logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

1

Kasalukuyan akong nag i-impake ng mga damit ko dahil bukas na ang punta ko sa Manila para maghanap ng trabaho. Mahirap kumita rito sa probinsya ng pera, at kung may trabaho man na p’wede ako, ay hindi naman sapat ang kita. Isang magsasaka ang itay at isang labandera lamang si inay. May tatlo pa akong nakababatang kapatid na nag-aaral sa elementarya.
“Maria. Mag-iingat ka roon ha. Waay bala kami ni tatay mo didto. Alagaan mo ang sarili mo ha.” Hindi naiwasang maiyak ni Inay habang sinasabi 'yon.
“H’wag na nga kayong umiyak, Inay. Baka 'di na ako matuloy bukas sa kakaiyak niyo ni Itay. Para din naman sa atin 'to e,” garalgal na boses na sagot ko sa kanya.
Naiiyak na rin ako. Nalulungkot ako na malalayo ako sa kanila, ngunit wala akong pagpipilian, kailangan kong magtrabaho para matulungan sila sa pag papaaral ng tatlo ko pang kapatid. Ako ang panganay, kaya ako ang nag-iisang puweding tumulong sa kanila.
“Pasensya ka na anak. Sana kung naging mayaman lang tayo. E di sana nasa paaralan ka na ngayon, nag-aaral,” si tatay na namumula na rin ang mga mata.
“Kaya nga po kailangan kong lumuwas ng Maynila, Itay. Para makatulong ako sa inyo. Okay lang naman sa 'kin kahit 'di ako makapagtapos ng pag-aaral, ang importante ang mga kapatid ko, Itay, Inay.” Mas lalo lamang silang naiyak sa sinabi ko. Hays! 'Di ko talaga trip ang puro drama sa buhay. Dapat always positive. No. No. Negative!
“Ang suwerte namin anak at binigyan kami nang Diyos ng anak na kagaya mo. Sobrang bait,” si inay saka ako niyakap nang mahigpit.
“Mam-miss ka namin anak. Maghalong ka gid didto ha?” ani itay saka niyakap kami ni inay.
Kinabukasan ng madaling araw ay sinamahan ako nila papuntang terminal dito sa Banisilan, isang munisipalidad dito sa North Cotabato.
“Anak ha? Ang mga bilin namin sa 'yo h’wag mong kakalimutan,” pahabol ni inay. Tumango naman ako. Ayaw ko nang magsalita pa ng kung anu-ano, at baka maiyak lang ulit ang dalawa.
“Sige Inay, Itay. Sasakay na po ako. Ingat po kayo pauwi.” Kumaway ako sa kanilang dalawa habang papasakay na ng bus papuntang Davao.
Nang nakasakay na ako ay kaagad akong naghanap ng puweding maupuan. May nakita akong bakante sa front seat kaya roon ko napag-desisyunang maupo. Puwede na 'tong puwestong 'to, para hindi ako masuka habang nasa biyahe. Hindi kasi ako sanay sa mga long distance na biyahe tulad nito.
Saktong alas-siyete ng umaga ay dumating na ang sinasakyan sa bus terminal dito sa Davao. Pagbaba ko ay agad akong naghanap ng masasakyang taxi papuntang airport. 11 AM ang flight ko kaya dapat ay nandoon na ako ng 9 AM.
Pagdating sa airport ay agad akong naghanap muna ng puweding kainang karenderya. Kailangan kong kumain para hindi ako masuka sa loob ng eroplano. Budlay ning dagaton ta bala ah.
May nakita akong isang maliit na karenderya, kaya roon na ako kumain. Um-order ako ng dalawang serve ng kanin at isang serve ng ulam na ampalaya na may itlog. Paborito kong ulam. Magana akong kumain dahil medyo gutom na rin ako dahil sa haba ng biyahe.
Sumapit ang alas-nuwebe ay kailangan ko nang pumasok sa loob ng airport para maghintay na tawagin ang flight number ko.
Alas-onse. Sa wakas at tinawag na rin ang flight ko papuntang manila.
Dala-dala ang isang maleta, isang bag pack at paper bag ang bitbit ko habang naglalakad papasok ng eroplano.
Goodbye for now Mindanao.... Bayan kong sinilangan. Tanahan ng mga Diyosa!
--
My God! Kahit busog ako, nasuka pa rin ako habang nasa biyahe! Deponggol nga ubra! Pakiramdam ko nasuka ko yata lahat ng kinain ko kanina.
Hila-hila ko ang aking maleta papalabas ng airport, naghahanap ng puwedeng masakyan para pumuntang Cavite dahil may naghihintay sa akin doon, ang pinsan ni mama na nag-alok sa akin ng trabaho. Doon din ako pansamantalang tutuloy sa kanila habang wala pa akong perang pamabayad sa puwedi kong lipatang apartment. Ayaw ko namang magtagal sa kanila kasi nakakahiya.
Naglakad-lakad muna ako para hanapin kung saan ang sakayan ng taxi rito. Ignorante pa besh, kaya pasensya na.
“Ay! Linte!” sigaw ko dahil may biglang humablot ng isang dala-dala kong bag. “Tulong! Magnanakaw! Deputa! Tulong!” Kingina! Naiiyak na ako rito! Sa dinami-raming puweding hablutin, 'yong bag ko pang may panty!
Kaagad naman akong dinaluhan ng mga taong nakakita sa akin. Bwiset! Unang araw ko rito sa Maynila, nanakawan pa ako! Ang suwerte mo naman, Maria!
Kinuha ko ang dalang maleta at isang paper bag bago tumakbo para tumulong sa paghabol sa lintek na magnanakaw na 'yon. Tama nga ang sabi nila. Mag-ingat sa lugar na 'di mo pa nakasanayan.
Kahit hirap na hirap ay pilit kong binilisan ang aking pagtakbo. May tatlong lalaki ang tumulong sa akin para habulin ang snatcher, isa na roon ay sa tingin ko ay isang Brgy. Tanod.
Patuloy lang ako sa pagtakbo, hanggang sa nanlaki nalang ang dalawa kong mata nang nakita ko kung paano huminto ang lalaki sa crossing line ng kalsada kasabay ng papalikong sasakyan, at hindi inaasahan na nabunggo ito ng sasakyan. Napasigaw ang mga taong nakakita sa nangyari. Kaagad na nilapitan ng tatlong lalaking tumulong sa 'kin ang snatcher.
Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko alam kung mako-konsensiya ba ako sa paghabol sa kaniya dahil sa paghabol ko rito ay nasagasaan siya ng sasakyan, o ano, pero parang kasalanan ko pa! Tumakbo ako papalapit sa kanila para kuhanin ang bag.
“Grabing snatcher 'to! Ang hirap mong habulin! Sasakyan lang pala makakapagtigil sa 'yo. Kinarma ka na Manong ha! H’wag mo nang ulitin!" sabi ko kay manong snatcher sabay hablot ng bag kong hawak niya.
“Wait, what? Snatcher? He’s a snatcher?” tanong ng lalaking nakatayo sa aking gilid. Ito yata ang nakabangga kay manong snatcher.
“Oo! Snatcher 'yan! Grabe! Ang pobre ko pa namang tao tapos nanakaw—” Natigil ako sa pagsasalita nang nakaharap ko ang lalaking may-ari ng mamahaling sasakyan na nakabunggo sa lalaking nagnakaw ng aking bag.
Yudeputa! Yudeponggol.
Kadali lang anay. Daw gwapo gid ning sa atubangan ko haw?
“Miss?” Napamaang ako at hindi naiwasang pagmasdan siya, ngunit napakurap-kurap din nang napagtanto kong masyado na akong natutulala.
“A-ah…O-oo. Snatcher 'yan.” Hilaw akong tumawa at napahaplos ang kamay sa kaliwa kong tainga. Tumaas ang kilay ni kuyang pogi sa inasta ko.
Ay? Major attitude si kuya?
“Ah. Miss. Tatawag po kami ng pulis para makuhanan kayo ng statement.” Nawala ang focus ko kay kuyang pogi nang biglang nagsalita si Manong Brgy. Tanod.
“Ah. S-sige po.”
“Maybe, we should bring him first to the hospital? He needs to be treated first. I’ll take care all the medical expenses. I’m responsible for it though, I’m the one who bumped him,” biglang singit ni kuyang pogi na ma-attitude.
"Sige po, Sir. Baka puwedeng ikaw nalang po ang magdala sa kaniya sa hospital. Susunod nalang po kami kasama ang nga pulis,” ani Manong Brgy. Tanod.
“Okay.” Saka ito tumalikod at pumunta sa sasakyan niyang nagsusumigaw sa ganda. Binuksan niya ang likod ng kaniyang sasakyan para roon ipasok ang nabanggang si manong snatcher.
Nagtulong-tulong naman ang tatlong lalaki kanina para mabuhat ito at maisakay sa sasakyan ni kuyang pogi na ma-attitude.
“Pa’no ka, Miss? Sumabay ka na rin kay Sir. Wala kaming sasakyang dala at wala pa rin ang mga pulis na tinawagan namin,” wika ni kuyang kasama ni Manong Brgy. Tanod.
“A-h, hindi na po. Mag co-commute nalang ako papuntang presinto. D-deretso nalang ako roon.” Nakakahiyang makisabay kay kuyang pogi. Baka hindi ko mapigilan at ma-rape ko siya ng hindi oras. Chaaarooot!
“Sumabay ka na samin. Pupunta rin akong presinto.”
“Ha?” Wait, pumapayag si kuyang pogi na ma-attitude na isabay ako? Pagkatapos niya akong irapan kanina?
“Tss. Deaf. Sakay na,” sabi pa niya sabay bukas sa passenger seat. Nanatili akong nakatayo sa harap ng sasakyan niya; nag-iisip kung sasakay ba ako o hindi.
Nganga? 'Te? Guwapo kasi. Makalaglag panty. Kanami igaid sa katre.
“Get in. Or else iiwan ka namin dito. You choose.” Bakas ang iritasyon sa kaniyang boses, kaya kaagad na akong kumilos para sumakay sa sasakyan niya.
Ang hot niya naman mapikon! Isang hagikhik ang kumawala sa aking bibig.

Comentário do Livro (628)

  • avatar
    Maryrose Flores

    Gandaaaa

    1d

      0
  • avatar
    abbacanjanella

    good

    10d

      0
  • avatar
    Rodmar Valderosa

    that is good

    17d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes