logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 04: Unexpected Visitor

"YOU know her, 'nak?" Tanong ni Tita Hiale sa kaniyang anak.
Humarap siya sa kaniyang Mommy at kumurap-kurap at tinignan ng maigi ang mukha ko. Pinagsingkit niya ang kaniyang mukha para maalala kong nakilala niya ba ako o hindi.
"No, Mommy. I don't know her, ngayon ko lang siya nakita."
Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tignan ang lalaking na sa harap ko. Hindi niya ba ako naalala? Hello? Ako kaya 'yong binagga niya noong isang araw, sino ba ang nagandahan sa 'kin? Di'ba siya? Kaya nga niya ako binangga dahil nagagandahan siya sa 'kin di'ba? Di'ba?
Pangit ba ang itsura ko ngayon? Bakit hindi na niya ako naalala? Nagka-amnesia ba siya?
"Hija, kilala mo ba ang anak ko? Sa mukha mo palang ay masasaksak muna siya, eh." Natatawang ani nito.
Umiwas nalang ako ng tingin, ny*ta talaga. Ginagalit ako ng lalaking ito! Naaksidente ba siya nang hindi namin alam? Bakit hindi niya ako naalala? Inaalala kong mabuti kong ano nga ba ang itsura ko noon. Baka nag-shade ako noon kaya hindi niya ako naalala ngayon.
Pero hindi naman, walang shade, walang harang ang mukha ko noon. Hindi ako nag-mask o ano.
Kong gano'n bakit hindi niya ako naalala noon? Baka.. baka may kakambal siya na hindi ko alam? Baka pinaglalaruan nila ako!
I cleared my throat. "Hindi mo talaga ako naalala?" Sinubukan ko siyang tanungin.
"No, wala akong naalala na nakita kita sa iisang lugar." Biglang nag-iba ang tono ng boses niya. Para siyang iritang-irita dahil tanong nang tanong ako.
Tsk, masama ba? Parang iba siyang tao ngayon, ah. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Umiwas nalang ako ng tingin at umayos ng upo. Hindi na muling nag-tanong pa sa lalaking 'yon.
"Mom, baka namamalikmata lang siya. Let's eat na."
Inikot ko ang aking mata at nag-cross arms. Kahit hindi ko nakikita ang hitsura ko ngayon ay alam kong hindi maganda ang awra ko. Tsk, kasalanan ng lalaking 'yan. Nagpa-ganda pa naman ako para sa.. tsk, sa inosenteng ito.
Nang maka-upo silang dalawa sa harap namin ay walang alinlangan akong tumayo at nagmamartsang umalis doon. Naririnig ko pa ang mga boses nina Tita at Ave na tinatawag ako. Pero hindi ako lumingon, naiinis ako sa kaniya. Dumiretso ako sa table nina Tita Al at marahas na hinila sa polo si Vyrron. Hindi siya umangal at sumusunod lang sa ginagawa ko.
"Papatayin mo na ba ako? Please, h'wag, hindi pa nakakadilig ng magandang dilag ang t*t* kong malaki." Saka siya humalakhak ng malakas. Hinila ko ang polo niya saka tinulak ng malakas sa lupa, naririnig ko ang mga hikbi niya, ang arte-arte, hindi lang pala duwag, bakla 'din.
Pumasok ako sa kotse at binusinahan siya.
"Huhu teka lang! Ang matangos kong ilong.. ang maamo kong mukha.. dinungisan ng isang tomboy! Paano na 'to? Wala ng magkakagusto sa 'kin dahil pango na 'ko! Camille!  Pag-babayaran mo 'to!  Isusumpa ki–ay magandang b*lat!"
Walang pagaalinlangan ko siyang binaril at tumama iyon sa kabila niyang balikat. Umaagos ang mga dugo niya pababa sa kaniyang polo na suot. At hindi ko mawari ang kaniyang reaksiyon, para siyang namatayan o pinagbagsakan ng lupa.
"A-ang sakit.. C-camille naman!" Nakahawak siya sa kaniyang balikat at habang kinakagat ang labi.
Nakakadiri ang mukha niya!
"Tatanga-tanga ka kasi! Bakit hindi ka pa sumakay?! Gusto mo bang dagdagan ko 'yan ha?! Sakay kong gusto mo pang mabuhay!" Bulyaw ko sa loob ng kotse.
"A-ang hot mo naman masyado, g-gusto mo bang matulog sa 'kin mamayang g-gabi?" Huling sinabi niya nang mawalan na siya ng malay. Napasampal naman ako sa ulo at mabilis na dinial ang numero ni Tito Al.
"What's up? Watcha dowing?" Napangiwi ako dahil sa kaniyang sinabi. Putek, anong salita 'yan? Nahahawa na ata siya kay Ave, eh. Virus, pfft.
"Tito! May nabaril ako!" Kaagad ko'ng sabi.
"Ano? Sino naman?!"
"Si baklang Vyrron!"
"Gano'n na ba talaga siya ka pangit para barilin mo? Camille naman, bawas-bawasan mo 'yang pagiging nega mo, minus one point ka sa langit! Kita mo ba si Aeira? Putakteng bata 'yon!"
Haluh? Ako pa talaga?! Pareha talaga sila ni Vyrron! Pakialam ko ba kong hindi ako mapupunta do'n? May mawawala ba sa 'kin? Wala naman di'ba?
"Ewan ko sa 'yo! Hindi na ikaw ang dating Tito Alace ko! Nag-bago ka na!" Inis kong sabi.
Hindi naman talaga kasi ganiyan mag-salita si Tito! Hindi naman siya gaano ka abno! Minsan lang! Kapag napapainom ni Aeira ng potion niya! Siguro pinag-lalaruan na naman niya si ni Aeira.
Pinatay ko ang tawag at lumabas sa kotse. Tinignan ko si Vyrron, nakahilata siya sa sahig habang patuloy na umaagos ang dugo sa likod niya. Napa cross arms tuloy ako, ang hina naman ng lalaking 'to? Si AJ nga na binaril ko sa balikat tumawa lang, eh. Sayang-saya ang hay*p habang ito? Sa balikat lang nahimatay na?
Tsk, bakla nga.
"GRABE no'ng binaril ako ni Camille sa balikat hindi ako nahimatay pri, ang tapang ko!" Pagyayabang niya sa mga kasamahan naming uto-uto.
"Talaga? Ang tapang mo naman, tol!"
"Oo nga.."
"Sus! Huwag kayong maniwala sa sinabi ng tarantad*ng 'yan! Alam naman natin ko'ng gaano 'yan kabakla, eh. Tanungin nalang natin si Agent Dragon." Ani naman ni Atrio.
Lahat sila ay tumingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Nandito kami sa headquarters namin dahil may itatanong ako kay Tito na ngayon ay tulog pa, painom ba naman ng pampatulog ni Aeira.
👍
"Nahimatay siya." Tipid ko nalang turan.
Humalakhak ng malakas si Atrio at tinuturo-turo pa si Vyrron habang nakahawak sa kaniyang tiyan.
"Hoy! Sinungaling ka! Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ako nahimatay! Gising nga ako pag-dating natin dito!" Pumapadyak siya dahil hindi niya tanggap ang sinabi ko.
"Nagising ka noong malapit na tayo." Turan ko uli.
"Dahil hindi naman talaga ako nahimatay! Nag-papanggap lang ako!"
Sira-ulo talaga, pinagbuhat pa niya ako! Hindi niya ba alam kong gaano siya kabigat? Sana pala binaril ko siya sa ulo para matuluyan na.
Natigil ang pag-tatawanan nila nang biglang may pumasok na lalaking nakasuot ng salamin, may dala-dalang mataas na baril sa kaliwang kamay habang ang tingin ay nakatutok kay Vyrron.
Napatayo na 'rin ako dahil masamang-masama ang awra niya. Sa kaniyang likod ay nandoon si Aeira na nag-babasa ng libro, walang ka alam-alam sa nangyayari.
"Nag-papangap ka 'rin ba sa amin? Ate, sigurado ka ba talagang hindi na niya tayo ipapahamak? Ang daming nawala dahil sa gagaong 'to. Nawala si Ayana dahil sa kaniya, hindi ko siya mapapatawad."
Ang tinutukoy niya ang kaniyang girlfriend na nabaril ng isang membyero ng Black Ace. Dahil sa pag-ta-traydor ni Vyrron sa amin noon. Hanggang ngayon ay masakit pa 'din ang loob niya kay Vyrron, dahil sa kaniya ay nawala ang magiging asawa sana ni Yurros.
"Yurros.. hindi ko ginusto ang nangyari. Nautusan lang ako." Sabi niya habang ang tingin ay nasa sahig.
"Baka nagpapanggap ka lang na kakampi namin para makakuha ng impormasyion galing sa amin."
"Pre.. sinabi ko sa'yo, nag-sasabi ako ng totoo ngayon. Kahit kailan ay hindi ko ginustong mawala si Ayana sa atin."
Napasinghap kaming lahat nang bigla niyang itinutok ang dala niyang baril kay Vyrron. Sinubukan kong lumapit pero may itinutok siyang baril sa akin. Bali dalawang baril ang dala niya at nakatutok 'yon sa amin ni Vyrron.
"H'wag kang lumapit!" Sabi niya sa 'kin.
"Yurros! Ibaba mo ang baril mo!" Sigaw ng mga nandito at sinubukang lumapit pero kahit sila ay hindi makalapit.
Napamasahe ako sa noo. Hindi ata tama na dadalhin ko pa muli si Vyrron dito. Baka magkasakitan sila ni Yurros. Kilala ko si Yurros, hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatay si Vyrron. Galit na galit siya, sino ba naman ang hindi magagalit kong ang kaisa-isa mong babaeng mahal ay wala na?
"Tumahimik kayong lahat! Hindi niyo alam kong ano ang pinagdadaan ko ngayon! Nawala sa 'kin ang babaeng mahal ko dahil sa kagagawan ng lalaking 'yan!"
Sumabat na ako bago pa niya mabaril si Vyrron. "Hindi naman niya ginusto, Yurros. Napag-utusan lang siya, hindi magugustuhan ni Ayana ang ginagawa mo ngayon. Magagalit siya sa'yo dahil ganiyan ka."  Mahabang sabi ko.
"Walang akong pakiala-ah!"
May biglang sumipa sa kaniyang likod kaya bumagsak siya, mabilis naman ang naging kilos nila at kinuha ang baril na hawak kanina ni Yurros. Nilayo nila ito sa kaniya.
"Phew, akala ko mawawala na ako.."
Tss, kung hindi ka ba naman gag*, eh hindi sana ito magkakaganito. Umupo ako sa couch at hinahayaan na sila doon. 
"Ang tigas ng ulo mo, hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yong bata ka! Hindi babagay sa 'yo ang pagiging secret agent!"
"Agent Eve, tama na 'yan. May pag-uusapan tayo." Nag-mumula sa likuran namin ang seryosong boses ni Tito Al, kasama niya si Kiel at ang prinsesa.
Maganda talaga siya lalo na sa mapalapitan. Prinsesang-prinsesa ang dating niya. Makinis ang balat niya, maputi, at mapula ang mga labi. Sumunod siya kay Tito Al habang si Kiel ay lumapit sa amin, umupo sa tabi ko.
"Ang ganda niya, Ate Cami 'no?" Sambit niya pagkaupo. Mukhang tinamaan ang batang 'to sa prinsesa, ah.
"Oo." Sagot ko.
"Crush ko siya."
"Share mo lang? Walang nag-tanong."
"Ang sabihin mo ay nag-seselos ka lang, Aviguel."
"Nge? Ako? Tsk, maganda ako kumpara sa prinsesa na 'yan! Marunong ba siyang humawak ng baril? Karate? Hindi di 'ba? Anong sible ng pagiging maganda niya kong hindi naman niya kayang protektahan ang sarili niya?"
"Kaya ko siyang protektahan, Aviguel. 'Di na niya kailangan na matutong humawak ng baril para ma protektahan ang sarili niya, nandito ako naman ako. Gagawin ko ang lahat ma protektahan lang siya."
Napangiti ako sa sinabi ni Kiel at tinapik sa balikat. Ko'ng magiging sila man—kahit impossible ay sigurado ako'ng mamahalin siya ni Kiel higit pa sa buhay niya.
Sa sinabin niyang 'yon ay isa-isang nagsipolan ang mga kasamahan naming lalaki. Si Atrio naman ay umakbay kay Kiel. 
"Inlababo na ang binatang Kiel, ah!" Komento pa niya.
"'Di pa nga lang tuli! HAHAHAHA." Natawa kami dahil sa biglang pag-sabat ng kapatid niya.
"Malaki ba pototoy mo pri? Patingin.." Walangiyang tanong ni Vyrron. Kahit kailan  talaga ang lalaking 'to!
"Hay*p ka, ah! Bastos!"
"Walang masama doon! Pareha kaming lalaki! Titignan ko lang! Papalakihan kami!" At mukha pa siyang proud sa sinabi niya, ah!
"Kadiri ka, Vyrron. Umalis ka nga!"
Napailing nalang ako at nilapitan si Tito Al na kausap si Agent Eve, Yurros, Aeira at Kuya Eros. Hindi ko napansin na dumating siya, huh.
"Ano'ng pinagiingayan nila doon?" Bulong ni Eve noong makaupo ako sa tabi niya.
"Si Vyrron, papalakihan daw sila ng et*ts." Sagot ko.
"Eww."
"Ay, wow, inosente ka? Inosente? Maka-eww ka diyan, parang hindi pa nakakita at nakasubo ng t*t*, ah?"
"Kadiri ka, Viana!"
"Ah, pero hindi ka nandidiri sa katas ng isang lalaki? Wow, Eve. Just wow."
"Mapapa wow ka talaga kapag malaki an--"
"Silence! Ang ingay-ingay niyong dalawa!" Saway ni Kuya Eros.
"Siya kasi.." Nag-tuturuan pa sila habang masama ang tingin ni Kuya Eros sa kanilang dalawa. Lumapit ako ng upo dahil ang ingay-ingay nilang dalawa. Palagi nalang nag-babangayan.
"Settle na, si Eros muna ang mag-babantay sa prinsesa habang hindi pa natatapos ang bahay nina Camille."
"Ano ang gagawin natin sa tarantad*ng si Vyrron? Dito na ba talaga siya? Pa'no kapag ipapahamak niya uli tayo?"
"Papatayin ko na siya." Ani ko sa kaniya.
Napabuntong hininga naman si Tito Al at tinignan kami ng seryoso. Kapag wala si Tita Al which is ang boss namin ay siya ang nag-aasikao, kahit naman kasi na boss si Tita Al ay may massion pa 'rin siya. Gusto niya pang makatulong, ayaw niya ata na nakaupo lang at inuutos sa iba.
Sumandal ako sa couch at hinihintay kong may sasabihan pa ba si Tito. Kasi kung wala ay uuwi n ako, marami pa akong gagawin sa bahay na hindi natatapos.
"Alam ko kong gaano kahalaga sa inyo si Ayana pero pwede bang mag-focus nalang tayo sa mission natin? Malaki 'to, buhay ang nakasalalay."
"About sa mission, plano raw ng mga Black Ace na kunin ang dyamante sa araw na ililipat natin."
Tumaas bigla ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Paano nangyari 'yon? Kami lang ang nakakaalam tungkol dito. Paano nila nalaman?
"Mukhang may traydor dito na hindi natin alam, ah. May nakapasok na naman?" Ani ni Kuya Eros.
"Baka si Vyrron 'yon."
Sinamaan ko ng tingin si Yurros. Nakakailan na siya ngayong araw. Tinutukan niya pa ako ng baril na ngayon lang nangyari. Lahat sila dito ay nirerespeto kaming matataas, si Yurros lang ang hindi.
Pvtang*nang bata 'to.
"What?!" Sinigawan pa nga ako!
"Gusto mong sumunod kay Ayana?" Seryoso kong sabi sa kaniya.
Hindi na tama 'tong ginagawa niya! Sinisigawan na ako, wala siyang respeto sa nakakataas niya, ah.
"Go ahead,"
Mabilis kong kinuha ang baril sa mesa at binaril ko siya sa balikat. Natigil ang pag-tatawanan nila Atrio, napasinghap naman sila Agent Eve sa ginawa ko habang si Tito Al ay tinapik sa kabilang braso si Yurros. Nag-silapitan silang lahat sa pwesto ni Yurros.
Binaba ko ang baril sa mesa at tumayo. Muli ko siyang tinignan ng seryoso. "Hindi ko na gusto ang ugali na pinapakita mo, Yurros. Hindi lang 'yan ang mapapala mo kapag hindi mo ako nirerespeto o kami. Hindi porke't nawalan ka ng mahal sa buhay ay maging ganiyan ka na."
"Chill lang kasi kayo, huwag natin paabutin ang panahon na pati tayo ay nagaaway-away." Ani ni Atrio.
"Hindi ka nababagay sa posisyon mo." Huli kong sabi bago ko sila tinalikuran.
Lumabas ako ng headquarters, sa pag-labas ko ay binati ako ng mga ibang kasamahan namin.
Sana lang talaga ay hindi aabot sa puntong masisira kami, at sana ay hindi aabot sa puntong pati mission na hinahawakan ng bawat isa sa amin ay madadamay. Paano na malulutas ang problema ng bansa? Hindi kayang hawakan ng mga pulis ang mga taong katulad ng Black Ace kaya kami ang humahawak, pero paano kapag madamay ito? Hindi pwedeng mangyari 'yon, madaming mga tao ang nangangailangan ng tulong namin.
Bumalik ako sa bahay namin para mag-bihis. Gusto kong mag-pahinga ng maaga ngayon, habang hindi pa natatapos ang bahay namin ng asawa KO ay mag-papahinga muna ako, na sa bahay naman ni Kuya Eros ang prinsesa kaya walang problema. High tech naman ang bahay niya kaya walang sino ang makakapasok.
Pag-dating ko sa bahay ay kumunot ang noo ko ng may kotse na nakaparada. Tatlong kotse 'yon kasama ang kotse ni Ave. Nandito sila Tito? Binalik ko ulit ang tingin sa kotse, hindi naman nila ito kotse. Bumusina ako ng dalawang beses at nakita ko'ng nag-mamadaling lumabas ang kasamabahay namin para pag-buksan ako.
Napansin kong may kasunod siya, pinagsingkit ko ang mata ko para malaman ko'ng sino siya. Pero hindi ko masyadong makita dahil ang likot-likot niya, tumatawa kasama si Ave. Mukhang masaya, ah. Sino kaya 'to?
Binuksan ng dalawang kasamabahay ang gate, mabilis naman ako'ng pumasok dahil gusto ko ng makilala ko'ng sino ang lalaking kasama n Ave. Medyo pamilyar siya.
Nang nakapasok na ako ay mabilis ako'ng bumaba, lumapit sa akin si Manong Edgar at kinuha ang susi mula sa akin para siya na ang maglagay ng kotse ko sa parking lot namin.
"Insan! Ba't ka umalis kanina?"
Pag-kaharap ko palang ay sinalubong na niya ako ng mahigpit na yakap.
"Tss, hindi ko kasi nagustuhan ang ugali ng lalaking 'yon." Sabi ko at niyakap siya pabalik.
"Mabait siya! Sigurado ako,"
Kumalas na ako sa yakap at hinarap ang lalaking kasama niya at pinag-sisihan ko ko'ng bakit pa ako humarap! Dahil ang kasama niya ngayon ay walang iba kundi s—
"Nandito siya insan! Sumama nga sila sa 'kin kasi gusto nilang manghingi ng sorry sa'yo ss ginawa niya."
Si Zackerhiale Avier Cardova. Ang mapapangasawa ko.

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Mae Volsa

    wala na namang wakas..puro bitin..ang storys..kainis...

    28/01

      0
  • avatar
    Zamley Alviola Marmes

    expected

    16/07/2023

      0
  • avatar
    Amos Alexander

    nice

    15/05/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes