logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

JM PAHAN: YOU'RE BEAUTIFUL!
LEAH GUREZ: TSH!
JM PAHAN: HINDI KA NANINIWALA?
LEAH GUREZ: HINDI TALAGA!
Hays. Mga bolero talaga ang mga lalaki. Nawalan na ako ng gana mag online dahil sa pambobola niya kaya nag log out nalang ako. At dahil nakahiga naman na ako sa kama matutulog nalang ako.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng mag ring ang cellphone ko. Sinagot ko na agad nang hindi tinitingnan ang caller.
" Hello?" Nakapikit na sabi ko. Pero walang sumagot sa kabilang linya.
" Hello?" Ulit ko pero this time nakadilat na ang mga mata ko. Wala paring sumagot kaya tiningnan ko ang caller.
" Sean bat ka napatawag?" umupo ako at sumandal sa head board ng kama ko. Nababagot na ako kakahintay na may magsalita sa kabila kaya nagsalita ulit ako.
" Magsasalita ka o bababaan kita?" Inis na tanong ko. Narinig kong bumuntong hininga ang kabilang linya bago nagsalita.
" Sorry. " mahinang sabi niya. Alam ko kung bakit siya nagso-sorry kaya hindi na ako magtatanong. Napabuntong hininga nalang ako.
" Okay lang." I lied. Syempre hindi okay sakin yun. First kiss ko yun mars? Tapos kukunin niya lang dahil sa ayaw niya na akong matulog dun sa duyan ulit? Ano yun laro laro lang? Oo nga't best friends kami at oo nga't gwapo siya pero wala pa rin siyang karapatang halikan ako no? Special dapat yun eh. Dapat ibibigay ko yun sa taong mahal ko. Sean anong ginawa mo? Pero wala na huli na, nakuha nang niya.
" Alam kong hindi okay yun, first kiss mo yun diba? "
" Wala naman na akong magagawa Sean. Tapos na eh." Sabi ko with matching buntong hininga.
" I know pero gusto kong makasiguro na wala ka talagang galit sakin. Hindi ko yun kakayanin Leah." nababasag na ang boses niya.
" Hindi nga ako galit." wala naman na akong magagawa kahit magalit pa ako "teka umiiyak ka ba?"
" H-ha? H-hindi a-ah"
"Hindi naman pala bat nauutal ka?" umiiyak talaga siya kasi rinig na rinig ko ang pagsinghot sa kabilang linya.
" Oo na. Umiiyak na ako. Alam mo naman na ikaw ang kahinaan ko." bigla akong natawa ng mapakla sa sinabi niya.
" Tsh! Walang kahinaan ang isang Sean Antonio."
" Meron kaya. IKAW!" direktang sagot niya.
" O sige na ako na ang kahinaan ng isang Sean Antonio. "Tumawa ako na sinundan naman ng tawa niya. Hays! Gustuhin ko mag magalit sa ginawa niya sakin hindi ko kaya. Wala na rin naman akong magagawa, tapos na eh.
" Yun lang ba ang itinawag mo kasi matutulog pa ako." tanong ko.
" Anong matutulog? Eh diba debut ni Jully-ann ngayon? Punta kana ulit dito."
" Ang aga pa kaya." tiningnan ko ang relo ko "alas dos pa lang uyy."
" Kapag hindi ka pumunta ka dito ako ang pupunta diyan"
" Tinatakot moko Sean?" seryuso ang boses ko pero nagbibiro lang naman talaga ako.
" Ah eh h-hindi a-ah." Hindi ko na mapigilan ang mapahalahak. Nauutal kasi siya kahit nagbibiro lang ako.
" HAHAHAH!" tawa ko.
" Pinagtatawanan moko Leah?" Inis na tanong niya pero tinawanan ko lang siya ng sobrang lakas.
" Haha hindi haha ah." tatawa-tawang sagot ko.
" Ginagalit mo talaga ako Leah?" galit na talaga siya pero wala akong pakelam.
" LEAH?" sigaw niya kaya nalayo ko ang cellphone sa tenga ko at tumigil na rin ako sa pagtawa.
" Ba't ka naninigaw?!" Sigaw ko rin.
" E kasi tinatawanan moko." this time mahina na ang boses niya.
" E ano naman ngayon? Hindi naman kita sinisigawan para sigawan moko ah?" Mataas pa rin ang tono ng boses ko.
" E kasi naman eh."
" Wag mo nga akong sinisigawan Sean ha. Baka gusto mong magalit ako sayo." Mas kalmado na ang boses ko this time.
" Okay. Sorry." pagsuko niya kaya natawa na naman ako. Konti nalang maniniwala na talaga akong ako ang kahinaan niya.
" Tinatawanan mo na naman ako." kahit hindi ko kita alam kong nakanguso tong lalaking to ngayon.
" Bakit ba big deal na big deal sayo ang pagtawa ko. Ayaw mo ba akong maging masaya?" Seryuso ang boses ko at hindi na ako nagbibiro.
" Leah ayokong pinagtatawanan moko hindi ayokong masaya ka. Magkaiba yon." Rason niya.
" Ewan ko sayo."
" Wag ka nang magalit sakin oh. Sorry na. O sige na, pagtawanan mo na ako hindi na ako magrereklamo."
" HAHA UNDER construction ka rin pala pareng Sean?" narinig kong sigaw ni Earl sa likod.
" Tumahimik ka nga. Bugbugin kita dyan eh." Sagot ni Sean na nagpatawa sakin ng malakas 'ulit' .
" Pinagtatawanan mo na naman ako."
" LEAH SI PARENG SEAN HINDI MAPAKALI HANGGA'T HINDI KA NAKAKASAMA" sigaw ulit ni Earl.
" Ano ba Earl, kayo nalang kaya mag-usap ni Leah?!" Sigaw ni Sean. Base sa tono niya galit na siya.
" Totoo bang hindi ka mapakali hanggat hindi moko nakakasama?" Tatawa-tawang pang-aasar ko.
" Tse! Pareho kayong baliw ni Earl." Natigilan ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.
" Sean? Sinong baliw?" Mukhang nakuha naman niya ang tono ng boses ko dahil binawi niya agad.
" Si Earl lang ang baliw Leah e. Hindi ka kasama." saad niya na rinig na rinig kong tinawanan ng barkada namin sa likod niya.
" UNDER construction talaga!" sigaw ni Daniel.
" Nagsalita ang hindi Under!" pang-aasar ni Sean.
" Hoy kung Under man ako okay lang kasi alam niyong lahat na mahal ko ang nang-uunder sakin. E ikaw? Ni hindi ka nga nanliligaw eh pero nagpapa under ka." Mahabang litanya ni Daniel na sinang-ayonan ng mga ka barkada namin sa likod ni Daniel.
" Sabihin mo nga sa kanila Sean na tumahimik sila. Ang iingay." Natatawang utos ko ay Sean
" Huy wag daw kayo maingay."saway ni Sean.
" Sige na Sean puntahan mo na para makita mo na ang mahal mo." singit ni Mia kaya natawa ako. Mahal mo, huh? Pinatay ko nalang ang tawag ng hindi nagpapaalam. Tsh! Ang iingay kasi e puro lang naman pang-aasar.
Minsan talaga mga baliw sila, kahit hindi ko maramdaman na belong ako sa kanila. Humiga nalang ako ulit sa kamay natulog. Mamaya na ako pupunta dun pang-aasar lang din naman sila O kaya hindi mamamansin. Mabuti pa dito tahimik at makakatulog pa ako.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog basta nagising nalang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.
" Hey?" ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin siya sakin.
" Ano ba? Akin na nga yan!"
" Akin to!"
" Best friend ko si Leah, kaya akin yan!"
" Best friend niya rin ako kaya akin yaaaaan!"
" Tumahimik nga kayong dalawa dyan, baka magising si Leah!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa mga narinig ko. Tiningnan ko si Sean na natatawa sa reaksiyon ko kaya sinamaan ko siya ng tingin bago tumakbo pababa. Sumunod naman si Sean sakin.
" Hoooooy?!!" Sigaw ko pagdating ko sa baba. Kumpleto pala ang barkada sa bahay ko at wala akong kaalam-alam.
" Hi Leah?" Nakangiting bati nila lahat. Si Jully-ann at Mia nakatayo malapit sa ref na mukhang nag-aagawan sa chocolate ko. Si Winlab at Bryce naman nakaupo sa couch. Habang si Earl at Daniel ay nakaupo sa dining table ko.
" Anong nangyayari dito? Hoy Earl, Daniel bumaba nga kayo dyan!" Bulyaw ko. Dali dali naman silang bumaba.
" Kayong dalawa diyan?" Turo ko kay Mia at Jully-ann. " Bakit ba nag-iingay kayo eh pwede naman kayong maghati nalang diyan?"
" I don't share yang!" ngumuso pa si Jully-ann.
" MAG SHARE KAYO!" sigaw ko.
" Oo na!" pagmamaktol nilang dalawa .
" Ngayon umupo kayong lahat sa sofa." Utos ko na sinunod naman nila maliban kay Sean kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
" Eto na nga. Uupo na." Pagsuko niya na tinawanan ng mga kaibigan namin kaya natawa nalang din ako.
" Ngayon? Sinong magpapaliwanag?" Nakataas kilay na tanong ko
" KAMING LAHAT!" sabay sabay na sigaw nilang lahat. Umupo ako sa isang stair sa hagdanan.
" Ayusin mo nga yang pag upo mo dude." saway ni Sean sakin kaya napaayos ako ng upo. Nakita kong napangiti siya dahil sinunod ko ang utos niya.
" START!" utos ko. Unang tumayo si Sean.
" Ako lang dapat ang pupunta dito para sunduin ka pero sumama sila." saad niya at umupo. Sunod na tumayo si Winlab.
" Ako naman dapat ang pupunta dito diba? Sabi ko yun sayo kanina pero natagalan but atleast I'm here now." Ngumiti siya at umupo. Sunod na tumayo si Earl.
" Sumama lang ako kasi sumama si Jully-ann." Tiningnan niya pa si Jully-ann na halatang kinilig sa sinabi niya bago umupo. Sunod na tumayo si Mia.
" Im here beacuse i want to. You're my best friend after all." umupo na siya. Sunod na tumayo si Daniel.
" Gusto kitang makita kaya nandito ako." kumindat pa siya sakin. Hinila naman agad siya ni Sean paupo. HAHA angkyut! At panghuling tumayo si Jully-ann.
" Mga walang kwenta yung rason niyo. Ang sabihin niyo nandito kayo kasi nagui-guilty kayo!"

Comentário do Livro (9)

  • avatar
    Vince S. Tidalgo

    wow

    12/06

      0
  • avatar
    SacuponSanny

    good

    26/04

      0
  • avatar
    Rycel Dharence Melano

    this is so good I like this super

    26/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes