logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5 (Buhay sa Lansangan)

DAHIL WALANG masilungan ang magkaibigan, naging tahanan nila ang kalye. Halos anim na buwan na silang palaboy-laboy magkagayon man ay naging positibo silang dalawa. Pinilit nilang ibalik ang dati nilang sigla bilang mga kabataan. Ginawa nila ang lahat upang iwasan ang gulo. Pero dahil nasa lansangan sila, paminsan-minsan ay hindi nila maiwasan ang karahasan.
Hindi kasi maipagkakaila na maganda silang magkaibigan, kahit madungis ang kanilang mukha. Ilang beses na silang pinagtangkaan ng masama ng kapwa nila mga palaboy na mas nakakatanda sa kanila. Mga katulad nilang walang matatawag na tahanan maliban sa lansangan. Sa layunin nilang depensahan ang sarili at dahil na rin sa trauma na dala ng huling araw nila noon sa lugar na iyon, ay ilag na sa kanila ni Melody ang mga nakatikim ng kanilang kakayahan.
"Mahal, halika may ibinigay na pagkain yung ale sa atin, o," hangos na wika ni Melody. Nakangiti ito habang inilalahad ang dalang pagkain.
"Mahal, sino nagbigay?" takang tanong niya.
"Mahal, 'yong ale na palagi nating tinutulangan sa mga pinamili niya," sagot nito.
"Ang bait talaga ng ale na iyon. Pero mahal, ilang beses na natin siyang tinutulungan hindi pa natin alam pangalan niya. Ni pangalan natin hindi niya tinatanong," ani Cathy.
"Tama ka, mahal. Pero ramdam kong mabait naman siya," sang-ayon ni Melody.
Magana nilang kinain ang pagkaing ibinigay sa kanila ng ale. Makalipas ang isang oras ay nasa kalsada na uli sila. Naglalako ng mga hand made na basahan. Nakita kasi nila ang iba nilang kapwa nasa lansangan na imbes manlimos ay naghahanap ng magandang racket ang mga ito. Ang iba ay nagbebenta ng mga kendi at sigarilyo. Mayroon din nagbebenta ng mga mineral water, at sa kanila ay basahan. Mababait naman kasi ang iba nilang kasama kaya nang minsan nagtanong sila ni Melody kung paano magbenta ng mga basahan ay isinama sila ng mga ito sa pinagkukunan ng ibebenta.
May pagawaan ng mga basahan malapit sa relis ng tren sa Dapitan sa Quezon City. Malapit din ito Dangwa. Bawat araw ay isang daang piraso ang kailangang ibenta. Dalawang piso isang piraso. Kaya madalas ay sampong piso ang binibili ng mamimili lalo na ang mga jeepney driver. Sa isang araw ay nakakadalawang daan sila ni Melody. At sa bawat isang daang pirasong maibenta nila ay meron silang singkwenta.
"Mahal kapagod. Tara kain muna tayo bago pumunta ng Luneta para magpahinga," yaya ni Cathy kay Melody sumang-ayon naman ito sa kanya.
Sa tantiya niya ay alas dyes na ng gabi. Nilalakad lang nila mula sa Dapitan kung saan nila kinukuha ang mga basahan at nireremit ang pinagbentahan. Nasa Quiapo na silang dalawa. At sa ganoong oras ay madalang na ang mga sasakyang dumadaan pero marami pang pasaherong nag-aabang ng masasakyan.
Kumain muna sila sa kainang palagi nilang pinagkakainan sa ilalim ng tulay ng Quiapo. Halos lahat ng palaboy ay dito kumakain. Kapag medyo malaki ang benta nilang magkaibigan ay bumibili sila ng bihisan sa mga ukay-ukay at bag para paglagyan ng mga damit. Sa gabi bago matulog ay naliligo muna sila sa pampublikong palikuran. Kilala na silang dalawa sa Luneta. Ang isang palikuran doon ay sinasadyang iwanang bukas ng tagalinis para makaligo at makapaglaba sila sa gabi. Nililinis din nila ito pagkatapos gamitin.
Pagkatapos kumain ay binaybay nila ang kahabaan ng Lawton hanggang sa Luneta Park. Dumiritso sila sa pampublikong palikuran para maligo. Makaraan ang isang oras ay inilatag na nila ang karton na hihigaan nila. Sa loob ng Chinese Garden sila natutulog.
"Mahal, masaya ka ba sa ganito?" biglang tanong ni Melody. Kanina pa sila nakahiga pero parehong hindi makatulog.
Napalingon siya rito. "Mahal, hindi ko alam. Sa murang edad natuto tayong buhayin ang sarili sa iba't ibang paraan. Namulat ang murang pag-iisip natin sa mga bagay na hindi naman akma sa ating gulang. Pinilit tayong pinayakap sa karahasan. Sa loob ng isang taon nabago ang takbo ng ating buhay. Natuto sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi natin na isip na matutunan natin. Sa murang edad mahal nagkaroon tayo poot na kinikimkim para sa mga taong nagsadlak sa ating kinalalagyan. Nais kong makita ang aking ama, pero hindi pa ito ang tamang panahon. Nais kong singilin si Amanda pero hindi pa sa ngayon. Ikaw ba, mahal, masaya ka ba?"
Umiling ito. "Hindi ko rin alam, mahal. Ang alam ko sa ngayon ay nagpapasalamat akong nakaalis tayo sa impyernong iyon. Dito malaya tayong nabubuhay. Wala tayong iniisip na laban na kailangang ipanalo. Ang tanging iisipin lang natin ay kung paano malagyan ng pagkain ang nagugutom nating sikmura. Tama ka, mahal, hindi pa napapanahon na maningil ng mga pautang natin. At pinanghahawakan ko ang sinabi ni Kuya Jayson na hahanapin niya tayo. Alam ko, mahal sa oras na mahanap tayong muli ni Kuya ay iyon ang tamang oras para pagbayarin ang dapat magbayad!"
"Hay, mahal! Nagdrama na naman tayo. Matulog na tayo. Bukas isang panibagong araw na naman ang ating kahaharapin," yaya niya na lang sa kaibigan, pero sa kaniyang isipan ay sang ayon siya sa sinabi nito
Unti-unti na kasi silang binabalot ng tensyon. At ramdam niyang ilang saglit lang ay iiyak na silang pareho. Pero hindi pa sila tuluyang nakatulog ay may narinig silang halakhakan at isang tinig na nagmamakaawa.
"H-huwag po. Kunin n'yo na lang ang mga gamit k-ko. P-paalisin n'yo n-na po ako. H-hindi po ako magsusumbong sa mga p-pulis!" Boses ng isang babae ang kanilang narinig. Bakas sa tinig nito ang sobrang takot. Mabilis silang napabangon ni Melody.
"Miss, mamaya ka na umuwi. Bibiyahe muna tayo patungong langit!" Narinig nilang wika ng isa at kasunod ay malakas na tawanan.
Nagkatinginan sila ni Melody, iisa ang nasa isip. Alam nila ang nararamdaman ng babae. At hindi nila hahayaang maranasan din nito ang naranasan nila noon. Maingat silang tumayo at hinanap kung saan galing ang ingay.
Nasa isang tagong bahagi ng Chinese Garden ang mga ito. Sampung kalalakihang malalaki ang katawan, halatang mayayaman ang mga ito. Pinalilibutan ng mga ito ang dalawang babae ang isa ay wala nang malay. At ang isa ay ang narinig nilang nagmamakaawa.
"Mahal, ayoko sanang baliin ang pangako natin kay kuya. Pero hindi ko maatim na pagsamantalahan nila ang dalawang babae," wika ni Melody.
"Alam ko, mahal, kahit ako ganoon din ang nararamdaman."
Nagkatinginan sila at sabay na tumango. Naghiwalay silang dalawa patungo saagkabilang direksyon at kumuha ng tig limang bato.
Sumipol si Cathy bilang hudyat sumagot naman si Melody ng huni ng palaka. Nagbilang sila ng tatlo at sunod-sunod na binato ang mga kalalakihan. Natamaan ang mga ito sa batok. Napaigik ang mga ito at nagpalinga-linga. Unang lumabas si Melody.
"Mga kuya baka gusto ninyong bumili ng basahan!" wika nito.
"Hoy, bata! Bakit mo kami binato?" sita ng lalaking singkit ang mata.
"Hala ka! Kuya, masama mamintang nakita mo bang ako ang bumato?" pabalang na sagot ni Melody.
"Umalis ka rito, bata. Kung ayaw mong masaktan!" wika naman ng isang lalaki na panot ang buhok nito sa bandang harap.
"E, kuya, susunduin ko lang mga ate ko," wika nito.
"Wala rito mga ate mo," sabat ng isang sing puti ng binabad sa napakaasim na suka.
"Ayan po sila, o," sabay turo nitp sa dalawang babae na pinalilibutan ng mga ito.
"Pare umalis na tayo baka sumabit tayo sa batang iyan," yaya ng isang halos lumuwa ang mga mata.
"Pare, bata lang iyan! Ano ang kalaban-laban niyan sa atin?" natatawang wika ng singkit.
"Total nais daw niyang sunduin ang kanyang mga ate isama na lang natin siya, mga pare!" nakangising aniya ng panot.
Napangising tumango ang ibang kalalakihan. Lumapit kay Melody ang lalaking sing putla ng binabad sa suka at marahas na siyang hinablot. Pero dahil kanina pa nakahanda si Melody ay sa isang iglap at bulagta na agad ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ng mga kasamahan nito. At agad na sinugod si Melody.
Akmang hahampasin ito ng isang lalaki na may dalang bat na hindi nila alam kung saan galing, ay mabilis na hinawakan ni Melody ang pamalo at malakas na hinila. Binali nito sa pamamagitan ng tuhod. Napahalakhak si Melody nang mapagtantong yari ito sa karton.
Lumapit naman si Cathy sa dalawang babae at tinulungang makatayo ang nagmamakaawa kanina. Lahat kasi ay nasa kay Melody ang atensyon. At ang loka-loka niyang kaibigan ay hindi maampat-ampat ang tawa dahil puro hangin ang natatamaan ng mga lalaking sumusugod dito.
"Ate, tumawag ka ng pulis. Bilis!" aniya sa babae sabay bigay ng cellphone na napulot niya malapit sa walang malay na kasama nito.
Atubiling tumango ito. At nanginginig ang boses na tumawag sa pulis. Pero bago pa man makapagsalita ang babae ay natumba na ito. Hindi niya nakita ang isang lalaki na napansin sila, hinataw nito ng hawak na bat ang babae kaya nawalan ng malay. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ang lalaki. Tumayo siya at kuyom ang kamaong hinarap ito.
"Akalain niyo iyon mga pre. Dalawang nene ang nais sumagip sa ating hapunan!" nakangising wika nito. Kaya napatigil ang iba sa pagsugod kay Melody.
Tumahimik din ang kaibigan sa kakatawa. Sumeryoso silang pareho. Lumapit sa kanya si Melody. Napaismid silang pareho at nanunuyang napangiti sa mga ito.
"Oh! I am so scared!" sarkastikong wika ni Cathy.
"Yeah me too! Look, o, nangingisay ako sa takot!" nakakalokong wika naman ni Melody.
"Aba mga gagang ito ah! Makikita niyo mamaya, magmamakaawa rin kayo!" asar na tugon ng lalaking humampas sa babae kanina.
"Ay! Takot na takot nga po kami mga manong, e!" nakangising balik tugon ni Melody pero bakas sa mga mata nilang magkaibigan ang kaseryosohan.
Tawa lang ang isinagot ng mga lalaki sa kanila. Dahil dito ay naputol na ang kanilang pagtitimpi. Ang kaninang seryosong mukha nina Cathy at Melody ay napalitan ng nakakatakot na awra. Mukhang napansin naman iyon ng mga nagtatawanang kalalakihan kaya tumigil ang mga ito. Isa isa nilang tiningnan ang mga nakapalibot sa kanila. Kinabakasan ng takot ang mga mata ng mga ito na agad ding nawala.
"O, bakit kayo natahimik?" malamig na tanong ni Cathy.
"Mahal, takot na sila!" malamig ding wika ni Melody.
Pareho silang nakikiramdam at parehong hinihintay ang pagsugod ng mga nakapalibot sa kanila.
"Mahal, ang tagal naman. Nabahag ata mga buntot nila, e. Nakakangalay, mahal. Upo muna tayo," reklamo ni Melody.
"Oo nga, mahal, nakakapagod," sang-ayon ni Cathy sabay upo.
"Mahal, bato bato pick tayo. Naduwag na sila, e!" muling wika ni Melody.
Magkaharap silang nakaupo na nakacrossleg. Iniumang nila ang kanilang kamay at naglaro nga ng bato bato pick.
"Bato-bato pick!" sabay nilang wika.
"Panalo ako, mahal!" wika ni Melody. Gunting kasi ito at papel naman ang kay Cathy.
"Okey, mahal, ano ang consequence nito?" tanong ni Cathy. Pareho silang nagmamatyag sa mga kalalakihan na itinulos ata sa kinatatayuan. Kahit kasi nagbibiruan sila ni Melody ay hindi pa rin nawawala ang nakakatakot na awra sa kanilang dalawa.
"Mahal, bilang parusa hanapin mo ang pinakaduwag sa mga duwag na iyan!" nakangising wika ni Melody.
Doon natauhan ang mga nakapalibot sa kanila.
"Sino ang duwag?" dumagundong na sigaw ng lalaking halos lumuwa ang mga mata.
"Malamang kayo! At dahil ikaw ang unang nagreact, e, 'di ikaw ang pinakaduwag!" pabalang na sagot ni Melody.
"Duwag pala, ha!" sigaw nito sabay sugod sa kanilang dalawa.
Inihanda nila ang kanilang sarili ang kaninang nakacrossleg nilang pagkakaupo ay naging squat na. Naramdaman nilang sumugod na rin ang iba ng sabay sa kanilang dalawa. Nagbilang sila ng hanggang tatlo at ilang pulgada na lang ang layo sa kanila ay tumalon silang dalawa at lumanding sa likod ng mga ito. Huli na para umatras ang mga ito nang makitang wala na sila sa puwesto. Kaya ang nangyari ay nagkabanggaan ang mga ito.
"Mga manong, ano ang hinahanap ninyo riyan? Huwag n'yong sabihing nagsi-swimming kayo? Aba, ayon ang pond, o!" tuya ni Cathy sa mga ito sabay turo ng pond na sa araw ay makikita ang berdeng tubig dahil sa makapal na lumot.
Nanlilisik ang mga mata ng mga ito na tumingin sa kanila ni Melody. Tumayo ang mga ito at inilabas ang mga nakatagong balisong at kutsilyo sa mga pantalong suot.
Lalo lamang sila napangisi ni Melody.
"Mahal, gusto nilang makipaglaro, o," wika ni Melody na malapad ang ngisi.
"Mahal, game ako riyan," malapad na ngisi ring tugon niya.
Binalingan nila ang mga ito. "Mga manong, sali kami sa laro ninyo!"
"Mga bweset mga ito, pre. Tuluyan na lang natin!" gigil na wika ng lalaking singkit. Nangangalaiting sumang-ayon ang mga kasama nito.
Sumugod uli ang mga ito ng sabay na nakaumang ang hawak na patalim sa kanila.
Mabilis na nahawakan ni Cathy ang kamay ng isa nang akmang sasaksakin na siya nito. Malakas na hinatak niya ang kamay nito at pinilipit sa patalikod dahilan para mabitiwan nito ang hawak na patalim. Naramdaman niyang may dalawang dahan-dahang lumalapit sa kanya mula sa likod. Mabilis siyang nag-pivot patalikod at pasalyang itinulak sa mga ito ang lalaking hawak niya. Tumalon siya nang bahagya niyang namatyagan ang pag-atake rin ng isa sa mga ito mula sa kabilang direksyon. Bago pa man siya lumanding ay binigyan niya ng malakas na sipa ang nagtangkang atakihin siya. Sapol ito sa panga.
Sumigaw nang malakas ang limang lalaki na kalaban niya at sabay na umatake patungo sa kanya. Napaismid siya at sa isang mabilisang kilos ay hawak na niya ang mga patalim ng mga ito nang hindi namamalayan. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga ito ay muli siya tumalon pataas sabay hagis ng mga hawak na patalim sa mga binti ng bawat isa. Sa bilis ng kamay niya ay ilang segundo pa bago sabay na bumagsak at napadaing sa sakit ang mga ito. Lumapag siya malapit sa mga ito. Binalingan niya si Melody nakaupo na ito at tila naiinip na hinihintay siya.
"Mahal, ang tagal mo," reklamo nito.
"Tssk! Mabilis nga, mahal, e. Maglalaro pa sana ako. Kaso nagmamadali sila," nakangising tugon niya pa sa kaibigan.
"Paano mga ito?" tanong ni Melody sabay turo sa mga lalaking dumadaing sa sakit.
Malalim ang pagkabaon ng mga patalim sa binti ng lima dahil sinadya niya iyon. Ang mga kalaban naman ni Melody ay nagkabuholbuhol sa mga damit ng mga ito at napansin niyang duguan ang mga kamay ng mga ito. Napatingin siya sa lupa.
"Mahal inubos mo talaga ang mga gitnang daliri ng limang iyan. Aba gusto mo palang kumain ng hotdog at sausage sana nagsabi ka kanina," natatawang aniya rito. Tawa lang ang isinagot nito sa kanya.
Napansin nilang nagigising na ang dalawang babae. Agad nilang dinaluhan ang mga ito.
"Ate, okey lang ba kayo?" Narinig niyang wika ni Melody.
"Ha?" naguguluhang napatingin sa kanila ang babaeng walang malay kanina.
"Teka lang nasaan na ang mga lalaking iyon?" nahintakutang wika ng isa.
"Ayon po sila, o. Tumawag na po kayo ng pulis, ate. Para maipakulong mga iyan," balewalang wika ni Cathy.
Napanganga ang dalawang babae sa nakitang kalagayan ng sampung kalalakihang balak silang pagsamantalahan kanina.
"K-kayo ang may gawa niyan?" mulagat ang matang wika ng babaeng hinambalos ng isa sa mga lalaki.
"Nako, ate sa liit naming ito paano namin mapatumba ang mga iyan?" Kaila ni Cathy.
"Oo nga, ate. Sa laki ng katawan ng mga batugang iyan, paano namin maitutumba mga iyan?" Segunda ni Melody.
"Ha? E, s-sino ang gumawa niyan? K-kayong dalawa lang ang narito kanina bago ako nawalan ng malay," hindi kumbensidong wika ng babae.
Nagkatinginan sila ni Melody.
"Siya po!" sabay nilang bulalas ni Melody at nagturuan sa bawat isa. Sabay din silang tumawa.
"Teka mga, ineng. Sino ba talaga? Wala nga sa mukha ninyo ang mapatumba mga iyan. Pero nakita ko kanina ang paglaban niya (sabay turo kay Melody) sa mga hayop na iyan. Kaya alam kong kayo may gawa niyan," malumanay na wika ng babae. Sapantaha ni Cathy ay kalmado na ito.
"Aish! Ate, tawag na lang po kayo ng pulis. At huwag n'yo na lang po banggitin ang tungkol sa amin. Sabihin niyo nalang po na nawalan kayo ng malay tao tapos paggising niyo ganyan na sila," sawata ni Melody.
"Siya sige. Kung sa bagay hindi rin naman maniniwala ang mga pulis na kayo ang may gawa niyan. Kasi mukha kayong inosente. Anyway ano nga pala pangalan ninyo? At gabi na bakit pagala-gala pa kayo?" anito habang may dinadial sa cellphone nitong thirty three ten.
"E, ate, ako si Cathy," pakilala niya at bumaling sa kaibigan, "siya naman po ang kaibigan kong si Melody. Ano po pangalan ninyo?"
"Ako si Teresa at siya ang kapatid kong si Rubie."
"Sige po, ate. Babalik na po kami sa pagtulog. Maaga pa kami bukas, e," paalam nila ni Melody.
"Teka saan kayo umuuwi? Ihahatid namin kayo," pigil sa kanila ni Teresa. Si Rubie kasi ay parang wala pa rin sa sarili. Tulala ito.
"Nako po, ate. Huwag na. Diyan lang kami sa malapit natutulog," ani Melody.
Nais nilang matawa nang nanlaki ang mga ni Teresa. Hula ni Cathy ay naintindihan nito ang ibig nilang sabihin.
"No. Sumama kayo sa amin. Doon na kayo tumira sa amin," wika nito.
"Ate, salamat na lang po. Pero mas gusto naming magbanat ng buto para sa aming kakainin araw-araw," pangangatwiran ni Cathy na sinigundahan naman ni Melody. Bakas sa mukha nila ang kaseryosohan.
Ilang minuto ring pinag-aralan ni Teresa ang kanilang mukha. Inaarok ang kanilang mga mata at inaalam kung seryoso nga sila.
"Okey ganito na lang. Paalis kami ng kapatid ko sa makalawa. Papunta kaming US at doon na maninirahan. Mayroon kaming paupahang apartment at wala kaming pagbibilinan. At para hindi ako mag-alala sa inyo na walang masisilungan nang maayos, e, kayo ang kukunin kong caretaker. Sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan naman kayo. Sa isang unit, kayo ang titira at libre lahat. At may sweldo kayong matatanggap," mahabang paglalahad nito.
Saglit silang nag-isip ni Melody. Nagkatinginan muna sila bago sumagot kay Teresa.
"Sige po, ate. Payag po kami. At huwag po kayong mag-alala aalagaan namin ng mabuti ang iyong mga apartment," walang pag-aalinlangang wika ni Melody.
Mahirap sa kanilang magkaibigan ang magtiwala kaagad. Pero mas mainam nang sunggaban nila ang inaalok nito. May masisilungan na sila at may trabaho pa. Ramdam naman nilang hindi masasama ang dalawang babae na kakakilala lang nila. At sa lahat nang napagdaanan nila sa loob lang ng isang taon, alam ni Cathy na kaya nilang magkaibigan na depensahan ang sarili kung kinakailangan.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Mauie Zyne Sanico

    hi 🥁🎸🎸🥁🤧🎸😦👍🏻🫥🫥🤖👍🏻🫨🎀🥴😫😫🎀😦😆👍🏻🫥🤧👍🏻😆👋🏻🥴😫😫😦👍🏻😐😐 rdftgjjyygffswrhhugrr?

    20/07

      0
  • avatar
    Mj Josef Mangubat

    good

    10/07

      0
  • avatar
    Arnel Dumaan

    I like this story very much

    25/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes