logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6

CHAPTER 6
Makalipas ang dalawang po't limang minuto ng paglalakad namin ay nakarating na din kami sa sinasabi ni Geometry na Zion City.
Unang bumungad saamin ay ang mga magkakadikit lang na kainan. Simple lang ito pero masaya ang mga tao. Marami ding lobo na nagliliparan sa himpapawid. Siguro ay kinokontrol din sila ng taong may mahika. Iba-iba ang kulay at pati ang kanilang mga hugis. Para talaga akong bumabalik sa pagkabata. Hehehehe! Bukod sa sila'y masaya habang kumakain kapansin-pansin din ang mga taong nagpapalabas ng kani-kanilang kakayahan.
Heheh! Kung sa mundong pinanggalingan ko ang mga kainan na ito ay tinatawag naming karenderya. Siguro ang mga restaurant dito ay kakaiba din.
"Zafeira halika na!" pagyaya saakin ni Geometry kaya naman ako ay sumunod na lang din sa kaniya. Medyo natulala kasi ako ng makita ko ang mga kainan pati ang mga lobo kaya naman napahinto ako kanina.
At ngayon ay naglalakad nanaman kami. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na magawang makatingin sa mga gusali dahil kapag tinitingnan ko ang mga gusali, ang mga tao ay tinititigan din ako ng kakaiba.
Pakiramdam ko nga ngayon, habang naglalakad kami ni Geometry ay sinusundan pa nila kami ng tingin.
"'Yang mga gusaling nakikita mo ay mga tindahan ng mga damit. Kanina naman ay mga kainan 'yon. Alam mo halos lahat naman ng may roon sa mundo niyo ay may roon din dito, kaso ang ibang mga bagay sa mundo ninyo ay iba ang itsura dito." mahabang saad ni Geometry habang tinuturo ang mga gusali.
Ako nama'y bahagya lang kung tumingin dahil nahihiya ako sa mga taong tumitingin din sa akin
Ang ilang mga tao ay nakikita ko pang nagbubulungan habang tinitingnan ako. Medyo wirdo at hindi ko din alam kung bakit nila ako tinititigan.
Nakasunod lang ako kay Geometry pero bigla siyang napatigil kaya nauntog ako sa likuran niya.
Matangkad kasi si Geometry at halos abot dibdib niya lamang ako.
"Aray!" mahina kong sambit.
"Ba-bakit ka tumigil?" pagdudugtong kong tanong sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit napahinto si Geometry,kaya tiningnan ko ang kaniyang mga mata kung saan ito nakatitig at doon ay...
Muli nanaman akong natigilan ng husto dahil sa mayroong nagaganap na napakagandang magic show sa mismong dadaanan namin ni Geometry.
"Wow! Katulad 'to ng sa circus! Ang gagaling ng mga madyikero!" masaya kong saad habang tinitingnan ang mga nag pe-perform.
Yung isa ay may pinagagalaw na baraha at 'yong isa naman ay lumulutang sa hangin. Lumilipad siya na para bang may pakpak, at ako naman ay napapahanga ng husto sa mga ginagawa nila.
Ang iba ay sumasayaw at pagkatapos ay may lumalabas na mga bulaklak mula sa kanilang katawan.
Nakakamangha talaga! Madami ang tao dito at lahat sila'y nakikita kong nakangite.
Habang patuloy sa pagmamasid ay napaluha nalamang ako ng hindi ko namamalayan.
"Uy, Zafeira umiiyak ka!" wika ni Geometry na nasa tabi ko.
"Huh?" pagtataka kong tanong sabay hawak sa aking pisngi.
"Luh? Oo nga! Umiiyak ako!" tangi kong nasabi habang nakangite.
Malamang na kaya ako umaiyak ay dahil sa labis na kasiyahan.
"Iyakin ka pala!" mapagbirong wika ni Geometry habang tinitingnan ako."Hi-hindi ah!" pagtatanggi ko naman!
Ilang saglit pa ay nabaling muli ang atensyon ko sa isang napakalaking gusali na parang maihahambing sa isang palasyo.
Luh? Kanina ay wala namang mataas na gusali na parang palasyo dito ah? Hindi ko nga nakita ang palasyong 'to doon sa may bundok na tirahan nina Geometry.
Samantala nakita naman ako ni Geometry na pinagmamasdan ang mala-palasyong gusali kung kaya't muli siyang nagsalita.
"Ah, oo nga pala! Iyan ang palasyo dito. Hindi mo 'yan nakita sa may bundok dahil mayroon 'yang barrier. Hinaharangan ng barrier na 'yon na makita ang palasyo mula sa malayo. Nagsisilbi din 'yong proteksyon ng palasyo sa sino-mang magtatangka na sirain itong Zion City." pagpapaliwanag saakin ni Geometry.
"Ku-kung ganon, tunay na palasyo 'yan?" gulat kong tanong.
"Oo, tunay na palasyo 'yan, at 'yan din ang pomoprotekta sa buong Zion City. May mga barrier kasi ang buong paligid nitong siyudad at pati na sa mga bayan. Kapag hindi ka taga-rito ay hindi ka basta-basta makakapasok. Ang mga barrier na 'yon ay nagmumula diyan sa palasyo." ani niya saka tumigil.
"Ku-kung ganon taga rito pala talaga ako!" saad ko saaking isipan.
"Uy, ibig sabihin pala Geometry ay may hari at reyna diyan?" masaya kong tanong muli na ikinatawa niya.
"HAHAHAHA! Malamang mayroon!" saad niya saka tumawa muling tumawa.
"Bakit ano bang nakakatawa sa tanong ko? Wala naman yata eh!" mahina kong sambit sa aking sarili.
Napasimangot nalamang ako at hindi na umimik.
"Siya nga pala, iyan ang palasyo na tinatawag naming Fantasia Palace. Ang pangalan ng aming reyna ay si Reyna Isobra Silvestrium at ang kaniyang asawa ay si Haring Marcellus Silvestrium." wika ni Geometry na ikinabalik ng atensyon ko sakaniya.
Tiningtingnan ko siya habang nakatingin sa palasyo at nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kaniyang kasiyahan. Nahahalata ko din na napakabait niya talaga.
Bahagya naman siyang ngumite saka muling nagsalita.
"Alam mo may roon silang anak na nag-aaral sa academy ng mga wizards. Ang anak nila ay si Prinsipe Lucas. Sikat siya hindi lang dahil sa isa siyang prinsipe. Kagaya mo kasi ay may taglay din siyang mapang-akit na itsura.. Pinagpapantasyahan nga siya ng lahat ng babae dito. Bukod sa maganda niyang pangangatawan at guwapong pagmumukha ay napakatalino niya ding lalaki." kuwento ni Geometry na ikinasiya kong marinig.
Hehe! May prinsipe pala dito, pero si-sino ang prinsesa?
"Geometry, may prinsesa ba?" nahihiya kong tanong habang pinagtatapat ang dalawa kong daliri.
"HAHHA! Bakit gusto mo bang maging prinsesa, ah?" pabirong tanong ni Geometry habang nakangite.
"Hindi ah!" tugon ko naman sa kaniya.
"Alam mo kasi nag-iisang anak lang si Prinsipe Lucas at wala din siyang kasintahan." mahinang saad ni Geometry.
"Ay!" Ang tangi kong nasabi.
"Geometry ano nga palang academy ang sinasabi mo?" saad ko upang ibahin ang aming usapan.
Samantala muli ng naglakad si Geometry at sinundan ko na din siya. Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko ng bahagya akong napalingon sa mga taong nasa paligid namin.
Ang lahat ay nakikita ko na may mga hawak-hawak na papel at mga lapis.
"A-ano ang ginagawa nila?" tanong ko kay Geometry.
"Sinasabi ko na nga ba!" malumbay na saad niya na ipinagtataka ko naman.
May mangyayari ba? Basi kasi sa tono ng pananalita ni Geometry ay may napapansin siyang hindi maganda.
"Tumakbo nalang tayo Zafeira." sabi ni Geometry sabay hila sa akin.
Akala ko ay makakatakbo pa kami pero napalibutan na kami ng mga tao.
Ano kaya ang gagawin nila?
Napatago nalamang ako sa may likuran ni Geometry at napapikit.
Baka kasi saktan nila ako o kaya kunin. Ayoko! Naaalala ko lang ang mga nangyari noon kapag nagkakaganito na! Sana naman ay mababait ang mga taong nakapaligid sa amin ngayon.
Pakiramdam ko tumitibok nanaman ang puso ko ng napakalakas.
Pakiramdam ko ba'y natatakot naman ako, isa pa nanginginig nanaman ang buo kong katawan.
Dahil sa hindi ko maipaliwanag na takot ay napakapit ako ng husto sa suot ni Geometry at napansin ko naman na naramdaman niya ang panginginig ng aking kamay dahil bahagya pa siyang napalingon sa akin.

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Jessie Palma

    wow

    12d

      0
  • avatar
    Marilyn Miole Crave

    Salamat Author, more story pls .

    16d

      0
  • avatar
    Ja Ne

    thanks 😊

    24d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes