logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2 - Missing

CHAPTER 2
MICOL
As much as I want to make this trip so fun, sa tuwing naalala ko na katabi ko buong byahe si Knight, nawawalan ako nang gana.
"Bakit parang hindi ka masaya, Mica? Apat na taon mo hinintay itong trip na 'to, 'di ba?" tanong ni Kuya habang isinasakay niya ang dalawang backpack ko sa trunk nang sasakyan.
"That's the point, kuya. Fours years ko hinintay 'to tapos si Knight lang katabi ko? Nakakainis!"
"Hayaan mo na! Basta sapakin mo kapag binastos ka, pero hangga't walang ginagawa sayong masama, 'wag mo sungitan. Baka makasakit ka nang damdamin nang iba."
I always take my Kuya's advice for my own good. Gusto ko naman talaga maging kaibigan si Knight pero sana lang, hindi niya tropa sila Tyron. Hindi ba niya alam na ang pangit tignan na kasama siya sa grupo nila Tyron? It doesn't make him cool.
Nasa school na ako bago pumatak nang alas-kwatro. Marami-rami na rin ang naghihinaty sa waiting shed. May dalawang section din kasi kaming kasama. All of us are graduating.
Hinanap ko kaagad sila Sap, Sy at Allen pero hindi ko sila makita. Buti at nakita ko si Kim, siya ang nilapitan ko.
"Good Morning," bati ko. "Nakita mo ba sila Allen?"
Umiling siya. "Hindi eh, pero si Knight nakita ko."
Napakunotnoo ako. "At bakit ko naman hahanapin si Knight?"
"'Di ba katabi mo siya sa bus? Nakita ko sa sheet ni Sir. Sa harap mo lang kasi ako nakaupo."
Napasimangot nalang ako. Gusto ko nang mag-back out! Ayaw ko na! Pero sayang yung binayad ni Kuya. At isa pa, hinantay ko talaga to!
"Natatakot ka ba kay Knight?" tanong bigla ni Kim.
"Hindi," sagot ko. "Ayaw ko lang talaga siyang katabi. Hindi ko gusto na tropa niya si Tyron. Ewan ko! Basta, ayaw ko."
Natawa siya bigla. "Mabait naman si Knight. Naging kaklase ko siya noong elementary. Lagi din siyang nasa honor. Siguro, gusto lang niya maging cool tignan, kaya sumasama siya kila Tyron."
"It doesn't make him cool!" Iritang sabi ko. "Walang cool sa pinaggagawa nila."
Maraan ang ilang minuto, nahagilap na nang mata ko si Allen, kasama pa niya ang iba pa naming kaklase. Niyaya ko na rin si Kim para hindi siya nag-iisa.
"Kumpleto na ba kayo?" tanong ni Sir Gonzales. Napangisi kami ni Allen nang makita ang suot ni Sir. Naka-neon green jogger pants siya at nakasuot nang green P.E shirt nang school. Tapos naka-black rubber shoes na may glitters at naka-shades pa siya.
"Field trip ba 'to o showman?" natatawang bulong sa akin ni Allen. Binalewala ko nalang kasi baka mapagalitan kami.
Pinapila kami ni Sir sa may harapan nang malaking logo ng school. May nakasulat ditong Green Valley High School at may black eagle sa gitna.
"Oh, picture muna!" sabi ni Sir. Tinawag niya yung isang estudyante para kuhanan kami lahat.
"Wait Sir!" sabi ni Sap. Bigla siyang kumuha sa bag niya nang powder at perfume. "All done!" sabi niya pagkatapos.
"Maamoy ba sa picture ang pabango mo, ha, Sap?" natatawang sabi ni Sy.
"This is what you call, 'mukhang mabango'." Ngumuso pa si Sap. Natatawa na lang kaming tatlo sa kaartehan niya.
"Teka! Teka!" Lumingon kami sa may likod, nakita namin si Tyron na malawak na nakangiti habang tumatakbo.
"Oh, he is going too? Akala ko nasa jail pa siya," bulong ni Sap. Lumingon nalang ulit kami kay Sir Gonzales. Nakapamewang siyang nakatingin kay Tyron. Parang tumingin lang si Sir kay Tyron na, 'You're late!'. Natawa lang naman si Tyron at nagsabi na mag picture na daw.
1,2,3...wala kaming kaalam-alam, that is our last photo as a whole class.
Pagsakay sa bus, nilagay ko kaagad sa ibabaw ang mga gamit ko. Umupo ako sa may tabi ng bintana. Nilagay ko ang earphones ko at nagtago sa likod nang kurtina. I don't want to talk to Knight. I don't want to interact with him, at all cost!
Maya-maya ay naramdaman ko na may umupo na sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla akong hawakan sa braso, kaya mabilis ko itong sinapak.
"Hayop ka—SIR GONZALES?!" Napasigaw ako. Si Sir yung nasapak! Si Sir na adviser namin! Yung nagco-compute nang grades ko! Si Sir na pag-asa kong grumaduate! Si Sir!!
"Oh my god!" Lumapit bigla si Sy. "Sir, okay lang po ba kayo? Patingin po!" Lumabas ang pagiging Med ni Sy sa pagkakataon na ito.
"Ayos lang!" Napailing si Sir sa akin. Nasira ko yung glasses niya. "Bakit ka naman nananapak, Miss Villanueva? Bibiruin lang sana kita."
"Akala ko kasi Sir—" Napatigil ako at napatingin sa gilid. Nandoon si Knight, nakatingin sa akin. Siguro iniisip niya na, sasapakin ko siya kung siya iyon. NAKAKAHIYA!
"Nevermind." Tinapik ako ni Sir. "Hindi naman ako nasaktan. Nasira mo lang yung glasses ko, but that's fine. Matagal ko na rin gustong palitan to. Now, I have reasons to change this."
Natatawa si Sir pero alam ko masakit talaga iyon. Si Kuya ko nagturo non sa akin eh. Nagsi-upuan na silang lahat. Nanatili akong nakatingin kay Sir habang papunta siya sa may harapan.
"Ayos ka lang, Micaela?" tanong ni Knight.
Sinamaan ko siya nang tingin. Umupo ako nang padabog at hinarang ko ulit ang kurtina sa pagitan namin. At doon, minura mura ko nang mahina ang sarili ko. NAKAKAHIYA KA, MICOL!
Gusto ko matulog pero hindi ko magawa. My conscience still haunts me. Kahit na mukhang sincere naman si Sir sa sinabi niya, nahihiya pa rin ako. Sana sinilip ko man lang kung si Knight ba iyon. I'm the worse!
"Micaela?" Narinig ko ang mahinang boses ni Knight. Napakunotnoo ako pero hindi ako sumagot.
"Micaela?" ulit na naman niya.
"Mica—"
"What!?" Marahas kong inalis ang kurtina sa pagitan namin. "Anong problema mo?" mahinang sabi ko. Nakakahiya kasi dahil mukhang tulog ang mga kaklase namin. Nakapatay rin kasi ang ilaw.
"Gusto ko lang sana itanong kung okay ka lang?"
"I'm fine! Okay na?"
"Bakit mo sinapak si Sir kanina?"
I pressed my lips together. Pinipigilan ko ang inis ko. "Wala! Nagulat lang ako. Okay na?"
"You never punched anyone before, kahit nagugulat ka. Sigurado ka na okay ka lang?"
"Gusto mo sapakin din kita?" Pinandilatan ko siya. "Can you please stop talking to me? And stop calling me 'Micaela'!"
"Pangalan mo iyon, I should call you by your name," maotoridad niyang sabi.
"Bahala ka sa buhay mo!" Hinarang ko ulit ang kurtina sa pagitan namin.
•••
Humito kami sa may stopover. Nagmadali akong bumaba, kahit na natapakan ko pa yung paa ni Knight, hindi na ako lumingon. Gusto ko nalang talaga bumaba. Nakita ko kaagad si Sy at Allen na nasa harap nang Siomai stall.
"Mga sis! Ayaw ko na! Uuwi na yata ako! Papasundo na yata ako dito kay Kuya!" Maiyak-iyak ako.
"Gagi! Bakit mo kasi sinapak si Sir?" Tawang-tasa si Allen.
"Oh, sige tawa pa!" Iritadong sabi ko. Napatikop siya bigla nang bibig. "Hindi ko naman kasi sinasadya. Akala ko kasi si Knight! Hinawakan kasi ako bigla sa braso!"
"Akala ko naman kung ano! Sapakin mo nga ako!" Pang-aasar na naman ni Allen. Hinawakan niya pa yung braso ko. Kaagad ko naman inalis.
"Alleyana Ancheta!" Mahina ko siyang sinabunutan. Gusto ko sana laksan pero next time nalang.
"Mukhang okay naman si Sir," sabi ni Sy. Nakatingin siya sa may stall nang mga pasalubong. "Nakikipagtawanan na siya kila Ma'am Reyes, oh."
"Sa tingin mo ano pinag-uusapan nila? Ako kaya?" tanong ko.
"Baka," natatawang sabi ni Allen. Sinamaan ko na siya nang tingin. Kaya nagpaalam na siyang aakyat na sa bus.
"Sy! Anong gagawin ko—"
"Hey, Paquito!" Bigla akong nilapitan ni Tyron. Pucha na! Mukhang ako ang trip nito ngayon.
"Tara na!" Hinatak ko na si Sy papasok sa bus. Narinig ko na nagtawanan sila Tyron. Lumingon ako at nakita ko na kinakausap ni Knight si Tyron pero hindi siya pinapansin nito.
•••
"This is the oldest and ancient church from the World War era!" nakangiting sabi ni Kim pagbaba namin sa bus.
"Really? How old is this church?" tanong ko.
"Kung hindi ako nagkakamali, mga nasa 300 plus na."
"Wow!" Tumingala ako upang makita ang piankatuktok nang simabahan. Napakalaki nito at gawa ito sa mga naglalakihang bato. May malaking krus din ito sa pinakataas at gitna, na gawa sa salamin. Kaya parang nag rereflect ang kalangitan sa krus. Ang ganda!
"Ganda 'no, Paquito?" Biglang sumulpot sa gilid ko si Tyron. Sinamaan ko siya nang tingin. Nanatili naman siyang nakatingin sa itaas pero tumatawa siya.
"Tigilan mo ako, Tyron!" naiiinis na sabi ko bago ko siya iniwan don.
Inikot namin ang buong simbahan. Ang laki at ang lamig sa loob. Wala naman daw aircon pero ang lamig. Parang ang daming kaluluwa na nadoon, sabi ni Allen.
"Miss Villanueva," tinawag ako bigla ni Sir. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"Yes Sir? Sorry po talaga ha? Ipagdadasal po kita for long life and more blessings to come! Promise!"
Natawa siya. "I'm okay Villanueva but yeah, please pray for me. Anyway, nakausap ko kasi si Arlana at Ma'am Reyes, siya na ang bahala sa inyo sa mga susunod na pupuntahan. Hindi na ako sasama sa inyo."
"Bakit po?"
"I have important matters to take care of. At gusto ko, tulungan mo si Arlana para idisiplina ang mga kaklase mo, lalo na si Mr. Tyron Hezeta. Alam mo naman kung bakit."
"Pero Sir? Sure ka po? Final answer? Hindi kasi makikinig mga iyon sa amin. Baka mapaiyak non si Arlana!"
"Kaya nga, nandiyan ka. I entrust you with them. Okay ba iyon, Miss Villanueva?"
Hindi naman nagtatanong talaga si Sir. He looked at me, like I don't have a choice. Tumango nalang ako kaysa umangal pa. Baka ibagsak pa niya ako.
•••
PRESENT DAY
Detective Martin and I walked past a group of teenagers inside the station. They are literally loud and scattered. Some are saying vulgar words and some are just crying. We were like that.
Pumasok kami sa station clinic. Alam kong clinic ito dahil nakasulat sa labas. Pinaupo ako nong Nurse sa kama. Kumuha siya ng mga first-aid kit.
While Detective Martin went outside for a second. Then he came back holding a pair of slippers. Halatang sa kanya dahil malaking size nito.
"Thank you," sabi ko sa Nurse. Inalalayan niya rin akong isuot ang mga slippers na dala ni Det. Martin.
Dinala ako ni Det. Martin sa isang maliit na kwarto. Wala itong salamin at wala ring ilaw na nasa gitna. May squared table lang at dalawang upuan sa gitna. I am confused. Hindi niya ako dinala sa investigation room?
He came in, holding a cup of water. Binigay niya sa akin at naupo siya sa upuang nasa harapan ng lamesa. I also sat across from him.
"Okay ka na?" tanong niya. Tumango ako. "I understand the frustration--" I cut him off there.
"Detective Martin?" I asked.
"Hmm?"
"Nagkita na ba tayo dati?" Out of curiosity. He really looked like someone that I know but I can't really figure it out.
"Yes," he answered.
Sabi na eh!
"Saan? Sa school? Kasama ka ba namin--" This time he's the one who cut me off.
"Kanina at kahapon, nagkita tayo 'di ba?" he said.
He just popped the bubbles right on my face! Oo nga naman, nagkita kami kanina at kahapon, but that's not what I meant!
"Bakit ka bumalik?" tanong niya.
Those eyes...I saw them! Hindi ko maalala kung saan! It's like remembering something you don't even know!
"Miss Villanueva?"
"Yeah?" I blink as I return to my senses. I looked at him and saw him waiting for my answer. Nahiya naman ako kaya umayos ako nang upo. Uminom rin ako ng tubig na nasa baso. I cleared my throat.
"Uhm, I lied, detective," I said. "I honestly can remember some details, Detective."
"Ramiel..."
Napakunotnoo ako. "What?"
"My name is Ramiel." He looked around. Sinandal niya ang likod niya sa upuan. He looked relaxed. "Walang nakakakita sa atin. You can just call me by my name. Sabihin mo sa akin lahat ng naalala mo."
•••
"What do you mean, nawawala? Anong nawawala?"
Hindi pa kami makaalis sa pangalawang sa huling destinasyon para sa trip na to dahil, apparently, our classmate, Melody is missing.
"Jared, ikaw ang katabi ni Melody. Nasaan siya?" tanong ni Arlana. Pero nagkibitbalikat lang si Jared dahil, obviously, wala naman siyang pakielam. Tropa kasi siya ni Tyron. What do you expect?
"How about you Jam? Friend kayo ni Melody 'di ba?" tanong ko sa seatmate niya sa room.
"Hindi ko siya kasama kanina. Nagkatampuhan kasi kami. Hindi kami nagpapansinan."
"Baka naman naglayas na? Masyado kasing tahimik eh! Akala mo emo na laging may problema!" sigaw ni Tyron tapos nagtawanan pa sila.
"Iwan na natin! Mas maganda nga at wala na akong katabi!" sabi ni Jared. Nagtawanan ulit sila.
"Stop being so mean, Tyron! Baka kung ano na nangyari sa kaniya!" sabi ni Arlana.
"Eh 'di maiwan ka rin dito at hanapin mo! Gusto na namin magpunta sa susunod na destinasyon! Boring na rito!"
Hinawakan ko nalang si Arlana para hindi na siya sumagot. Mukhang naiiyak na rin siya e. Buti at umakyat na si Ma'am Reyes sa bus.
"Nakita ko na siya!" Hingal na hingal si Ma'am, kaya pinaupo namin at binigyan siya nang tubig ni Sy.
Sabay-sabay kaming napalingon kay Melody nang umakyat siya sa bus. Tulala ito at hindi umiimik. Dumiretsyo lang siya sa tabi ni Jared.
"What's wrong with you? Weirdo!" reklamo ni Jared.
"Melody? Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Arlana. Pero hindi ito sumagot.
"Nakita ko siya sa may malapit sa bangin. Ewan ko! Nakatulala siya doon," sabi ni Ma'am Reyes.
"Oh, tara na! Psst! Kuya! Mag drive ka na! Tara na!" sigaw ni Tyron sa driver. Tinignan naman nung driver si Ma'am Reyes, asking if okay na ba, tumango nalang si Ma'am, kaya umandar na rin kami.
Buong byahe tahimik lang halos lahat. Except kay Tyron na nangungulit sa likod. Nagtatawanan sila nang mga tropa niya. Si Knight naman nakatingin lang sa may bintana. Ang awkward nga kasi feeling ko tumitingin siya sa akin pero hindi ko na pinapansin. Inalis ko na rin yung harang na kurtina dahil nakatutok sa akin yung araw, ang sakit sa mukha.
"Fucking shit! Motherfucker! Yuck!" biglang sigaw ni Jared. Well, sumuka lang naman sa kaniya si Melody. Deserve!
Napahinto na naman tuloy ang bus sa isang stopover para makapagpalit si Jared. Si Melody naman, dinala na sa tabi ni Ma'am Reyes para maasikaso siya.
Napatingin nalang ako sa bintana. Bakit parang ayaw ni universe na matuloy kami sa huling destinasyon? Weird.
I played some good music on my phone, trying to brush off my weird feelings. Iniisip ko nalang na baka ayaw ni Universe na matuloy kami kasi baka mamamatay na pala kami sa trip na 'to.
"Joke!"
Napatingin ako bigla kay Knight kasi napatingin din siya bigla sa akin. That's when I realized na naisigaw ko pala yung nasa isip ko. Mabuti na lang at tumawag si Kuya. He saved my awkward moments.
"Hello po Kuya!"
Narinig ko ang boses ni Kuya at ni Mama at may malakas na sounds pa kabilang linya. They both sound happy. Siguro binili na Kuya ang dream sound system ni Mama. Matagal nang kinukulit ni Mama sa kaniya iyon, kahit nasa Dubai pa siya.
"Mag-iingat ka diyan, Mica! Don't forget to take pictures!" sabi ni Kuya.
"Opo! Bye po!" Nakangiti kong binaba ang tawag. Nagtuloy yung tugtog sa phone ko pero hindi ko na ma-enjoy dahil kinausap na naman ako nitong si Knight.
"Sino yon? Kuya mo?"
Napakunotnoo ako. "Obviously? May iba pa bang Kuya? Ano si Big Brother kausap ko?" iritadong sabi ko.
"Close ka pala sa family mo. Nakakatuwa naman. Ako kasi—"
"Walang may pake!" sabi ko. Kinalabit ko si Kim na nasa harapan ko para kausapin siya. Para hindi na rin ako kulitin ni Knight.
I will like him if he will unfriend Tyron. Doon, pwede ko na siyang kausapin ng matino. Pero hangga't kaibigan niya si Tyron, I will never treat him as a friend.
END OF CHAPTER 2

Comentário do Livro (25)

  • avatar
    dajaobrigette

    best

    15/08

      0
  • avatar
    Danelmo Cantos

    so cool this story I love this i want to watch this any time

    10/08

      0
  • avatar
    FlorendoRomshane

    Maganda, di naman boring basahin

    27/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes