo anak. Ang tatanggap sa iyo sa kabila ng lahat.
Dapat mong tandaan anak, na mali ang paniniwala nila sa ating mga mangkukulam. Tao din tayo, may puso na nakakaramdam ng sakit. Anak, hindi tayo masama gaya ng buong paniniwala nila. Naiiba tayo pero hindi tayo pangit na dapat pangilagan at dapat itaboy. Anak, gamitin mo ang puso mo sa pagkilala ng tao.
Nakatatakot ako sa paglabas mo sa mundo. Dahil hindi ko alam kung anong hitsura mo. Ganun paman, alam kong maganda ka. Kung sakaling tingin mo ay iba ka sa kanila, huwag kang malungkot. Andito ako at ang tatay Mario mo. Mahal na mahal ka Namin.
Mabuhay ka anak! Magmahal ka! Maging masaya ka.
"Ina... ngayon na intindihan ko na. Pero nalulungkot ako sa pagpanaw ng aking ama." Itiniklop ko ang sulat at kinuha ko ang maliit na lalagyan ng pera at binalik ko sa iba sa haligi. "Sana nakilala kita. Tama nga si ama, napakabait mo at kahit sa huli ay inaalagaan niyo parin ako." Pumasok si Luha sa bahay at humarap sa salamin saka niya nakita ang kanyang hitsura sa loob ng mahabang panahon. "Anak ako ng mangkukulam? Pero hindi ko ito ikakahiya ina. Kaya kaba nila gustong patayin ina? Dahil kakaiba ka? Darating kaya yung sabi mong magmamahal sa akin ina? Bilang ako?"
"Luha? Luha? Tao po!"
Agad kung tinago ang pera at pinahid ang aking luha Saka ko tinungo ang tarangkahan. Nagulat akong makita ang asawa ng aking tiyohin kasama ang pamilya nito at may dala silang mga maleta.
"Ano po pala ang atin?"
"Nabalitaan namin ang nangyari kay Mario. Kumusta ka na?" Nabigla si Luha sa tanong ng tiyahin.
"Ok lang po ako tiya. Salamat sa pag aalala."
"Ay siya nga pala Luha, baka pwedeng dito muna kami makipisan. Alam mo kasi nang inabot kami ng kamalasan at naubos ang mga naipundar namin. Wala na rin kaming bahay. Kakausapin ko sana si Mario na baka makitira muna kami dito pansamantala lang naman mula kasi namatay Ang tiyo mo ay hindi na kami nakaahon pa sa hirap kaso Wala na Pala si Mario." Dahil sa awa at konsensya na ako ang dahilan sa pagkamatay ng asawa niya ay pumayag narin ako, ang hindi ko inaasahan ay may masamang plano ang tiyahin ko.
Tahimik ang mga sumunod na araw ko kaya Naman mas naaalala ko si ama at hindi ko mapigilan ang huwag maiiyak sa pangungulila. Hanggang sa naalala nya ang gamit ng ina. Kinuha niya ang mga ito . Isinuot niya ang kwentas at singsing. Ginamit din niya ang suklay sa buhok. Kinuha niya ang palasona yari sa buong metal. Hindi niya alam kung anong gagawin dito. Hanggang sa naisipan niyang ilagay ito sa kamay at gawing polseras kaya binali niya ito na pakurba saka naging polseras nga.
"Nay...! Nalulungkot ako. Gusto ko kayong kasama."
Nakadaob siya sa kama ng makarinig siya ng bagong boses. Lumabas siya at nakita niya ang kanyang tiyahin na itinuro siya.
"Tiyang anong ibig sabihin nito?"
"Pasensya kana Luha, may malaking utang ako sa buhis hindi ako makabayad. Kaya ikaw nalang ang ibabayad ko. Huwag kang mag alala dahil magiging asawa ka naman ng Hari."
"Ano???"

Comentário do Livro (51)

  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    20d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    28d

      0
  • avatar
    Kristene T. Tilos

    magandang kwento na ito nakakalibang.

    04/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes