logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4: Kasalan ng mga Talim

Nagpasya kaming silipin ang mga nagdaraan, sumilip lang kami sa maliliit na butas ng bintana.
Nakita namin ang isang parada na parang sagala effects at puro sila mga nakaitim na damit at naglagay din sila ng eyeliner sa kanilang mga mata para umitim ang gilid ng kanilang mga talukap.
Masaya din sila habang kumakanta....
🎼🎶
Dolojion fuen ii dein
Dolojion fuen ii dien
ii dein zieñu Igonn
Devigi, devigi, devigi
Rinig na rinig namin ang paulit-ulit nilang kinakanta.
Lalong-lalo na ng mga batang mas malakas ang kanilang boses kaysa mga katandaan.
"Ano kayang ginagawa nila?" Takang bulong ni Annabel sa mahinang bulong.
"It's look like sagala? Uhm, like an parade?!" Ani, Lea. "I see that all women out there are covered with black veil?!" Bulong din ni Lea. 
"And they are crying for help!" Imik kong bulong din. "So creepy to see...." 
"All men are happy with that shits tradition. So disgusting!" Ani, Annabel.
Nakita naman namin ang mga babaeng nakapang-kasal ng itim na pinagigitnaan nilang lahat. May tabun na itim na belo ang mga babaeng nakapang-kasal.
"Ang dami nila. OMG!" Si Lea. Mahinang usal nya.
Tahimik lang ako habang nakikita ko ang pagdaan nila. Rinig na rinig pa rin namin ang kantahan nilang sinasambit.
Nakadama kami ng takot....
Mistulang kasing naglukluksa ang mga nilalang sa likod ng tabun ng telang itim. Na parang may ililibing at kakaiba ang aura ng mga ito. Medyo lang na rinig namin na para silang umiiyak at kakaiba ang iyak nila.
Sa takot namin ay nag-alisan kaming tatlo sa bintana at bumalik na kami sa mga higaan namin na dala ang mga nakakakilabot na nakita namin.
****
Sa hanay ng mga babaeng nakapangkasal ng itim.
Nagtaas ng tingin ang isa sa mga nakabelong itim sa mga bahay na dinaraanan nila, wari'y naghahanap ng mahihingian ng tulong para makalaya sya.... umiiyak ang babae na tila nagluluksa sa kawalan ng pag-asa.
"Guys! I felt so much scared now!" Bulong ni Lea.
"Pinagsisihan kong sumilip pa tayo." Bulong din naman ni Annabel.
"Me, too." Ako rin na naglabas na rin ng takot na nakatago lang sa puso ko kanina pa.
----------------------------
SA LUGAR NG MGA TALIM
May kasayahan ngang magaganap, may gagawin silang ritual.
Isang kasalan....
Umiiyak ang mga babaeng nadukot para pagpilian ng mga talim na mag-aasawa na sa edad na 22 years old. 
Nasa kanang side ang mga lalaking pinag-alayan ng mga nalikom na mga babae mula sa iba't ibang bansa o lugar. 
Ang iba sa mga lalaki ay mukhang babae at ang iba naman ay lalaking-lalaki ang anyo.
Nasa kaliwang side naman, ang mga dalagang ipinagkasundo sa isang talim. Ang iba sa kanila ay umiiyak pa din, ang iba ay hindi na. 
Ngunit ang isa sa mga babaeng ipinagkasundo ay umiibig sa isang talim.
Nakatali ang mga babaeng tabun ng telang itim at nag-iiyakan ang mga ito. Iginapos silang lahat na magkahiwalay ang kamay na parang nakadipa pataas.
"Ayaw ko sa inyo!" Sigaw ng isa sa mga babaeng umiiyak sa mga nakahanay sa kanang side. "Pakawalan nyo ko dito!"
"Don't worry, Babe. Diba English yun? Mag-aasawa ka ng gwapo!" Maangas nitong sabi sa babae. "Gwapo ang mga pinsan ko." Pagyayabang pa nito. May anak at asawa na rin ito ngunit binata sya kung tingnan dahil sa maagang pag-aasawa.
"Tappe khe zsat ballam!" 
(Mag-aasawa na tayo!!) Masayang sabi ni lalaki 1.
"Khe zsam ectu ney." (Ito ang napili ko.) Sabi ng isang itsorang babae ngunit lalaki ito.
Itinuro nya ang nasa gitnang nakagapos. At hinawi nya ang lugay nitong buhok. Ngunit iniilag ng babae ang mukha nya.
"Akin ka ha!" Malamyos na sabi ng isang mukhang babae.
"Ayoko sayo. Ayoko sa bakla." Diin ng babae sa huli nyang sinabi.
"Mukha lang akong babae, magkaiba ang bakla at feminine look." Inis na sabi naman nito.
Nasaharap sila ng tatlong magkakahanay na babae. Hindi kagandahan ang babae pero game na game silang mamili.
"Sebba! Ive peolen avi tta nappe que." (Sige! Akin naman tong isa, sayo na sya.) Si lalaki 3.
Itinuro naman nito ang isang pangit na babae na medyo malaki ang baba. Agad nya itong hinawakan sa pisngi.
"Please! Ang pangit ko oh. Matitiis mo tong mukhang to! Titigan mo ba to sa gabi? Huh??? Wag na ako, sa iba ka na lang... sige na... parang awa mo na." Pagmamakaawa ng panget na babae.
"Kung sa kagaya mo, pangit ka? Sakin ulam ka!" Sabi naman ng napaka-gwapong lalaki at tumitig ito sa babae ng mala-demonyo at saka ngumisi na parang wala nang kawala sa kanya ang pangit na dalaga. "Kung hindi ka mapipili ngayon, mapupunta ka lang sa palahian, ano? Gusto mo yon? Kung sino-sinong matatandang Igonn ang manglalahi sayo?!" Sabi pa nito sa babae.
Sa ibang usapan naman...
"Please naman oh, wag na ako. Ikakasal na ako eh, parang awa mo na, palayain mo na ako." Pagmamakaawa ng babae kahit alam nyang hindi sya pakikinggan.
"Oo, ikakasal ka, pero sa akin!" Sabi ni lalaki and he kissed her on the lips.
Napairit ang babae at nagwawala sa pag kakatali nya. Matapos nun ay umiyak na lang ito ng umiyak.
"Oh? Nakita mo yung katabi mo? Ganun lang kabilis ang kasalan dito." Sabi ng lalaki dahil nakatingin sya sa nangyari sa babaeng kanyang katabi. 
"Ayoko! Ayoko sayo!" Singhal na sabi ng babae dito.
"Hmp! Pasensya ka! Asawa na kita eh." He grabed the girl's head and he forced to kissed her on the lips too. 
Nagpumalag pa ang babae pero sa huli wala rin syang nagawa. Magiging asawa na sila ng isang taong talim.
"Cogin khay sutten, maneir khen settu, dien zse malfien." (Wag mag-agawan, marami sila. Lahat ay magkakaroon.) Saway ng isang ama na lalaki sa mga mag-aasawang parang nag-aagawan sa mga babae ang kanilang aura.
"Kiot?! Pareol khe ebcio khoy ii Levegin?" (Ano?! Nagustohan nyo ba ang mga kababaihan?) Baling naman nito sa tatlong namili kanina.
"Um, Pelcan..." (Oo, Guro...) Masayang sagot ng tatlo.
"Anchie feem tta dde!" (Mabuti kung ganun!) Ang pinuno nila.
"Hajie!" Ang tatlo. (Pagsaludo)
Sa iba namang parte ng mga namimiling mga kabinataan.
"Wag na lang ako... Please, nagmamakaawa ako sayo!" Sabi ng babae at umiiyak. Maganda ito at pam-beauty queen ang ganda.
"Mamili ka? Mabuhay ka o mamatay ka?" Tanong talim sa kanya, at parang nananakot dito ang boses pati na rin ang tono ng pananalita.
"Mamatay na lang ako... Ayoko talaga sayo." Mabilis na sagot ng babae.
Sumimangot ang gwapong binata.
"Ikaw ang may sabi nyan." Agad pinatay ng binata ang babaeng kaharap nya.
Lumundo sa pagkakatali ang duguang bangkay ng babae at walang ampat ang daloy ng dugo nito sa leeg. Medyo nangingisay pa ito at dilat din nang mamatay ito.
"Sayang ka, pero ginusto mo yan!" Sabi ng talim.
"Hano! Diojan buddi kha gutten tte, xioni nom khe tuival ebyo ii Maih." (Anak! Matindi talaga ang galit mo sa bayan ng iyong ina.) Sabi ng kanyang ama.
Dahil nakita nito ang walang awang pagpatay nya sa kanyang kaharap.
"Kerozo ebcio, Aish, feem neon ddet guam ane." (Kasalanan nyo, Ama, kung bakit ganito ako.) Sabi nito na galit ang tono.
"Hmmmm..." Ang naging imik na lang ng kanyang ama.
Sa ibang dako pa...
"Ayoko sayo.... Hindi kita gusto... Ayoko sayo!" Sabi ng babaeng umiiyak.
"Mabuhay ka o mamatay ka?" Ang tanong ng talim.
"Mama----" naputol ang sasabihin ng babae.
"---- Kapag ako ang pinili mo mabubuhay ka at yayaman ang pamilya mo." Sabi agad ng lalaki upang pigilin ang pagpili nito.
"Pero ikaw ang makakasama ko, ayoko sayo." Sabi ng babae habang umiiyak.
"Kayamanan, Mahal ko!" At idinampi ang mukha nya sa pisngi ng babae dahil nakaiwas ang mukha nito sa kanya. "Kayamanan na lang ang naisin mo. Kaya ko ring ipangako sayo ang kaligtasan ng buong pamilya mo." 
"Please! Patayin mo na lang ako," Matibay na sabi nito. "Ayoko talaga sayo." Dagdag pa nitong pagtanggi habang naluha ang mga mata.
"Kapag hindi mo binawi yan. Pati ang buong angkan mo idadamay ko. Lalo na ang pamilya mo at ipapakita ko muna silang mamatay sa harapan mo bago kita patayin." Hinawakan nya sa leeg ang babae at saka tinitigan ng masama. 
Natakot ang babae sa sinabi nitong pambabanta sa kanyang buong angkan at pamilya.
"Kaya uulitin ko? Mabuhay ka o mamatay ka?" Galit na sabi nito.
Lalong napatitig ang babae sa kanya habang nag-iisip at pagdaka ay naluha na lang ito sa pagkakatali.
"Bakit pa ba ako nagtatanong, eh pwede namang dayain?!" Agad nyang hinalikan ang babae nang walang pasintabi.
Nagulat na lang din ang babae sa bilis ng naging pangyayari. Umiyak na lamang ito sa kaapihang naranasan.
"Paliligayahin kitang lagi, Pajivie!" Malambing na sabi nito.
"Hayop ka! Ang sama mo!" Sumbat na lamang sa kanya ng umiiyak na babae.
Hindi sya pinansin ng lalaki at parang wala rin itong pakialam sa nararamdaman ng babae.
PAJIVIE= DARLING
"Viode zsen ii teven. Suwe zse devig tta dien. Aibay feemebcio kiot pareol dden!" (Tapos na ang kasalan. Maari nang magsaya ang lahat. Gawin nyo kung anong gusto nyo!) Sabi ng kanilang hari habang tumatawa dahil sa kasayahan.
"Hajie, Rah!" Masayang sabi ng lahat.
"Evo, hakain dde raixin khe tappe zsa gauezi tta yunnu nettu." (Evo, kaunting panahon na lang, ganyan na rin tayo tulad nila.) Si Henze.
"Ane keilin zsat ii weidu!" (May nakita na akong reserba!) Masayang sabi naman ni Evo.
"Korin? Yee zso lihao?" (Alin? Yun bang dayo?) Si Mao.
"Khe kiot zsay dden?" (Ano pa nga ba?) Sabi na lang ni Evo.
Pinanonood nila ang nagsasayang mga kabinataang naikasal sa mga babaeng nakatali. Napagod na lang sa kaiiyak ang mga babae. Kakaiba ang ritual nila dahil matapos ang sayawan.
"Aibay dde nemet ii Havai-curo. Pabveo zse cairaz ii Belinim aguzi." (Gawin na natin ang Havai-curo. Tanda ng pagsasama ng dalawang nilalang.) Muling pag-a-announce ng kanilang Hari.
"Hajie, Rah!" Ang mga lalaking ikinasal.
Kinalagan ang kanang kamay ng mga babaeng nakatali. Binigyan ang bawat groom ng tig-iisang kutsilyo na style balisong na kulay ginto.
"A-a-anong gagawin nyo samin?" Nagtatakang tanong ng isang babae at may takot ang tono nito. "Sasakyan mo ba ako?"
"Sugatan mo ng pahalang ang palad ko." Utos ng binatang talim sa inasawa.
"Bakit?" Painis na tanong nito.
"Para maging sing-sing natin." Sagot nito.
"Hindi ah, ayoko sayo!" Sabi nito.
"Sige! Ipapalit ko na lang ang buhay ng buong angkan mo, at kahit naman kasi hindi mo to gawin. Ballan na kita, kaya kung ako ikaw sumunod ka na lang, para mabuhay ng ligtas ang pamilya mo." Sabi ng talim sa babae at parang sa demonyo ang mga titig nito, pati na rin ang pagkakabigkas nito ng kanyang mga sinabi.
Napaluha na lang muli ang napipilitang babae.
"Ano! Gawin mo na, simple lang yan." Sabi nito.
"Tatandaan mo to, ninakaw mo lang ako." Matigas na sabi nito.
"Ang tagal naman! Naiinip na ako!" Saad ng lalaki at walang pakialam sa nararamdaman ng kapwa.
Ginawa nga ng babae ang gusto ng kaharap, sinugatan nya ito sa kaliwang palad na inilahad ng lalaki. Habang sya'y umiiyak. Nang magawa na nya. Agad-agad ay kinuha ng lalaki ang kamay ng babae at sinugatan ng pahalang din sa kanang kamay nito.
"Aray!" Sigaw ng babaeng nasaktan at napaiyak ito.
Sabay-sabay silang ginawa yun sa kanilang mga partner pwera lang yung pumatay ng babae dahil hindi sila ang pinili ng mga ito.
Walang pakialam ang mga lalaki sa sakit na naibigay nila sa mga babae. Agad nilang idinaop ng sapilitan ang kapwa nila may sukat at itinapat sa isang maliit na itsorang paso na kasing laki lang ito ng lalagyanan ng wedding ring.
"Aray!" Malakas na sigaw ng babae. "Tama na! Tama na!" Pagkukumawala ng babae sa pagkakatali dahil sa matinding sakit.
"Saglit lang yan, Pajivie!" Sagot ng kapartner nyang talim.
Kagaya ng babaeng nagwawala. Ganun din ang reaction ng maraming babae na sapilitang piniga ang kamay na may sugat at pinatulo sa lalagyanang maliit. 
Ang mga bata mula sa kanilang lahi ang may hawak ng magsisilbing ARAS ng mag-partner na pinagtuluan ng dugo ng mga ito.
Natapos ang magdamag na puro kasayahan nila ang naghahari sa kanilang teritoryo.
------------------
Dumating na ang araw ng pag-alis nina Mommy Anna at Daddy Patrick.
"Wag mo silang alalahanin, anak. Iingatan ko sila." Sabi ni Lola Maria kay Anna.
"Lagi kaming tatawag." Ani, Mommy Anna.
"Bye! Mommy and Daddy, be careful palagi." Malungkot na lamang na sabi ni Annabel sa mga magulang.
Nilapitan sya ng ina at muling niyakap. Umiiyak si Annabel sa pagkakayakap ng ina nya.
"Mommy, I'm so scared here. Please, Mommy, sasama na ako pabalik." Bulong ni Annabel sa Mommy nya.
"Anak, kunting tiis lang. Magpakabait muna kayo sa Lolo at Lola ninyo at makikinig palagi sa kanila, kukunin namin kayo sa susunod na pagbalik namin. Okay?" Bulong ding sabi ni Anna sa anak nya.
"But, how long?" Bulong nito sa ina.
"Basta, wait for us, okay? I love you very much!" Malambing nitong sabi sa magulang.
Naiiyak man si Mommy Anna sa gagawin nilang mag-asawa, pero wala syang magawa kundi ang ipagkatiwala ang anak sa kamag-anak.
"Sandali lang kami don, girls, and after that, we promise that we will pick you up." Pangako naman ni Daddy Patrick saming dalawa ni Lea.
"Come back immediately, okay?" Bulong na lang ni Annabel sa ina.
"Yes, baby, we will do it!" Bulong din ni Mommy Anna sa anak at saka hinalikan ito sa noo bilang pamamaalam.
"Uhm, Uncel Patrick, pasabi kina Mommy and Daddy, sunduin ako dito." Bilin ni Lea sa tiyo.
"I will..." Sabi na lang ni Daddy Patrick.
"Pasabi rin po kina Mommy and Daddy, I'm fine here, just takes their time." Sabi ko naman sa tiyo namin.
"Okay, just listen what they instructions, and everything will be fine here." Bilin din ni Daddy Patrick samin. "Wag masyadong pasaway at matigas ang ulo, ha?" Dagdag pa nitong sabi.
"Yes po, Uncle." Imik na lang namin ni Lea.
"Ingat kayo sa daan, Mommy, Daddy..." Malambing na bilin na lang din ni Annabel sa magulang nya.
Humalik muli si Mommy Anna sa pisngi ng anak at si Daddy Patrick naman sa noo nito.
----------------
FIRST DAY OF SCHOOL...
We are grade 12 already.....
Sa Manila kami nag-aral ng highschool hanggang grade 11 at dito na siguro namin sa probinsya tatapusin ang grade 12 hanggang college.
"Ay! Ano ba yan?!" Dismayadong reaction ni Annabel ng makita ang aming mga pangalan sa white paper na nakadikit sa bawat pintoan ng classroom. "Panghapon pala tayo? Pa'no na yan?" Malungkot pang sabi nito.
Nanlumo kaming tatlo, dahil sa kabilin-bilinan sa amin na wag kaming paaabot ng gabi sa daan.
"Hala! OMG! It can't be..." Sabi na lang ni Lea.
"Patay tayo dyan! Paano na to?" Sabi ko naman.
"Guys! I-try kaya natin na makiusap sa principal?" Suggest ni Lea.
"Hindi naman kaya tayo pagalitan nyan?" Si Annabel.
"I don't know, atleast we tried." Si Lea.
"Baka kasi ang akala sa atin nasa malapit lang ang bahay. Siguro i-try na rin natin, magbaka sakali lang tayo." I just said.
Nakalagay dun ang bawat pangalan ng students and their grade levels and section.
"Pero thanks to God, Guys! Classmates tayong tatlo." Masayang reaction muli ni Annabel.
"Buti na lang talaga!" Sabi ko rin na masaya.
Usapan naman namin habang naglalakad papunta sa principal's office.
"Ay! Sir, Good morning po. Can we asked?" Tanong ko sa gurong nakasalubong namin.
"Yes, what is it?" Tanong din naman nito.
"Where's the principal's office, Sir?" Ani, Lea.
Kumunot ang noo ng lalaking nakasuot ng pang-gurong damit. "And why you want to go there?" Usisa nito.
"We have to ask something, uhmmm favor." Si Annabel.
"Principal is so busy. Can you go there next time?" Sabi naman nito.
May dala itong mga gamit at parang bago pa lang sya papasok sa classroom. Hindi naman sya kagwapohan pero halatang may anak at asawa na rin sya at siguro nasa 45 years old na rin sya. Mukha talaga syang matalino at very formal ang suot nya.
"Sir, just we need to ask him for a little favor. Can you just demmostrate to us how we look his office?" Sabi ko naman.
"I'm a principal of this school. What can I do for you?" He said.
Napanganga kaming tatlo....
Weeeh? Di nga?! Sa sarili ko.
Nasa principal's office na kami at pinaunlakan nya rin kaming makausap sa huli.
"Come here and seat down. Tell me your problem." He said at umupo sa table nya.
Nagsama-sama kaming tatlo sa iisang side table ako ang nakaupo sa bangko at silang dalawa ang nasa likod ko.
"Sir, maari po bang mag-switchs po kami sa pang umaga?" Pakikiusap ko sa principal.
"Bakit? Naging pang hapon ba kayo?" Tanong ng guro.
"Opo Sir. Kasi po malayo po ang bahay namin. Nasa pinaka dulong baranggay po kami eh." Sabi naman ni Annabel.
Natahimik ang guro sa sinabi namin.
"Sir, please, bilin ng elders namin na wag kaming paaabot ng gabi sa daan. Eh kung gabi kami uuwi, siguradong gagabihin kami sa daan, at baka makauwi kami ng hating gabi na rin." Paliwanag naman ni Lea sa nakikiusap na tono.
Nagtanggal ng eye glasses ang principal at saka tumingin samin sa malungkot na expression.
"Iyan din ang hinaing sakin ng maraming kabataan at mga magulang." Pauna nito.
"Mapagbibigyan po ba kami?" Tanong ko agad dito.
"I'm really sorry about your request." Aniya sa malungkot na tono. "That is one of our policy in this school. Magiging unfair naman sa mga katulad ninyong malalayo din ang mga bahay." Sabi ng principal samin.
"Sir, sige naman na po, malayo po talaga ang uuwian namin." Pakiusap pa rin ni Lea.
"Hindi naman siguro nasa America ang mga bahay ninyo. Marami rin kasi kayong kagayang malalayo rin ang mga bahay. Nagtitiis din sila para lang makatapos at kung ibibigay ko ang hiling ninyo, ehhh magiging unfair naman sa kanila. I'm so sorry, ladies, but that's final. Hindi ko kayo mapagbibigyan." Mahabang sinabi samin ng principal.
Wala kaming nagawa kundi ang hintayin ang schedule namin ng panghapon at marami kaming mga kaparehas na naghihintay lang din sa malawak na school garden and ground field.
Nakaupo lang kami sa lilim ng malaking puno, may upuan kasi doon na pwedeng upuan ng kahit na sinong maghihintay. 
Sampung mga puno ang magkakahanay na may mga upuan din at nasa pangatlo kami at may iba ding mga studyante na nakaupo sa iba pang puno.

Comentário do Livro (39)

  • avatar
    darling

    wwwwoooooooooowwwwww😍😍😍😍😍

    17d

      0
  • avatar
    レアリー 撮影

    nice

    09/08

      0
  • avatar
    Johwa Frances

    nice

    25/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes