logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 1 - Universe

CHAPTER 1
MICOL
“GROUP FIVE!” 
Umalingawngaw ang boses ni Sir Gonzales sa buong corridor nang third floor. Nakatingin kaming magkaklase sa pintuan habang pinapagalitan ni Sir ang mga group five. Hindi kasi sila nagpasa nang final project nila, at balak pa nilang tumakas. Ito namang bida-bida naming kaklase, sinumbong sila. 
“Anong design sa inyo?” tanong bigla sa akin ni Arlana, ang group six.
“Ito lang,” sagot ko. Tinuro ko yung gawa ko mula sa nakahilerang miniature christmas trees. Ito kasi ang final project namin, gumawa nang maliit na christmas tree. At ako lang gumawa nito. Walang kwenta mga kagrupo ko, mga pabigat.
“Ganda naman!” sabi ni Arlana sa gawa ko. Tinignan ko naman yung sa kanya. Natawa nalang ako. Walang-wala yung gawa ko kaysa sa gawa niya. Grabe pagiging artist ni Arlana ha.
“Mas maganda sa'yo!” bawi ko. “For sure, pinagpuyatan mo iyan?”
Umiling siya. “Maaga ko nga to natapos. May iba pa kasi akong ginawa,” sagot niya. Natawa nalang ako. Ako kasi hanggang madaling araw gumagawa nito, pero wala pa rin talaga. 
Pinadiretsyo ni Sir Gonzales ang mga kaklase namin na tumakas papuntang Guidance Office. Iiling-iling siyang bumalik sa loob ng classroom.
“Kung ayaw niyong grumaduate, sabihin niyo lang, class. I don't give a damn shit about your grades. Kayo naman gumagawa niyan, tiga-compute niyo lang ako.”
Napanga-nga kami sa sinabi ni Sir. Mabilis akong sumulyap kay Allen, yung kaibigan ko na secretary nitong klase. Pareho kami nang vibe, kaya nagkasundo kaagad kami. Pareho kaming maingay at mababaw ang kaligayahan. Kaya madalas napapa-guidance din kami, pero hindi naman kami tumatakas sa mga projects.
Nakakagat kami sa ibabang labi namin. Pigil na pigil ang tawa namin. Ewan ko ba. Wala namang nakakatawa, pero natatawa ako. Weird.
“Nagbayad na ba kayo lahat para sa graduation trip niyo?” tanong ni Sir. Binuksan niya ang iPad niya at nag scroll siya doon. “Oh, Miss Ancheta, hindi ka pa bayad. Sasama ka ba?”
Napalingon kaagad si Allen kay Sir. “Yes po. Magbabayad ako Sir bukas, promise!” Natawa ako sa reaksyon niya, parang gusto kong sumigaw nang, 'weh?'
Matapos ang klase ay kaagad na lumapit sa akin si Allen. “Pautang ng bente, Mics.” Tumaas kaagad ang kilay ko.
“Talaga sis? Ako pa talaga inutangan mo?”
“Di ba dumating na kuya mo galing Dubai? Nasaan pala chocolate ko?” Inilahad niya ang palad niya. Tapos nakatingin siya na parang ako pa yung may utang sa kaniya.
“Nasa bahay!” Inapir ko lang yung palad niya. Nauna na rin ako maglakad. “And for the record, hindi na babalik si Kuya sa Dubai. Kaya sinabihan ako ni Mama na huwag muna ako gumastos.”
“Bakit hindi? Na-deport ba Kuya mo?” pinagsigawan pa niya. Pinagtinginan tuloy kami sa may corridor. Mabilis ko tinakpan ang bibig niya. 
“Kung busalan kaya kita? Ang ingay mo!” sabi ko. “At hindi na-deport si Kuya!” Nilakasan ko para marinig nang iba. Baka naman isipin nila masamang tao yung Kuya ko. 
“Ano pala?” tanong niya. Nairita na ako. Buti nalang at biglang dumating si Sygnore at Sapphire. 
“Hi mga sis!” Bumeso-beso kaagad sa amin si Sapphire. Maarte pa niyang bitbit ang bag niyang bago. 
“Bago na naman bag mo? Pautang naman diyan, mare!” Bati ni Allen kay Sap.
“Hindi ka pa nga bayad sa utang mo sa akin last month.”
“Sige na!” Pinulupot ni Allen ang kamay niya sa braso ni Sap. “Ganda-ganda mo today, I mean, everyday! Pautang na ako para makasama ako sa Graduation Trip.”
“You're not yet paid? Next week na iyon, ah!”
“Oh, kaya nga! Pautangin mo na ako para makasama ako.”
“Fine! Sumama ka mamaya sa house.” 
“Yes! Thank you, sis! I love you so much!” Niyakap pa niya si Sap. Mabilis namang kumawala si Sap sa kaniya. Kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad pababa.
Si Sapphire ang mayaman naming kaklase. Marami silang business kaya madalas niya kaming niyayaya sa bahay nila. Si Allen naman ang kabaliktaran nang buhay na meron si Sap. Mahirap lang sila at marami pa siyang kapatid. Buti nga at nakakuha siya nang scholar dito sa school. Atleast, kahit paano hindi na siya namomroblema sa tuition fee. 
Nilingon ko si Sygnore. Abala siya sa pagtipa sa kaniyang cellphone. Kaya bigla ko siyang ginulat.
“Utang na loob, Micol! Aatakihin ako sa puso!” sabi niya habang nakasapo sa dibdib niya.
“Okay lang iyan, gamutin mo nalang sarili mo. Tutal, gusto mo naman mag Med, 'di ba?” natatawang sabi ni Allen.
Nagkibitbalikat si Sy. “Dunno. Mahirap mag desisyon, lalo na kung pala-desisyon ang pamilya mo.”
As much as she wanted to take Med sa college, mukang hindi siya papayagan. Galing ba naman kasi siya sa pamilyang puro Lawyer. At hindi lang basta Lawyer, ang lolo niya ang isa sa pinaka-respetado at matapang na Presiding Judge sa buong lalawigan. She's really in a no-way-out situation.
Naghiwa-hiwalay na kami sa labas ng gate. Si Allen sana kasama ko kaso sumama siya kay Sap para mangutang. Si Sy naman sinundo na nang driver nila. Naiwan tuloy akong nag aabang nang bus sa may waiting shed. Nilabas ko nalang ang cellphone ko para hindi ako mainip.
Kinabukasan, maaga rin akong pumasok dahil may mga ipapasa kaming portfolio. Dapat maaga ko matapos iyong mga iyon para maaga rin ako mabigyan ng clearance.
Pagpasok ko sa classroom, apat palang kaming naroon. 
Si Kim, na abalang nagsusulat sa yellow paper. Siguro sinusulat niya ang buod nang Noli. Iyon kasi ang final project namin sa History. Buti nalang, last week ko pa natapos. 
Si Melody din nasa isang sulok, nakadukdok ang ulo niya sa lamesa. Nakasuot rin siya nang earphones. Laging maaga iyang si Melody kasi malayo ata bahay nila. Never ko pa ata nakitang late siya. Hindi ko rin siya masyado nakakausap kasi tahimik lang siya.
At ang isa ay si Knight, isa siya sa mga tumakas kahapon kasama nila Tyron, ang pinaka-bully sa aming batch. Ito namang si Knight, hindi masyadong bully. Parang sumasama lang siya kila Tyron. Hindi ko lang gets kung bakit gusto niya sumama sa mga iyon. Mukha naman siyang mabait at matalino. Nasa honor nga namin siya. 
Napakunotnoo ako nang biglang tumingin sa akin si Knight. Napabukas tuloy ako nang portfolio ko, kunyari may binabasa ako. 
Ayaw ko tumingin sa kanila. Baka mamaya kasi ako pagtripan nila. Mahirap na. Baka ma-guidance pa ako nang wala sa oras. Graduating pa naman kami.
“Micaela?”
“OH!?” Halos matapon ko yung portfolio ko sa sobrang gulat. Nasa gilid ko na pala si Knight. Hindi man lang namalayan. 
“Sorry! Ayos ka lang ba?” tanong pa niya. Bahagya ko siyang tinignan. Nakatingin siya sa akin. Those stares! Ayaw ko makita yan. Nakakakilabot, para akong mahihimatay...sa kilig.
Oo, crush ko talaga si Knight pero pinipilit ko na kalimutan na crush ko siya dahil kay Tyron. Ayaw ko maging kaibigan mga yon. At isa pa, magpi-piloto itong si Knight. Hindi kami bagay. Takot ako sa heights.
“Mamsh! Pakopya ako portfolio mo! Utang na loob!” Mabuti at biglang dumating si Allen. Umalis tuloy si Knight. Sinundan ko siya nang tingin, nakita ko na nagpunta siya kay Kim at may sinabi siya. Tapos binigyan siya nang yellow paper ni Kim.
That's it? Yellow paper lang kailangan niya? Mula sa fourth row pumunta pa siya sa first row para manghingi sana sa akin? Ang lapit lang sa kaniya ni Kim pero sa akin pa siya manghihingi? Weirdo. Nahawaan na nang kabaliwan ni Tyron. Tsk!
Matapos ang klase namin ay dumiretsyo kami sa may Mall. Maghahanap daw nang travelling bag si Sap para daw sa Graduation Trip.
“Uy, thank you Sap pinahiram mo ako para makabayad ako ha? 'Wag ka mag-alala, babayaran kita.”
“When?” tanong ni Sap kay Allen habang namimili siya nang bags.
“Kapag may trabaho na ako!” sabi ni Allen sabay tawa. Nakita ko na tumawa nalang si Sap. Alam ko naman rin na hindi niya mamadaliin na magbayad si Allen. We all know her capacity.
Nilingon ko ulit si Sy na busy sa cellphone niya. Gugulatin ko sana pero bigla siyang napatingin sa akin. Sumimangot kaagad siya.
“Hay naku, Micol! Gugulatin mo na naman ako! Ito na oh, itatago ko na.” Mabilis niyang sinilid sa bag niya ang cellphone niya. Inakbayan ko naman siya.
“Bakit kasi lagi kang nasa cellphone mo? Nag-aaway ba kayo nang jowa mo?” pabirong sabi ko.
“Jowa? Wala ako 'non. Si Mommy ko ang kausap ko. Pumunta daw ako sa opisina nila at may ipapakilala daw silang professor ko sa college sa UP Law. Nakakainis!”
“Wow, advance mag-isip magulang mo, sis. Hindi ka pa nga nabibigyan nang diploma ngayon, nasa UP Law na agad sila.” Natawa nalang kami.
Akala namin uuwi na kami pero niyaya pa kami ni Sap sa may SnR. Malapit lang iyon sa may likod nang Mall. May garden don at may view nang river side. Kaya pumayag kaagad kami. Minsan lang siya magyaya nang meryenda. Madalas kasi, diet daw siya.
“That's Tyron, right?” sabi ni Sap nang padating kami sa may garden. Nilingon namin ang tinuro niya at doon, nakita namin si Tyron at mga friends niya, may binubully na naman sila. Mukang tiga ibang school eh.
“Tignan natin!” Hinatak ako bigla ni Allen. Hindi na ako nakapalag dahil malakas itong babaeng to e. Sumunod nalang sa amin si Sap at Sy.
“Gago ka 'di ba? Ang yabang mo sa internet tapos ngayon hindi ka makapalag? Nasaan na yung yabang mo? Umurong bigla?” sigaw ni Tyron sabay tawa nang malakas.
“Nakakahiya, mga kabataan talaga ngayon.” Umiling-iling yung katabi naming nakiki-chismis. Tinakpan ko kaagad ang ID ko para hindi makitang same school kami ni Tyron. Nakakahiya kasi talaga.
“Tyron, tama na.” Narinig ko bigla yung boses ni Knight mula sa mga nasa harap. Hinanap ko kaagad siya kaso hindi ko makita. Nagkagulo na rin kasi dahil biglang sinapak ni Tyron yung estudyante. Tapos dumating na rin yung mga guard, kaya umalis na rin kami.
Kinabukasan, usap-usapan ang nangyari kila Tyron. Si Allen kaagad ang nakasagap nang balita dahil marami siyang kakilala sa ibang school.
“Mga sis! Napapresinto daw si Tyron,” bungad sa amin ni Allen nang magkita-kita kami sa room.
“So? He's in prison now?” tanong ni Sap.
“Hindi naman siya kinulong. Napa-blatter lang siya. Hindi nagsampa nang kaso yung mga magulang na sinapak niya. Apparently, dati nilang katulong yung nanay 'non. Kaya hindi na daw nagkaso.”
“Good for him to be in jail, thought. Para maranasan niya naman kahit minsan. Masyado na kasing mayabang,” kumento ni Sy kahit nagsusulat siya nang portfolio niya.
“Ipakulong niyo kaya siya? Tutal, malakas ka naman kay Judge!” sabi ni Allen kay Sy, not sure kung nagjo-joke ba siya o seryoso. 
“Bahala ka diyan!” Biglang umalis si Sy at bumalik sa upuan niya. Nainis yata. Hate na hate niya kasi yung lolo niyang judge.
“Anong tinitingin-tingin niyo d'yan? Hampasin ko kaya kayo?!” rinig naming sigaw ni Tyron mula sa corridor. Napabalik tuloy nang upuan sila Allen at Sap. 
Yumuko nalang ako nang makita kong papasok na siya. Sa totoo lang, dapat hindi kami takot sa kaniya. Ang sarap niyang batukan pero wala ni isa sa amin ang nagtatangka pumatol sa kaniya. He just gives us chills. Parang kaklase namin si satanas.
“Ito ang assigned seat niyo class for tomorrow's trip. Maaga kayong matulog mamaya para maaga rin kayo magising bukas. Bawal malate, please lang! Call time is 4AM! I repeat, four! Bawal five! Four lang! Sa may waiting shed nang campus maghihintayan. Wear comfortable clothes and rubber shoes! Bawal naka-heels, Miss Mendoza.” 
Tumingin si Sir kay Sap. Natawa kami nila Sy at Allen. 
Lumapit ako sa may table ni Sir para makita ang assigned seat ko sa bus. Sana maganda pwesto ko, yung malayo kila—
“Sir!” Napakunotnoo ako. 
“Oh? Bakit Miss Villanueva?”
“Bakit katabi ko si Knight?” tanong ko. Hindi ko naman nilaksan. Nakakahiyang marinig ni Knight.
“Why not? I never seen you talked to him. Its time to make new friends. Hindi puro si Mendoza, Ancheta at Guimbao lang ang tropa mo.”
Tinignan ko si Sap, Sy at Allen. Hindi man nila narinig ang usapan namin ni Sir, pero alam ko na alam na nila ang nangyari. Natatawa nalang sila sa akin.
Tumingin din ako kay Knight. Nakayuko lang ito habang nilalaro ang ballpen niya sa kamay. 
Napakagat nalang ako sa labi ko habang pabalik sa upuan ko. 
Ang galing mo talaga, universe! Nakakainis!
I went back home and I immediately saw Kuya in our side garden. Nilapitan ko siya at binati. 
“Hi Kuya!” bati ko.
Ngumiti siya sa akin. Ibinaba niya ang maliit na palang hawak niya at pinunas ang madumi niyang kamay sa suot niyang itim na shirt.
“Naghanda ako ng merienda mo. Halika at kumain ka muna.” Nauna akong pumasok sa loob at sumunod naman si Kuya. Inilapag ko sa sala ang bag ko at dali-daling nagtungo sa kusina. Nakita ko kaagad ang pancake at juice na nakahain sa lamesa.
“Nice! Ang paborito kong cheese pancake!” masayang sabi ko. Umupo kaagad ako at sinimulang kainin ito. Si Kuya naman ay nagtungo sa lababo para maghugas ng kaniyang kamay.
“Si Mama po?” tanong ko habang may laman pa ang bibig ko.
“Nagpunta kila Tita Yolly,” maigsing sagot ni Kuya. Si Tita Yolly ay kapitbahay namin. Madalas kaming tumatambay ni Mama doon dahil may malaki silang TV. Meron din naman kaming TV pero---okay, fine! Nagpupunta si Mama kasi kachismisan niya si Tita. Ako naman nagpupunta kasi marami silang pagkain.
“Kumain ka ng marami, Mica.” Nakangiti si Kuya sa akin habang pinagmamasdan akong kumain.
She calls me 'Mica'. Siya lang ang tumatawag sa akin 'non. Siya lang ang may karapatan.
“Kumain ka ng marami, Mica. You will have a long day ahead tomorrow.”
He smiled again. I also smiled innocently.
I didn't know that tomorrow would change my life forever.
END OF CHAPTER 1

Comentário do Livro (25)

  • avatar
    dajaobrigette

    best

    15/08

      0
  • avatar
    Danelmo Cantos

    so cool this story I love this i want to watch this any time

    10/08

      0
  • avatar
    FlorendoRomshane

    Maganda, di naman boring basahin

    27/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes