Myla’s POV Pag-uwi ko ay naabutan kong naghahapunan na sila Papa at Ate Mirna. “Myla bili ka nga sandali ng katol kina Pyoning. Utang sabihin mo,” utos ni papa. Hindi man lang ako inaya kumain muna. Napabuntong hinga nalang ako saka dumiretso muna sa kwarto namin ni ate para bawasan nanaman ang ipon ko, pambayad. Ayoko kasi ng umuutang. Nahihiya at natatakot na ako dahil naaalala ko yung pamamahiyang naranasan ko dati nung umutang si papa. Mabuti nang mabawasan ang ipon ko, wag lang malubog si papa sa utang. Inayos ko ang itsura ko sa harap ng mahabang salamin saka agad ng dumiretso sa tindahan ni Aleng Pyoning. “Myla! Saan ka mag-aaral ng college?” malakas na sigaw ng isa naming kapitbahay. Nagsitinginan naman ang mga ka-chismisan niya. Tangina. Ano bang paki nila? Tipid lang akong ngumiti saka mahinhin na sumagot. “Sa Manila po.” Nagbulong-bulongan naman sila. Tutuloy na sana ako sa tindahan nang magsalita ulit sila. Hangga’t maaari naman ay ayokong mag mukhang walang respeto. “Mag-mamanila ka di maiiwan na si Papa mo diyan.” “Ba’t ayaw mo sa PSU?” “Diyan ka nalang sa malapit.” I felt it. Ganyan din mismo ang sinasabi ni papa at ang mga sasabihin ng ibang tao sa isip ko. Naalala ko tuloy yung isang video sa site na lagi kong pinag-papanoodan ng motivational videos at advices. Kapag daw negative response ang nakuha mo sa itinuturing mong success, it’s either inggit sila sa na a-achieve mo o ayaw ka nilang umangat sa buhay. Gusto nalang ba nilang ganito palagi? Mangangarap ang isa tapos sabay sabay din lang nilang hihilahin pababa? Tipid lang akong ngumiti saka naglakad na. Pagdating ko sa tindahan ay may mga umiinom pa sa harapan. Jusko naman, ang daming obsrtuctions kung kelan nagmamadaling umuwi. “Oh Myla! Tagay mo muna!” sigaw na saad ni Anton. Kaklase ko nun grade school pero di na siya tumuloy sa high school. “Huy! Sira ka, alam mong mahiyain yang tropa natin,” pagkausap ng kasama niya na tito niya yata. Naka-kunot lang ang noo ko habang tahimik na naka-masid sa papalapit na katawan ni Aleng Pyoning. “Pabili nga pong katol,” saad ko sa naninigarilyong si Aleng Pyoning. Hindi ko na pinansin ang maiingay na nag-iinuman, lalo lang akong tatagal. Baka imbes na sila papa ang kumakain, sila na ang kinakain ng lamok. “Bente isang kahon.” Inabot ko sa kanya ang singkwentang bitbit ko. It is a relief na sobra ang pera ko, walang gwapong mama ngayon na ililigtas ako kung sampu lang dinala ko. Matapos akong suklian ay tatakbo naa sana ako nang magsalitang muli si Anton. “Gago hindi, tropa ko ‘to eh.” Nagulat ako ng akbayan niya ako. Shit. “Oh, inom!” pamimilit niya. Ibinaling ko lang ang ulo ko palayo sa mukha niya habang hindi pa rin nagsasalita. “Isa! Inomin mo ‘to! Sayang!” Tinulak ko siya ng malakas na naging dahilan ng pagtumba niya. Agad na akong kumaripas ng takbo. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sila papa at ate na nanonood ng palabas sa telebisyon. Huminga pa ako ng malalim saka inagaw ang atensyon ni papa. “P-pa, heto na yung katol.” “Magsindi ka ng isa ang lamok,” utos niya habang hindi pinuputol ang tingin sa tv. Agad akong tumalima. Nang masindihan ko na ay nagtungo ulit ako sa sala. “Pa san ilalagay?” tanong ko. “Subukan mo sa bubong,” pamimilosopo ni Ate Mirna. “Diyan sa ilalim ng sofa,” maayos na sagot ni papa. “D-dito?” nanginginig na tanong ko kasi mukhang inis na silang dalawa. Tatlo ang sofa dito at hindi ko alam kung saan ang tinutukoy niya. Nang tignan niya ako ng masama ay ako nalang ang naglagay sa kung saan ang tingin ko ay tamang paglagyan. Tumalikod na ako saka naghugas ng kamay bago sumandok ng pagkain. Naupo na ako saka nagdasal ng pasasalamat bago kumain. Nang uminom ako ng tubig sa kalagitnaan ng pagkain ay bigla kong naalala ang pangha-haras sa akin ni Anton. Oo alam kong mababaw lang yung nangyari pero, Karapatan ko din namang tumanggi. Hindi ako umiinom at balak kong panindigan yun hanggang tumanda ako. Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa pisnge ko. Pasimple ko itong pinunasan saka tinignan sina Papa sa sala kung kita ba ako mula dito. Mukhang focus naman si sa tv kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko. Nawalan na ako ng ganang ubusin. Matapos iyon ay naglinis na ako ng katawan saka nahiga sa kama. Gusto ko sanang isumbong yung ginawa sa akin ni Anton kanina, kaso baka sa huli, ako pa ang pagalitan. Si Anton pa ang kakampihan niya. Sinarili ko nalang ang takot ko na baka bukas ay abangan ako ni Anton sa labas. Namalayan ko nalang na nanginginig na ang mga kamay ko. Shit. Pilit kong pinipigilan dahil narinig ko ang pagpihit ng seradura ng pintuan. Dinaganan ko iyon ng puwet ko at nakahinga ako ng maluwag, nang saktong pagpasok ni Ate Mirna ay tumigil na sa panginginig ang mga kamay ko. Source: (https://bit.ly/3GUUc3f ) Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko kasi, si Anton yung pumihit ng pinto kanina. Nahiga na ako at tumalikod kung saan naka-pwesto ang kama niya. Nagtalukbong ako ng kumot upang hindi niya makita ang mga luhang pilit kong pinupunasan. Pilit ko ring pinapagalitan ang sarili ko sa isip ko. Bakit ba hindi ko magawang sumumbat di gaya ng ibang bata? Tangina ko. Ang bobo bobo ko. Ba’t ba ako takot magsalita? Bakit ba hindi ko sinampal ang Anton na ‘yon? Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kapag sa iba, kayang kaya nilang sagut-sagotin ang ibang tao? I wonder how they manage to do that. Paano ba? May seminar ba akong nakaligtaang daluhan dati? Kahit ano kasing pagpapalakas ng loob ang gawin ko sa sarili ko, hindi ko magawang i-akto kapag kaharap ko na iyong tao mismo. “Myla! May naghahanap sayo,” pagtawag sa akin ni ate. “S-sino?” tanong ko na nakatago pa rin sa ilalim ng kumot. “Si Ma’am Mell.” Agad akong bumangon dahil baka pagalitan nanaman ako ni papa. Tumayo ako mula sa kama saka inayos ang sarili. Paglabas ko ng sala ay wala na doon si papa. Baka natulog na rin. Binuksan ko ang pinto saka hinarap ang kapitbahay namin guro. “Myla busy ka?” “H-hindi naman po.” Kahit ang totoo ay busy na akong patulugin ang sarili ko. “Tulungan mo nga akong mag-encode. Sumasakit na kasi yung mga mata ko.” Kaya mata ko naman ang pagdidiskitahan niyo? Matutulog na ako eh. Saka, talagang dinayo pa ako dito, eh may mga anak siyang kaklase ko. “S-sige po,” sagot ko nalang saka naghanda na sa pag-alis. Gusto kong tanggihan kasi, wala naman akong ibang mapapala dito kundi eyebags. Isa pa, natatakot din akong magsalita, teacher ‘tong kaharap ko eh. Handang handa siyang ipangalandakan sa akin ang degree niya kahit hindi niya naman ginagampanan ng maayos. Eh ako? Ano lang ako? Estudyante. Estudyante lang. Biglang pumasok sa isip ko ang isang bible verse. Hindi verbatim pero naalala ko ang meaning na, be generous and love each other in order to repent. Iyon nalang ang pinanghugutan ko ng lakas para magka-interes sa gawaing ipapagawa niya. Buong pagta-type ko pura mura ang nadidinig ko mula sa kanya. Kesyo ang tanga ko daw at hindi ko alam gawing word yung pdf, o kaya naman wala naman daw palang silbi yung pagiging valedictorian ko kasi hindi daw ako marunong mag layout, at marami pang iba. Hindi na nga nagbayad, may pabaon pang mura. Salamat nalang at nakauwi na ako bago mag-alas dose. Paghiga ko ay hindi rin ako nakatulog agad. Bumabagabag sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Puro nalang takot… Sa totoo lang, pagod na rin ako. Pagod na akong tanging takot nalang ang nagpapagalaw sa akin. Gusto ko namang maranasan na gumalaw ayon sa kagustuhan ko. Yung walang takot na gagawin ang kahit na ano at hindi pinapansin ang kung anong sabihin ng ibang tao. Mukhang malabo dahil maraming mga mapanghusga sa mundo pero, gusto ko magkaroon ng tapang na harapin at isawalang bahala ang mga iyon para makamit ang gusto ko. Gusto ko din ng ganon. Gusto ko din maging out-going. Gusto ko din maranasan na hindi na iniinda ang sasabihin ng iba. Gusto ko na din mawala ang pagiging mahiyain ko. Lagi ko yun hinihiling tuwing birthday ko eh. Lagi din tuwing gabi bago matulog. Sana ako din… Sana…
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 32 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (30)
KunTonii
Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA
Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA
14/08/2024
0wow
14/07/2024
0thank you author
01/06/2024
0Ver Todos