logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 1

Ilang linggo narin ang nakalipas simula nung nagpakita yung lalaking iyon sa akin at hindi ko parin maiwasan ang kabahan tuwing gabi kapag napapatingin ako sa labas ng bintana nangangamba ako na biglang bumalik ang lalaking iyon. Sana hindi na magpakita pang muli ang lalaking iyon lalo na't bukas ang unang araw ng pasukan at kailangan kong maka tulog ng mahimbing.
Habang nag aayos ako ng mga gamit ko para bukas narinig ko ang pag tawag sa akin ni Creige.
"Reen!" sigaw nito
"Pasok"
"Ohhhh, mukhang excited ka sa pag pasok sa University bukas ah?" nang aasar na tanong nito
"Oh eh ano naman? porket walang mag aayos ng gamit mo ay dito ka sakin mang gugulo. Ano bang kailangan mo?" ngumisi lang ito at binigyan ako ng isang paawa look. "Wait, hulaan ko.. magpapatulong ka sa akin ayusin ang mga gamit mo ano?"
Tatawa tawang tumango ito dahil sa nahulaan ko ang gusto nitong mangyari. Nako napaka kapal talaga ng pagmu mukha ng kapatid ko na ito. biro mo mang aasar tapos biglang hihingi ng isang pabor? Saan kaya nagmana ng kakapalan ng mukha ito.
"Please?" sabay puppy eyes
"Hayssss... kahit kailan ka talagang lalaki ka! ang laki laki mo na di ka parin marunong mag ayos ng gamit mo!!!" sigaw ko rito at tuwang tuwa lang sa reaksyon ko ang walang hiya kong kapatid
"Okay lang yan, mahal mo naman ako eh diba Ate Reen?"
"Tse! lumayas ka sa kwarto ko"
"I love you Ate Reen!" nang aasar na sigaw nito sabay labas sa kwarto ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng gamit ko nang makita ko ulit ang sulat ni Mavien. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinuha ko ito, muling bumalik yung sakit at lungkot na nararamdaman ko noong panahong biglang nawala bigla si Mavien. Naaalala ko pa kung ilang gabi ko nakakatulugan ang pag iyak habang hawak hawak ang sulat na ito at umaasang babalik siya, na may isang Mavien na kakatok sa pinto ko pero wala. Walang Mavien na bumalik, walang Mavien na babalik.
•••
Naramdaman kong basa na ang aking pisngi dahil sa mga luha. Nakatulugan ko na naman pala ang pag iyak sa sulat na iyon huminga ako ng malalim at dumiretso sa cr para maligo. Natapos na akong maligo at inayos ko na ang aking sarili pati na rin ang mga gamit ko hindi ko pala natapos iyon ka gabi.
Dali dali akong bumaba ng hagdan sa sobrang excited dahil ito ang unang araw ng klase ko pero hindi ko na naman naabutan pa sila Mommy at Daddy tanging si Creige na lang ang nasa hapag kainan.
"Miss Reen" pagtawag sa akin ni Manang Aida na siyang katiwala sa bahay
"Manang nasaan po sila Daddy?"
"Maaga silang umalis hija pero ang sabi nila ay kumain ka at sumabay sa pagpasok kay Creige sa school"
"Ganun po ba" malungkot na tugon ko.
Bigla na lang ako nawalan ng gana dahil hindi ko na naman nakasabay sila Mommy, lagi na lang silang umaalis ng maaga si Creige na lang lagi ang nakaka kita sa kanila. Ano pang silbi ng pagpapa opera sakin para makita sila kung tuwing umaga'y hindi ko rin naman sila nadadatnan.
Natapos na kaming kumain ni Creige at nagpaalam kay Manang Aida na papasok na ng school. Pag labas namin ng bahay nandon na si Manong Ernesto hinihintay kami para maihatid sa school.
••••
Pagkarating namin sa school naghiwalay na agad kami ni Creige at tingnan mo nga naman ang loko may mga bagong kaibigan agad habang ako eto naglalakad at hahanaping mag isa ang classroom ko.
Nasa gitna ako nang paglalakad habang hinahanap ang room ko ng biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at nangilabot dahil sa malamig na hangin. Nararamdaman ko na naman yung weird na feeling noon at mas lalo akong kinabahan ng maalala ang nangyari noon sa akin sa mini garden. Pakiramdam ko tuloy may sumusunod sa akin kaya agad akong tumingin sa likuran subalit mga estudyante lang din ang nakita ko na naghahanap lang din sa kani kanilang mga classroom.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room ko ng biglang may humawak sa balikat ko. Sa gulat ko ay agad akong napatalikod at itinaas ko ang kamay ko para umatake at saktong tinamaan ito sa mukha.
"Ouchh" sagot nito habang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi na may dugo.
"I-I'm s-sorry, hindi ko sinasadya" paghingi ko ng sorry dito. Natigil ako ng makilala ko siya, siya yung lalaking nakita ko nung nagpakita sakin yung lalaking iyon.
"Its fine, nangyari na may magagawa pa ba ako? Nabangasan na ang gwapo kong mukha at mismong unang araw pa ng pasukan" sabay tingin nito sakin na parang sinisisi ako
Abah! malay ko bang siya yung humawak sa'kin atsaka bakit ba kasi nang hahawak siya bigla bigla hindi naman kami close tsk! Bigla itong kumaway kaway sa harapan ko bigla akong nakaramdam ng hiya dahil naka titig na pala ako dito.
"Huwag mo'ko titigan baka halikan kitang bigla riyan" nakangising saad nito.
Abah! kapal ng mukha nanakawan pa ako ng first kiss bagay sila ng kapatid ko mga maha hangin!
"Duh! sinong naka titig?" pagku kunware ko kahit pa na alam kong namumula na ako sa kahihiyan.
"I see, kaya pala titig na titig ka sa gwapo kong mukha at ngayon ay pulang pula na ang mukha mo" may patango tango pa ito habang ngumingisi
Naiirita ako sa asta nitong loko nato ah? Akala mo kung sinong gwapo hmpk!
"By the way you are Czarina, right?"
"P-paano mo nalaman pangalan ko?" takang tanong ko rito.
"We meet last time right? Sa mini garden, yung bigla kana lang sumigaw ng napaka lakas" paninigurado nito ".... and besides sinabi niya" mahinang ani nito pero narinig ko parin.
Ang weird kasi hindi naman bumuka yung bibig niya nang sabihin niya yon pero narinig ko yung sinabi niya, nag ha hallucinate na ata ako sa sobrang pag iisip ko, kung ano ano na ang nakikita at naririnig ko
"Sinong siya?" tanong ko
Tumingin ito na parang nagulat at naguguluhan sa sinabi ko "None of your business" sagot nito na umiiwas ng tingin
"What the?!" anong none of my business? tungkol sa akin tapos it's not my business? bakit ba ang weird ng mga nangyayari sakin lately, lalo na ang lalaking ito. Sisigawan ko pa sana siya pero wala na siya sa harap ko at nakita kong pumasok siya sa room kung saan din ang room ko. Aughhhh! Sa kamalas malas na araw talaga oh -_-
Pumasok na ako sa room pero nagtataka ako at pinagtitinginan nila ako na parang may kakaiba sa'kin, ipinag kibit balikat ko na lang iyon at naghanap ng mauupuan pero sa kamalas malasan nga naman talaga wala ng ibang bakanteng upuan kung hindi roon sa tabi ng lalaki na nakausap ko sa labas na gustong gusto ko ulit bangasan yung pagmumukha.
"Akala ko hindi kana papasok" pangising ani nito
"Fc!" sabay irap ko
"Sino kaba ha?! at bakit parang andami mong alam saken ngayon lang naman kita nakita"
"I'm Brent" maikling sagot ito
"And so? kung ikaw si Brent paano mo ako nakilala? Huwag mo sabihing si "SIYA" na naman and dahilan mo"
Tumawa ito sa pag quote ko sa hangin nung "SIYA" at biglang sabi na "Co'z he wants me to protect you" sabay tingin nito sakin na parang nang aakit?! Ewwww jerk!
"Sino ba kasing siya yan at andaming alam sa akin?" naguguluhan kong tanong dito.
"Soon you will know him" seryosong ani nito "you just forget him because of the incident but surely, someday you will see him...again" sabay tingin nito sa harapan
Nagtaka na naman ako sa nangyari may narinig na naman ako na sinabi niya kahit na hindi bumubuka ang bibig niya, lalo akong naguguluhan sa sinabi niya "sinong siya ba ang tinutukoy niya? at anong nakalimutan ko lang siya dahil sa aksidente ng nangyari? anong aksidente ba ang sinasabi niya?"
"Anong nalalaman mo sa pagkatao ko Brent? Sino ka ba talaga?" tanong ko sa isip ko. Nagulat ako ng bigla itong tumingin sakin at parang nagtataka siya, nagtataka rin ako sa inaasta niya. Posible kayang narinig niya ang nasa isip ko? pero imposibleng mangyari yon sa isip ko lang yon at hindi nangyayari yon sa totoong buhay
Tumingin na ulit ito sa harapan na sakto namang pumasok ang professor namin kaya umayos na rin ako sa pagkaka upo at nag focus sa sasabihin ng prof namin
Natapos ang araw na ito at puro pagpapa kilala lang ng proffesor ang ganap at ine explain nila ang magiging coverage ng mga lessons namin. Sa tuwing napapatingin ako sa gawi ni Brent palagi ko siyang nahuhuling naka tingin sa akin o baka nag aassume lang ako? Paano niya kaya ako nakilala? Bakit parang andami niyang nalalaman sa akin
Nagligpit na ako ng mga gamit ko ng mag paalam na ang professor namin. Lalabas na sana ako ng tawagin ako bigla ni Brent
"Czarina...."
"Yes?" takang tanong ko rito
"Huwag mo sanang pilitin maalala ang lahat"
"H-ha? anong sinasabi mo?" naguguluhan ko siyang tinignan. Anong dapat kong maalala?
"Huwag ka mag alala, hangga't hindi mo pa naaalala ang lahat hindi ka niya hahayaang mapahamak. Lalong lalo na ng mga kinikilala mong magulang" makahulugang sagot nito
"Alam mo Brent hindi kita maintindihan, kung ano ano ang mga sinasabi mo na wala naman akong alam, pati parents ko ay dinadamay mo na"
Ngumiti lang ito ng tipid at nag sorry, wait! nag sorry siya gamit ang isip niya. Paano niya nagagawa iyon? Paano ko naririnig ang mga yon?
Tinitigan ko lang siya ng may pagtataka at nagpaalam na ito at umalis. Hahabulin ko pa sana siya para itanong kung paano niyang nagagawa ang kausapin ako gamit ang isip niya pero pag labas ko ng room ay wala na agad siya.
Tinext ko si Creige na hihintayin ko na lang siya sa waiting shed sa labas ng University para sabay na kaming uuwi. Habang naglalakad ako may nakita akong nakatayo sa malayo at tulad ng nakita ko noon sa mini garden nakasuot din ito ng puros itim. Naestatwa ako ng bigla itong magtaas ng tingin at pumantay sa paningin ko. Kulay pula rin ang kabilang mata nito at may tattoo na ahas sa kaliwang mata, nakatingin ito sakin ng masama at sabay ngumisi.
Kinilabutan ako sa nakikita ko at tatakbo na sana palayo ng biglang nawala ito sa kawalan. Bigla na lang may humawak sa balikat ko at saktong sisikuhin ko na sana ng pigilan nito ang braso ko
"Kalma ka lang Ate Reen, nagiging marahas kana ah hilig mo ng manakit"
"Bakit ba kasi nanggu gulat ka?" pagtataray ko rito
"Alam mo bawas bawasan mo ang pagiging nerbyosa mo baka mamaya may kaklase kang hawakan ang balikat mo bigla mo na lang sikuhin"
Namula ako sa sinabi ni Creige ng maalala ko ang nangyari kanina ng hawakan ako ni Brent sa balikat, agad na nanlaki ang mata ni Creige ng ma realize kung anong sinabi niya
"Huwag mo sabihin sa akin Ate Reen na may kinarate ka sa unang araw mo sa University?!" pasigaw na tanong nito
"Ano kaba? hinaan mo nga yang boses mo mamaya kung anong isipin ng mga tao sa paligid natin"
"Oh god! Ate Reen, seriously?!" di maka paniwalang tanong nito
Tumango na lang ako bilang sagot at nanlalaki ang mga mata nito. Geez! Hindi ko naman kasalanan yon nang gulat siya. Umuwi na kami galing school at naabutan namin sina Mommy at Daddy na nag uusap ng seryoso, bigla na lang silang tumahimik ng makita kami.
Agad na yumakap at humalik kami kay Mommy at Daddy.
Umakyat na ako sa kwarto at nagpalit. Hindi ko mapigilan na mapa isip sa pinag uusapan nila Mommy at Daddy masyado silang seryoso. Naalala ko yung sinabi ni Brent sa akin kanina sa room, what if... tungkol doon yung pinag uusapan nila Mommy? what if hindi talaga ako tunay na anak nila Mommy? Oh my ghad!
Agad akong lumabas ng kwarto at papunta sa kwarto nila Mommy ng marinig ko ang usapan nila. Tumulo ang mga luha ko sa narinig agad akong naglakad pabalik sa kwarto ko at nasalubong si Creige na nagtataka kung bakit ako umiiyak
"Bakit ka umiiyak Ate Reen?"
Hindi ko ito pinansin at nag dire diretso akong pumunta sa kwarto ko sabay lock. Tinalon ko ang distansya sa kama ko at umiyak nang umiyak. Sobrang sakit ng mga narinig ko, kaya pala ganon.
Narinig kong lumabas ng kwarto sina Mommy at tinanong si Creige ano raw ang nangyari pero ang sagot lang ni Creige ay hindi niya alam.
Sino ba kasi ang tinutukoy niyo? Sino ba talaga ako? Bakit sila natatakot sayo.... Anong kinalaman mo sa katauhan ko.

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Marco Lalusin Castillo

    goooooooood

    16/07

      0
  • avatar
    Bhe Leona

    thank you

    30/05

      0
  • avatar
    Nick Nick

    putang Ina mo novelah

    22/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes