logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Baliw  na Puso

Baliw na Puso

Gemvilla


Chapter 1 (kamusmusan)

"MAMA, what are we doing here?" inosenting tanong ng labingdalawang taong gulang na si Cathy sa kanyang madrastang si Amanda.
Dinala siya nito sa isang medyo masukal na bahagi ng kagubatan kung saan sila nag-camping. Isang lingo na silang naroon at ngayon ang huling araw ng kanilang camping na mag-anak. Kasama niya ang kanyang ama at madrasta pati ang step sister niya na kasing edad lang niya.
Inaayos niya ang kanyang mga gamit kanina nang yayain siya ng kanyang madrasta na samahan ito. Tumango at sumama lang siya nang hindi nagtatanong kung bakit at saan sila pupunta.
"Anak, saglit lang, ha. May kukunin lang ako banda roon," sabay turo nito sa mas masukal pang bahagi ng gubat. "Dito ka lang, madali lang ako," nakangiting wika nito.
"Sige po, mama."
Halos anim na buwan pa lang niyang madrasta ito. Namatay ang kanyang totoong ina noong sampung taong gulang siya. Hindi naman siya nahirapang tanggapin ang madrasta dahil mabait ito. Ang anak nito ay kasundo niya rin.
Dali-dali namang umalis ang babae patungo sa direksiyong itinuro nito. Ngunit lumipas ang isang oras ay hindi na ito bumalik.
"Mama!"
Ilang beses niya itong tinawag pero walang sumasagot. Napagpasyahan niyang tunguhin ang direksyong pinuntahan nito. Ngunit bigo siyang makita ang babae. Ilang oras na siyang paikot-ikot sa lugar pero walang bakas ng kanyang madrasta. Umiiyak na siya sa takot. Hindi niya alam ang pabalik sa kanilang camping site. Alam niyang nag-aalala na kanyang pamilya lalo na ang kanyang ama.
Napakislot siya nang makarinig ng mga kalukos. Nahihintakutang naghanap siya ng mapagtaguan. Makalipas ang ilang minuto ay may narinig siyang boses ng mga kalalakihan.
"Paniguradong nandito lang iyon. Dito raw niya iniwan ang paninda, e." Sa narinig ay lalo siyang kinabahan na hindi niya mawari.
Nais niyang lumabas at humingi ng tulong sa mga taong naririnig niya at nakikita na niya. Pero parang may pumipigil sa kanyang gawin iyon. Hinalughog ng mga ito ang buong paligid na parang may hinahanap na kung ano. Kinalma niya ang sarili at hindi gumawa nang kung anong ingay. Pilit niyang nilalabanan ang takot na lumukob sa kanyang buong sistema.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nagdasal para sa kanyang kaligtasan. Nang mapanatag ang kanyang kalooban ay unti-unti niyang inimulat ang kanyang mga mata.
"Bulaga!"
Napasigaw siya dahil sa gulat. Bumungad sa kanya ang nakakatakot na mukha ng isang lalaki. Nakangisi ito kaya kitang-kita niya ang naninilaw at sungki-sungki nitong mga ngipin. Kung nakakamatay lang ang amoy ng bunganga nito ay kanina pa siya natigok.
"B-bakit p-po," nahihintakutang tanong niya dito. Nanginginig siya sa takot.
"Bata, narito ka lang pala pinahirapan mo pa kami sa paghahanap sa iyo!" inis na wika ng isa pang lalaki.
"Labas na riyan, bata. Hindi ka namin sasaktan basta sumama ka sa amin nang matiwasay," malumanay naman na wika ng isa pang lalaki. Sa sampung mama na naroon ay ito lang ang may maamong mukha at hindi nakakatakot ang hitsura.
"B-bakit p-po ako s-sasama sa inyo? K-kayo po ba a-ang rescue team na pinadala ni daddy?"
"Hindi, bata. Kami ang kukuha sa iyo, ibinenta ka sa amin ni Amanda," sagot nito.
"P-po?" Nagimbal siya sa narinig. Hindi siya ganoon kabobo para hindi makuha kaagad ang ibig sabihin nito. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng kanyang madrasta. Ngayon niya lang napagtanto na sinadya siya nitong iwanan sa gitna ng kawalan.
Wala sa hinagap niyang kaya siya nitong ibenta sa ngalan ng salapi. Hindi niya alam. Hindi man lang siya naghinala. Dahil sa lahat nang babaeng ipinakilala sa kanya ng ama ay ito lang ang hindi niya nakitaan ng motibong pera ang habol sa kanila.
Sa murang edad na sampu kung kailan namatay ang kanyang tunay na ina ay natuto siyang mag-isip ng tulad sa nakatatanda. Pinilit niyang unawain ang lahat ng bagay na dapat ay matatanda lang ang nakakaunawa. Hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ama. Bagkos ay mas nais pa nitong ma-enjoy niya ang pagiging bata na akma sa kanyang edad. Pero mas pinili niyang maging mature ang pag-iisip. Kaya sa edad na sampu pa lang ay nagiging aware na siya sa mga nangyayari at mabilis niyang nauunawaan ang lahat.
Hindi niya namalayang namalisbis ang mga luhang kanina pa niya pinipigalan dahil sa sakit. Hindi na takot ang namamayani sa kanya kaya siya umiiyak kundi sakit. Nasasaktan ang kalooban niya dahil para siyang paninda sa palengke na ibinenta ng kanyang madrasta. May munting galit na gumuhit sa kanyang puso.
Walang karapatan si Amanda na ibenta siya! Hindi pa ba sapat ang pera nilang mag-ama? Bakit nito nagawa ang bagay na iyon? Nais niyang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong nagsulputan sa kanyang isipan. Nais niyang masagot ang mga ito sa mga oras na iyon mismo!
"Huwag kang mag-alala, bata pagkalipas ng isang taon ay makakauwi ka na. Basta sundin mo lang ang ipapagawa sa iyo. At may mga makakasama ka sa patutunguhan natin," pukaw sa kanya ng lalaking may maamong mukha.
Sa tingin niya ay ito ang pikalider ng mga kalalakihan. May nag-uudyok sa kanya na magtiwala sa mamang malumanay na nagsasalita. Pero naroroon pa rin ang takot niya na baka patayin siya ng mga ito.
"K-kuya, mayaman p-po ang daddy ko. K-kung gusto ninyo ng pera mabibigyan niya kayo. B-basta po ibalik n’yo lang ako sa kanya," pakiusap niya rito.
"Tssk! Ibinenta ka na nga ng madrasta mo sa amin ng dalawampung milyon, hihingi pa ba kami sa ama mo?" natatawang wika ng isa pang lalaki.
"Timahimik ka, Tiburcio!" bulyaw rito ng mamang kumakausap sa kanya. "Anyway, ako si Jayson," baling nito sa kanya.
"A-ako po si Cathlyn Rhaye Mauricio De Mesa," pakilala niya sa kanyang buong pangalan.
Nakita niya ang saglit na pagkagulat sa mukha ni Jayson. Tinitigan siya nitong mabuti at napabuntong hininga.
"Halika na, Cathlyn. Huwag kang matakot. Sinisiguro ko sa iyong pagkatapos ng isang taon ay makakauwi ka na," anito.
Wala siyang nagawa kundi sumama sa mga ito. Natatakot siyang maiwan sa kagubatang iyon na mag-isa. Panghahawakan niya ang sinabi nitong makakauwi siya makalipas ang isang taon.
"Bahala na! O, Panginoon ikaw na po ang bahala sa akin. Hinihingi ko ang iyong gabay at proteksyon," piping dalangin niya habang sumasabay sa paglakad ng mga lalaki.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Mauie Zyne Sanico

    hi 🥁🎸🎸🥁🤧🎸😦👍🏻🫥🫥🤖👍🏻🫨🎀🥴😫😫🎀😦😆👍🏻🫥🤧👍🏻😆👋🏻🥴😫😫😦👍🏻😐😐 rdftgjjyygffswrhhugrr?

    20/07

      0
  • avatar
    Mj Josef Mangubat

    good

    10/07

      0
  • avatar
    Arnel Dumaan

    I like this story very much

    25/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes