logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5.

Decintein's POV:
Ngayon na talaga ang araw ng board examination ko.
Maaga akong nag-almusal at naligo.
Nang tingnan ko sa kwarto nila sina Mama at Papa ay tulog pa sila. Hindi ko sinabi sa kanila na nabago ang schedule ng board examination ko. Gusto ko kasi silang i-surprise kapag nakapasa ako. Confident na ako na papasa talaga ako. Alam ko kasi na pinaghirapan ko talaga 'to.
Nang natapos akong mag-asikaso ay bumiyahe na ako papunta sa baguio.
Nakarating na ako kaagad. Ngunit, kinabahan ako nang makita ko na sobrang maraming tao. Pero naalala ko na katulad ko rin sila na nangangarap na magkaroon ng lisensya.
Agad kaming pinapasok ng staff. After one hour daw ay magsisimula na.
**
Nandito na ako sa isang room. Bumuntonghininga ako dahil marami kami sa iisang room ngunit malayo sa isat-isa. Pinalabas na ang aming mga ballpen sabay binigyan na kami ng questionnaires.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Bago ako mag-take ay nagdasal muna ako. Pagkatapos ay nag-take na ako.
Bakit may mga questions na alam ko naman pero bakit hindi ko matandaan? Sabagay, wala namang bago, naranasan ko na rin ito noong college ako.
Sa sobrang kaba ko ay hindi ko ma-shade-dan nang maayos. Bumuntonghininga muna ako sabay pumikit.
'Kakayanin ko 'to, babalikan ko na lang ang mga questions na nahihirapan ako.'
Ipinagpatuloy ko ang pagsasagot. Napangiti ako dahil malapit na akong matapos. But stil, wala pa rin akong tiwala sa aking sarili.
Nang matapos ay kaagad akong lumabas ng room. Pumunta ako sa cr sabay naghilamos. I am so confused at medyo disappointed ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay hindi ko naibigay ang best ko.
Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay p'wede pa pala akong pumasok sa boutique. Papasok na ako. Kailangan kong maglibang dahil napa-paranoid ako.
**
Nakarating na ako sa City namin. Malapit na lang ang boutique kaya maglalakad muna ako. Gusto kong libangin ang aking sarili.
Habang naglalakad ako ay nakikita ko ang aking sarili sa mga salamin sa building. Nakaipit pala ako. Tinanggal ko ang ipit sa aking buhok. Napangiti ako dahil naging malaya ang maganda kong buhok sa pagkakaipit.
Masaya akong naglakad. Nang makarating ako sa tapat ng boutique ay mayroon akong nakitang magandang kotse. Bigla ko namang naalala si Sir Laz. Pero hindi 'yon ang kotse niya noong pumunta siya dati.
Pumasok ako sa boutique. Bumungad sa akin si Sir Laz habang nakasandal sa sofa ang kanyang ulo... naka-shades ulit siya sabay naka-face mask. Kahit na naka gano'n siya ay alam ko na siya talaga 'yon. Pero nalungkot ako nang makita kong nakaupo sa lap niya ang aking boss na si Madam Bri.
Mayroon ba silang relationship? Tsaka bakit ako malulungkot?
'Decintein, nalulungkot ka lang siguro dahil masungit ang mapupuntang babae kay Sir Laz,' kumbinsi ko sa sarili kong isip.
"Bakit ka nakatingin sa amin?" naiiritang tanong ni Madam.
Hindi ako nakasagot. Nagulat ako nang bigla siyang itinulak ni Sir Laz. Teka, tulog pala si Sir? Sabagay, naka-shades siya.
Napahiya si Madam. Nang tumingin ako sa kanya ay masama ang tingin niya. Umiwas na lang ako nang tingin. Nang tingnan ko si Sir Laz ay nakatayo na siya habang niru-rub ang kanyang suot.
"Panira kang babae ka." Tumayo si Madam Bri sabay sinampal ako. Dahil sa gulat ay napahawak na lang ako sa aking pisnge.
Ngunit, mas nagulat ako nang bigla akong lapitan ni Sir Laz. Hinawakan niya ang pisnge ko. "Okay ka lang ba? Gaano ba kasakit?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Ang bango niya kasi sa malapitan at ang tangkad.
Nang tingnan ko si Feria ay nagtakip siya ng kanyang bibig. Kinikilig ba siya?
"Pinahiya mo ako, Laz! Tapos ang lalapitan mo ay ang babaeng 'yan?" sigaw ni Madam Bri. Lumapit siya sa amin sabay dinuro ako. "You are fired!"
Nagulat ako sa sinabi ni Madam. Napayuko na lang ako dahil sa lungkot.
"You can't fired her, Bri," seryosong sabi ni Sir Laz.
"Ako ang may-ari ng boutique, Laz!" sigaw ni Madam.
Bumuntonghininga si Sir Laz. Pakiramdam ko naman ay biglang natakot sa kanya si Madam.
"Fine! Hindi ko siya papaalisin! Sino ba siya sa buhay mo? 'Yang losyang na ba 'yan ang ipinalit mo sa akin?"
"P'wede bang huwag kang maingay, Bri? Aalis na ako." Naglakad papunta sa pinto si Sir. Ngunit agad siyang hinabol ni Madam sabay niyakap siya mula sa likod.
Humarap naman si Sir Laz sa kanya. Ngunit nagtaka ako dahil hindi siya nakayuko dahil maliit lang si Madam. Straight siyang nakatingin sa akin. Pero sa akin nga ba talaga?
"You," seryosong sabi niya. Tinuro ko ang sarili ko sabay tumango siya. Nahiya naman ako bigla.
"What's wrong, Laz? Bakit mo ba siya kinakausap?"
Hindi siya pinansin ni Sir. Bagkus, lumapit ulit sa akin si Sir. "P'wede bang kumuha ka ng dress? Blue dress ulit. Kapag maganda ay kukunin ko kaagad."
Kaagad akong tumango sa inutos ni Sir. Ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay. Ang init ng kamay niya... totoo ba talaga 'to?
Napakamot siya sa ulo, "Sorry, baka nagkamali lang ako ng akala. Baka hindi ikaw 'yon."
Tumango lang ako ulit sabay kaagad na kumuha ng dress. Nang tingnan ko si Madam ay nag-walk out siya.
Hindi ko alam pero... bakit ang saya ko?
Nakakapagtaka naman si Sir Laz. Sino ba ang tinutukoy niya?
Nang makakuha ako ng dress ay agad kong ipinakita kay Sir. "Gusto niyo po ba ito?"
"Gusto ko ang isang 'yan," mabilis na sagot niya.
"Salamat po, Sir! Ilalagay ko na po sa paper bag," masayang tugon ko. Maglalakad na sana ako papunta sa counter pero bigla siyang umubo kaya napatingin ako sa kanya.
"S-Sir, mayroon ka po bang problema?"
"Mayroon akong offer sa 'yo, gusto mo bang maging secretary sa kompanya ko?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Sir. Teka, papayag ba ako?
"Here." Abot niya sa isang card. Agad naman akong lumapit sa kanya sabay kinuha ko ang card.
"S-salamat p-po, Sir. Pero pakiramdam ko po ay hindi ako qua-"
"I like you,"
"A-ano po, Sir?"
"You are hard-working and disiplinado. I like it,"
Ah, I see. Pero... nakakahiya naman kung papayag ako na maging secretary niya tapos aalis din ako kasi nakapasa ako sa board examination. Pero sabagay, hindi pa naman ako sure sa result ng exam. Pero, iba kasi ang pangarap ko, ang gusto ko ay maging police.

Comentário do Livro (31)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Interesting yung kwento sa introduction palang. Keep it up author, more updates pa. 💋💖

    12/05/2022

      1
  • avatar
    Bandahalaanang

    very good story

    12/08

      0
  • avatar
    John John Pineda

    iiiiiiiigggcgcaskgdcgfjbhlxjxgchlcfxk gzrxhchgkjoyfjblgyfkhudyvbchdjnnk

    05/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes