logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Tahimik lang akong nakikinig sa musika habang nakatihaya sa kama. Maganda ang kwarto, may sariling bathroom, closet at may study table din sa may gilid ng sliding door papuntang veranda. Maganda din ang interior nito, talagang pambabae ang desinyo.
Actually, kanina pa ako hindi makatulog dahil sa sinabi ni Nanay Bel na isa sa pinakamatagal ng kasambahay dito. Ang kwartong ito na inuukupahan ko ay siyang kwarto ng pumanaw na kapatid ni Frauen. After daw nang mamatay ito ginawa na itong guest room pero nakatago pa din dito ang mga gamit.
'May kapatid pala siyang pumanaw? Ano naman kaya ang ikinamatay nito?'
Dahil sa hindi ako mapakali, I opened the box na nasa ilalim ng kama. Nanay Bel taught me na nandito ang lahat ng larawan nong pumanaw na kapatid ni Frauen. Hindi sa nangingialam pero naku-curios talaga ako.
I opened it carefully at tumambad agad sa akin ang litrato ng batang babae na nakangiti. Katabi nito sa larawan ay isang batang lalake na kasing edad lang din nito. Nakasimangot ito habang hawak ang isang puting tuta.
'Ang cute nila dito. Hindi maipagkakailang may ipinagmamalaki ang lahi nila.' wika ko sa'king isipan.
"That boy is me, and the girl on that picture is my twin sister" wika ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Agad naman akong napalingon.
"S-sorry di ko sinasadyang pakialam ang gamit niya" paumanhin ko at nagmamadaling niligpit ito. Lumapit naman si Frauen sa may side table ng kama at inilapag doon ang dala niyang tray. Matapos ay umupo siya sa sahig, katabi ko.
"It's okay." Malungkot niyang sabi habang nakatingin sa larawan na hinawakan ko. "She's a type of sister na hindi ko mahahanap sa iba...Sweet, brave, at laging palaban." Dagdag pa niya at malungkot na tumingin sa akin. Agad niya din naman ibinalik ang attention sa larawan. Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. I know na hindi ganun kadali ang pinagdadaanan niya. "A-after we lost her...I refuse to talk to anyone. Ni hindi na ako lumalabas ng bahay." Ani Frauen at bahagyang tumalikod. 'kaya siguro ganun din siya kasungit noong una'. "You know what?...I blamed myself in everything that happened to her...I even got a depression" dagdag pa niya at pinalis ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. Ngayon ko pa siya nakitang ganito. Palage kasing siyang cold at masungit.
"Hindi mo naman siguro kasalanan yun hindi ba?" Saad ko sabay tap sa likod niya. I don't know pero pakiramdam ko ako yong nasa sitwasyon niya. Hindi ko pa naman naranasan mawalan ng kapatid, pero huwag naman sana mangyare. I can't bare to lose my twin brothers.
"Siguro kung hindi ko siya iniwan doon...Kasama ko pa siya hanggang ngayon...nakikita ko pa din siyang nakangiti" tipid pa siyang ngumiti nang balingan ako.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Frauen dahil sa nangyare. It was an accident" Saad ko at tumayo naman si Frauen at naglakad papuntang Veranda. Sinundan ko naman siya. Naabutan ko itong nakatingala sa makulimlim na kalangitan.
"Nanay Bel told me na hindi niyo raw nakita ang bangkay ng kapatid mo. Paano kung buhay pa siya?" Pagputol ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Nakatingin lang ako sa garden na makikita mula dito sa veranda. Sa gitna naman ng garden ay may fountain. Kitang-kita mula dito ang nag-gagandanhang bulaklak na pinalibutan ng ilaw.
"Sana nga...ilang taon na kaming naghanap sa kanya...Ni mga bakas niya wala kaming nakita" Sagot niya naman habang nakatitig pa din sa kalangitan. Sandali ko lang siyang tinapunan ng tingin bago ibinaling ang attention sa kawalan.
"Paano kung nagkita na kayo tapos pareho niyo lang palang hinahanap ang isa't-isa?"
"I don't know...But pakiramdam ko malapit lang siya sa amin." Aniya at humugot ng isang malalim na hininga.
Matapos ng usapang iyon ay nagpaalam na din sa Frauen na matutulog na. Hindi pa nga siya lumabas hanggang sa matapos kong kinain ang dala niya. May good side din pala siya ngunit hindi niya iyon ipinapakita sa lahat. Maliban lamang sa mga taong malapit sa kanya. Hindi rin nagtagal ay kinain na ako ng antok.
***
"Good morning" masayang bati ni Donya Felissa. Kasunod naman nito ang asawa na kabababa pa lamang. Sinuklian ko siya ng ngiti at pinatay muna ang stove.
"Good morning din po sa inyo Ma'am, Sir" nakangiting tugon ko at ibinalik rin agad ang attensiyon sa niluluto.
"Ang aga mo yatang nagising iha. 4am pa nang lumabas ako kanina at nakita kitang naglilinis kahit tulog pa ang ibang kawaksi. Maayos ba ang tulog mo kagabi? Kamusta naman ang bagong silid mo?" Sunod-sunod na tanong ni Don Francis. Nasa sixty na ang edad nito ngunit bata pa rin itong tingnan at di halata sa mukha nito na nasa ganung edad na. Maging ang asawa nitong si Donya Felissa ay dalagang-dalaga pa. Ang pangagatawan nito ay 'di halatang may anak na ito. Mas lalo pang nagpatingkad at nagpapabata kay Don Francis ang suot nitong black business suit. Ganun din ang asawa nitong naka corporate attire.
"Nako ok lang po Sir. Nakakahiya nga po sa inyo kasi katulong lang po ako dito pero sa guest room niyo ako ipinagpatulog. " Nahihiyang wika ko na sandaling tinapunan ng tingin ang mag-asawa bago ibinalik ang attention sa ginagawa. "Tsaka sanay po ako sa amin na maagang gigising lalo na po kapag may trabaho sila nanay at tatay. At kapag may pasok kami ng mga bunso kong kapatid" pagpapatuloy ko habang hindi parin hiniwalay ang attensiyon sa niluluto.
"Feel free dito iha. Isipin mo nalang na pamilya mo na rin kami. 'Wag kang mahiya. " ani Donya Felissa.
"By the way iha...Sabi ni Yaya Belle na 'di ka raw pinayagang bumaba ni Frauen kagabi. May ginagawa bang kalukuhan ang isang 'yon na di namin alam?" Biglang pa-iiba ng usapan ni Don Francis na siyang nakapagpatigil sa ginagawa ko. Bigla ay bumalik sa alaala ko ang malungkot na esksena kagabi.
"Oo nga pala iha...may sinabi ba siyang di maganda sayo kaya di ka lumabas?" Pagsang-ayon naman ni Donya Felissa sa asawa.
Muling nagbalik sa alaala ko ang huling sinabi ni Frauen sa akin kagabi bago paman ito lumabas. "Stay away from Loveighn". I don't know pero pakiramdam ko may iba pa siyang dahilan. Magkaibigan naman sila pero bakit niya ako pinapaiwas dito?
Pinatay ko muna ang stove bago humarap sa kanila na ngayon ay magkatabing naka-upo habang nakatingin sa deriksiyon ko. "A-ah e-eh a-ano po kas-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Frauen. Halatang bagong gising pa lamang ito sapagkat di pa nakapagbihis ng unipormi at magulo pa ang buhok.
"Morning mom, dad" bati nito saka humalik sa pisngi ng mga magulang. Matapos niyon ay bumaling siya sakin. "Morning" tipid niyang bati kasabay ng matutulis nitong mga titig na tila nagbabanta na huwag akong magsalita. Hindi ko na lamang iyon pinansin at minabuti na lamang na maghain sa niluto kong fried rice na hinaluan ko ng cheese, itlog, at tsaka hotdog. 
Mas mabuti narin iyon na dumating si Frauen dahil nakaligtas ako sa tanong ng mga magulang niya. Habang abala ako sa ginagawa ay hindi ko maiwasang makinig sa usapan ng mga ito. Nakikita ko pa sa side vision ko na nakakatigtig si Frauen sa deriksiyon ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Maging ang pakikipag-usap niya sa mga magulang ay halatang iniiba nito ang usapan. Kapag tinatanong naman ito ay nililihis nito ang sagot sa ibang bagay.
Huminga muna ako ng malalim bago pumihit paharap sa mga ito at inisa-isang inilapag sa mesa ang mga niluto ko. Saktong pagpasok naman ni yaya Belle, na agad ding nagpresenta na tulungan ako. Biglang natahimik at natigilan ang mga ito ng ilapag ko sa mesa ang fried rice na huling niluto ko.
'Hindi ba sila kumakain nito?' Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko nang makita ang reaksiyon ng mga ito. "M-may p-problema p-po ba?" Nauutal kong wika sa mga ito. Maging si Frauen ay tulala ring nakatitig sa akin. Nagkatinginan pa silang tatlo bago tumingin muli sa akin.
"Marunong ka palang magluto nito iha? Sinong nagturo sayo?" Ani Don Francis na tila hindi mahiwalay ang tingin sa pagkain.
"O-po s-sir. Natutunan ko lang po simula nong bata pa ako. Ito rin po kasi ang pinaka-specialty ko na binibinta ko rin doon sa amin." Sagot ko naman. Lumingon naman ako sa deriksiyon kung saan nakaupo si Frauen na ngayon ay nakangiting nakatitig sakin. Sinubukan kong labanan ang mga titig nito ngunit ako rin ang unang nagbawi ng tingin. Yumuko na lamang ako. Kinakabahan sa maaring reaksiyon ng mga ito. 'Di ba sila kumakain nito?' tanong ko sa'king isipan.
"It's almost ten years ng huli kaming nakakain nito." nakangiting wika ni Frauen at nauna pa itong sumandok at nagsalin sa kanyang pinggan. Pinalagyan rin nito ang pinggan ng ina na katabi lamang niya.
"You remind me of someone iha" ani Donya Felissa. Kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng butil ng mga luha. Nataranta naman ako sa biglang pag-iyak nito.
"M-maam Felissa o-okay lang ho ba kayo?" Agad naman itong niyakap ni sir Francis habang tahimik lang na nakatitig si Frauen sa ina, ngunit may bahid din ng kalungkutan ang mga mata nito kahit hindi nito sinasabi.
"Sweetheart" pagpapatahan ni Don Francis sa asawa habang hinihimas-himas pa nito ang likod.
"Sige na nga. Tama na tong drama"ani Donya Felissa at pinunasan ang mga luha gamit ang panyong ibinigay ni sir Francis. "Hali ka na iha. Sabayan mo na kami" agad itong ngumiti ng makitang naguguluhan ako sa reaksiyon nila. " Come here iha, sabayan mo na kami.I know na masarap itong niluto mo" Pag-aaya nito ulit.
"N-nako mamaya nalang po ako ma'am. Nakakahiya po sa inyo na sumabay pa ak-" pagtanggi ko sa alok nito. Agad naman iyong naputol nang magsalita si Frauen.
"Tsk..Halika na nga dito. Para kang bata" biglang singit naman ni Frauen. Magsasalita pa sana ang ina nito ngunit naunahan na niya ito. Tumayo pa siya mula sa puwesto at kumuha ng pinggan at kubyertos. Nilagyan naman nito ng pagkain. "Sit here" maya-maya pa ay wika ni Frauen nang hindi ako umimik. Nakatayo lamang ako habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Frauen. Ganun na lang ang pagkagulat kasabay ng pag-init ng pisngi ko nang ihila pa ako ni Frauen ng upuan at iginiyang umupo kaharap niya.
'Hayss... Frauen bad trip ka talaga.' Nangingiti namang bumalik ito sa Puwesto. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong mapanuksong tumingin sa amin ang mga magulang niya. Napalunok naman ako. At dahil sa wala na akong choice ay sumabay na ako sa kanila.
......
"Sumabay ka na sakin" pag-aalok ni Frauen sakin habang nilalaro ng mga kamay nito ang susi ng sasakyan. Nasa may parking lot ito nakatayo habang palabas naman ako ng gate ng mansion nila.
'may sakit ba ang lalaking to?' bulong ko. Nang mga nakaraang mga araw ay napakasungit nito sa akin at halos hindi ito nakikipag-usap. Sandali ko lang siyang tinitigan bago ibinaling ang paningin sa ibang direksiyon. "Wag na. Maglalakad nalang po ako palabas ng village. Doon na ako mag-aabang ng taxi" sagot ko dito at nag-umpisa ng maglakad palabas ng gate.
"Feine!" tawag nito. Nagpanggap lang ako na parang walang narinig at nagpatuloy lamang sa paglalakad. "Feine" tawag nito ulit. Nangigiti akong nagpatuloy sa paglalakad nang hindi na ito tumawag pa. Ngunit napahinto din ako kalaunan nang bumusena ang sasakyan nito at huminto sa tapat ako.
Naningkit ang mga mata ko nang balingan ito. "Salamat nalang po, pero 'di na kailangan" pagmamatigas ko parin. Nang aktong lalagpasan ko na ito ay agad naman itong lumabas sa sasakyan at hinarangan ang dadaanan ko. Sinusubukan kong umiwas rito ngunit nahawakan rin nito ang magkabila kong balikat.
'Siya na ang matangkad'
"Papasok ka o bubuhatin Kita?" Anas pa nito na nakapagpatigil sakin. "Your blushing...Halika ka na"nakangiting dagdag pa nito.
"A-ayaw ko nga...Mauna kana Frauen, may dadaanan din kasi ako. At tsaka ayaw ko ng issue pagdating sa scho..."
"Sumabay ka na nga. Delikado kung magtataxi ka! I don't care that fuckin' issue" Napaigtad pa ako nang biglang napalakas ang boses niya. Nanginig ang tuhod ko dahil doon. Yumuko na lamang ako at halos maiiyak na sa pagsigaw nito.
Agad niya din namang hinawakan ang mukha ko at inangat iyon. "I-Im sorry." Pagpapaumanhin niya nang makita akong naluluha. "Sumabay ka na kasi sakin." Malumanay sambit niya na tila nagpapaamo ng isang bata. Tahimik naman na naglakad ako papasok sa kotse niya.
Habang nasa biyahe ay hindi ako umimik. Nakadungaw lamang ako sa labas ng bintana, at nakatingin sa kawalan. Nakaka-miss din minsan ang buhay ko sa probinsiya. "I'm sorry Feine. 'Di ko sinasadyang masigawan ka kanina" pagbasag ni Frauen sa katahimikang namamagitan sa amin. Sandali niya akong tiningnan bago ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.
"O-okay lang yon kasalanan ko naman eh."
"Don't say that." Pagputol ni Frauen sa sasabihin ko. Hindi na ako umimik pa at itinuon na lamang ang atensiyon sa iba.
.............
"Bespre-" Tili ni Brenda nang makita ako na kabababa pa lamang ng sasakyan. Naputol rin agad iyon ng makita ang lalaking kasunod kong bumaba.
"Teka. Ba't kayo magkasama?" Sabay na tanong ni Lorry at Brenda habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Frauen.
"Tumutulo na ang laway niyo" natatawang wika ko sa reaksiyon ng dalawa.
"Bro. Kadadating mo pa la-" wika naman ng isang pamilyar na boses mula sa likod namin. Nilingon ko naman ito.
"Ikaw na naman!" sabay na anas namin. Ganun na lamang ang pag-awang ng bibig ko nang mapagsino ito.
'tsk. Kapag minalas ka nga naman'
"Ehem.. Kailangan ba talaga na magsabay kayong dalawa?" Singit naman ng isa pang lalake na katabi ni Frauen. Kasing tangkad din siya ni Frauen pero mas matangkad pa si Frauen dito ng kunti. May white ombre hair ito, matangos ang ilong, magagandang pilik mata, kissable lips at halatang nag-ge-gym ito. Nangingiting sumisipol naman ang isa pang lalake na nasa likod nito.
"O kay liit ng mundo, O kay liit ng mundo" kanta naman ng isa pang lalake na nakasandal sa may blue na zapper car at may hawak pa itong gitara.
"Tssss...Take two pangit ang tuno" seryosong kantiyaw naman ni Frauen sa kaibigan bago nagumpisang maglakad at iniwan ang mga ito. Natatawa namang sumunod ang iba pa nitong mga kaibigan.
"Ang ganda kaya ng boses ko. Diba miss?" Aniya sabay kindat sakin. Inirapan ko lang ito. "Ang taray naman nito, bagay talaga kayong dalawa" dagdag pa nito sabay nguso sa masamang yokai na kaharap ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo sa direksiyon kung saan dumaan kanina sina Frauen.
"Tayo na nga" pag-aaya ko kina Brenda at Lorry at sandali pang tiningnan ng masama ang yokai bago ito lagpasan.
Pagkapasok namin sa room ay saktong kakarating lang din ng professor namin sa unang subject, which is math. "Good morning class" Pagbati ng proffesor namin. Walang gana naman na sumagot ang mga kaklase ko. "By the way I am Hannibal Layon your adviser. Since I've seen that there are some transferee, let's have a self introduction first. Okay, let's start from Mr. Winko" dagdag pa ni sir and pointed his finger sa pinakaunang upuan na nasa gilid. Tumayo naman ang tinawag nitong Winko at malapad na ngumiti at humarap sa lahat.
"Good morning universe, I'm Junhel Winko, 19 years old ang pinakamaganda sa balat ng earth and I thank you" Confident na wika nito sabay flip sa kanyang imaginary hair with matching kindat bago umupo. Sayang gwapo pa naman sana kaso naging bakla pa.
Sunod-sunod na nagpakilala ang mga kaklase ko hanggang sa turn na ni Brenda. Nasa pangatlong line kasi kami nakaupo. Sa kanan ko naman nakaupo si Lorry at halatang wala sa mood. Nakabusangot naman itong tumayo at humarap sa lahat. "Brenda Lawson, 19" Ani nito at agad ding umupo. 'Takte. Anong nakain ng mga to at walang kabuhay-buhay...Sabagay sanay na ako sa kanila laging ganyan kapag iba ang kaharap'.
Tumayo naman ako matapos ni Brenda. "Good morning everyone, I'm Feine Erin De Jesus, 19. Hope y'all guys become my friends." Nakangiti kong pagpapakilala sa kanila.
"Ang ganda mo miss."
"Chicks"
"Anong sabon mo te?"
"How to be you po?"
"Pahingi number"
"Paisa"
"Duhh ang pangit parang manang"
"Yuks. Ang badoy"
"Ew. Another trash"
Sari-saring komento nila. Hindi ko na iyon pinansin pa at umupo nalang. Natahimik naman silang lahat nang biglang may kumalabog sa likuran namin. "Shut your fuckin' mouth or I'll expelled you all!" Galit na sigaw ni Frauen habang nakatayo. Subrang sama nang tingin niya sa lahat. Kung naging baril pa ang tingin niya kanina pa bumulagta ang mga tao dito. Parang may regla ang lalaking to. Kanina ang ganda ng mood tapos ngayon parang liyon. Mahina naman akong natawa sa ekspresyon nang kanyang mukha. "What's funny with that Feine? Wouldn't you even be angry when they insulted you ?!" Taas kilay niyang tanong sakin habang tahimik lang ang iba. Takot pala sila dito. Tsk.
"Para kang yokai na kakain ng tao. May proffesor na po sa harap Mr. Gray kaya maupo kana" natatawang utos ko dito. Inirapan niya lang ako sabay upo. Masunurin ka din naman palang yokai. Nakangiting sumisipol naman ang mga kaibigan nito na kanya namang sinamaan ng tingin. Nasa pang-apat na row nakaupo sina Frauen at ang dalawa pa nitong kaibigan ay nasa kaharap na upuan which is ka-line rin namin sa third row.
"O-okay class let's continue. You're next miss" Ani Sir Hannibal sabay turo kay Lory na katabi ko lang.
Tumayo naman si Lory ngunit sa harap lang ito nakatingin. 'anyare dito?' "Lorry Graff, 19 . Just call me Lor for short" aniya at agad rin umupo. 'Magkapatid nga talaga, may dalaw yata ang mga 'to'.
"Okay ka lang Lor?" Tanong ko sa kanya. Kanina ko pa kasi napapansin na parang hindi siya mapakali. Ni hindi rin siya lumilingon sa likuran.
"H-huh?...I-I mean y-yeah...I-I;m fine" utal na sagot nito at pilit na ngumiti. Tumango lang ako kahit hindi kumbinsido. Hindi ko na siya kinibo pa kasi halatang ang lalim nang iniisip niya. Nakatingin lang siya sa labas habang nagpapatuloy sa pag-discuss ang proffesor namin.

Comentário do Livro (36)

  • avatar
    Mikaella De Luna

    good

    14/09/2024

      0
  • avatar
    Patricia Pineda

    tha'ts good.

    22/07/2024

      0
  • avatar
    watapampaprincejay

    thank you

    11/07/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes