logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4: Touch of Confusion

I GROWLED when my back hit the tree. The bobcat who immediately turned into human pinned me against the tree to hide from the raging wolves chasing us. He's pressing his body hard against mine making me whimper in discomfort. I tried pushing the human bobcat away but he just held my hand and pressed me more against the tree using his body.
"Huwag kang magreklamo, para sa ikabubuti natin 'to." Iritado niyang bulong habang nakapatong ang ulo sa aking balikat.
Naghabol ako ng hininga, hindi talaga ako komportable sa aming posisyon.
"Naiipit ang tupa," Bulong ko.
"Shoot." Galit niyang saad atsaka inagaw sa akin ang tupa ng walang kahirap-hirap pagkatapos ay muli akong ikinulong sa kaniyang mga bisig upang magtago, "Are you alright now?"
Umiling iling ako.
"Just this once." Aniya at mas lalong sumiksik sa balikat ko nang makarinig kami ng kaluskos.
Nang makalayo kami sa mga taong lobo na iyon ay bigla siyang bumalik sa pagiging tao at ganoon na lamang ako tumilapon papalayo. Hindi ko iyon inasahan kaya naman malaya akong bumagsak sa lupa at talagang masakit iyon. Ngunit hindi pa nakontento ang lalaking kasama ko at mabilis akong hinigit upang magtago sa likod ng isang malaking puno. At ngayon nga'y maigi kaming nagtatago, sinisigurong walang makikita ni katiting naming anino.
Hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatago at bakit ko kasama ang bobcat na 'to. Tuloy ay nalilito na ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung sino na sa aming dalawa ang pakay ng mga lobo na humahabol sa amin ngayon.
"Why am I even hiding with you?" Inis kong bulong dahil hindi talaga ako komportable sa aming posisyon, "They are after you, now I'm implicated?"
"Just why the hell are you even here? Are you nuts? Not good for a girl to wander around the wilds at this kind of hour."
Iniwas ko ang aking ulo mula sa kaniya upang humigop ng hangin, "I am just after my sheep."
"No, you are after trouble."
"How dare-"
Ganoon na lamang ako kabilis na napipi nang takpan niya ang aking bibig. Sa isang iglap lamang ay matalim na lumampas sa amin ang grupo ng mga nagtatakbuhang nilalang. Nasisiguro kong iyon na ang mga lobong humahabol sa amin. Nakakamanghang hindi nila kami napansin, siguro'y dahil masyado silang agresibo kaya hindi nila napansin ang aming posisyon.
Sabay kaming nagbuntong hininga. Sa wakas, siguro naman ay nakalayo na ako sa kapahamakan.
Lumayo sa akin iyong lalaki at luminga-linga sa paligid upang siguruhing wala na ang mga humahabol sa amin. At nang masiguro niya'y lumapit siya sa akin nang nakakunot ang noo habang inaabot ang tupa kong hawak niya. Mabilis ko namang inabot iyong tupa at lumuhod sa lupa upang siguruhin kung maayos ba ang kalagayan nito.
"Taga saan ka?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
Matalim ko naman siyang nilingon. Hindi ko gaanong nakikita ang kaniyang kabuuan dahil natatakpan siya ng anino ng mga puno ngunit nasisiguro kong isa rin siyang normal na mamamayan katulad ko. Base sa kaniyang pigura, mukhang hindi rin kami nagkakalayo ng katayuan sa buhay.
"Heimdall."
Tuluyan akong napalingon sa kaniya nang marinig ko siyang ngumisi, "The village of thieves."
Nangunot ang noo ko, "Excuse me?"
Matalim siyang tumitig sa akin, "Bakit? Hindi ba?"
"What about you?"
"What about me?"
"Where are you from? What do you do and why are those wolves after you?" Sunod-sunod kong tanong.
Umiling-iling lamang siya at natatawang naglakad palayo.
"Get up. Ibabalik kita sa Heimdall."
Mabilis akong tumayo at kinarga ang tupa, "Kaya kong bumalik ng mag-isa."
"I see." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.
Maigi parin naman akong sumunod sa kaniya. Ang totoo'y hindi na rin ako sigurado kung saan na ba ang daan papuntang Heimdall dahil gabi na. Palaboy-laboy ako sa kagubatan ngunit ang lugar na kinaroroonan namin ay nasisiguro kong masyado nang malayo sa gubat na kinalakihan ko at talagang aabutin ako ng sikat ng araw bago ako muling makabalik.
Sandaling bumagsak sa lalaki ang paningin ko. Ganoon na lamang ako kabilis na napahinto nang nakita ang hiwa sa kaniyang braso. Hindi ko iyon napansin kanina, ngunit siguro'y iyon ang dahilan kung bakit bigla siyang bumalik sa pagiging tao at tumilapon ako ng wala sa oras. Siguro'y hindi niya na kinaya ang sakit, ang pagod at ang bigat ko sa kaniyang likuran. Matagal-tagal rin kasi kaming nagpaikot-ikot sa gubat upang mailigaw ang mga lobong iyon bago kami tuluyang huminto. Hindi ko naman inaasahang may malaking sugat pala ang lalaking itinakbo ako mula sa mga lobo.
Malaki ang hiwa sa kanyang braso. Nakakamanghang parang wala lang iyon sa kaniya. Gaano ba kalawak ang pagtitiis ng lalaking ito?
Napahinto ang lalaki nang mapansin ang paghinto ko. Mabilis na dumako sa kaniyang mukha ang aking paningin. Malinaw ko na siyang nakikita dahil sa liwanag ng buwan, at base sa kaniyang hitsura ay parehas lamang talaga kami ng kalagayan sa buhay.
"What?" Tanong niya.
Nangunot ang noo ko, "What?"
"Bakit ka pa sumusunod sa akin?"
Umirap ako, "Huminto na nga ako diba."
Ngumisi siya at nagsimulang tumalikod, "Stupid. Sumunod ka nalang. Mawawala ka rito."
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi na ako aarte pa, gusto kong makauwi sa Heimdall. At kapag iniligaw ako ng lalaking ito'y magkakasubukan kami. Malakas ang loob ko dahil sa kaniyang sugat, malaking kabawasan iyon ng kaniyang lakas.
"Bakit ka hinahabol ng mga taong lobo na iyon?"
Tumakbo ako ng bahagya upang maabot ang kaniyang pwesto. Hindi siya sumagot sa aking tanong kaya naman napalingon ako sa kaniya, at mukhang wala talaga siyang balak na sumagot sa tanong ko dahil seryoso lang ang kaniyang mukha habang nakatuon sa unahan.
Tuloy ay bumaba sa kaniyang sugat ang paningin ko.
"What happened to you?" Bulong ko ngunit nasisiguro kong narinig niya rin iyon, wala lang talaga siyang balak na sagutin ang katanungan ko.
I just stared at his swollen wound. I somehow felt the urge to touch it, I have no idea why the urge was so strong that I couldn't stop myself from reaching it.
Marahang binaybay ng mga palad ko ang kaniyang sugat, at ganoon na lamang ako napasinghap at napasigaw sa gulat nang pumasok sa utak ko ang iba't-ibang senaryong hindi ko maintindihan. Tila iyon mga ala-ala, ngunit hindi ko pag-aari;
"Come back here you- bobcat! Salathiel you thief!"
Salathiel.
It was his memory, there was him and the wolves in the wilds. He was holding a gold watch, inilagay niya iyon sa kaniyang bulsa bago nagsimulang tumakbo palayo sa mga taong lobo. I suddenly saw how raging and furious the moment was.
Naghalo-halo ang aking nararamdaman. Naghuramentado ang aking puso sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pumapasok sa utak ko ang mga senaryong iyon. Bakit ko nakikita ang kaniyang ala-ala?
"Get him! Find that damn bobcat!" It was that guy, Sypher, "Salathiel, just give me back that wristwatch and we'll be fine!" He yelled and commanded his underlings, "Get that damn bobcat! Ibalik niyo sa akin ang relong iyon!"
Mas lalo akong nahibang nang makita ko kung paano lumipad sa lalaking kasama ko ang isang palaso galing sa mga taong lobo at talagang sinapul niyon ang kaniyang braso. Ang sugat sa kaniyang braso, iyon pala ang dahilan.
...
"WHAT the hell are you doing?"
Ganoon na lamang ako kabilis na napaatras nang hawakan ni Salathiel ang aking palad at tinanggal iyon sa kaniyang braso. Pagkatanggal ng aking palad sa kaniyang sugat ay siya namang pagbalik sa dati ng aking paningin, isip at animo'y pati katinuan.
Ano'ng nangyari sa akin?
Mas lalo akong napaatras nang nag-aalab na lumapit sa akin si Salathiel at hinapit ang braso ko, "Ano'ng ginawa mo?"
Mabilis akong napaluha. Mas lalong naghalo ang emosyon ko. Binabalot ako ng takot hindi dahil sa ginagawa ni Salathiel kundi dahil sa hindi ko maipaliwanag na nangyayari sa akin.
"Ano'ng ginawa mo?" Pag-uulit niya.
Umiling-iling ako, "H-hindi ko alam..."
Mas lalo akong nilamon ng takot. Ngayon ko lang naranasan ang kakaibang takot at pangamba dahil sa hindi ko maipaliwanag na nangyayari sa akin. Nahihibang na ba ako? Bakit tila nakita ko ang ilang parte sa kaniyang memorya? Ang ala-ala niya sa kaniyang sugat?
Napalingon ako sa kaniyang bulsa. Bukas iyon at kitang-kita ko ang kumikinang na gintong bagay dahil na rin sa liwanag ng buwan. Mas lalo akong napaluha sa takot, nababaliw na ba ako?
"What--" Hindi makapaniwalang bulyaw ni Salathiel na agad ring nahinto nang makita ang kristal na tubig na pumatak mula sa aking mga mata, "Why are you--damn it!"
Mabilis niya akong binitawan at lumayo sa akin. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakaatras ay patakbo niya akong niyakap upang alalayan mula sa pagkakatumba. Mahigpit ko paring hawak ang tupa, ngunit ang mga paa ko'y tuluyang nawalan ng lakas dahilan upang bumagsak ako sa lupa. Mabuti na lamang at naalalayan ako ni Salathiel, dahil kung hindi ay mapapahandusay ako sa maruming lupa.
What just happened to me?
"What is wrong with you?"
"Salathiel..." I weakly whispered out of nowhere.
He froze.
"You are a thief." Wala sa sariling saad ko habang nasa pagitan ng kaniyang mga bisig.
Bahagya siyang nahinto ngunit kalaunan ay humigpit na lalo ang pagkakayapos niya sa akin, "What the fuck did you say?"
Muling tumulo ang mga luha ko. "I'm going crazy."

Comentário do Livro (60)

  • avatar
    Lanie Pecson Orgas

    ggs

    1d

      0
  • avatar
    Hayati Umaiza

    very nice story

    26d

      0
  • avatar
    Ikaw Lng Sapat Na

    nice

    16/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes