logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 03

"Anong ayaw mo? Babangga bangga ka ng kotse tapos pag nasira hindi mo babayaran? Pinagloloko mo ba ako!" Galit na saad niya.
"First of all, malay ko ba kong yung kotse mo ang bumangga sa kotse ko at hindi yung akin." lumapit ako sa kotse ko na katabi lang nun at tinuro. "Kita mo, may bitak din yung akin. Wala akong maalala na ako ang bumangga sa kotse mo kaya hindi ako magbabayad!"
Naglakad ako palibot sa kotse ko para tignan kung may iba pa bang nabasag maliban sa likuran. Sana gumagana pa kundi wala akong gagamitin.
"First of all din babae, paano mo maalala kong tulog ka at lasing at the same time noong binagga mo yung kotse ko!" Pinaharap nya ako sa kanya, naiinis na. "Magbabayad ka o ipapakulong kita. Mamili ka, madali lang naman akong kausap."
"None of the above," inismiran ko sya at papasok na sana sa kotse ko para makaalis na ng hilahin nya ang buhok ko na siyang dahilan para magkaharap uli kami. Pigil na napa buntong hininga tuloy ako.
"Oh, tignan mo! Pag babae talaga kailangan lahat detalyado, mabuti na lang advance ako mag isip." Iniabot niya sa akin ang cellphone niya kasabay ng pag iwas nya ng tingin. 
Nag alangan pa ako nung una pero kinuha ko rin naman para tignan para matapos na 'to. Parang gusto ko na lang ihukay ang sarili ko ng mapanood lahat ng pinaggagawa ko. Tama nga sya, ako ang unang bumangga sa kotse nya na dapat sana pabante para makalabas ako sa parking lot kaso patalikod ang nangyari, buti nga isang kotse lang ang nabangga ko kundi hindi ko alam kong saan ako pupulutin ngayon. Hanep yung bartender, sinunod ang sinabi ko!
"Baka naman hindi ka pa naniniwala dyan kahit nakita mo na yung gulong ginawa mo." He said and took his phone on my hand.
"Magkano ba?" I sighed in embarrassment.
"Nakausap ko na yung mag aayos ng kotse ko at ang sabi nya hindi bababa sa two hundred thousand pesos, iyon ang sinabi nya sa akin." Mahinahon na niyang sabi. "Pero para fair naman dahil sira rin naman ang kotse mo, one hundred fifty thousand will okay to me."
What the? A hundred thousand!? Da*m! Ano yung kotse niya ginto? Natawa tuloy ako ng mapakla bago siya hinarap. 
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo sa akin ngayon? One hundred fifty thousand pesos, seriously?" Pinanlakihan ko siya ng mata at hindi makapaniwala.
"Seriously," he nodded.
"Eh kahit nga gawin mo pang one hundred thousand pesos hindi ko kayang bayaran, iyon pa kayang may fifty pa!" Angil ko presyong sinabi niya at lumapit sa kotse para tingnan kung malala ba dahil sobrang laki naman ata ng sinisingil nya. "Natupi lang naman, ohh! Wala akong pera na ganun kalaki!"
"Hindi ko na kasalanan 'yon, basta bayaran mo ako!" Giit nya at ayaw mag paawat. "Mahal yan 'no! Hindi kagaya sa kotse mong cheap."
Nakakainsulto 'yon, ahh!
"Eh wala nga! Nakakaintindi ka ba?" Sigaw ko na rin sa kanya.
Saan ako kukuha ngayon ng hundred thousand para pang bayad dito kong maski apartment hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng mura lang ang renta. Ayoko rin namang humingi kay dad, baka gamitin pa nya yun para lang bumalik ako sa bahay.
"Magkano ang kaya mong ibigay?" Nawawalan na sya ng pasensya base sa awra ng mukha nya.
Sinubukan kong tignan kong magkano ba ang meron lang ako sa wallet ko. Tangina, uminom pa kasi ako, e! Nagkanda malas malas tuloy. Imbis na maghanap ng trabaho ang kailangan kong gawin ngayon nandito ako ngayon.
Nilahad ko sa harap nya ang isang daang nahugot ko sa wallet ko. Hindi lang iyon ang laman nun pero hindi rin naman ganun kalaki ang naiwan. Hindi ko nga alam kung ka-kasya pa ba iyon para pang rent ng apartment. 
"Pasensya," sabi ko habang may alanganin na ngiti sa labi ko.
"Isang daan?" Kinuha nya yun at tinignan ng mabuti na parang ngayon lang nakakita ng ganung pera.
"Hindi ko naman sinasadya, tulong ko na lang. Bye!" Hagikgik ko at paalis na sana ng hilahin nya ulit ang buhok ko. "Hayaan mo na kasi akong makaalis, nagsasayang ka lang ng oras mo dahil wala akong maibibigay."
"Huwag mo akong pinagloloko, patingin ng bag mo." Sinubukan niyang kunin kaso lumayo ako agad. "Ang lakas ng loob mong uminom sa bar na iyon tapos isang daan lang karga ng wallet mo, hindi ako naniniwala. Patingin ako!"
Lumayo ako ulit ng subukan nyang hablutin. 
"Wala na nga!" pagtanggi ko.
"Anak ng," napahilamos sya sa mukha nya kasabay ng mahinang pagmumura nya sa sarili nya. "Ang tigas ng ulo mo 'no! Titignan lang naman! Meron 'no, ayaw mo lang!"
"Ayoko! I mean wala!" Giit ko pa rin kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit sa bag ko.
"Anong nangyayari dito?" Someone asked at my back, which made us stop arguing. 
Sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Medyo may katandaan na ito kung titignan. Hindi ko alam kung kararating lang ba nya o kanina pa sya. Hindi ko naman kasi namalayan. I mean hindi namin namalayan. 
"Dad," he said.
"Who are you?" Tanong nya sa akin at hindi pinansin ang pagtawag ng anak nya sa kanya.
"Devina po," I answered.
"I want you to be my son's secretary, what do you think?" His dad suddenly smiled and didn't hesitate to say it.
H-Ho?" Gulat na ani ko dahil sa walang paligoy ligoy na pag alok nya sa akin ng trabaho. 
Nagulat pa akong noong una dahil sa biglang pag alok nya sa akin pero agad ding sumilay ang ngiti ko. Kailangan ko ng trabaho at sa hindi inaasahan ang trabaho na mismo ang lumapit sa akin. 
"No way!" Angil agad ng anak nya na ikinairap ko. "Dad, I already told you if maghahanap kayo ng secretary wag babae. And she didn't even apply for that job."
"Then I will apply," I smiled at him before looking at his dad again. "Right, Sir?"
Pasilip nyang tinignan ang anak nya mula sa likuran ko bago ako tignan.
"Make him yes then you're hired." His dad said and smiled.
Iyon lang ang sinabi niya bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. May ngiti sa labi ko ng humarap ako sa kanya pero agad ding nawala ng umiling sya. Kailangan pa kasing pilitin, e! 
"No," umiling ito.
"Hire me as your secretary para mabayaran kita easy as that, kasi kong hihintayin mo lang at pipilitin akong magbayad ngayon aabot tayo ng taon dito na walang nangyayari." Singhal ko at napairap dahil sa hirap niyang kausapin. 
"Wala akong pake kung saan mo kukunin ang perang pambabayad sa akin, kung kailangan mong ibenta ang kotse mo gawin mo. Hindi ko na problema 'yon." Paninindigan nya pa rin. "Bibigyan kita ng sapat na oras pero hindi ka dito maghihintay, sa kulungan."
Napa atras agad ako ng magsimula siyang lumapit sa akin. Natakot ako bigla dahil sa sinabi nya. Ang harsh naman masyado hindi ko naman sinasadya, e! 
"Let's make a deal!" I gestured for him to stop walking towards me.

Comentário do Livro (184)

  • avatar
    Erickaa Casabar Lopez

    Thnk you

    5d

      0
  • avatar
    Kria Guillermo Danao

    very cool

    20d

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰🥰

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes