logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Ikaapat na Kabanata

Kalagitnaan na ng gabi habang nakatayo ako sa tuktok ng palasyo. Kay dilim ng kalangitan at iilang bituin lang ang nagsisilbing liwanag. May malaking buwan na siya kong tinitigan. Ngunit abutin man ay diko makamtan.
Maayos parin ang tindig ng mga guwardiya na animong hindi man lang kakikitaan ng pagod. Kahanga-hangang mataas ang disiplina nila. Ngunit hindi iyon dahilan para mahuli lahat ng sino mang nagtatangkang pumasok ng palasyo.
Mahihina sila.
Magaan akong tumalon pababa. Kahit konting ingay at kaliskis ay hindi ko ginawa.  Tumingin ako sa paligid ngunit wala namang nakakita. Pero ang tanga nila para hindi maramdaman ang aking presensiya.
Kailangan kong pasukin ang silid ng Hari.
Hindi ako napansin ng mga guwardiya sa labas kaya madali akong nakapasok. Maraming pasikot ang lugar at kailangan ko nalang hanapin ang kwarto nito. Dahil sa mga oras na ito ay masarap na ang kanyang tulog.
Hindi umabot ng ilang minuto ang aking paghahanap ng matagpuan ko ito. Ilang taon ko rin isinaisip ang bawat pasilyo ng palasyo. Ngunit bago ko pa nabubuksan ang isang silid ay may matulis na bagay na ang nakaharang saaking leeg.
Dahan dahan akong napatingin sa kung sino man ang nagmamay-ari ng espada. Bakit ba hindi ko naisip na may gagaling pa kay Heneral Alfonso?
Siya si Heneral Ybarra. Ang matapang na alalay ng Hari. Siya ang tagapagtanggol at tagapagligtas nito. Siya ang Punong Heneral ng palasyo.
"Sino ka?" Madiing tanong nito.
Tinignan ko ito mata sa mata. May suot man akong maskara na natatago ang aking mukha ay alam kong kitang kita nito ang madilim at malamig kong presensiya.
"Ako si.. Mask Princess."
Kumunot ang noo nito.
Ngumisi ako at mabilis na tinutukan rin siya ng espada.
"Mas mahusay ka kay Heneral Alfonso. Ngunit maliban sa Punong Heneral ng digmaan. May mas huhusay pa ba sayo?"
Natigilan ito.
Nang sumubok itong saksakin ako ay umiwas ako. Mabilis at mahusay siya pero nakakapagtakang hindi parin nito magawang sugatan ako. Mabilis ko siyang sinugod pero mabilis rin siyang napaiwas. Kung hindi ko nabantayan ang kanyang sunod na pagsugod at baka nasaksak na ako. Tumalon ako sa ere at mabilis na nasugatan siya sa braso.
Napangisi ako.
"Napaka-pula ng iyong dugo, Heneral Ybarra."
Tinaliman ako nito ng tingin at sumugod ulit. Ngunit hindi na ako nagsayang ng panahon at mabilis na umalis ng palasyo. Sumigaw pa ito kaya nagsikilos ang mga guwardiya.
Sinalubong ako ng mga guwardiya pero agad ko naman silang natakasan. Ang ilan sa kanila ay nakatamo ng sugat maliban sakin. Mabilis ang ginawa kong pagtakbo at ng makitang walang nakasunod sakin ay pumasok ako sa isang tahimik na silid.
Paglabas ko ay iba na ang aking kasuotan. Kahit nag iba na ang aking anyo ay hindi ko parin hinayaang may makakita sakin. Tahimik at kalmado akong nakabalik sa aking silid at itinago ang aking damit, maskara at espada. Napatitig ako sa aking sarili sa harap ng salamin.
Napatitig ako sa suot kong kulay rosas na damit. Naalala ko ang sinabi ng Prinsipe.
"Mukha ba talaga akong tao sa kulay na ito?
Kinabukasan, pagkalabas ko ng aking silid ay ramdam ko ang kakaibang paligid. Napapansin ko ang mahihinang bulungan ng ibang nagtratrabaho sa palasyo.
"Binibining Lili, mabuti't gising kana." Aning Eunuch Dom.
"Bakit po?"
"Nasa harden ngayon ang Prinsipe. Tawagin mo siya para kumain na."
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Binati ko ang ilang tagapaglingkod at ang iba naman sa kanila ay sumasagot. Pero mas marami ang may seryosong pinag-uusapan.
"Anong meron?" Nagtataka kong tanong.
Napailing ako. Alam ko naman ang dahilan.
Nang matanaw ko ang hardin ay malalim akong bumuntong hininga. Makikita ko na naman ang Prinsipe.
"Lili?" Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Dahan dahan akong humarap dito. Apat na taon rin ng huli ko siyang makita. Mas lalo itong naging matipuno at litaw na litaw ang pagiging gwapo. Hindi nakapagtatakang hanggang ngayon ay gusto parin siya ng kapatid ko.
"Marco..."
"Nagkita rin tayo, binibini."
Nawalan ako ng sasabihin.
"Binibini,"
Napatitig ako sakanya.
"Wag kayong mabibigla sa gagawin ko."
Ganun na lamang ang aking gulat ng yakapin niya ako. Hindi ako nakagalaw at nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat gawin.
Ngunit apat na taon ko rin siyang hindi nakita. Napapikit ako at hinayaan siya.
Nakilala ko siya noong bata palang kami. Magkaibigan ang parehong ama namin. Noong una, mas malapit sila ni Cris. Pero simula ng malaman namin pareho kung sino ba talaga ako. Nangako siyang lagi na siyang nasa tabi ko. Babantayan at proprotektahan niya ako.
Hindi ko alam na nainggit noon ang kapatid ko. Minsan nalang kasi siyang pansinin ni Marco dahil nasa akin na ang atensyon nito. Iyon ang ikinaiinis niya sa akin. Magkapatid nga kami pero hindi kami magkasundo.
Nagsusungit siya dahil akala niya ako ang gusto ni Marco.
"Ano satingin niyo ang ginagawa niyo?"
Mabilis kaming naghiwalay ni Marco ng marinig ang pamilyar na boses.
Patay...
"Pasensya na po, kamahalan." Aning Marco.
"Baka nakakalimutan niyong bawal ang nag-iibigan sa loob ng palasyo."
Napayuko ako.
"Lalo kana, Heneral Thomas. Napakataas ng katungkulan mo at nagagawa mong balewalain ang patakaran. At ang personal na doktor ko pa talaga ah."
Dahan dahan kong inangat ang tingin. Napakaseryoso ng Prinsipe.
"Kamahalan, pumunta ako dito para sana sabihin sa inyo na kailangan mo ng kumain. Nagkataon lang na nakita ako rito ni Mar.. Heneral Thomas."
"At tama bang magyakapan muna kayo bago ako sabihan?"
Napaiwas ako ng tingin. Bakit ko ba sinabi iyon?
"Kamahalan, hindi na po mauulit." Aning Marco. "Narito ako para sana sabihan ka na may pag-uusapan tayo kasama ang mahal na hari, kamahalan."
Hindi nito tinapunan ng tingin si Marco.
"Pupunta lang ako pag si Master Ken ang nagsabi." Anito at umalis.
Pagkabalik ko sa palasyo ay inilahad sakin ni Eunuch Dom ang pagkain ng Prinsipe.
"Paborito ng kamahalan ang nilagang itlog."
"Talaga po?"
"Oo kaya marami ang nilaga ko."
Ngumiti na lamang ako at tinahak ang daan papunta sa silid ng Prinsipe. Bago makapasok ay napapikit ako. Hindi ko alam ang tamang gagawin dahil sa nangyari kanina.
"Kamahalan, kumain na po kayo."
"Hindi ako gutom." Anito habang wala sakin ang paningin.
Inalapag ko ang pagkain sakanyang harapan kaya nagulat siya.
"Hindi ko sinabing ilapag mo."
Nagulat ako. Kailangan ba iyon?
"Kamahalan, hindi po dapat tinatanggihan ang pagkain."
Masama ang tingin nito sakin. "Hindi rin dapat kayo nagyayakapan."
Anong ibig niyang sabihin?
"Kamahalan, pasensya na po at hindi na mauulit. Hindi na kami magyayakapan uli."
Tumingin ang prinsipe sa ibang direksyon at tipid na ngumiti. Nang ibalik nito ang paningin saakin ay nakasimangot na ito.
"Wala akong pakialam kung magyakapan kayo." Aniya kaya naguluhan tuloy ako. "Basta wag sa loob ng palasyo, lalo na sa aking harden."
Hayy... Iyon pala ang ikinagagalit niya? Ayaw niyang may magyakapan sa harden?
"Kaya dapat lang na hindi maulit. Kahit sa labas pa ng palasyo wag niyo ng ulitin."
Ang gulo niya naman...
"Kumain na po kayo, kamahalan."
"Ayoko,"
"Bakit po, kamahalan?"
"Baka may lason."
Nagulat ako, "Ako ang iyong doktor, sinigurado kong masustansiya at walang lason ang iyong kinakain."
Humalukipkip ito, "Tikman mo muna."
Nagdadalawang isip man ay sinunod ko na lamang. Umupo ako sakanyang harap at hiyang hiyang tumingin sakanya. Nginuso niya ang pagkain at isenenyas sakin na kumain na.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko akalaing ang isa sa mga taong kinaiinisan ko mula pa noon ay aakto ng ganito sa harap ko. Pasaway..
Una kong tinikman ang prinitong isda.
"Ayaw ko niyan, malangsa iyan." Reklamo ng prinsipe pero ang totoo ay masarap naman. Masarap ipares sa kaning bigas.
Nasasarapan man ay pinilit kong tumigil. "Kamahalan, ayos na po. Walang lason."
Tumaas ang isang kilay niya, "Isa lang ang tinikman mo. Ayan pa, ayan, ayan." Turo niya sa lahat ng putahe kaya napalunok ako.
Lahat naman mukhang masasarap. Natatakot ako. Baka kasi masarapan ako ng sobra at makalimutan kong para sa prinsipe pala ang lahat ng ito.
Pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon ng tikman ko lahat. Hindi man lang ito nagbago at mukhang naaaliw pa. Kaya para mainggit siya ay kinuha ko ang isang mangkok na puno ng nilagang itlog. Bahagya siyang nagulat.
Ngumuya ako na animong sobrang nasasarapan. Kumain ako ng isa hanggang sa makatatlo. Nanlalaki ang mata ng prinsipe.
"Tama na, walang lason naman kaya kakainin ko na." Nagugulat niyang ani pero hindi ako nakinig. "Akin yan."
"Mashustansya ito kamahalan." Ani ko habang puno ang bibig.
Gusto ko na sanang ibigay sakanya ang natitira pang nilagang itlog pero mukhang hindi pa sapat sa tiyan ko. Gusto pa nito kumain kaya tumayo na lamang ako at iniyakap ang mangko. Tumayo rin ang prinsipe at masamang tumingin sakin.
"Sakin yan." Aniya pero nagmatigas ako.
"Kamahalan, may lason ito kaya ako nalang ang kakain."
Kumunot ang noo nito, "Walang lason iyan. Ibigay mo sakin yan, utos ko."
Umiling ako, "Ayaw."
"Ako ang prinsipe, ako ang dapat sundin."
"Akin to."
"Ibigay mo na sakin sabi."
"Ayaw."
Tumakbo ako palabas at hinabol niya naman ako. Maraming mga tagapaglingkod ang napapatingin samin. Paano ba naman kasi ang ingay ng prinsipe. Para siyang batang inagawan ng pagkain. Kunsabagay, isip bata naman siya.
At dahil likas na mabilis akong tumakbo ay natakasan ko siya. Umakyat ako sa isang puno at doon pinagpatuloy ang pagkain ng nilagang itlog.
"Nasaan na iyon?" Nakita ko mula sa ibaba ng puno ang prinsipe na tumigil sa pagtakbo. "Ang bilis niyang tumakbo. Kabayo ba siya?"
Matapos ng unggoy, kabayo naman?
Napailing ako at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain. Napakasarap talaga.
'Sssss'
Natigilan ako sa pamilyar na huni. Dahan dahan kong inangat ang tingin nang makita ang may kalakihang ahas.
Patay...
'Sssss'
Napatingin ito saakin at lumalabas pa ang dila. Nang tumayo na ang ulo nito ay nasisigurado ko ng pagtuklaw ang susunod nitong gagawin.
'Sssss'
"AHHHHHHHHHHHH!!"
Tuluyan na akong nahulog mula sa puno dahil sa kawalan ng balanse. Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagbagsak ko sa lupa. Ngunit nagtaka ako ng nabitin sa ere ang aking katawan. Mali. May mga brasong sumalo saakin.
Dahan-dahan akong nagmulat ng tingin. Bumungad sakin ang prinsipe. Gulat na gulat. Pakiramdam ko'y tumigil lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid.
DUG. DUG. DUG.
Kinakabahan na naman ako. Pero sa pagkakataong ito, mas malakas na. Hindi ko alam kung galing sakanya o talagang saakin.
Nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Nagkasabay naman ang pagtibok ng puso naming dalawa.
Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng pumatong sakanyang ulo ang mangkok na huli palang mahulog kesa sakin. Nagsilbing parang sombrero ang mangkok.
Patay...
Ang kaninang pagkagulat ay napalitan ng pagkainis. Ang kaninang tumigil na paligid ay nagsigalawan na. Ang kaninang mala-romantikong eksena ay naging isang katakot takot na.
Binitawan niya ako kaya bumagsak ako sa lupa at tumama pa ang aking balakang sa malaking bato.
"Aww.. Arayy..."
Inis na tinanggal ng prinsipe ang mangkok sakanyang ulo. Mukhang galit na galit siya dahil sa pamumula ng kanyang mukha at masama niyang titig.
Hindi niya man lang ako tutulungan?
"Kamahalan?" Dumating si Master Ken kasama si Eunuch Dom. Gulat na gulat sila ng makita ako pero mas inuna nilang lapitan ang prinsipe.
"Anong nangyari? Ayos lang po ba kayo, kamahalan?"
"May masakit ba sa inyo, kamahalan?"
"Kamahalan, kumain na po ba kayo?"
Napailing ako. Ako itong halatang hindi maayos pero hindi nila ako tinanong.
Hindi kumibo ang prinsipe at naglakad na palayo. Nakasunod lang sakanya si Master Ken. Nang mapatingin sakin si Eunuch Dom ay lumapit ito sakin.
"Ano bang nangyari? Bakit hindi maganda ang timpla ng mukha ng prinsipe?"
Hindi niya talaga ako kukumustahin?
"Masakit ang balakang ko, tulungan niyo ako."
Inalalayan ako nito, "Anong nangyari sayo? Halika't ihahatid nalang kita sa iyong silid."
"Eh kayo saan kayo pupunta?"
"Ngayon ang pagsusulit ng mga gustong maging Eunuch. Kailangan ako roon."
"Sama ako sa inyo.."
"Aba'y bakit?"
"Ayokong makita ang kamahalan."
Nangunot ang noo nito, "Hindi na kita tatanungin kung bakit. Basta sana'y maayos lang ang kamahalan. Ayokong may mangyaring masama sakanya."
Bumuntong hininga ako, "Alam ko naman 'yon."
Pagkarating namin roon ay nahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura. Anong ginagawa niya dito? Nang umangat ang kanyang mukha ay nasalubong nito ang aking nagtatakang tingin. Tumingin ito sa paligid at sinenyasan ako. Nung una ay hindi ko naintindihan pero ng mapagtanto kong isa siya sa gustong maging Eunuch ay nakuha ko na.
Pero bakit gusto niya maging Eunuch?
May sinabi si Eunuch Dom sa mga ito. Mga patakaran habang sumasagot ng pagsusulit. Nang umupo na ito ay tumabi naman ako sakanya.
"Ito po ba ang mga tanong?" Bulong ko kay Eunuch Dom.
"Oo binibini, wag kayong maingay."
"Ang hirap naman.."
"Aba'y dapat lang binibini."
Nang basahin ko ang mga tanong ay lihim akong napangiti. Sa tagal kong binabantayan ang palasyo. Alam na alam ko na ang mga sagot dito. Likas akong matalino sabi ni Ama kaya nga naging doktor ako ng walang kahirap hirap.
Pag walang taong nakatingin sakin ay lihim kong isinisenyas kay Ton ang mga sagot. Ginamit ko lamang ang aking mga daliri. Ginawa ko ito hanggang sa matapos ang ilang oras na pagsusulit.
"Kamahalan marami pa akong gagawin. Ayos lang ba kung maiwan kita?"
"Ayos lang, Eunuch Dom."
Lumabas ako at naghanap ng mapupuntahan. Masyadong masakit ang balakang ko at hindi ako makapaglakad ng maayos. Matatagalan ako nito makarating saaking silid.
Umupo muna ako ng makaramdam ng sobrang pagod. Napatingin ako sa kalangitan at agad ring napaiwas ng tingin dahil sa sobrang liwanag.
Satuwing ginagamit ko ang pangalang Lili, napakahina ko. Patunay lang na ang mga ordinaryong taong tulad ko ay iba kung tratuhin. Ang mga mayayaman at mula sa makapangyarihang pamilya ang lagi nilang inuuna at pinahahalagahan. Naiintindihan ko naman iyon. Ngunit hindi ko maiwasan mag-isip.
Bakit buong buhay ko, kailangan kong magtago? Bakit satuwing sumisikat ang araw ay wala akong karapatang kumilos ayun sa gusto ko? Bakit hindi ko kayang gamitin ang tunay na pangalan ko?!
Napapikit ako. Naramdaman ko ang mainit na likidong dumaan saaking pisngi.
Ang madilim na kalangitan ang nagsisilbi kong tahanan. Ang maskara ang nagsisilbi kong taguan.
"Binibini..."
Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sakin si Master Ken.
"Bakit ka umiiyak?"
Malungkot akong ngumiti, "Dahil miss ko na ang pamilya ko. Masakit pa ang balakang ko. Hindi ko alam papano makakarating saaking silid."
Hindi ito kumibo. Tinignan ako nito na animong sinisiguradong nagsasabi ako ng totoo.
"Pinapunta ako rito ng Prinsipe, inaalam kung ayos ka lang."
Natigilan ako. Bakit gusto niyang alamin kung ayos ako? Nag-aalala ba siya sakin?
"Mukhang hindi ka nga maayos. Ihahatid na kita sa iyong silid, binibini."
Tumalikod at umupo ito saaking harapan.
"Anong ginagawa mo?"
"Kung kaya mong maglakad tatayo nalang ako."
Natigilan ako. Wala namang masama kung sasakay ako sa likod niya diba? Masyadong masakit ang balakang ko para mag inarte.
Sasakay na sana ako ng matanaw ko ang madilim na mukha ng prinsipe. Naglalakad ito papunta samin. At ng tuluyan na itong tumigil sa harap namin ay tumayo si Master Ken.
"Kamahalan, akala ko hindi kayo pupunta."
Umiwas ito ng tingin, "Nagbago ang isip ko."
Nagkatinginan kami ni Master Ken. Parehong nagtataka.
"Ikaw," turo niya sakin, "sumunod ka sakin." Anito at nauna ng maglakad.
Napakamot ako ng ulo. Gusto niya talagang pahirapan ako eh.
"Sumakay kana sa likuran ko, binibini." Aning Master Ken pero ganun nalang ang gulat ko ng bumalik ang Prinsipe.
"Master Ken, yung inutos ko sayo gawin mo na."
"Kamahalan, akala ko't bukas pa?"
"Nagbago nga isip ko diba?"
Napayuko si Master Ken, "Opo kamahalan." Anito at umalis.
Napakamot naman ako ng ulo at napatingin sa Prinsipe. Nakasimangot ito kaya nakakapagtataka.
"Saan po tayo pupunta, kamahalan?" Tanong ko.
"Sumunod ka nalang sakin," anito at nauna ng maglakad.
Ang gulo niya...
Kahit masakit ang aking balakang ay pinilit ko paring sundan siya. Ang bilis niyang maglakad at hindi man lang ako hintayin. Ni hindi ko alam kung saan kami tutungo.
Lumiko ang prinsipe sa isang pasilyo kaya nagtaka ako. Sinundan ko parin ito at nakita siyang hinihintay ako roon. Napatingin ako sa paligid at walang tao roon.
"Bakit kayo tumigil, kamahalan?"
Tumalikod at umupo ito saaking harap katulad ng ginawa kanina ni Master Ken. Nagtataka ko itong tinignan.
"Tatae po ba kayo, kamahalan?"
Narinig ko ang malakas na buntong hininga nito bago nagsalita, "Walang tao rito, walang makakakita."
Sinasabi niya bang sumakay ako sa likod niya?
"Ngunit kayo po ay isang prinsipe."
"Eh sa nag-aalala ako eh.."
Natigilan ako at mukhang pati rin siya. Saglit siyang natigilan bago magsalita ulit.
"Prinsipe ako, normal lang na mag-alala ako sa mga tao ng palasyo at bayan."
Ilang segundo bago ko napagpasyahang sumakay nalang. Kinakabahan akong napakapit sakanya.
Nang magsimula na siyang maglakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sakanya. Nasa harap lang ang paningin niya pero kitang kita ko ang perpektong pagkakahulma ng kanyang mukha.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko akalaing mangyayari ang eksenang ito. Hindi ko kailan man naisip ito noon. Dahil kahit kailan ayokong makita siya bilang isang lalaki.
Ayokong maulit ang nakaraan. Ang nakaraang patuloy lamang akong sinasaktan. Ang ordinaryong taong tulad ko ay hindi dapat mahulog sa makapangyarihang taong tulad niya.
"Kagabe may nagtangkang pumasok sa silid ng mahal na hari." Natigilan ako ng magsalita siya. "Hindi pa natutukoy ang kung sino ang rebelde pero pinaghahanap na siya ngayon." Nilingon ako nito kaya nagsalubong ang aming mga mata. "Mag-iingat ka. Kung pwede wag kang lalayo saakin."
Iniwas ko ang aking tingin. Kung alam niya lang na ako iyon, paniguradong hindi niya sasabihing mag-iingat ako. Dahil siya ang dapat na mag-ingat saaming dalawa.
Darating ang araw na mabubunyag rin lahat. Ang lahat ng nangyari sa nakaraan. May mga taong masasaktan dahil mamumulat sila sa katotohanan. Sana lang na pag dumating ang araw na iyon, hindi siya sumagi sa isip ko.
"Ang bigat mo," natigilan ako sa sinabi ng prinsipe.
Tumigil kami sa harap ng malaking silid aklatan. Ibinaba ako ng prinsipe saka siya naunang pumasok.
"Magbabasa ako ng mga libro, bitbitin mo." Aniya at isa-isang kumuha ng mga libro at binigay sakin.
Nakakasampung libro na ako pero patuloy parin siya sa pagkuha.
"Dadalhin ko ba talaga ito lahat, kamahalan?"
"Oo."
Hala... Alam niya namang masakit ang balakang ko tapos mabigat ang ipapadala niya sakin?
"Sumunod ka sakin sa harden." Aniya at lumabas na.
Kaya ba pinasakay niya ako sa likod niya kanina dahil papahirapan niya ako ngayon?
Wala akong nagawa kundi bitbitin ang makakapal na libro. Natagalan din ako bago nakarating sa harden. Pagkapasok ko ay agad akong humanga. Napakaganda sa loon nito at may duyan pa. Nakaupo roon ang prinsipe at nakatingin sa isang libro.
Hindi ko akalaing mas maganda pala dito sa loob kesa roon sa labas. Maganda rin naman sa labas pero sobrang ganda talaga sa loob. Ang gulo ko...
Nailapag ko sa baba ang mga libro at umawang ang bibig ko habang nakatingin sa paligid. Hindi nakakapagtatakang dito ang tambayan ng prinsipe at ayaw niyang may nagyayakapan sa harden niya. Pero ang harden na ito ang pinaka-romantikong lugar saaking paningin. Akala ko'y walang tatalo roon sa ilog na puno ng iba't ibang kulay na paru-paro.
"Umupo ka nga diyan," aning prinsipe kaya napaupo ako sa damuhan.
Nasa harap ko lang siya pero natatakpan ang mukha niya ng libro. Humiga ako at pinakiramdam ang magandang tanawin. Malamig sa lugar dahil maraming kulay berdeng halaman. Hindi masyadong mainit pero nakikita mo pa naman ang sinag ng araw sa taas.
Napangiti ako.
Nang mabaling ang tingin ko sa makakapal na libro ay nagtaka ako. Binilang ko ito at labing lima lahat.
"Babasahin niyo ba ito lahat, kamahalan?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi." Sagot nito pero ang paningin ay nasa binabasa parin.
Nagulat ako, "Eh bakit ang raming pinakuha mo?"
"Para may pagpipilian ako."
"Kung ganun, ilang libro ba ang binabasa mo sa loob ng isang araw."
"Dalawa o tatlo."
Nanlaki ang mata ko, "Ibig sabihin pinagod niyo lang ako sa pagdadala nito?"
Hindi parin niya ako tinapunan ng tingin, "May reklamo ka?"
Yumuko ako, "Hindi po."
Nakasimangot ako habang nakatitig sa mga libro. Napakasama niya. Akala ko nag-aalala siya sakin pero pinahirapan niya ako. Masakit na nga ang balakang ko papunta rito habang dala dala ang makakapal na libro pero mukhang mauulit pa ito mamaya.
May magagawa nga ba naman ako? Prinsipe siya, tagapaglingkod lang ako. Ngunit doktor niya naman ako hindi Eunuch. Kainis...
"When I first met you," bahagya kong inangat ang tingin at natagpuan ang prinsipeng nakatingin narin sakin. "It only take three seconds to fall in love with you."
Maamo ang kanyang mga mata na hindi ko magawang iwasan. Gulat na gulat ako sakanyang sinabi na hindi ko alam kung paano aakto. Naiintindihan niya ba ang sinasabi niya?
"Namumula ka," aniya kaya napahawak ako sa aking pisngi.
Tumingala ako, "Mainit kase ang panahon."
"Alam mo kung bakit madalas ako rito?"
"Huh? B-bakit?"
"Dahil malamig rito at hindi mo ramdam ang init ng panahon."
Natigilan ako, "Ahh.. Ganun ba..."
Ano bang gagawin ko?
Kinakabahan na naman ako. Baliw na ako. Hindi ko dapat maramdaman ito. Malay ko baka hindi niya alam ang ibig sabihin nun. Wikang ingles iyon at hindi basta basta matututunan ng lahat iyon. Hindi basta basta nakakapag-aral ng ingles ang mga tao maliban nalang kung mayayaman sila.
Pero siya ay prinsipe! Anak siya ng hari at reyna kaya dapat likas na sakanya ang maging matalino. Ughh!
"Look at me in the eye,"
Natigilan na naman ako. Gustuhin ko man umiwas ng tingin pero pasaway ako. Sinalubong ko ang maamo niyang mga mata. Nasa akin lang ang kanyang paningin at wala sa libro.
Sabihin niyong mali ako ng iniisip. Sana hindi niya talaga naiintindihan ang kanyang sinasabi.
"Let's see if you fall for me too within three seconds."
Umawang ang bibig ko.
Ang mga mata niya...
Napalunok ako. Hindi tama ito. Umiwas ako ng tingin. Hindi dapat mangyari 'to.
"Wikang Ingles iyon pero hindi ko naiintindihan."
Natigilan ako at napatingin sakanya. Naguguluhan ang kanyang mukha. Akala ko pa naman totoo na...
"Kung hindi niyo naiintindihan, bakit bihasa kayo kung bigkasin ito?"
Nagkibit-balikat ito, "Dahil tinuruan ako ni Gurong Fok. Hindi ko lang talaga siya pinakikinggan pag nagbibigay siya ng eksplenasyon."
Lumaylay ang aking balikat. Pakiramdam ko ay nalungkot ako na dapat ay ikasaya ko. Para akong umasa sa wala pero hindi parin umaamin. Nababaliw na ata ako.
"Bakit hindi kayo nakatingin sa libro kanina habang binibigkas ang mga iyon?" Tanong ko na animong naghahanap ng magugustuhang sagot.
"Mabilis kasi akong makamemorya. Isang tingin lang ay nasasaisip ko na ang nakita ko. Hindi ba't ang talas ng isipan ko?"
Napayuko ako. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana. Bakit?
"Narinig ko nag-aral ka sa ibang bansa. Pwede mo bang sabihin ang ibig sabihin nun?"
Patay...
Baka anong isipin niya dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang tunay na ibig sabihin.
"Gusto mo bang ulitin ko? Ito, when I first met you, it only--"
"Tama na!" Pigil ko kaya nagulat siya. Inayos ko ang sarili, "Sasabihin ko na."
"Sige.."
"Simula nung una kitang makilala..." napakamot ako, "nararamdaman ko ng isa kang magaling na tagapagluto. Tama iyon nga.. Yun ang ibig sabihin..."
Tumango-tango ang prinsipe, "Kaya ba namula ka kanina dahil akala mo sinasabi ko iyan sayo?"
Inaasahan ko na itong sasabihin niya. Pero mas mabuti na ito kesa malaman niya ang tunay na ibig sabihin.
"Eh yung huling linya? Anong ibig sabihin nun?"
"Ahh.. Uhmm.. Pwede mo ba akong ipagluto sa susunod? Ganun iyon."
Ngumiti ang prinsipe kaya natigilan ako.
"Kung ganun, pwede mo ba akong ipagluto sa susunod?" Aniya na ikinagulat ko. Tumunghay siya sakin, "Gusto kong matikman ang luto mo, Binibini." Anito at pinitik pa ang aking noo.
Walang salitang lumabas sa aking bibig dahil sa sobrang pagkagulat. Lagi niya nalang akong ginugulat sa mga sinasabi niya. Ugali niya ba talagang gulatin ako sa matatamis na salita niya?
Tumayo na ito at pinanliitan ako ng mga mata. "Isauli mo na iyan lahat." Anito at umalis na.
Naiwan akong nakatanga parin. Napatitig ako sa mga libro at napipilitang dinala narin. Kahit gaano pa kabigat ay hindi mawala sa isip ko ang kanyang sinabi.
Lumabas ako ng harden at hindi na makita ang kamahalan. Pero mas mabuti ng hindi ko siya kasama dahil hindi talaga ako komportable. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba.
"Tulungan na kita," natigilan ako ng lumapit si Marco at akuin ang mga libro.
Hindi ako nakapagsalita. Nasa kanina parin ang isip ko. Bakit ba hindi ko kaagad makalimutan?
"Ayos ka lang?" Natigilan ako sa tanong ni Marco.
"Ahh.. Oo naman."
Pumasok kami sa silid aklatan at isa-isang sinauli ang mga libro. Walang ibang tao sa loob maliban samin.
"Yung nangyari kagabe.." Natigilan ako, "Ikaw ba iyon?"
Agad nawala ang kaninang iniisip ko. Naaalala ko na naman ang nangyari kagabe.
"Sino pa ba?"
"Bilang Punong Heneral ng digmaan, gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka."
Lumabas kami ng silid-aklatan. Napatingin ako sa paligid at wala namang tao.
"Bilang Punong heneral ng digmaan ay gagawin mo ang lahat upang maprotektahan mo ang bansa. Kaya kong protektahan ang aking sarili, Marco."
"Nangako akong hanggang sa kamatayan ay proprotektahan kita."
"Sa ginagawa mong pagproprotekta sa rebeldeng tulad ko, magmumukha karing taksil sa bayan. Panindigan mo nalang ang posisyong merong ka."
Ginulo niya ang aking buhok, "Kaya nga ginawa ko ang lahat para magkaroon ng kapangyarihan dahil gusto kong mas maprotektahan ka."
Malungkot ko itong tinitigan, "Protektahan mo si Cris."
Natigilan siya.
"Alam kong ang babaeng pinakagusto mong protektahan sa lahat ay siya."
Kinabukasan ay nakipagkwentuhan ako sa ilang mga tagapaglingkod. Nagkwento sila tungkol sa rebelde na pumasok ng palasyo. Alam kong ako ang tinutukoy nila pero mas pinili kong sakyan ang kanilang pag-uusap para walang kataka taka sakin.
Ngunit sa kalagitnaan ng pag-uusap ay may dumating na dalawang naka-uniporme pang-guwardiya. Malalaki at matitikas ang katawan nito. Marami lang balbas sa mukha at may espada sa kanilang tagiliran.
"Ikaw ba si Binibining Lili Roque?" Tanong ng isa kaya nagtaka ako.
"Ako nga, bakit po?" Kinakabahan kong tanong nang hawakan nila ang pareho kong braso.
"Sumama ka samin ng tahimik."
Hindi na ako nakaangal ng dalhin na nila ako.

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    Tisoy Mandeoya Laquip

    thank you

    13/07

      0
  • avatar
    Kristen Talaban

    It's good

    10/07

      0
  • avatar
    Ken Ken

    Nice one

    24/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes