logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Myla’s POV
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pangi-iwan sa akin nila Julian.
Nagliwaliw nalang ako sa labas ng mall nung araw na ‘yon para kunware totoo yung ginawa nilang pagsundo sa akin. Pahirapan pa sa pagpapaliwanag pag-uwi kung ba’t naka tricycle nalang eh kotse yung sumundo. Isa pa, kung umuwi ako ng maaga, tiyak papagalitan nanaman ako ni papa.
Dalawang buwan at tatlong lingo nalang, college na ‘ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi kina papa ang plano ko tungkol sa pagpasok ko sa Manila.
“Myla anong oras na?” tanong ni papa na kagagaling lang sa bukid. Naabutan niya akong nagdo-drawing. Wala sa akin ang phone ko kaya wala akong pagti-tingnan ng oras.
“Hindi ko po alam,” sagot ko ng mahinahon saka bumalik sa pagdo-drawing. Ginagawa ko lang ulit yung pinasa ko noong nag drawing test kami. Time pressure kasi kaya napapangitan ako.
“Tignan mo ah!” napapitlag ako ng sigawan niya ako. Tumalima nalang ako s autos niya.
Nang kakain na ng tanghalian ay kaming dalawa lang ni papa sa hapag. Ilang na ilang ako. Ang tahimik kasi at ultimo pag-lunok ko naririnig.
Naramdaman siguro ni papa ang ilang ko kaya tumikhim siya. Napabaling ang tingin ko sa kanya ngunit agad ding iniwas at ibinaling nalang sa ulam.
“Ano nang plano mo?” tanong ni papa. Shit, hindi ako handa sa Q&A.
“A-ano Pa. H-hindi ko pa p-po alam,” utal-utal na saad ko.
Ang kaninang kalmado niyang mukha at biglang kumunot. Eto nanaman.
“Ano ba ‘yan? Wala bang nag-offer sayo? Akala ko ba matalino ka?” Aray.
“Walang kwenta pala yung mga medal mo eh, mabuti’t sinangla ko ang iba.” Nagulat ako sa sinabi niya. Nabitawan ko ang hawak kong kutsara na nagging dahilan ng maingay na tunog.
Napatingin sa akin si papa.
“B-bakit niyo b-binenta?”
“Aba! Magrereklamo ka pa eh iyang kinakain mo ang katas ng mga sinangla ko.”
Nawalan na ako ng ganang makisabay kumain. Tatayo na sana ako dahil hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi ni papa pero bigla siyang nagsalita.
“Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Lumalaki ka nang bastos ha.” Tahimik nalang akong naupo para wala nang masabi pa.
Ilang minutong katahimikan ang lumukob sa kusina at tanging pag-nguya lang ni papa sa malutong na manok ang naririnig.
“Ano. Saan ka nga papasok?” Bumuntong hininga lang ako. Siguro ito na rin ang pagkakataon na hinihintay ko.
“N-nag enroll p-po ako sa Manila.” Napahinto siya sa pagkain at tumingin lang sa akin.
“Ano namang kurso?”
“Ar–“
“Dapat teacher nalang. Matalino ka naman eh. Kayang kaya mo yun. Tignan mo yung si Lola Rosa mo. Nag-retire, may milyong natanggap. Si Tita Wyn mo, diyan sa kabila, balita ko mas sweldo sila kahit walang pasok,” dire-diretsong putol niya sa dapat na sagot ko.
Isa pa, investment lang ba ako? Na pag-aaralin tapos patuloy na huhuthutan pag may trabaho na? Pera pera nalang ba talaga sa mundong ‘to?
Hindi nalang ako umimik hanggang sa matapos siyang kumain.
Mag-aalas singko na ng dumating si ate Mirna mula sa galaan nila ng mga kaibigan niya.
Pagpasok ko sa kwarto ay nagulat ako ng nagbabasa siya ng libro. Wow. Advance.
“Myla halika nga dito,” saad niya habang kinukumpas ang kamay na sinasabing lumapit ako. Ang mga mata niya naman ay nakatutok pa rin sa librong binabasa niya. Nang tignan ko iyon ay patungkol sa science.
Siguro naghahanda na siya para sa college.
“B-bakit ate?” kinakabahang saad ko. Hindi naman kasi kami ganoon ka-close para tawagin niya nalang ako basta-basta.
“Ano nga ulit itong Kreb’s cycle? Paliwanag mo nga sakin. Kanina pa ‘ko nahihilo dito,” problemadong saad niya. Ibig sabihin nag-aral sila kanina nung umalis siya?
Wow. Kakatapos lang ng graduation ah.
Napaatras ako sa pagmumuni-muni nang may pumitik sa tapat ng mata ko.
“Ano na? Tulala ka diyan. Sabi ko paki-paliwanag,” may inis na sat ono ng boses niya. Pero hindi iyon ang ikinakaba ko, kundi hindi ko maalala ang patungkol sa pinapaturo niya.
“A-ano kasi – H-hindi ko na k-kasi alam ‘yan ate,” pag-amin ko.
“Ano ba naman ‘to? Ang damot. Sige na! Parang nagtatanong lang eh. Diba Valedictorian ka? Paano ka nagkaroon ng rank kung ito lang hindi mo alam?”
Ikaw na nga lang humihingi ng pabor, nanglait pa. Ikaw nga hindi mo din alam. Saka kung alam ko edi sana itinuro ko na. Ano namang mapapala ko kung ipagdadamot ko ang kaalaman sa iba?
“Siguro nangongopya ka ‘no? Nakakahiya ka!” Ilang beses ko na narinig ‘yan. Oo na. Nakakahiya na ako.
“Grabe ka, mas mahirap na sa college sabi nung kapatid ng kaibigan ko. Hindi makakatakas sa mata nila ang mga mandarayang tulad mo. Lumayas ka na nga rito. Naaalibadbaran ako sa mukha mo.”
Hindi nalang ako sumumbat at nag-kusa nang umalis. Dumiretso ako sa kwarto ni papa dahil wala naman siya doon. Naglasing nanaman. Dito muna ako habang wala siya. Kesa makita pa nila akong umiiyak at pagtawanan pa.
Ganoon ba dapat?
Kapag may honor o rank ka ba sa eskwela ibig ba sabihin non alam mo na dapat lahat? Ibig ba sabihin ng honor na iyon ay dapat matandaan namin lahat ng tinuturo? Bago na pala ang standards ng ranking ngayon. Hindi na pala grades na nakuha through quizzes and exams.
Tapos kasalanan ko pa na hindi ko siya naturuan?
Isa pa, nababalisa ako sa mga biglaang tanong at biglaang pakikipag-usap. Hindi ko napaghahandaan. Lalo na ang mga malalalim at importanteng topic.
Panay nalang ako “hindi ko alam” kasi una, hindi ko naman talaga alam o kaya naman pangalawa, tinatamad akong magpaliwanag sa iba.
I wonder how other people manage these kinds of emotional breakdowns. May masasandalan kaya sila?
Ako kasi, wala…
Napag-isip isip ko munang mamasyal kahit gabi na. Malapit lang naman ang park ng bayan dito sa barangay namin.
Nang makarating ay inilibot ko ang paningin. Sakto. Kaunti lang ang tao. Sariwa at malamig pa ang hangin dahil pagabi na rin.
Naupo ako sa bakanteng bench na nakita ko saka nilibot ang tingin sa paligid. Ang daming pailaw. Mula ng maupong mayor si Mayor Kenneth Gustave, ang daming nagbago dito sa bayan namin. Kahit pa nagka-issue dati na hindi naman siya naturally born Filipino, marami pa din ang bumoto sa kanya (Resources: https://bit.ly/3gUuNvW).
Now, we’re all reaping the benefits of voting him. However, I do not really know if these lights were just a front of their hidden acts. Ayoko nalang makialam.
Nabalik ako sa reyalidad ng may umiiyak na babae ang naupo sa tabi ko. Dahil hindi naman ako kumakausap ng hindi ko ka-close hinayaan ko lang siyang umiyak.
Ang kaso, pinagtitinginan na kami. Badtrip naman ‘to. Iiyak nalang sa tabi ko pa.
Huminga ako ng malalim saka nag salita.
“Don’t cry over someone or something that’s not worth of your tears.” Dahil doon at natigil siya sa pag-iyak saka ako tinitigan.
“H-how to f-forget someone w-who hurt you?” tanong niya sa nanginginig na boses. Malay ko ba. Hindi ko pa naman nararanasan. Tumikhim nalang ako at naisip na gamitan siya ng mga salitang nadinig ko sa madalas kong panooring motivational video. Hindi ko akalaing, magagamit ko din ‘to sa iba.
“Let them go.” Hindi pa ‘ko tapos pero tinatawanan na ako.
“Kung nakatadhana talaga kayo sa isa’t-isa, then so be it. Maybe, this is just a challenge to the both of you on how you trust each other. Sa relationship kasi, hindi pwedeng mahal lang ng mahal, talagang maghihiwalay kayo niyan.” Napatigil siya ng marinig akong magsalita.
“Kung ako sayo, babalikan ko nalang,” dagdag ko.
“How–“
“Pero joke lang. Bahala ka na sa buhay mo. Malaki ka na,” saad ko saka nilayasan na siya.
Hindi ko namalayan, naka-ngiti na pala ako pauwi ng bahay. Perhaps, I find her a blessing. Na-practice kong makipag-usap sahindi ko kakilala.
Pero. Nandoon pa rin ang takot.
Takot na baka makapag-sabi ako ng mga salitang maaari nilang gamitin laban sa akin.
Takot na baka husgahan nila ako.
At takot na baka, ayawan din nila ako, tulad ng ginagawa ng pamilya ko…

Comentário do Livro (30)

  • avatar
    KunTonii

    Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA

    14/08/2024

      0
  • avatar
    ItimJamaicah

    wow

    14/07/2024

      0
  • avatar
    TederaLyka

    thank you author

    01/06/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes