logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 02

Hindi ko na nga ata namamalayan ang sarili kong nilalagay ko pa sa baso yung alak kundi iniinom ko na siya mismo sa bote. Kita ko pa ang pag aalala ng bartender dahil parang ginagawa ko ng tubig but I just give him a thumbs up and gestured him to just do his work.
Every shots that I take mas lalo kong naalala lahat ng pinaramdam at ginawa nila sa akin. Naramdaman ko nalang na ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa habang halos mabasag na ang hawak kong baso dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Wala naman akong ginawa sa buong araw pero feeling ko pagod na pagod ako dahil sa bigat na dinadala ko. All I want is healing but how? One day it feels like I am healing, the next day I am breaking again. It's like a cycle that has no end. Nakakapagod.
Wade's POV: 
"Miss! Miss! Naririnig mo ba ako!? Lumabas ka diyan kundi babasagin ko itong pinto ng kotse mo!" kinatok ko ng kinatok ang bintana ng kotse ng babaeng nakabangga ng kotse ko.
Paalis na nga sana kami ng mga kaibigan ko kaso ito ang nangyari. May biglang bumangga sa akin habang paatras ang kotse ko. Nang unti unting bumukas ang pinto lumayo agad ako. Bumungad sa amin ng pinsan at kaibigan ko ang halatang lasing na babae na halos hindi na ata maimulat ang mata niya. Kaya naman pala, e! 
"Lasing ba siya?" Si Dan na nakatingin din sa babae.
"Another drunk woman encounter," Rye chuckled and nodded about what Dan said. 
"Wala akong pake alam," lumapit ako at nagbabakasakali na maiintindihan ako ng babae. "Hoy! Naririnig mo ba ako? Magsalita ka! Kailangan mo akong bayaran, yung kotse ko sinira mo! Bago lang 'yon!"
"Ha? Bakit? Ang ingay mo naman!" Napakamot siya at halatang naiirita dahil sa pagsasalita ko. 
"Badtrip naman, ohh!" Napahilamos tuloy ako dahil mukhang malabong makakausap ko pa ito ng maayos pero sinubukan ko ulit.
Hinawakan ko ang dalawang braso niya at pinaharap sa akin. Pati na rin ang mukha nya na hindi na maipinta ang itsura.
"Why? Do you like my body? I'm sorry but I can't accommodate you I am s-sleepy, just ask for other girls not me!" She smiled giggling and touched my face, which made me stop holding her. "I can't satisfy you."
"G*go! Niyayaya ka ata patulan mo na!" Panunulak sa akin ni Dan. 
"Shut up Dan," pagsasaway ni Rye.
"Oyy, trip mo 'no!" Pag aakusa niya sa kanya.
"Maybe she looks pretty but no," umiling lang ito. "Anong gagawin mo? I think she can't pay you in that situation."
Bumaling ang tingin niya sa akin. Napaisip din tuloy ako kong paano. 
"She needs to pay me, mahal ang pagawa nun 'no!" Angil ko pa rin. "Kailangan niya akong bayaran, wala akong pake alam kung saan niya kukunin."
"You have money, don't act like a poor baby Wade." Rye chuckled.
"Aww, baby!" Si Dan na sinundan ang pang aasar sa akin ni Rye.
"Manahimik nga kayo," pagsasaway ko dahil naguguluhan na nga ako napaka ingay pa nila mas lalo na si Dan.
"Or just take her to your house if you really want her to pay you and so you can talk about the cause she did tomorrow. That is only a suggestion." Rye suggested and he had a point but I don't want to do it. 
"Yeah! Take me daddy!" Rinig kong hagikgik ng babae.
"Take her?" Gulat na tanong ko kasabay ng pagtingin ko sa babae. "No way!" 
"Then let's go, we are just wasting our time here." Nawawalan na sa pasensyang sabi ni Rye.
Kahit kailan talaga mainipin.
"Tama!" pagsang ayon ni Dan na gusto na rin na umalis.
Napatingin ulit ako sa kanila at nag iisip kung gagawin ko ba ang sinabi ni Rye. Ayoko man itong kunin kaso kabibili ko lang 'nun lagot ako kay papa pag nakita niyang sira agad at ayokong akuin lahat ng gastos.
"Fine," I sighed.
"Aalis na tayo? Hahayaan na natin siya?" Dan asked me in shocked.
"No, of course not!" umiling ako. "I will take her, ang swerte naman nya kung hahayaan ko lang. Buhatin mo sya lagay mo sa kotse ko Dan."
"Ako? Ayoko nga!" pagtanggi nito sa inuutos ko sa kanya at lumayo.
"Hahayaan kitang kausapin o kunin ang mga number ng mga babae nagtatrabaho sa kumpanya, ayaw mo pa rin?" I asked again. 
"Go!" Tuwang pagsang-ayon niya at binuhat na ang babae.
"Para akong nasa kalawakan," she giggled like a kid pagkabuhat sa kanya. 
"Parang nagkakaunawaan kami," natatawang umiling si Dan at naglakad na patungo sa kotse ko para ilapag siya sa front seat. 
Nagpaalam lang ako sa kanila bago pumasok na sa loob. Umaandar naman siya kaso yupi sa tagiliran at bandang likuran na siyang dapat maayos. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko siyang nakatingin sa akin at bakas sa mukha niya ang pagpigil nya sa pag iyak ngunit hindi na nya ito napigilan ng kumurap sya. Tuloy tuloy na bumagsak ang mga luhang pinipigilan nya kanina.
"Wipe your tears, i don't like seeing a girl crying." I said before starting the engine.
Bakit siya umiiyak? Nakakainis naman ako pa ata magkakasala nito.
"If I wipe my tears, is it possible that the pain will fade too?" She asked. 
"No," I answered her in confusion because of her question.
"Then, what is the purpose of wiping your tears if the pain will stay?" Her voice broke. "I'm tired."
Napatingin ulit ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Nakatingin na siya sa harapan pero patuloy pa rin ang pag agus ng luha niya. 
"Maybe that was the easiest thing to do to hide the pain and be strong when someone is looking." I answered before I started driving.
Kinabukasan....
Mahina akong napadaing ng maramdaman ko ang kuko ko sa paa na parang may pumipitik 'non. Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko napabalikwas agad ako dahil sa lalaking nakatayo mula sa harapan. Masama ko syang tinignan habang hinahaplos ang kuko ng hinlalaki ng daliri ko sa paa dahil sa ginawa nya para lang magising ako. 
Habang matalim ko syang tinititigan pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Wala naman akong maalala na may nangyaring pagsisihan ko sa huli at nararamdaman ko naman sa sarili ko na walang nangyaring ganun basta ang hindi ko alam kung bakit ako napunta dito. Wala pa nga akong apartment na nahahanap dahil pinalayas ako dahil hindi ako nakapagbayad ng rent at saka masyadong mahal kung titignan yung kwarto may lalaki pang kasama. Freebie?
"Hindi mo ba naaalala ang nangyari?" Tinaasan nya ako ng kilay kasabay ng pag upo nya sa maliit na sofa sa gilid ng kama kong saan ako nakaupo ngayon. "Yan alak pa, iinom kasi hindi naman kaya."
"Paputol putol lang," pag sumbat ko naman dahil para niya akong pinapangaralan. "At saka wala kang pake alam, aalis na ako. Nasaan ba yung gamit ko?"
 Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. At ng maaninag ng paningin ko ang sandals ko inalis ko na ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko at bumaba sa kama. Sinuot ko iyon bago kunin ang shoulder bag ko na nasa mesang maliit katabi lang 'non pero napaatras agad ako ng pagkaharap ko nasa harap ko na siya nakatayo.
"What? May sasabihin ka ba, kasi kung wala aalis na ako." pagtataray ko kahit na may nararamdaman na akong takot.
Paalis na sana ako sa harapan nya dahil hindi siya nagsasalita ng mas nauna pa syang lumabas sa akin kasabay ng paghablot nya sa braso ko na dahilan para mapasunod ako kong saan man sya pupunta.  Nang nasa labas na kami ng bahay nya padabog na binitawan niya ako at tinuro ang tuping kotse na nasa harapan namin pareho. Anong gagawin ko dito sa sirang kotse? 
"Yan lang naman ang damage na ginawa mo kagabi nung lasing ka." Pagsasalita nya na ikinataas ng kilay ko.
"Ako ang g-gumawa nyan?" Nanlaki ang mata ko at pinagmasdan ang kotse.
"Sa tingin mo nandito ka ngayon sa harap ko kung hindi ikaw? Bayaran mo ako para makaalis kana."  Walang ganang sabi nya at halatang inaantok pa.
"Ayoko nga!" Umiling ako na ikinaasim agad ng mukha nya.

Comentário do Livro (184)

  • avatar
    Erickaa Casabar Lopez

    Thnk you

    5d

      0
  • avatar
    Kria Guillermo Danao

    very cool

    20d

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰🥰

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes