logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 1

I was impatiently wandering around the cafeteria to find a vacant table. Habang hinayaan ko na lamang na ang dalawang kong kaibigan na ang umorder ng pagkain ko. Malaki ang Cafeteria ng U.S.C o University of San Carlos. Dahil sa dami ng bilang ng mga mag-aaral dito ay halos okupado na ang lahat ng upuan.
U.S.C is one of the most famous and Luxury universities here in Cebu City sa may Banilad. Subrang nakakalula ang tuition fee dito dahil aabot sa 70k-80k per Semester sa Bachelor course pa lang. Kapag master degree naman ay mas mahal pa doon o dodoblehin ang tuition sa bachelor course. That's why, most of those who are capable of living are studying there. Noong una ay nagdadalawang isip din ako na mag-aral dito pero dahil sa mapilit ang mga amo ko ay pumayag na din ako. Hindi ko na raw kailangan na ikababahala pa ang mga bayarin dito sapagkat pagmamay-ari nila ito.
Nang wala akong mahanap na bakanting table ay napagpasyahan ko na lamang na puntahan ang dalawa kong kaibigan na nasa counter. When I was about to squeeze in front of my friends when I suddenly collided with a man's carrier. Napamura pa ang kung sinong nabangga ko.
"Look what have you done miss?!" He shouted when he saw a sauce fell into his clothes. Tinignan ko ang nagkakalat na sauce na tumapon sa puti niyang pulo shirt habang pinupunasan niya naman ito ng tissue na inabot sa kanya ng isang lalake. I got exposed and suddenly screamed. At this reason for us to got the attentions of all students inside the cafeteria. Iba't-ibang bulungan ng mga studyante ang naririnig ko ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lamang Iyon.
"S-sorry, I-I d-didn't mean to do that" I said and bent down. 
"Are you stupid?" He said and angrily stared at me.
'tanga ba to? Hindi nga sinasadya eh!' wika ko saking isipan.
"Of course not" I simply answered and fought his stare."I'm not stupid. Whose stupid will apologize? If I did it intentionally I will never apologize sa ginawa ko Mr. Yokai, but it was an accident" I added nang hindi ito nagsalita . Napasinghap naman ito sa sinabi ko.
"What did you just called me?" wika nito habang nagdidilim ang awra. Natawa naman ako saking isipan. I have to fight for my right. Ayaw kong magpatalo ulit dahil lamang sa katayuan ko sa buhay. 
"Mahal kong Yokai" Mapang-asar kong wika habang malapad na ngumisi. Natigilan naman ito at tila nakalimutan nang kumurap. I admit that he has an enticing appearance.  Has thick and dark eyebrows and eyelashes. His gray eyes and kissable lips that further accentuate the porcelain color of his skin. Kahit sino yatang babae ay magkakagusto sa kanya sa unang tingin pa lang--maliban sa akin. I'm not the kind of woman who is easily dazzled by the outward appearance of a man. An incident then taught me a lesson and I vowed to stop the mania with the handsome men I see. I was about to leave when he grab my hands and impatiently looked at my eyes.
"Where are you going?" Nagtitimpi pa nitong wika. Although I wanted to laugh because of its reddened face with anger, I chose to hold it. Baka mamaya sumabog pa ito sa subrang galit.
"Aalis na" tipid kong sagot at nginitian ito.
"Do you think we're done huh?... you're mistaken! You hit the wrong person miss" He said at naglakad papalapit sa akin. Napaatras naman ako at napatigil nang tumama na ang likod ko sa mesa, dahilan upang ma-corner na niya ako. Nakahawak ang kanan nitong kamay sa gilid ng mesa habang ang isa naman ay nakahawak sa braso ko. He looked at my eyes directly with his evil smile. Napasinghap naman ang mga narito sa cafeteria. 
'oh no! Yokai please help me.' Pagdadasal ko saking isipan dahil sa posesyon namin ngayon.
I didn't reply to him, instead I looked at my hands that he was still holding. Paulit-ulit akong napalunok nang mapagtantong halos magkadikit na ang aming katawan at ilang pulgada na lamang ang layo sa pagitan ng aming mga mukha at mahahalikan na niya ako. Sinundan naman nito ang mga mata ko. Nang napagtanto nitong hawak-hawak niya parin ang kamay ko ay mabilis niya iyong binitawan at dumistansiya ng kaunti.
"S-sorry" biglang saad nito. He turned to me and took a deep breath. 'weird'.
"Kwits na tayo! Alis nako ah. Magbihis ka nalang" nakangising saad ko naman at umayos ng tayo sabay tinapik pa ang balikat ng lalake bago ito tinalikuran.
"What?!!...Hey!...Arrghhh!" Tawag pa niya sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin hanggang sa tuluyan na akong nakaalis at nakalapit sa mga kaibigan ko na may mga pilyong ngiti sa labi.
"Para kayong timang na nakangiti" Ani ko at nagpatiunang naglakad palabas ng cafeteria. Agad naman silang sumunod sakin.
"Ikaw ha! Ang gwapo non. Lalo na yung nasa likod niya kanina...tapos yung nasa gilid, tapos yung nasa kaliwa" tumitiling pang wika ni Brenda. Hindi ko siya sinagot. Ayaw kong patulan ito sapagkat alam kong hindi ito titigil sa pangungulit.
Matapos naming maipasa ang lahat ng requirements namin ay nag-aya naman sina Brenda na doon na lang mananghalian sa mansion nila na malapit lang din sa school. Mga ilang minuto lang ang biyahe dahil sa hindi gaanong traffic, mula dito sa U.S.C patungo sa North Town Homes kung saan sila namamalagi. Dumaan muna kami sa malapit na restaurant upang mag-take out dahil sa tinamad nang magluto ang mga Yokai kong kaibigan.
LOVEIGHN'S POV
"Woahhh...Talo ka pala ng babae bro?" Pang-aasar ng kaibigan kong si Henry Vohn at tumawa pa ito ng malakas. Ganun rin ang iba pa naming kaibigan maliban sa mga estudyanting narito sa cafeteria.  Inirapan ko lang sila. Wala ako sa mood dahil sa babaeng 'yon. That girl is getting into my nerve.
'hayss kainis'
"Shut up!" Inis na saway ko sa mga kaibigan na hindi matigil sa kakatawa at mas lalo pang nagpapa-asar sa akin. "Let's see kung gaano katapang ang babaeng yo..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Frauen mula sa aking likuran.Frauen is the most uplifting of our friends. We are known here at the University for our influential family in the business world. Frauen also has the coldest personality of us. Well, hindi na ako naninibago simula noong mamatay ang kapatid niya at matapos siyang iwan ng babaeng minahal niya.
"Don't you dare to touch her...or else ako ang makakaharap mo" walang emosyong sambit ni Frauen habang nakapasok pa ang dalawang kamay nito sa bulsa.
's-seryoso? Tama ba ang narinig ko. Don't tell me...'
"W-wait Frauen. B-but I don't understand. Don't tell me girlfriend mo yon?" takang tanong ko sa kanya. His eyes narrowed as he looked at me.
"It's none of your business...Just stay away from her." Sagot ni Frauen sabay agaw sa Fries na hawak ni Ivan at naupo sa kaharap kong table sabay patong sa dalawang paa nito sa dito. Ito din naman ang pwesto namin at wala ni kahit sinong nagtatangkang umagaw sa pwestong ito. Takot lang nila samin. 
Nagtataka akong tumingin sa kanya na patuloy lang na ngumunguya ng fries. Well, gwapo naman si Frauen, may singkit na mga mata, matangos na ilong at magkasing tangkad lang din naman kami, pero mas gwapo pa din ako sa kanya.
"F-Frauen... Seriously? May nakain ka ba? You don't know that lady" wika ko at naupo din kaharap niya.
"I'm serious bro...Kahit sino sa inyo ay huwag na 'wag magtangkang lapitan siya" saad pa nito. We looked at him in confusion, the rest of us were still stunned and at the same time turned to him. We all know na bihira lang nagsasabi si Frauen ng ganito. I think the last time he said those words ay noong buhay pa ang kapatid niya. Ni kahit isang beses noon ay hindi niya kami pinayagang makilala ito. Maging ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya ay di niya pinagtutuunan ng pansin. Lingid sa kaalaman ni Frauen noon na nagkita na kami ng kapatid niya. Noong nasa park ako ay aksidente ko itong nabangga habang patuloy ito sa pag-iyak. Mula noon ay naging magkaibigan din kami at palage kaming nagkikita sa Park kapag wala si Frauen. Dumating din ako sa point noon at nangako akong siya lang ang babaeng mamahalin at papakasalan ko, pero nabago lahat simula nang mamatay ito. Doon na din ako nagsimulang paglaruan ang mga babae. Wala akong sineryoso sa mga ito.
"After a decade... congratulations bro. may ipinagkakait kana naman samin" pumapalakpak na biro ni Henry at tumatawa pa ito. Napahiyaw naman ito nang batukan ko.
"What was that for?" tanong nito at hinimashimas pa ang kanyang ulo.
"Ang ingay mo kasi. Seryoso kami dito." Sagot ko sabay irap dito.
"Well, let's talk about it next time. The Dean called us to be in her office." Imbis na sagot ni Frauen. Before I forgot, Frauen is our SSG president tapos ako naman ang naging vice president. Kaming lahat magkakaibigan ay mga officers dito sa school.
Matapos ng meeting namin with the school Dean ay namasyal muna kami sa pinakamalapit na mall sa Juan Luna Ave. may sarili naman kaming mga saksakyan kaya makakapunta kami kung saan namin gusto. Ang mall na ito ay pag-aari mismo ng pamilya ni Frauen. Mas mayaman pa sila samin. Well, pareho namang mga negosyante ang family namin pero mas kilala sila sa nangungunang pinakamayamang pamilya ng bansa. They have lots of business establishment here in Cebu, halos lahat ng mall dito ay pag-aari nila maging sa ibang bansa ay mayroon din.
"By the way, Frauen sa bahay niyo na kami maghahapunan nakakatamad na magluto sa bahay eh" Ani Mark at napakamot pa ito sa ulo ng balingan ni Frauen. Mark Hanks is my first cousin. Magkaiba kami ng ugali pagdating sa mga babae. Tinagurian din yang "Good Devil" sa grupo namin dahil sa tuwing may mga babae kaming pinaglalaruan o hinihiwalayan siya agad ang "on the rescue". Palabas na din kami ng mall. Doon na kami lumabas sa garage, doon din Kasi namin na e park ang mga sasakyan. Siyempre si Frauen pa din ang masusunod. Maarte si Frauen lalo na sa mga gamit niya, ni ayaw nga niya itong ipahiram sa iba at kahit sa amin. Kapag nagasgasan mo lang ng kaunti ang Ferrari niyan, nako! Sinasabi ko na magdasal ka nalang na mapunta ka sa langit.
"Maghire ka kasi ng taga-luto. If you are really that lazy, you can order. Don't tell me you can't even order bro? " sagot ni Frauen.  Napakamot naman si Mark sa kanyang ulo. Nasa ibang bansa kasi ang parehong magulang namin ni Mark dahil sa negosyo. Parehong mga negosyante ang parents namin pati na din si Steve. Si Ivan naman ay isang anak ng gobernador ng bansa habang si Jade Castor naman ay nag-iisang anak nina tita May and tito Jay. Parehong sikat na doctor ang mga magulang niya. Si Henry Vohn naman ay isang anak ng abugado habang prosecutor naman ang mommy nito.
"You just really don't want to be disturbed in your house bro Hahaha ... this is the last, I promise" Nakangiting wika naman ni Mark at nag-crossed sign pa ito paharap kay Frauen na ngayon ay nakasandal sa kanyang kotse.
"Pang-ilang last time na yan Mark" saad naman ni Frauen habang si Mark ay nagpapaawa effect na tila isang bata. "Fine! Di naman kita matatanggihan, but...don't forget my rules" dagdag nito at pumasok na sa kanyang kotse. Sumunod namin kami nang ipasibad na niya ito.
FEINE ERIN DE JESUS POV
IMPIT na napatili si Brenda habang patalon talon pa ito pagkarating nang pagkarating namin sa apartment nila.
'Ano bang nakain nito?' tanong ko saking isipan. 
"Grabe ang gwapo ng mga nilalang nayon kanina Feine" tumitiling wika ni Brenda habang hinampas-hampas pa ng kanyang sling bag si Lorry na katabi lamang nito habang ako naman ay naupo sa kaharap nilang maliit na sofa bed na kasya lamang sa iisang tao. Tudo depensa naman si Lorry sa bawat hampas ni Brenda na tila di matigil at kilig na kilig sa mga grupo ng lalaking nakita nila.
"Woi! tumigil ka nga para kang sinapian ng libo-libong Yokai. Namumula na ang balat ko sa kakahampas mong bruhita ka!" Inis na sambit ni Lorry sabay pakita sa braso nito. Bahagya lamang akong tumawa sa dalawang magkakapatid.
Matagal na akong nasanay sa dalawa. Magkapatid si Lorry at Brenda sa ama ngunit magkaiba naman ng ina. Kahit ganoon ang sitwasyon ng mga ito ay parang totoong magkapatid at magkaibigan ang turingan nito sa isa't isa.
"Wag kang epal Lor! Basta ako crush ko yong isa ang cute niya" tili ni Brenda sabay flip sa maikli nitong buhok na kulay brown. Pinakulayan pa niya ito bago paman kami lumuwas ng siyudad. "Teka, ano nga pala pangalan non Feine?" Na e-excite na sambit nito saka tumayo at lumipat sa kaharap na sofa kung saan ako nakaupo. Kumapit pa ito sa braso ko na parang batang nag-aantay ng sagot.
'ba't ba ako ang tinatanong nito?'
"Para ka talagang bata" imbis na sagot ko na siyang ikinatawa naman ni Lorry.
"Nagtatanong lang kung anong pangalan ng nilalang na yon" nakasimangot na sambit nito.
"I don't know, alam mo naman na baguhan pa tayo dito" sagot ko sa kanya habang nakangiting inaalala ang naasar na mukha ng lalake kanina. Kahit na wala siya sa pinaroroonan namin ngayon ay tila naamoy ko parin ang pabango nito.
'that guy...I think I alraedy met him somewhere' 
.......
"Where have you been?" Bungad na tanong ni Frauen sa akin. It's only three o'clock in the afternoon.
"Sa bahay ng mga kaibigan ko" simpleng sagot ko matapos bayaran ang driver at saka nagpatuloy sa pagpasok sa gate. Hindi na ako nag-abalang tapunan man lang siya ng tingin. Sa tantiya ko ay kanina pa ito naghihintay sa akin. Mag-iisang linggo pa lamang simula ng mamasukan ako sa pamilya nito bilang isang kasambahay.
Napagdesisyonan ko na sana noong una na uunahin muna ang pagtatrabaho at sa susunod na lamang na mga taon na ako babalik sa pag-aaral, pero pinilit pa din ako ng Mag-asawang Francis at Felissa kase sayang raw kung hihinto ako. 'well, they have a point' At isa pang dahilan ng mga ito ay upang may makasabay na sa pagpasok ang nag-iisa nilang anak na si Frauen. Simula una pa lang ay maayos ang turing ng pamilya sakin. Kung paano nila trinato ang anak ay ganoon din sa akin. Nahihiya na din ako sa kanila kase hindi nila akong masiyadong pinapatrabaho. At upang makahanap ako ng way na makapagtrabaho ng patas sa ibinabayad nila sa akin, gumigising ako ng maaga habang hindi pa gising ang ibang mga kawaksi.
"You just atleast call me to pick you up. It's dangerous when you take a taxi alone ... what if something happened to you?" Sambit ni Frauen ng masundan ako. Napangiti naman ako sa sinabi niya. 'concern ang yokai'
"Sanay po akong umuwing mag-isa sir at isa pa kaya ko na pong protektahan ang sarili ko"kunwaring walang pakealam na sagot ko. 'pero Teka? Bakit naman siya mababahala sa akin eh ayaw nga niya akong makausap simula nong una ko dito'. 
Throwback
Nagpupunas ako ng table sa sala nang dumaan si ma'am Felissa na may bitbit na tray ng pagkain.
'siguro para kay  Sir Frauen'
"Ayy! Ma'am ako na ho ang maghahatid niyan sa room ni Sir Frauen. " Pag-presenta ko at hindi naman nagatubiling ibinigay sa akin ni madam ang dala niya.
"Thank you iha. Paki sabi nalang din na pinapababa ko siya dito ha...I wanna to talk to him" nakangiting saad ni ma'am Felissa. I just nodded at umakyat na. Nasa ikalawang palapag ang room ni Frauen. malaki kase ang mansion nila. Sa second floor mayroong 9 rooms and panghuling room dito ay siyang silid ni Frauen.
Kumatok muna ako sa pinto. Nag-aantay pa ako ng ilang minuto bago iyon bumukas at inuluwal dito ang isang gwapong nilalang na naka-tapis ng tuwalya ang pang-ibaba. Kitang-kitang ang six pack abs nito.
'oh no!' Agad naman ako napapikit at inabot sa kanya ang tray.
"Kumain kana po Sir Frauen at saka pinapababa ka na po ng mommy mo" Nakapikit pa din na wika ko.
'grabe hiningal ako don ah'
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang hindi nito inabot ang tray.
'nangangawit na ako'
"MAGBIHIS KA NGA!" Utos ko sa kanya ng makitang nakatingin lang ito sa akin.
"Would you please stop calling me Sir. I don't wanna eat that food...just leave me alone. Huwag na huwag mo akong balikan dito at isturbuhin. I don't need your presence" sagot naman ni Frauen at akmang babalik na sa loob nang magsalita ako.
"But your mom wa-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng napalakas ang boses niya.
"I SAID I DON'T WANT ANYBODY'S PRESENCE! DON'T YOU GET IT?" Napaigtad naman ako dahilan upang mabitawan ko ang dalang tray at nabasag ang mga pinggan at baso. Napayuko ako sa aking paa nang maramdamang humahapdi ito.
'hayss panira naman oh.'Dumudugo ito nang natamaan ng bubog.
"Y-youre feet is bleeding" Ani Frauen at aktong yuyuko ito nang pigilan ko.
"Hindi mo naman trabaho Yan eh. I can handle it myself." Ani ko at nagsimula nang pulutin ang mga basag na gamit. Tutulong pa sana si Frauen nang tapikin ko ang kamay niya.
"I said stop it! Bakit ba ganyan ka Frauen?...Ni kahit mga magulang mo ayaw mong maka-usap...Alam mo nag-alala lang naman sila sayo...Sana..Sana naman pahalagahan mo ang presensiyang ibinibigay nila sayo...Sana naman matuto ka rin na makipaghalubilo sa iba...Paano ka magbabago kung lage mo lang kinukulong ang sarili mo sa madalim mong kahapon..." Sumisinghot kong wika. Nagumpisa na ding tumulo ang mga luha ko.
"I'm s-sorry...I d-didn't mean to shout you" Hindi ko siya pinansin matapos pulutin ay mga bubog ay nagmamadali kong hinayon ang hagdan pababa.
"Where's Frauen iha?" Bungad na tanong ni ma'am Felissa sakin nang makababa ako.
"B-bababa na ho siya ma'am Felissa." Nakatungo kong sagot baka sakaling makita nito ang namumula kong mga mata.
"Are you okay iha? What happened? Bakit nabasag yan?"
"P-pasensiya na ho ma'am...di ko ho sinasadyang mabasa-"
"It's my fault" Pagputol ng isang boses sa likod ko. Si Frauen na kakababa pa lang. Nakabihis na ito at nakasuot ng short pants at Blue sando. Nagmamadali na akong umalis sa harap nila at tinungo ang kusina. Ayaw ko na din makialam pa baka lumaki pa ang usapan.
End of flashback
"By the way just give me your number so that I can call you anytime" ani Frauen at nakapanghimulsa pa ito habang nakatingin sa akin.
"A-ah eh a-ano hmm...k-kasi may trabaho pa ako" pag-iiba ko pero ang totoo ay nahihiya akong sabihin rito na wala akong cellphone, ni kahit keypad man lang. Bibilhan sana ako ni mama noon ng Keypad ngunit tinaggihan ko iyon sapagkat alam kong mas nangangailangan ang mga kapatid ko. At isa pa ay wala naman akong pag-gagamitan nito.
Minabuti ko na lamang na dumeritso sa kusina upang tumulong na lamang sa mga kawaksi. Nang makapasok sa may sala ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata at pag-awang ng bibig ko nang makita ang pitong lalake na nakaupo sa sofa habang nanonood ang mga ito ng tv.
' Kapag minalas ka nga naman Feine'
Paulit-ulit pa akong napakurap baka sakaling namamalikmata lamang ako, kinusot ko pa ang mga mata ko ng ilang beses. Pero totoo talagang nandoon ang mga ito.
"Yang bibig mo ba'ka pasukan ng langaw" biglang sambit ni Frauen na siya ring pumukaw sa attensiyon ko. Hindi ko namalayang nakasunod na pala ito sa akin. Tumagilid na lamang ako paharap sa pinto ng dinning room upang di makita ng mga ito ang mukha ko.
'hayss ang laki ng mundo ba't dito pa'to pumunta'
"Pakidalhan mo na lang kami ng Snacks di..." di na natuloy ni Frauen ang sasabihin ng bigla na lamang may sumingit na familiar na boses mula sa likod ko.
"Bro nandiyan ka lang pala... wait pakilala mo naman sa amin ang kasama mo" sambit nito na ang tinutukoy ay ako. Hindi naman nito makikita ang mukha ko.
'Panira talaga ang araw nato'
"Wag ka nalang pala magdala ng Snacks dito uutusan ko nalang ang ibang kawaksi. Pumasok ka nalang sa silid mo at mag-aral. And one last thing don't try to get out of here when they haven't left yet. Maliwanag?" Imbis na sagutin ni Frauen ang lalake ay bumaling ito sa akin. Hindi pa din ako lumingon sa kanila. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig iyon. 'Pero teka? Hindi ako lalabas? Malalagot ako sa amo ko nito.'
Naningkit ang mga mata ko nang balingan siya. Nasa harap ko si Frauen habang nasa likod ko naman ang kung sinong Yokai .
'Anog nakain nito?'
"P-pero Frauen may trabaho ako dito. At isa pa pagagalitan ako ng mo-" angal ko dito.
"Maliwanag ba?" Ulit pa nito.
"Per-"
"Maliwanag ba Feine?" Giit pa nito. Wala rin namang akong magawa kundi ang pumayag nalang.
"Fine. Pero pag pinagalitan ako ng Mommy at Daddy mo ikaw talaga isusumbong ko" mariin kong wika saka pinadilatan pa ito ng mga mata.
Gumuhit naman ang ngiti sa mga labi nito nang sumangayon ako. "Para kang bata. Ang cute mo...Pumasok kana. By the way, I have moved all your belongings to the guest room where you will sleep starting today" nakangiting pahabol pa nito sa sakin nang magumpisa na akong maglakad papunta sa Maid's quarter.
"H-ha? Frauen. E-eh h-hindi naman ako guest dito. Katulong ako hindi bisita" kontra ko pa sa sinabi niya. Diniinan ko pang banggitin ang "Katulong".Hiyang hiyang na ako sa kabutihang ipinapakita ng pamilya sa akin. Maging ang pagtanggap nito sa akin ay sapat na, pero ang pagtulog sa guest room ay labag sa aking kalooban lalo na at nagtatrabaho lamang ako dito at hindi nagbabakasyon.
Lumapit naman si Frauen sa kinatatayuan ko sabay akbay sakin.
"Try to agaisnt Feine or else I locked you at your room" bulong nito sa aking tainga at gumuhit pa ang pilyong ngiti nito sa mga labi. Paulit-ulit naman akong napalunok sa sinabi nito.
'seryoso ba talaga ito?' bulalas ko sa aking isipan at nagmamadaling tumakbo papunta sa sinabing guest room.

Comentário do Livro (36)

  • avatar
    Mikaella De Luna

    good

    14/09/2024

      0
  • avatar
    Patricia Pineda

    tha'ts good.

    22/07/2024

      0
  • avatar
    watapampaprincejay

    thank you

    11/07/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes