logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

QWEIN'S POV.
"Si Qwein."
"Oo nga. Akala ko umalis na siya."
"'Yun din ang akala ko."
"Maganda pala siya no?"
"Matalino rin siya sabi 'nong kaibigan ko na classmate niya."
"Mabait din."
Marami pang bulungan ang naririnig ko magpasok ko sa gate at hindi ko maiwasang mahiya. Hindi ako sanay.
Dumeritso ako sa classroom namin. Ngumiti ako sa mga classmates ko na kanina ko pa napapansing pinagmamasdan ang bawat galaw na ginagawa ko. Anong problema nila? Noon, tinuturi nila ako na parang hangin na hindi nila nakikita, samantalang ngayon, halos hindi na nila ako tinatantanan ng tingin.
"Miss Qwein? Please follow me," saad ng teacher namin pagkapasok niya sa room.
Nagtataka naman akong tumayo at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa office. Tumambad sa akin si Tricia kasama ang dalawa nitong kaibigan. May mga iba pang estudyante at lahat sila ay pamilyar sa akin. Sila ang nambubully sa akin. Nahagip din ng tingin ko si Jeo na kumakaway sa akin, si Wade at Ryker na parehong seryosong nakatingin sa akin. Nasa tabi naman ni Ryker si Devon na nakangiti sa akin.
"Maupo ka Ms. Ollivander," ani ng isang matandang lalake. Binasa ko ang pangalan na nakasulat sa table niya. George Geovanni. Doon ko lang narealize na ang nasa harapan ko ngayon ay ang may-ari ng school na 'to.
Yumuko ako as a sign of respect bago umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Devon. Masama ang tingin na ibinabato ng mga estudyante na nasa harapan namin, lalong-lalo na si Tricia.
"Pinatawag ko kayong lahat dito dahil sa mga naririnig ko. Umabot sa akin ang balita na may isang estudyante na grabe ang mga sugat at pasa na natatamo dahil sa mga estudyante na walang magawa sa buhay," saad ni Mr. Geovanni. Bumaling ito sa akin. "I need your honest answer, Ms. Ollivander. Sino-sino sa kanila ang nambubully sayo?" seryosong tanong niya sa akin.
Naramdaman ko ang kamay ni Devon na hinawakan ang braso ko.
"A-all of them sir."
Pagkatapos kung sabihin kung sino-sino ang nambubully sa akin, pinabalik na kami ni Mr. Geovanni sa classroom namin. Sumabay na sina Ryker, Wade at Jeo sa amin ni Devon since magkatabi lang pala ang classroom nila sa amin. Ngumiti pa sa akin si Jeo bago sila pumasok sa classroom nila.
Pinagtitinginan ako ng mga classmates ko pagpasok ko. Ngumiti na lang sa kanila at umupo na sa aking upuan habang hinihintay ang guro namin.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Puro katanungan ang nasa isip ko. Anong ginagawa nina Devon doon? Hindi naman sila kasali sa mga binubully nina Tricia. Kung sila man ang nagsumbong, bakit? Bakit niyo ginagawa 'to sa akin?
"Devon? Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko kay Devon nang makita ko siya na mag-isang naglalakad sa hallway pagkatapos ng klase.
Ngumiti siya sa akin at sinabi na doon na kami sa garden mag-usap.
"Gusto lang namin na tulungan ka Winona. Hindi ko matiis na nakikita kang sinasaktan bawat pagtapak ng paa mo sa school na 'to," paliwanag niya sa akin. Tiningnan niya ako ng deritso sa mata. "Alam kong kakilala pa lang natin sa isa't isa pero sana wag mong masamain ang pagtulong namin sayo. Alam mo ba na sa lahat ng students dito, ikaw lang ang nakakuha ng pansin ko."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto kitang maging kaibigan," saad nito habang nakangiti.
Hindi ko maiwasang tumitig sa mukha niya. Singkit ang mga mata, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, manipis ang mapupula nitong labi. She's beautiful. Pandak nga lang.
"Alam mo ba na wala akong kaibigan?" Yumuko ako at pinaglaruan ang damo na inuupuan namin. "Eversince I was a kid, walang gusto makipagkaibigan sa akin. Ayaw nila sa akin. Sa tuwing lalapit ako sa kanila, lumalayo sila. Tuwing recess, wala akong kasama na pumunta at kumain sa cafeteria. Tuwing lunch, wala rin akong kasama. Tapos, pag may activity kami sa school and need ng partner, walang gustong pumares sa akin, kaya napipilitan akong gawin 'yon ng mag-isa. Wala eh, ayaw nila sa akin at hindi ko naman sila pwedeng pilitin na sumama sa akin," Tumingin ako sa kanya. "Kaya nasanay na ako na palaging mag-isa. Sanay ako na walang kaibigan."
"Does it mean, you don't want me to be your friend?" prankang tanong niya.
Hindi ako makasagot. Inaamin ko na gusto ko rin magkaroon ng tinatawag na kaibigan, hindi ko lang alam kung gugustuhin niya pa akong maging kaibigan kapag malaman niya ang tungkol sa akin. Baka lumayo siya sa akin.
"Nakaka-ouch ka naman Q. First time kong ma-reject as a friend," mapait na ngiti ang binigay niya sa akin. "Pero hindi ko naman kailangan ng approval mo. Sa ayaw at sa gusto mo, kaibigan pa rin kita," masayang dagdag niya. Tumayo siya at tumalikod. "See you tomorrow. Susunduin ka namin. Bye Winona," aniya at tuluyan nang umalis.
Palihim na ngumiti ako. Hindi naman masama ang magkaroon ng kaibigan diba?
Bumuntong-hininga ako bago tumayo. Palabas na ako ng school nang makita ko si Ryker na busy sa pagtingin sa phone niya. Nakatayo ito sa malapit sa kotse niya. Wala na ang sasakyan nina Jeo at Wade kaya siguro ay nakauwi na sila. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya.
Naramdaman niya siguro ang presensiya ko dahilan para itago niya ang phone niya at tumingin sa akin. Blangko ang mukha niya ngunit ang lakas pa rin ng dating.
"Ahm, sa-salamat p-pala sa b-binigay mo kagabi." Yumuko ako. Hindi ko maiwasang mautal habang binabanggit ang mga iyon. Umayos ka Q.
Napa-angat ang tingin ko matapos marinig ang simpleng pagtawa niyo.
"You look cute," aniya. He tapped my head at ginulo nang bahagya ang buhok ko.
Hindi ko pa maprocess sa utak ko ang ginawa niya nang pumasok siya sa kotse niya at pinaharurot iyon.
I blushed. I really did.
What was that Ryker?
€€

Comentário do Livro (12)

  • avatar
    Rubie Casuncad

    Ang ganda beh ng storyy and ung pov's nya real life ata to e haha

    16d

      0
  • avatar
    JuarezHermelyn

    very nice 👍

    27/07

      0
  • avatar
    Cindy Ella Amen

    jjjbn

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes