logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4 (Maghiwalay ng Landas)

"HANGGANG dito  na lang ba? Ito na ba ang katapusan namin? Bakit Po? Ano ang aming kasalanan? Bakit Ninyo ipinaranas sa amin ang impyernong buhay na ito sa murang edad? Bakit Ninyo kami pinabayaang lapastanganin ng mga taong ganid, makasarili at walang kaluluwa?  Bakit? Bakit Mo pa kami hinayaang maisilang sa mundong ito kung ipapalasap Mo lang pala ang ganitong uri ng pamumuhay sa amin? Akala ko ba Diyos Kang mapagmahal? Akala ko ba Ikaw ang aming tagapagligtas? Bakit? Kung totoong mahal Mo kami, iligtas mo kami rito!" puno ng hinagpis na wika ni Cathy habang nakatingala.
Nang oras na iyon ay parang nagugunaw ang kanyang mundo. Kinuwestyon niya ang Maykapal kung bakit ganito ang kanilang nararanasan. Pinalaki siya ng kanya ina na malapit sa Diyos. Pero bakit ngayon ay ganito? Bakit wala man lang itong ginagawa para mailigtas sila?
"Mahal na Ama patawad kung kinukuwestiyon Kita. Ama maawa Ka. Ayoko na Po. Pakiusap kunin N'yo na po ako ngayon. Huwag N'yo na pong hayaang mahawakan pa ako ng mga demonyong ito!" muling panaghoy niya sa isipan.
Ramdam niyang malapit na siyang panawan ng ulirat. Halatang bangag na rin ang mga bantay nila pero malakas ang tawanan ng mga ito. Nalingunan niya si Melody na tahimik ding umiiyak. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Hindi niya rin alam kung ilang oras na silang ganoonang kalagayan. Lihim niyang hinihiling na sana makabalik na ang apat at si Jayson. Ang mga ito na lang ang kanilang pag-asa.
"Mga hayop kayo! Pagbabayaran n'yo ito!"
Nabuhayan siya ng loob nang marinig ang boses ni Kate!
"Ama, salamat po. Patawad kung pinagdudahan ko Kayo." Piping pasasalamat ni Cathy.
Kasunod niyon ay sunod-sunod na putok na hindi niya alam kung saan nanggaling. Ibinaling niya ang paningin sa pinanggalingan ng boses ng kaibigan. Nakita niyang dumurugo ang braso nito pero nanlilisik ang mga matang pinagbabaril ang kanilang mga bantay hanggang sa lahat ay bumulagta.
Nilapitan sila nina Kate, Midchelle, Surene,  at Thine nang masigurong patay na ang mga bantay nila. Agad silang kinalagan at inalalayan pabalik sa kanilang barracks. Nakasalubong nila si Jayson. Nanghihina man ay sinabi niya rito ang nangyari. Sinabihan sila nito na dito na muna sila sa barracks at huwag lalabas hangga't hindi ito bumabalik. Hahanapin umano nito si Lanie.
Hindi pa sila nagtatagal sa loob ng barracks ay nakarinig sila ng kalabog sa katapat na barracks. Alertong tumayo si Kate. Alam niyang nanghihina rin ito dahil hindi maampat-ampat ang pagdugo ng sugat. Hindi ito nagpaawat na lumabas. Ilang saglit lang pagkalabas nito ay narinig nila ang galit nitong boses.
Makalipas ang kalahating oras ay pumasok si Jayson na bitbit ang walang malay na si Kate.
"Magbihis kayo. Ayusin ninyo ang inyong sarili. Ilalabas ko kayo mula sa impyernong lugar na ito. Ihahatid natin sa hospital si Kate. Sige na, bilisan ninyo!" utos ni jayson sa kanila.
Mabilis na tumalima sina Midchelle, Surene, at Thine. Pagkatapos mag-ayos ng tatlo ay tinulungan sila ni Melody para magbihis.
"Mga anak ihahatid ko kayo kung saan ninyo gustong magpahatid. Pero dalhin muna natin si Kate sa hospital. Tatawagan ko na lang ang kanyang ama. Pasensiya na kayo hindi ko kayo maaaring isama dahil tatakas din ako at magpakalayo pagkahatid ko sa inyo. Isa lang ang maipapangako ko babantayan ko kayo mula sa malayo. Kung mangyari mang mabigo akong bantayan kayo ay hahanapin ko kayo pagdating ng tamang panahon. Ang hiling ko lang sa inyo kung ano man ang natutunan ninyo sa loob ng anim na buwan sa lugar na iyon ay gamitin ninyo sa mabuti. Alam kong sa loob ng anim na buwan ay nagbago ang pananaw ninyo. Sa murang edad ay namulat kayo sa mga bagay na hindi akma sa inyong gulang. Nais ko man kayong isama pero hindi pwede. Sa paghiwalay natin mamaya ay pilitin ninyong mamuhay ng normal at ayon sa inyong edad," maluha-luhang wika ni Jayson.
Tahimik silang lahat. Wala ni isa ang nais magsalita o tumugon sa sinabi ni Jayson. Bawat isa ay nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Cathy, Melody, alam kong nanghihina pa kayo kaya kailangan din ninyong magamot. Tatawagan ko na lang ang inyong magulang kung nasaan kayo," pagkuwa'y wika ni Jayson.
"Kuya, huwag na po. Magpapahinga lang ako ng isang araw sa hospital at aalis na rin. Sisikapin kong buhayin ang aking sarili," wika ni Melody.  Ganoon din ang sinabi ng iba niyang kaibigan. Kahit si Cathy ay sumang-ayon din.
Nais man niyang makita ang kanyang ama pero sa tingin  niya ay hindi pa panahon para magpakita sa kanyang ama. Pero kaya ba niyang mabuhay nang nag-iisa?
"Tatandaan namin lahat nang sinabi mo, kuya. At sisikapin namin na tahakin ang mabuti. Tama ka sa murang edad ay namulat kami sa karahasan ng mundo. At ito ang nagbigay daan para maintindihan namin ang mga bagay na matatanda lang ang dapat makaintindi. Naging biktima tayo ng mga taong makapangyarihan dahil sa salapi. Mga taong akala diyos ang tingin sa salapi at sarili. Mga taong DUWAG, na ginagamit ang kahinaan ng iba para sa kanilang kasiyahan!" bakas ang galit sa boses ni Cathy habang sinasabi ang mga ito.
Bagaman nanghihina pa rin siya ay hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang kamao nang mahigpit. Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Para sa kanya ay isa iyong bangungot.
NANG maihatid sila ni Jayson sa lugar na nais nila ay tuluyan nang nawalan sila ng komunikasyon sa bawat isa. Maliban kay Melody. Magkasama sila sa pagamutan at napagkasunduan nilang huwag maghiwalay.
Mula nang araw na iyon ay malaya na sila mula sa impyernong lugar na iyon. Pero ang bangungot ng karahasan na bigay ng lugar na iyon paulit-ulit silang hinahabol.
Natapos ang araw na iyon na nagkahiwa-hiwalay silang magkakaibigan. Pero iyon din ang simula ng kani-kanilang pakikibaka at pakikibuno sa agos ng buhay.
Pagkalabas nila ni Melody sa  hospital ay naging palaboy-laboy sila sa lansangan. Humihingi ng barya sa mga tao para lang makakain. Naranasan nilang magutom at mangalkal ng tira-tirang pagkain sa basurahan. Ilang beses  silang magtangkang magnakaw pero sa huli ay hindi rin  nila itinutuloy. Iniiwasan din nila ang pakikipag-away dahil alam nilang mapapahamak lang sila.
Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan nilang gamitin ang kanilang kakayahan sa pakikipag-away.
 
 

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Mauie Zyne Sanico

    hi 🥁🎸🎸🥁🤧🎸😦👍🏻🫥🫥🤖👍🏻🫨🎀🥴😫😫🎀😦😆👍🏻🫥🤧👍🏻😆👋🏻🥴😫😫😦👍🏻😐😐 rdftgjjyygffswrhhugrr?

    20/07

      0
  • avatar
    Mj Josef Mangubat

    good

    10/07

      0
  • avatar
    Arnel Dumaan

    I like this story very much

    25/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes