logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

PAIGE'S POV
* 7:30am *
Kakatapos ko lang maligo. At nakaupo ako ngayon sa hapag dahil kanina pa ako nagugutom. Nakaupo din sa harapan ko ang tatlong chismakers.
"Ang bango naman nyang niluto mo Paige!" - Mirla.
"May lakad ka ba ngayon?" tanong naman ni Loreng.
"Balita ko pupuntahan ka daw ngayon ni Santiago? Bakit wala pa sya?" - Mildred.
"Pwede ba? Tigilan nyo ang pang uusisa nyo sakin. Kung gusto nyo don kayo sa lalaking yon mag tatanong! Ayoko muna marinig ang pangalan nya!" Asik ko.
Ang oa mang isipin pero kasi hindi mawala sa isip ko yung paghalik nya sa noo ko kahapon. At grabe yung lambot at init ng labi nyang dumampi sa balat ko. Like what the shuta!
"Alam mo Paige? May gusto sayo si Santiago. At feeling ko parang matagal ka na nyang gusto eh!" - Mildred.
"Baka libog lang yon! First time lang namin magkita tapos ano?! May gusto na sya agad sakin?! Aba matinde!" Ani ko.
Nagsalin nako ng kanin sa plato ko. At ganon din sa niluto kong kaldereta. Medyo nakakaluwag luwag ako ngayon dahil 10k ang bigay sakin ni Melina. Akalain mong nakalagay pa yon sa sobre habang nakatago sa ilalim ng unan ko. Hihihihi!
Nagsimula na akong kumain at hindi pinansin ang pagchichismisan ng mga to.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain. Sya namang biglaang pag ring ng cellphone ko. Kaya naman nung tinignan ko ito eh isang Unknown number.
Nagdadalawang isip pako kung sasagutin ko ba o hindi. Kasi naman! Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko pero ano tong may tumatawag!
Sasagutin ko na sana nang bigla itong mamatay. At ilang sandali pa eh nagring ulit ito at sinagot.
"Sino sila?" tanong ko.
"Bakit ba ang tagal mong sagutin ang telepono?!"
Agad napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Saan mo nakuha tong number ko?!" asik ko.
Napatingin pa ako sa mga chismakers nato na nag iwasan ng tingin.
"Basta ang mahalaga nakuha ko ang number mo at matatawagan kita anytime," sagot nya.
"Ano pa bang kailangan mo?!"
"Parating nako jan after 5 minutes."
"Hindi pako tapos kumain dito! At huwag mokong madaliin!" angil ko.
"Tsk! Hindi naman kita minamadali. May dala akong pagkain. Kaya nga maaga akong pupunta jan eh! Akala ko kasi sa ganitong oras tulog kapa."
"Aba! Hindi ko na kasalanan yon! Kakain muna ako! Masamang pinag aantay ang pagkain!"
"Okay sige. Eatwell. Malapit nako," saad nya.
Pinatay ko na ang linya at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos ako sa agahan, agad akong nagtungo sa kusina para hugasan tong pinagkainan ko. Pinaalis ko muna ang mga chismakers nayon! Naiinis ako sakanila dahil sila ang nagbigay ng number ko kay Santiago! Hindi ko alam kung paano din nila nalaman yung number ko eh hindi ko naman sinasabi sakanila! Iba talaga siguro kapag legendary chismakers ang makakasama mo.
Kanina pa lumipas ang limang minuto, hanggang ngayon wala pa rin yung lalaking yon!
By the way, suot suot ko pala ang pukeshort na binili ko kahapon. Nag white long t-shirt nalang din ako. Suot suot ko din ang Black over the knee high heels ko na worth 15k. Pinagipunan ko talaga yan para makabili ng ganyan.
Tumingin pa ako sa malaki kong salamin na ka height ko lang. Para akong walang suot na short dahil natatakpan ito ng long T ko.
Wait! May kulang!
Kinuha ko sa kwarto ko ang Tote Bag ko na pure white ang kulay at may design ito na 'Bitch I See Ghost'.
"Ayan! Napakaganda mong nilalang!" Sabi ko sa sarili ko.
Naglagay din ako ng red liptint sabay spray ng pabango. Saka ako nag picture at post sa insta ko.
Ilang sandali pa nakarinig na ako ng ilang pagkatok sa pinto.
Punyeta! Buti dumating na sya!
Agad kong binuksan ang pinto. At bumungad sakin ang nakangiti nyang mukha. Ngunit bigla ding kumubli ang magandang ngiti nya nang pasadahan nya ng tingin ang kasuotan ko.
Seryoso na ang mukha nya. Akma pa syang magsasalita nang pangunahan ko sya.
"Hindi kita BOYFRIEND! Kaya wala kang karapatang umangal sa suot ko!" Angil ko at lumabas na ng bahay. Inilock ko pa ang pinto, bago ko sya tinignan.
Naka business attire na naman sya. Siguro may pasok sya ngayon.
"Palitan mo yang suot mo," seryosong sabi nya.
"Ayoko nga! Wag ka ngang makielam! Ang ganda ganda ko sa part na to! At gandang ganda ako sa sarili ko kaya wag kang makieksena! Kuha mo?!"
"Magpalit kana. Bilisan mo! Hihintayin kita dito---"
"Ay paulit ulit!? Ayoko nga diba!? Kung ayaw mo sa suot ko, pwes! Hindi nalang ako sasama sayo---"
"Shit! Papasok ka sa kumpanya ko na ganyan ang suot mo?! Nahihibang kaba?!" Galit na sabi nya.
"Hoy Santiago Lucas! Para sabihin ko sayo! Ang magiging trabaho ko sa kumpanya mo ay paalisin lahat ng mga kaluluwang gumagambala sa mga trabahador mo! At kung sasabihin mo sakin na kailangan ko ding magsuot ng uniform nyo? Pwes! Ayoko ng ganon! May karapatan akong magsuot ng kahit anong damit na gustohin kong isuot," mahabang sabi ko. At namaywang pa.
"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin!" Angil nya.
"Eh ano pala kung ganon?"
"What I mean is pupunta tayo sa kumpanya ko ngayon. At papasok ka din sa loob ng kumpanya ko na ganyan ang outfit mo? Kumpanya yon Paige! At hindi Fashion Show!"
"Hindi kita pinagbabawalan na hindi magsuot ng proper uniform namin! Ikaw pa rin ang masusunod sa gusto mong isuot! Pero please?! Ang suotin mo naman eh yung kaaya aya sa paningin ng lahat!" Singhal nya.
"Nakakawalang respeto lang para sakin yang suot suot mo ngayon!" Dagdag pa nya.
"Alam mo? Ang arte mo. Ang OA mo pa. Kung nakakawala palang respeto para sayo edi hindi ko nalang tatanggapin yang alok mo! Hindi ako ganon kagahamang kumita ng malaking pera para tanggapin yang alok nayan. Hindi naman sa pagmamayabang ah? Kasi kayang kaya kong kumita ng malaking pera kung gugustuhin ko!" Ani ko.
Kita ko pa ang pag igting ng panga nya sa sinabi ko.
Tumingin ako sa relo ko at 8:16am na.
"Pumasok kana. Baka malate kapa. Kung sabagay, CEO ka nga pala kaya kahit anong oras pwede kang pumasok," wika ko.
Nakatingin lang sya sakin ng seryoso at hindi umiimik.
"Maghanap ka nalang ng ibang kayang magpaalis sa mga multo nayan. At huwag ako ang abalahin mo dahil busy din ako sa life ko. Mag gagala lang muna ako ngayon. At goodluck sayo."
Tumalikod nako at naglakad papuntang kalsada.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng lakad eh naramdaman ko na ang braso nya sa baywang ko.
"Sakin ka lang didikit ha!" At dinala nya na ako sa kotse nya.
Pinagbuksan nya pa ako ng pinto.
"Sakay na," aniya.
Sumakay naman ako.
Mabilis pa syang umikot para makasakay na din.
May isang supot pa ngang nakapatong sa harapan ko.
"Ang tigas mo. Hindi kita kinakaya," sabi nya nang makaupo sya.
Inistart nya na ang sasakyan at maingat na pinaandar.
"Hindi ko lang kasi nagustuhan yung mga sinabi mo," sagot ko.
"Mas lalo namang hindi ko nagustuhan yung mga pinagsasabi mo!" Aniya.
"Hoy Santiago! Pakialaman mo na lahat wag lang ang pananamit ko. Mag aaway talaga tayo kapag pinagpatuloy mo yan."
"Damit ko na nga lang nagdadala sakin para gumanda ako tapos hahadlangan mo pa!" Dagdag ko.
"Hindi kita hinahadlangan. Ayoko lang kasi na mabastos ka ng ibang tao---"
"Pwes wala na akong pake sa mga tao nayan! Mga multo nga hindi nakikielam sa outfit ko. Kaya wala na akong pake pa sa sasabihin nila. Kahit maging sayo! Kaya sana maunawaan mo," pagputol ko sa sinasabi nya.
"Eto na nga diba!? Hindi ko na nga pinapakealaman!"
Bumaling ako sakanya dahil sa pag singhal nya sakin.
Masama ang mukha nyang nakatingin sa daan. Napakatangos ng ilong nya. Ang puti at kinis din ng kutis nya. Tapos napatingin ako sa labi nya. Kaya naman nanlaki ang mata ko nung maalala ko yung paghalik nya sa noo ko. Shet ka! Hindi ako kinikilig!
Umayos nalang ako ng upo at tumingin sa daan.
Napakagat labi din ako sa nakita ko. May isang lalaki kasi na naka sando lang sya. Ang gwapo nya! At ang laki ng muscles nya. Like what the shet!
"Ay shet! Ang yummy ni kuya!" Mahinang sabi ko yan.
Umayos nako ng upo nang malagpasan na namin sya. Narinig ko rin ang pagmura ni Santiago.
"Oh? Anong nangyari sayo?" Tanong ko.
Sobrang badtrip kasi nung mukha nya. Bumibilis din ang paghinga nya.
"May sakit kaba? Parang hinihika ka?" Ani ko.
Hindi sya sumagot kaya naman medyo nataranta ako.
"Woii! Shuta ka! Ihinto mo muna yang sasakyan. Kumalma ka muna!"
Itinabi nya ang sasakyan. At bigla nalang akong tinitigan ng masama.
"Naiinitan ako," mariing pagkakasabi nya.
Nangunot naman ang noo ko. Naiinitan pala eh bakit naman galit na galit? Ang OA nya!
"Kahit ako maiinitan kapag ganyan ang suot eh. Humabarin mo muna at mamaya mo nalang isuot," aniya ko.
Nakatingin pa rin sya sakin habang tinatanggal ang coat nya. Tinulungan ko pa syang tanggalin yon. Buti nalang at may hanger sa likod kaya kinuha ko yun at sinampay din dun mismo.
Naka longsleeve nalang sya ngayon na kulay puti.
"Naiinitan pa din ako," galit pa rin sya.
Akma nyang tatanggalin ang longsleeve nya nang pigilan ko sya.
"Ay teka teka! Ang oa naman ata? Ang nipis nipis lang nyang longslee---"
"Hindi na kita pinapakialaman diba? Kaya wag kang mangialam!" Singhal nya.
Natahimik ako bigla.
Umayos ako ng upo at hindi sya na tinignan.
Muli nyang pinaandar ang sasakyan.
"Magkaroon lang talaga ako ng karapatan sayo! Tapos ka talaga sakin!" Pagpaparinig nya.
"Maging Girlfriend lang talaga kita titino ka sakin!" Dagdag pa nya.
Natatawa nalang ako sa loob loob ko. Ang taas naman talaga ng kumpyansa nya sa sarili nya! Asa namang jowain ko sya!
"Hindi kita papatulan tanga! Manigas ka jan!" Sabi ko at tumawa ng malakas. HAHAHHA! Shuta sya!
"Sige tawanan mo lang ako! May kalalagyan yan! Hintayin mo lang!" Pagbabanta nya pa.
"HAHAHA! Asa ka! Maaaring napapakabog mo ang puso ko, pero never yan maiinlab sayo! Dahil may nakauna na sayo," ani ko.
Ramdam kong natigilan sya. Kaya dinedma ko nalang.
Tahimik lang sya buong biyahe at hindi na muli pang nagsalita. Hanggang sa marating na namin ang building nya.
Infairness! Malaki din to!
Bumaba na sya ng kotse at bigla nalang naglakad paalis habang sinusuot ang toxedo nya.
Aba! Ang hayuf nato! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto!
Bumaba nako ng kotse at sumunod sakanya.
Ang layo ko na sa likuran nya. Ayokong tumakbo ng mabilis dahil baka matapilok ako.
"Hoy santiago! Hintayin moko!" Sigaw ko. Pero hindi nya ako nilingon.
Nakapasok na sya sa loob at binati pa ng guard. Pero ang loko hindi namamansin.
Hinarang pa ako ni kuyang guard.
"Ahm miss? Hindi po pwede ang suot nyo dito. Pasensya na po. At hindi ka rin pwedeng pumasok kapag wala kang id," wika ni kuyang guard.
"Kuya kasama ko po si Santiago. Hoy Santiago! Puntahan moko dito!" Tawag ko pa. Pero nag dere deretso lang sya ng lakad!
"Lolokohin mo pa ako miss eh mukhang hindi ka naman kilala ni Sir!" Sagot ni kuyang Guard.
Agad nag init ang ulo ko! Dahil bukod sa mainit na dito eh sasabayan pa nya ako!
"Sino kaba para lokohin ko?!" Asik ko.
"Nako miss! Huwag kang magtaray dito! Wala ka sa teritoryo mo! Mukhang baguhan ka palang dito kaya umayos ka! Baka may kalagyan ka!" Pananakot nya. Nilabas nya ang batuta sa gilid nya.
"Hindi ako natatakot sayo! Kaya huwag mokong pagbantaan. Hindi moko kilala!" Asik ko sabay irap sakanya.
Nakakita ako ng isang bench sa gilid at may lalaking multo ang nakaupo don.
Lumapit ako at naupo sa tabi nya. Hindi ko sya pinapansin para kunwari hindi ko sya nakikita.
Kinuha ko ang cp ko sa tote bag ko at nilagay yon sa tenga ko. Bago ako bumaling sa multong to na nakatingin sakin.
"Isa ka ba sa mga nanggagambala sa kumpanya nayan?!" Galit na tanong ko.
Naka business attire sya at puro dugo ang mukha at sa buong ulo nya. Mukhang naaksidente sya.
Pinalakihan sya ng mata.
"Sagutin mo yang tanong ko ngayong badtrip na badtrip ako! Kung ayaw mong madamay sa gulo ko!"
Takot na takot sya. At aalis pa nga sya pero hindi nya magawang umalis.
"HALIMAW KAA! HALIMAW!! HALIMAW KAAA!!!" Malakas na sigaw nya sakin.
Sa sobrang inis ko kinuha ang maliit na bote sa bag ko. At hinigop non ang lalaking multo na to.
"UMALIS NA KAYO!! DUMATING NA ANG HALIMAW!!" Huling sigaw nya bago sya tuluyang hinigop ng bote.
Ang boteng hawak ko eh panlaban ko sa mga multong nanlalaban. Kahit iwan ko to sa bahay kapag may multo akong nasasagupa eh bigla bigla itong sumusulpot. Hindi lang kasi ako basta basta natulong. Binubura ko rin ang masasamang mga multo dito sa mundo. Kagaya nung lalaki kanina. Nabadtrip ako sakanya kaya kailangan nyang mabura sa mundo. HAHAHA! Ang bad ko ba? Hindi nuh! Deserved nya yon!
Madali lang para sakin ang magtaboy sa mga multo nayan. Pero sa ginagawa sakin ngayon ni Santiago! Makikita nya! Hindi ko talaga sya tutulungan! Iwanan ba naman ako!
Tumayo na ako. At maglalakad na sana paalis nang biglang mag ring ang cp ko.
Number nya ang tumatawag sakin. Humarap ako sa mataas na building nato habang naka taas ang isang kilay.
"Pumasok kana. Nandito ako sa office ko 50th floor hihintayin kit---"
"Ang kapal ng mukha mo! Hindi nako papasok jan! Mamatay ka sa kakahintay!" Kasabay non ang pagpatay ko ng linya.
Naka block na din sakin ang number nya.
Maglalakad na naman sana ako nang bigla akong tinawag nung guard.
"Miss! Pwede kana pumasok!"
Agad ko syang binalingan ng tingin.
"AH TALAGA? PUMASOK KA MAG ISA MO!" Sigaw ko.
Naglakad nako paalis sa sobrang inis ko.
Pero shutaaa! Wala akong masasakyan! Puro kotse ang dumadaan at walang taxi!
Nakakita pako ng isang store na *Alfa Mart*
Pumasok ako don para malamigan.
Karamihan sa mga nabili dito eh mga nagtatrabaho sa sa kumpanya ni Santiago.
Napatingin pa yung ibang babae sakin.
Naglakad ako at humanap ng maiinom.
Mineral water lang ang kinuha ko at isang tinapay. At hindi talaga nawawala sa eksena ang mga chismosa. Hindi yung multo ha. Kundi tao.
Nagtago pako para marinig ko mismo ang pinaguusapan nila.
"Sya yung nasa labas kanina diba? Yung hindi pinapasok ng guard!"
"Oo sya nga! Akala nya kasi porket maganda eh mapapansin na sya ni Sir Santiago! Shocks! Ang gwapo nya talaga!!"
"Ay nako! Narinig ko pa ngang sinigaw nya ang pangalan ni Sir Santiago eh! Pero buti nalang at hindi sya pinansin. Mukhang badtrip ata si Sir! Dapat ko sigurong dalhan sya ng coffee sa office nya!" Pag uusap usap nilang tatlo.
Nilabas ko sila na ikinagulat nila.
"Ay WoW naman!" Panimula ko at sinamaan sila ng tingin. Medyo malayo kami ngayon sa maraming tao na nasa unahan.
"Hindi ko alam kung sinasadya nyo bang iparinig sakin ang pag chichismisan nyo or malakas lang talaga ang boses nyo?" Hindi sila nakasagot kaya nagsalita ulit ako. Pero this time mas nilakasan ko na ang boses ko para marinig ng mga tao.
"KAYA SIGURO HINDI KAYO NILULUBAYAN NG MGA MULTO DAHIL NAPAKA CHICHISMOSA NINYO! ALAM NYO BA ANG MULTO MAHILIG DIN SA CHISMIS YAN? KAYA KAPAG NAKARINIG SILA NG MGA TAONG NAGCHICHISMISAN MAKIKIGULO NA RIN SILA! KAGAYA NYO!" Ramdam nyo ba yung lakas ng boses ko? Basta ganyan yan.
Sinilip ko pa ang mga tao at nakatingin na sila sa amin.
Eto namang tatlong bakulaw nato nakatungo lang. Magkakahiyaan talaga tayo dito!
Nagsalita ulit ako dahil natutuwa ako eksena namin.
"ALAM NYO BA GIRLS NA MAY SUMUSUNOD SAINYONG BLACK LADY? ALAM NYO DIN BANG GALIT NA GALIT SAINYO ANG BLACK LADY NA ITO?" Ani ko. At totoo ang sinasabi ko. Galit na galit ang Black Lady habang nakatingin sakanila.
Narinig ko ring nagbubulong bulungan ang mga tao.
"So totoo ngang sinusundan sila ng multo!"
"Kahit ako minsan nararamdaman ko din!"
"Ako nga minsan na ring ginambala ng mga multo eh! Lalo na sa Office ni Sir Santiago! Ang lakas dun brad!" Rinig kong pag uusap nila.
Nakatingin na din sa akin ang tatlong babae na to na nanlalaki ang mga mata. Hindi ata nila inaasahan na masasabi ko yun.
"TUTULUNGAN KO SANA KAYONG ITABOY ANG MGA MULTO SA KUMPANYANG PINAPASAKUN NYO! PERO MAGING ANG AMO NYO GINAGO AKO! TAPOS GINAGO NYO DIN AKO! KAYA NGAYON! HAHAYAAN KO KAYONG SAKUPIN NG MGA MULTO!"
Kinuha ko ang maliit na bote at hinigop non ang Black Lady. Naaasiwa ako sa pagmumukha nya! Badtrip na nga ako tapos sasabayan pa nya.
"OH AYAN! WALA NG BLACK LADY ANG PALA SUNOD SA INYO! MAGING MABAIT HA! HUWAG PURO CHISMIS ANG UNAHIN! MASAMA DIN YON LALO NA'T HARAP HARAPAN NYONG PINAGCHICHISMISAN!" Inirapan ko nalang silang tatlo at pumunta na sa cashier. Nahawi pa nga ang mga nakaharang na tao para padaanin ako.
At lahat sila nakatingin sakin.
Matapos kong magbayad eh lumabas na ako sa store nayon. At alam kong sa pagkalabas kong yun marami ang mag uusap usap about sa nangyari kanina.
Naglakad lang ako ng kaunti at tumabi sa isang babae. Naka pang business attire din sya.
Sinadya kong lapitan sya kasi may lalaking multo ang nasa likod nya. Nagpanggap akong hindi sya nakikita.
"Uhm Miss?" Tawag ko.
Lumingon sya sa akin. Nasa 30s na ang edad nya.
"Yes po?" Nakangiting sagot nya. Pero kitang kita ko ang malaking eye bags nya.
5'6 ang heaight ko. Pero mas malaki lang ako sakanya ng konti.
"Huwag ka sanang matatakot sa sasabihin ko ah?" Ani ko.
Tumango lang sya.
"Alam mo bang may multong laging nakasunod sayo?"
Nanlaki bigla ang mga mata nya. At nakita ko ang namuong luha sa mata nya.
Mabilis nya itong pinunasan at tumingin sa akin. Kita ko din ang multong nakatitig sa akin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Marami na rin nakapag sabi sakin nyan. Pero hindi nila nabibigay ang detalye dahil bigla nalang sila umaalis," wika nya.
"Bakit sila umaalis?" Kunot noo kong tanong.
"Sinasaniban daw sila ng multong nakasunod sakin at inilalayo nya ito sa akin."
Lumapit sakin ang multo ngunit hanggang doon lang ang kaya nya.
"BAKIT HINDI AKO MAKAPASOK SA KATAWAN MO?!!" Galit na sabi nya.
Kulay white na polo ang suot suot nya. At nababatid kong ang dahilan ng pagkamatay nya eh sinaksak sya sa puso. Dahil may bakas ng dugo doon.
Tumingin ako kay ate.
"Alam mo ba sinusubukan ng multong to na sumanib sa katawan ko? Pero hindi nya magawa dahil mas malakas ako sakanya," usal ko.
"SAGUTIN MOKOO!!! PAANO KITA MAPAPASOK!??"
"P-please? Tulungan moko! Hindi nya ako nilulubayan! Kahit sa pagtulog ko lagi nya ako ginagambala!"
Humawak pa sya sa kamay ko.
At mas nabuhayan pako sa susunod nyang sinabi.
"Handa akong magbayad. Please? Tulungan mo lang ako!" Pagmamakaawa nya.
Ngumiti ako at tumango tango.
Bumaling ako sa multong pilit pinapasok ang katawan ko.
"Hoy! Ano bang kailangan mo sakanya?" Tanong ko.
"IKAW!! SINO KABA?!! BAKIT HINDI KO MAGAWANG MAKAPASOK SA KATAWAN MO!!?" Sigaw nya sakin.
"Ano ngang kailangan mo sakanya!?" Asik ko.
Hindi nya ako sinagot. Bagkus pinipilit nya pa ring itanong kung paano sya makakapasok sa katawan ko. Kundi ba namang gago!
"Ah! Ayaw mong sabihin? Sige. Baka dito masabi mo sakin kung anong pakay mo sakanya."
Nilabas ko ang bote na syang ikinatakot nya.
"Anong pakay mo sakanya!? SAGOT!!" Singhal ko.
"G-gusto ko sya! Mahal na Mahal ko ang babae nayan!! Mahal na Mahal ko si Natalya!"
"Natalya ba ang pangalan mo?" Tanong ko kay ate. Medyo nabigla pa sya at tumango tango nalang.
"So anong gagawin mo sakanya?!" Asik ko.
"Kukuhanin ko! At dadalhin ko sa paraiso tapos magsasama kami don!" Ay gago nga! Ito yung tipo ng multong deserve mahigop ng bote.
"Kukunin mo ang buhay nya para sa pansariling kagustuhan mo?! Inutil ka pala eh! Nakakabadtrip yang sinabi mo! Mas lalo mo lang nilagay sa peligro yang kaluluwa mo! Imbes na dalhin ka sa mas makakabuti pero ikaw na mismo ang nag desisyon! Kaya sige! Magpaalam kana sa mundo! Siraulong to!!"
Binuksan ko ang bote at itinapat sakanya. Mabilis naman syang hinigop non. Umilaw pa nga yung bote. Sensyales yun na nahusgahan nya na kung saan tutungo ang kaluluwa nung multong yon!
"Nakita mong umilaw diba?"
"O-oo! Nakita ko. Maraming salamat! Maraming maraming salamat sayo!" Napaiyak pa sya nyan.
"Hindi kana babalikan nung mokong nayon! At makakatulog kana din ng maayos. Saka tignan mo yang eye bags mo. Ang laki laki na. Magpahinga kana alam kong pagod ka sa work mo," saad ko.
Binuksan nya ang shoulder bag nya at iniabot sakin ang isang puting sobre. Syempre tinanggap ko naman yon.
"Ang perang yan ay nakalaan para sa taong tutulong sakin. Hindi ko lang naibibigay dahil nga humahadlang yung multong nakasunod sakin," aniya.
"Salamat pala dito," sabi ko.
"Ako dapat ang magpasalamat sayo. Maraming salamat dahil natulungan moko sa problema ko. Successful nga ako sa buhay ko pero may umaaligid namang hindi kanais nais."
May huminto sa harap naming blue na kotse.
"Salamat ulit sayo. Nandito na pala yung sundo ko. Pang gabi kasi ako at ngayon lang ako uuwi," nakangiting sabi nya.
"Ay oh sige. Salamat din. Mag iingat kayo sa biyahe! At matulog kana ng mahimbing!" Wika ko.
Sumakay na sya sa kotse at kumaway pa bago ito umalis.
Kumaway din ako kahit malayo na ito.
Binuksan ko ang sobre at shutaaaa!! May lamang pera!! Binilang ko kung ilan ito.
15K! Shutaaa! Ang laki naman nitooo!! Hihihi!
Itinago ko na ang pera sa bag ko. At napasimangot din sa nakita ko.
Si Santiago. Nakapamaywang sya habang nakatingin sakin. Nasa may kabila sya.
Naalala ko na naman ang ginawa nyang pag snob sa akin.
"Oh anong ginagawa mo dito?!" Mataray na sabi ko.
Tumawid sya at naglakad palapit sakin.
"Kanina pa kita inaantay---"
"Wala nakong pake pa sa sasabihin mo! Ayoko na tanggapin yang offer nayan! Final answer nayan! A.Y.O.K.O. N.A!" Matigas na sabi ko.
Nag igting ang panga nya habang seryosong seryoso ang pagmumukha. Eto na naman kami!
"Wag mo na akong pilitin! Nababadtrip lang ako! Ginawa mokong tanga kanina! Tawag ako nang tawag sayo! Anong ginawa mo?! Hindi moko pinansin! Napagchismisan nako lahat lahat wala ka pa ring imik!" Singhal ko.
Hindi sya sumagot.
"Uuwi nako! Bumalik kana sa pag tatrabaho mo! Tignan mo oh! Ang init init! Kanina pako dito! Wala akong masakyan! Gusto ko na umuwi! Iuwi mo na ako!" Angil ko. Medyo OA ako sa part nayan.
Pinunasan ko pa yung pawis sa noo ko.
Mag bobook na nga lang ako sa grab.
Kinuha ko ang cp ko at nag book ng grab. Waiting nalang ako after 10 minutes.
Pinasok ko na ang cp ko sa bag at tumingin kay Santiago.
"Mag trabaho kana dun! Dahil hindi moko mapipilit. Uuwi na talaga ako---"
"Hindi ka uuwi. Hindi kita papayagang umuwi!"
"Ano ba santiago! Nababadtrip ako sayo---"
"Mas nababadtrip ako sayo! Kanina pako badtrip alam mo ba yon?! Dun palang kanina sa kotse ko badtrip nako! Dun sa lalaking pinagpapantasyahan mo badtdip nako! At hanggang ngayon badtrip pa rin ako!"
Natigilan ako sa sinabi nya.
"Kanina pa kita tinatawagan at hindi mo sinasagot! Tapos malalaman kong naka block na pala ako sayo! Bakit ba ang tigas tigas mo!?" Singhal nya.
May napapatingin pang mga tao samin. At nagbubulungan.
"Bakit ba Paige?! Porket ba may nakauna na jan sa puso mo hindi na ako pwede!? Tsaka hindi ko nga nakikita yung lalaking nakauna sayo! Ni hindi ko man lang narinig na binanggit mo ang pangalan nya---"
"EH KASI NGA PATAY NA SYA!!" Sigaw ko. Sya naman ngayon ang natigilan.
"Matagal na syang patay Santiago! Kaya hindi mo nakikita ang kaluluwa nya! Pero ako?! Kitang kita ko! Kitang kita ng dalawang mata ko kung p-paano nya ako iwanan!" OA na sabi ko.
"Hindi mo kasi alam yung feeling! At wala kang alam! Basta basta ka nalang sumusulpot na parang isang kabute! Mapagdesisyon kapa at feeling boss! Hindi moko mapapalambot! At hinding hindi ako magiging iyo!"
Sakto pang dumating ang grab taxi. Kaya naman sumakay na agad ako.
"Kuya andar napo tayo."
Umandar na ang taxi. At saka palang ako umiyak ng tahimik.
Ano bang alam nya sa buhay ko?!
Ano bang alam mo Santiago?!
At bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot sa buhay ko!?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED...

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    ParagadosErica Mari

    and ganda at any kwela 🥰🥰🥰

    07/07

      0
  • avatar
    DequerosHazelmae

    very nice story❤❤

    06/07

      0
  • avatar
    MarceloCharlene

    bat bitin?

    14/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes