logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 07

Tinawagan niya si Rye ng ilang minuto na pero ayaw pa rin umandar ng kotse ko. Ilang saglit lang naman dumating na si Rye kung na saan kami. Hinila na lang ang kotse ko gamit ang kotse niya. Siya pa nga ang sumakay sa kotse ko dahil napaka pride ng tukmol na Wade na ito, may hiya tuloy akong naramdaman pagdating namin sa site. Kami na nga ang tinulungan tapos siya pa yung parang nasiraan sa huli.
"Hay, akala ko pa naman matatagalan pa kayo mag papatiwarik na sana ako kaso nandito na kayo. Alam ko namang pipigilan niyo ako, you love me!" Bungad sa amin ni Dan na may hawak na tatlong hard hat para sa safety namin dahil baka biglang may bumagsak.
"Sana sinabi mo para tinagalan namin, madali naman akong kausap. Freedom din 'yon pag nagkataon Dan. Sayang naman." Ngiting binigay ni Wade ang ibang pagkaing hawak niya sa nakanguso ng si Dan.
"Hindi mo' ko mahal!" Pag iinarte nito at umarteng naiiyak.
"Mukha kang bulldog! Tigilan mo nga yan!" Napailing si Wade at tinulak ang mukha ng kaibigan nya na may pandidiring tingin. 
"Babe, I'm not a bulldog I am a seashore! Wait for me!" Hindi pa rin tinigilan ni Dan na asarin ito dahil pansin niyang wala na naman ito sa mood.
"Don't mind them, that is their routine everyday, " Rye said before we started walking too. 
"Halata nga," I nodded.
Nag ikot ikot lang kami ng ilang minuto para tingnan ang mga nasimulan na at tingnan kung maayos naman ba lahat. Pagkatapos 'non sabay sabay na rin kaming kumain. Hindi nga ako makakain ng maayos dahil sa hindi matigil na bibig ni Dan, kong ano-anong tinatanong wala namang sense. 
Natigil lang ang maingay na bibig nito ng magsimula na silang pag usapan ang tinawag ni Rye sa kanya kanina. Ang alam ko about sa perang ma co-consume ang pag uusapan nila, kung magkano ang ilalabas na pera as of now. Wala si Rye sa meeting noon kaya hindi napag usapan 'yon. Yung location, process at when to start lang.
"Saan ka pupunta?" Agad na tanong nito pagkatayo na pagkatayo ko.
Akala mo naman tatakasan. Kanina pa ako nakaupo at gusto ko namang lumabas. Wala rin naman akong ginagawa rito. 
"It's not safe outside," said Rye.
Nakatingin na rin pala yung dalawa sa akin. Hindi ko akalaing matitigil ang meeting nila dahil lang sa pagtayo. Nakatingin na silang tatlo at hinihintay ang sasabihin ko. 
"Akala mo naman tatakasan," Mahinang bulong ko na hindi ko inakalang maririnig pala ni Wade.
"As if may pantakas ka." Pang iinsulto nya sa kotse kong sira. 
"Iyon naman pala, e! Maghihilamos lang ako!" Galit na diin ko at kinuha ang bag ko.
"Palagi kayong galit. Bakit hindi nyo itry yung sad naman para maiba." Narinig ko pang sabi ni Dan bago ako makalabas.
Wala naman akong balak maghilamos ang gusto ko lang talaga lumabas. Lumanghap ng sariwang hangin dahil puro pollution ang mga nasa loob. Nang mahagilap ng mata ko ang kotse ko halos takbuhin ko iyon. Pinasok ko sa loob ang bag ko at balak na hintayin na lang si Wade dito dahil hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano ako makakauwi. Inalis ko din yung pares na suot kong heals at kunin ang tsinelas ko. Masakit na rin kasi yung paa ko dahil sa paglilibot namin kanina, hindi ko naman akalain na ganung mabato at medyo maputik ang area kong saan kami nag ikot. Buti nga hindi ako natapilok o nadulas. 
"Devina?" May biglang bumigkas ng pangalan ko mula sa likuran ko.
Napahinto tuloy ako sa paglilinis ng paa ko. Alam ko ang boses na iyon kaya hindi ko maiwasang mag alinlangan na harapin siya. Hindi nya maitago ang galak sa ngiti niya ng humarap ako, ng makumpirma na ako nga tinawag nito.
"Your here," masayang sabi nya. " Akala ko hindi na tayo magkikita, hindi ka rin kasi nagpakita noong graduation but I want to congratulate you. You did great, you pass the exam even if that was rush. By the way did you receive the invitation of our graduation party? Hindi ka kasi pumunta, e. I thought pupunta ka kaya hinintay kita." May ngiting sabi niya.
I think mag iisang buwan na rin na hindi ko siya nakikita.
"Natanggap ko pero hindi ako pumunta," I answered her question casually.
"But why?" She looks confused.
"I'm hurt and you know the reason. I mean you are one of the reasons." I simply said. 
Nakita ko kung paano mawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. Ewan ko ba kahit ayaw ko man na sabihin sa kanya 'yon pero hindi ko mapigilan. Mas lalo na pag nasa harap ko siya at naaalala ko ang lahat.
"I-m sorry," she apologized.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahina ngunit seryosong tanong ko dahil hindi ko rin akalaing makikita ko siya ngayon.
Napaangat siya agad ng tingin sa akin na mistulang nakalimutan ang tunay na balak nya kong bakit sya nandito. 
"Hmm, a-about that---" she stuttered.
"Architect. Samantha, late ka ata ngayon ha!" Dan shouted.
Napatingin kami sa likuran nya ng marinig namin ang boses ni Dan na dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita pero kahit ganun mukhang alam ko na ang sagot sa mismong tanong ko sa kanya. Wala rin sya sa meeting noong nakaraan kaya hindi ko akalaing siya pala ang may handle ng design sa project na ito. Hindi ko rin naman inasikaso iyon dahil sabi niya siya na bahala kaya wala akong kaalam alam.
Kasama na ni Dan sina Wade at Rye. Siguro tapos na sila mag usap kaya lumabas na rin. Inayos ko ang sarili ko dahil ayokong magkatanungan pa rito.
"Hi." Pagbati ni Sam sa kanila.
"Are you okay?" May pag aalala na tanong ni Rye kay Sam ng mapansing matamlay siya.
"Sinungitan mo sya 'no!" Pagbibintang ni Dan sa akin.
Konti na lang talaga masasapok ko na ito!
"No, no..." Pagdepensa agad ni Sam at umiling. "Maybe I'm just tired and sorry I am late. May inaasikaso pa kasi ako bago pumunta dito. A urgent, I mean this is urgent to but...I'm sorry again."
Hindi ko alam pero feeling ko magkakilala na sila matagal na. Samantha is the only one that I can called as my friend..... but I don't know to bring that back again.
We met in high school, transferred student siya. I never felt to have a happy family kaya rin siguro kami nagkalapit kasi pareho kami. Sa kanya ko sinabi lahat ng problema at nangyayari sa bahay. Pag nalalaman kung may ibang babae si papa siya ang nasa likuran ko. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit ganun ang nangyari sa pamilya ko there is still hope in myself na magiging pamilya rin kami. Yung masayang pamilya na matatawag.
Siya palagi ang sinasabihan ko tuwing naririnig kong nag aaway ang parents ko. Siya ang takbuhan ko. Sa kanya ko sinasabi lahat ng nararamdaman ko pero hindi ko akalain na habang umiiyak ako, nagsusumbong kung bakit nagawa ng papa ko iyon at sino ang babaeng iyon ay alam na pala niya ang lahat. 
Kahit pilit kong intindihin ang rason kung bakit niya nagawa iyon sa akin, yung galit sa puso ko at ang tiwalang sinira niya hindi na maibabalik 'yon. I always at her side, in good or bad days. I always make her feel na nandito ako sa tabi nya. She was already a sister for me kaya rin siguro ganun na lang kalakas ng impact sa akin 'non. The feel of being betrayed while i am giving love and trust to her. 
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Wade na nagpabalik sa akin sa realidad. 
"Hindi," Maagap na sagot ko bago pa sya makasagot.

Comentário do Livro (184)

  • avatar
    Erickaa Casabar Lopez

    Thnk you

    4d

      0
  • avatar
    Kria Guillermo Danao

    very cool

    19d

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰🥰

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes