logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Isang buwan na ang lumipas nang magsimula ang pasukan pero sa bawat araw na nagdaan palagi ko parin nararamdaman yung kakaibang feeling na parang palaging may nagmamasid sa bawat kilos ko na parang laging may taong gustong umatake sakin.
Naglalakad ako sa hallway ng makasabay ko si Brent. Si Brent na laging sumusulpot sa kung saan saan at nagiging weird sa bawat pagdaan ng araw. Minsan nakikita ko siya na parang pagod na pagod at pawis na pawis akala mo tumakbo ng ilang laps sa field. Kung minsan naman ay natse tiyempohan na kung kailan ako nagha hallucinate na nakikita yung anino bigla bigla siyang sumusulpot at nawawala bigla yung anino na iyon. Naiisip ko tuloy na savior ko siya sa depression ko pero sakit sa ulo kapag kinakausap na niya ako.
"Hey" pagtawag sa akin ni Brent
"Y-yes?"
"Why do you look so pale?" nag aalalang tanong nito.
"A-ahm nothing" tipid kong sagot.
"Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Sana hindi kana muna pumasok at umabsent kana lang para makapag pahinga yung body mo"
"Alam mo daig mo pa yung magulang ko sa pangangaral mo, puwede ba na tumahimik ka kahit saglit? Sumasakit lalo yung ulo ko sayo" naka simangot na ani ko. "At isa pa Mister Brent, paki bawas bawasan ang pagiging malisosyo okay? Hindi tayo close"
Napa "O" si Brent pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Paano ba naman kasi daig pa niya ang babae kung magsalita dire diretso walang preno at ang daldal niya for pete's sake!
Nanahimik na si Brent habang kasabay ko sa pag pasok sa room. Naka pasok na kami at walang bago sa ganap may kaniya kaniyang mundo ang mga blockmates ko. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit wala parin ang professor namin siguro hindi na ito papasok.
Sa sobrang sama ng pakiramdam ko nararamdaman kong unti unting pumipikit ang tulikap ng mga mata ko hanggang sa balutin na ako ng antok. Kasalukuyang nakapikit ako pero gising ang diwa ko ng marinig ko ang tinig ni Brent.
"He will surely punished me if something bad happened to you" ani nito.
"Punished? " tanong ko sa sarili ko, bakit naman siya mapaparusahan kung may mangyari sa aking masama? Teka, ako ba yung tinutukoy ni Brent o may kausap siya? Gusto ko sanang malaman pero ayaw makisama ng katawan ko.
Tuluyan na akong nilamon ng kadiliman at nagising sa mahinang pag yugyog sa balikat ko. Pilit kong idinidilat ang mata ko ng mataman kong nakita ang dalawang pares ng asul na mata, si Mavien unang una kong naisip ng makita ko ang mga pares ng mata na iyon pero hindi.... si Brent ang gumigising sa akin
"Hey, wake up!"
"Hmmm..."
"Class dismissed na, ilang oras ka na natutulog diyan. Gano'n ba kasama ang pakiramdam mo kaya natutulog ka sa oras ng klase?"
Napabalikwas ako sa sinabe ni Brent, Oh my ghad! ilang oras na akong natutulog at nakakahiya sa professor namin baka mapa tawag sina Mommy. Oh sh*t! Czarina Eshreen ano bang pinag gagawa mo sa buhay mo.
"What??" nanlalaking mga matang tanong ko. "Kanina pa ako tulog? A-anong sabi ng mga professor? Nagalit ba sila? Ipapatawag ba ang parents ko? Oh ghad Brent!!! Bakit hindi mo ako ginising?!"
"Easy woman, kumalma ka. Unang una, oo kanina kapa tulog at tumutulo na ang laway mo" tumatawang ani nito. "Pangalawa, walang sinabi ang mga proffesor dahil sinabi kong may sakit ka. Pangatlo, hindi nila ipapatawag ang parents mo okay?"
"Oh sh*t buti na lang" nakahinga ako ng maluwag sa mga narinig ko. "Teka? bakit nga ba hindi mo ako ginising ha?" paninisi ko rito.
"Bakit naman kita gigisingin? Close ba tayo? And besides dapat nga maging thankful ka kasi pinagtakpan ko pa ang kaantukan mo sa mga prof. natin" may sarkasmong saad nito.
Hindi ako nakasagot sa sinabi nito, tama nga naman kaka sabi ko lang sa kanya kaninang umaga na hindi kami close tapos ako itong nag de demand bakit hindi ako ginising when in fact pinagtakpan na niya yung pag tulog ko sa klase. Haysss Eshreeeeen!
"Thank You!"
"What? I can't hear you" nang aasar na ani nito.
"I said, Thank You!" sigaw ko sa tenga nito na siya namang ikina hawak niya sa tenga niya siguro na bingi hahaha deserve mo yan.
"Sakit mo naman magpa salamat"
"Deserve"
Gumaan gaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong matulog ng ilang oras sa klase at hanggang ngayon ay nahihiya parin ako dahil naka tulog ako habang nag di discuss ang professor namin. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas sa room.
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko na pulang pula ang parehong mga mata tulad nung una may naka tattoo na ahas sa kaliwang mata nito. Sisigaw na sana ako ng bigla itong sumugod at nawala.
Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at may nakita akong mga taong hindi ko makilala pero nakikita ko ang sarili ko na umiiyak habang naka tingin sa dalawang taong iyon. Lalapitan ko na sana sila ng biglang magdilim at wala akong makita hanggang sa naramdaman kong bumagsak na ang katawan ko.
••••
Nagising ako na puros puti ang nakikita ko nasisilaw ako sa liwanag ng mga ilaw, pilit kong nilingon ang ulo ko para tignan ang mga nag uusap sa gilid. Nakita ko si Dad at Mom na may kausap na isang lalaki pero hindi ko ito mamukaan at sa tingin ko ay seryoso ang kanilang pinag uusapan, naroon din si Creige na nakaupo sa sofa habang tinitignan silang nag uusap usap.
"Mom?"
Nagulat sila ng makita nila ako parang hindi sila maka paniwala na nagising pa ako. Umupo ako sa kama na siya namang naging mabilis na pag kilos ni Daddy para alalayan akong umupo.
"Anak"
"Nasaan po ako?" tanong ko kahit na alam kong nasa hospital ako pero hindi ko matandaan kung bakit.
"Nasa hospital ka anak "
"P-paano po ako na punta dito?"
"Huwag ng maraming tanong anak magpahinga ka muna"
Nakuha ang atensyon ko nung lalaking kausap ni Daddy kanina, bigla itong lumabas na hindi bumaling ng tingin sa akin parang umiiwas ito para hindi ko siya makilala.
"Dad"
"Why honey?"
"Sino po yung kausap nyo?"
"Ah yun ba, wala yun anak tauhan ko lang"
"Dad, gusto ko na po umuwi... Ayos na po ako sa bahay na lang po ako magpapahinga"
"Pero honey, you need to be here... lalo na-"
"Okay na po ako Dad" putol ko sa sasabihin ni Daddy. Pilit akong ngumiti para makita nila na okay na ako kahit na sumasakit pa nang kaunti ang ulo ko.
"No, He-- " putol na sabi nii Dad
"Hon" hinawakan ni Mom yung balikat ni Dad at sinabihan akong magpahinga na muna dahil kailangan ko daw magpahinga dahil bukas na bukas ay may pag uusapan kaming mahalaga at kailangan kong maging bukas.
Nakinig na lang ako sa sinabi ni Mom at nagpahinga. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko ng biglang mag salita si Mommy.
"Hon, maiintindihan kaya tayo ni Reen kapag sinabi natin ang totoo?" nangangambang tanong nito.
"Hon, tiwala akong maiintindihan tayo ni Reen kapag sinabi natin ang totoo sa kanya. Isa pa, alam nating pareho na nahanap na siya ng mga iyon hindi na natin kayang protektahan siya rito sa mundo natin"
"H-hindi pa ako handa... hindi ko pa kaya na mawalay satin si Reen. Parang tunay na anak na ang turing ko sa kaniya" mangiyak ngiyak na sagot ni Mommy.
Habang nakikinig ako sa usapan nila nakaramdam ako ng pagbigat ng mga talukap ng mga mata ko siguro'y epekto ito ng gamot. Bago pa ako tuluyang balutin ng dilim tumatak na sa isip ko na.... Hindi nila ako tunay na anak, totoo ang sinabi ni Brent sa akin noon.
••••
Kinabukasan nagising ako na pakiramdam ko may mga mata na nakatitig sa akin. Hindi nga ako nagkamali naka bantay si Mommy at Daddy sa pag gising ko.
"Good morning, Mom Dad" bati ko.
"Good morning anak"
"Ang aga niyo naman po akong dinalaw dito sa hospital, naka tulog po ba kayo? Si Creige po?"
"Ayos lang kami anak... Gusto ka sana naming makausap ng Mommy mo, kung ayos lang sayo"
"Ahhhh tungkol po ba to sa pagiging ampon ko?" ani ko sabay pilit na ngiti.
Nagkatinginan sila Mommy at Daddy habang hawak hawak ang kamay ko tiningnan nila ako na parang naaawa sila sa akin
"Anak... saan mo nalaman yan?"
"Noon pa man may nagsasabi na sa akin na nalalayo raw ang mukha ko sa inyong dalawa ni Daddy, minsan narin nabanggit sa akin ng kakilala ko na hindi niyo ako tunay na anak at napatunayan ko po ka gabi na... hindi niyo ako tunay na anak" maluha luhang pag amin ko sa kanila.
"Anak, patawad hindi namin sinasadya na itago sayo ang totoo pero yun lang ang paraan para ma protektahan ka namin ng Daddy mo"
"Protektahan? Saan Mom? Lagi ko naririnig sa inyo na pino protektahan niyo ako, na hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa akin" naguguluhang tanong ko. "Mom, Dad sino po ba talaga ako? Bakit po may mga gustong manakit sa akin? Sino po yung tinutukoy niyo... bakit parang natatakot kayo sa kanya kapag may nangyaring masama sa akin"
Hindi naka sagot sila Mommy sa tanong ko tanging pag iling lang ang ginawa nito.
"Wala kami sa lugar para sabihin sa iyo ang katauhan mo anak... Hindi kami maaaring maki sali sa inyo, magkaiba tayo ng mundo at malaking kasalanan na ang ginawa namin ng kupkupin ka namin ng Daddy mo anak... Patawad"
Wala akong naiintindihan, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Mom. Anong magkaiba kami ng mundo? Malaking kasalanan ang pagkupkop sa akin? Bakit?
"Kailagan mo ng lumipat ng school sa lalong madaling panahon" ani Daddy
Nagulat ako sa sinabe ni dad na kailangan ko ng lumipat ng school sa lalong madaling panahon pero bakit?  May nagtatangka ba talaga sa buhay ko? Sino ang tinatakbuhan ko?
••••
Brent's P.O.V
Sinundan ko si Reen paglabas niya ng classroom, alam kong hindi pa nawawala ang kakayahan niya, hanggang ngayon nga ay nakakaya parin niyang basahin ang nasa isip ko. Habang sinusundan ko si Reen huminto ito at naestatwang bigla tinignan ko kung saan siya naka tingin at laking gulat ko ng makita ang isa sa tauhan nila.
Agad kong binuksan ang Dimension at hinila papunta rito ang lalaki bago pa man ito makalapit kay Czarina. Talagang hindi ako mapapatawad ni X kung dumapo ang mga kamay ng lalaki na 'yon kay Czarina.
Bumalik ako kung saan ko naiwan si Czarina at nakita ko ang pamumutla niya kasabay ng pag tumba nito. Agad kong binuhat si Czarina para dalhin sa hospital ng mapansin kong may maliit na karayom na naka baon sa leeg nito, tinanggal ko agad ito dahil iyon ang dahilan kung bakit hinang hina siya at nawalan ng lakas.
Ngayong alam na nila na buhay siya siguradong kikilos na sila para makuha ang hinahangad nila.
••••
"X"
"Hmm"
"M-may n-nangyaring hindi maganda kay Czarina " agad na nakuha ko ang atensyon nito at napatayo ito sa galit.
"Where is she?"
"Dinala ko siya sa hospital"
Tila na kahinga ito ng maluwag ng marinig ang sinabi ko.
"Pero... hindi na siya ligtas sa mundo ng mga normal na tao" dagdag ko. "Kanina lang, may nakita akong karayom na ginamitan ng lason para mang hina siya mabuti na lang at mabilis kong naagapan ang pagtanggal niyon at nakita ko agad ang isang tauhan nila na nagbabalak siyang sugurin siya, kung hindi...malamang nakuha na si Czarina"
Natahimik ito at nag isip parang tina tantiya niya ang posibleng mangyari o kung ano mang magiging desisyon niya.
"Get out!" sigaw nito na siyang ikina gulat ko. Alam kong sa mga oras na ito ay punong puno siya ng galit at kayang kaya niyang pumatay ng walang pag aalinlangan.
"X...." lakas loob kong sabi.
"I said Get Out !" galit na sagot nito. "Leave, Brent. Balikan mo si Czarina at siguraduhin mong walang mangyayaring masama sa kanya" pagdidiin nito
••••
BRENT'S P.O.V
Nakabalik na ako sa hospital kung saan ko dinala si Czarina kanina at ngayong nandito na ang mga tumayong magulang niya nararapat lang na ipaalam ko sa kanila ang binabalak ni X.
"Aileen, Rico..."
"Brent..." ani Aileen.
"Paniguradong alam niyo na ang binabalak ni X"
"Alam na namin, pero puwede bang ibigay pa niyo sa amin itong gabing ito ipapaliwanag namin sa anak namin ang nangyayari"
"Walang problema kung sa tingin niyo ay iyan ang mas makabubuti"
Nagising si Reen na halatang nanghihina pa, tinawag niya ang kanyang mga magulang kaya umiwas ako ng tingin. Lumapit na sa kanya sina Aileen at Rico na naging hudyat sa akin para lumabas ng kwarto at maghintay na lamang sa labas.
Habang naka upo ako sa labas ng kwarto may napansin ako na tatlong lalaki na naka tingin at tila nakikiramdam kung anong ginagawa ko maya maya ay itinaas nito ang mga kamay at may snake tatto ito, maliit lamang ang tatto ma iyon ngunit nakikita ko ng malinaw dahil isa iyon sa mga kakayahan ko.
Akala ko susugod ito pero hindi, nagulat ako ng bigla itong tumalikod at naglakad na papalayo kasama ng dalawa nitong kasama na nakasunod sa kanya.
"Black Hallow"
••••
SOMEONE'S POV
"Kailangan ko ng ibalik kung anong nararapat sa mundong ito"

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Marco Lalusin Castillo

    goooooooood

    16/07

      0
  • avatar
    Bhe Leona

    thank you

    30/05

      0
  • avatar
    Nick Nick

    putang Ina mo novelah

    22/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes