logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

PROLOGUE

•FLASHBACK•
Nagising ako na madilim parin ang tanging naaaninag ko, labis na takot ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Nagkaroon ako ng mga kung ano anong negatibong isipin na hindi naging matagumpay ang operasyon ko.
Pilit ko ibinubuka ang mga labi ko para sabihing "wala akong makita" ng biglang may lumapit sa akin at nagsalita.
"Miss Reen, huminahon po kayo normal lang po ang nararamdaman niyo lalo na't galing kayo sa operasyon halos magda dalawang araw na po kayong walang malay at hinihintay na lang po namin ang pag gising niyo para matanggal na ang benda sa mga mata niyo" tinig iyon ng isa sa mga nurse na umaasikaso sa akin noon bago pa ako maoperahan.
Ikinalma ko ang sarili matapos marinig ang paliwanag ng nurse at muli itong nagpaalam para tawagin ang doktor.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at ang boses nila Mommy at Daddy na lalong nagbigay ng ginhawa sa nararamdaman ko sa mga oras na iyon, ngunit hindi ko marinig ang boses ng taong inaasahan kong unang maririnig ko sa pag gising ko... Mavien.
"Good morning Miss Reen, tatanggalin na po natin ang benda" ani doktor.
Habang tinatanggal na ang benda nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib hindi ko mawari pero ngayon ko lang naramdaman ulit ito.
Matapos matanggal ang benda tanging aninag lang ang una kong nakikita at puro's puti hanggang sa unti unting nagkaroon ng mga pigura at muli kong nasilayan ang maluha luhang reaksyon nila Mommy at Daddy. Hinanap ng mga mata ko ang lalaking gusto kong makita ngunit nabigo ako, wala siya rito... Wala si Mavien.
"Mavien? Mom, Dad nasan po si Mavien?" pigil luhang tanong ko dahil masama para sa akin ang umiyak lalo na't galing ako sa operasyon.
"Anak" tawag sa akin ni daddy.
"Dad where is Mavien?" pagtatanong ko kay daddy na ngayon ay hindi alam kung anong sasabihin
"H-he's gone... anak"
"Anong sinasabe niyo Mom, Dad ? Where is Mavien ?! " napataas ang boses kong sagot.
Agad na tumulo ang mga luha sa mata ni Mom at mababakas sa mga mata nito ang lungkot sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Mavien.
"Hindi namin alam kung nasan siya anak" si daddy
"No! I want to see him!!" mangiyak ngiyak kong sagot kay daddy. "Alam niyo n-aman po y-yung pangako niya, M-mom.. D-ad..."
"Anak" pagtawag sa akin ni Mommy na pinapatahan at pinapakalma ako.
"He gave this to me, ibigay ko raw ito sayo kapag nagising kana" sabay abot ni Mom nung kapiraso ng papel na mula kay Mavien.
Agad ko itong kinuha, naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko kahit na alam kong masama iyon para sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi umiyak dahil sa lungkot na nararamdaman. Bigla akong niyakap ni Mom.
"He will always be there... somewhere" bulong sa akin ni Mommy habang pinapatahan ako sa pag iyak.
Tumigil na ako sa pag iyak dahil makakasama raw sa akin iyon sabi ng doktor. Nang tumahan na ako sa pag iyak, doon nag flashback lahat ang mga sinabi sa akin ni Mavien pero hindi niya iyon natupad. Wala siya... Wala siya noong gumising ako.
"I will wait for you Mavien"
•• End of Flashback ••
Naramdaman kong basa na ang pisngi ko dahil sa nga luha. Sa tuwing naaala ko yung mga panahon na iyon, sobrang hirap ng pinag daanan ko halos hindi ako maka tulog gabi gabi sa pag iisip at umaasang may biglang darating na Mavien pero wala... walang Mavien na dumating.
Mahigit isang taon na ang nakalipas pero umaasa parin ako na babalik siya, hindi ko alam kung bakit patuloy parin akong umaasa kahit na walang kasiguraduhan pero kasi nararamdaman ko na darating yung panahon na babalik si Mavien at tutuparin niya yung mga pangakong binitawan niya.
"Ma'am Reen, tinatawag na po kayo ni sir Creige aalis na raw po kayo" ani manang Aida.
"Sige po manang, paki sabi kay Creige susunod na ako" sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko sa sling bag ko.
Napaka mainipin talaga ng lalaking yon kahit kailan inutusan pa si Manang Aida hindi na lang siya yung umakyat dito.
Bumaba na ako pagkatapos ko maayos ang mga gamit ko sa bag, nagpaalam narin ako kay Manang Aida na uuna na ako at hinihintay na ako ng mainipin kong kapatid.
"Finally, you're here" may sarkasmog ani nito.
"Alam mo kahit kailan napaka mainipin mo, inutusan mo pa si Manang Aida sa taas hindi na lang ikaw ang gumawa and besides wala pa namang five minutes yung paghihintay mo"
"Blah blah blah, male late tayo sa appointment natin kay Dr. Quizon"
Tumingin ako sa relo ko at tama nga si Creige male late kami lalo na't palaging traffic papaunta sa hospital. Yes, simula nung maoperahan ako napapadalas ang pag sakit ng ulo ko at sabi ng doktor epekto raw iyon ng operasyon kaya regular na ang pag papa check up ko. Nang makarating kami sa hospital parang nanibago ako sa nasa paligid ko nararamdaman ko na naman yung weird na feeling na iyon na parang may nag mamasid sakin tulad noon sa eksenang nangyari sa kwarto ni Creige
"Good morning Doc Quizon"
"Good morning Miss Reen" nakangiting bati nito. "Kamusta ang nararamdaman mo Miss Reen? Nakararamdam kapa rin ba ng pananakit ng ulo?"
"Ayos naman po doc, minsan sumasakit yung ulo ko at may mga nakikita akong hindi ko naman matandaan. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon"
"Hindi kaba na involve sa kahit anong aksidente noon?"
"Wala po akong matandaan doc, ang alam ko po ay wala naman akong kinasangkutang aksidente maliban sa nangyari sa akin kung bakit nawala ang paningin ko"
"Ganoon ba, siguro ay side effects lang yan ng previous operation mo" nagtatakang sagot nito. "Huwag mo kaliligtaan ang pag inom mo ng gamot para hindi na maulit ang nangyari noon at baka isa rin iyan sa dahilan kung bakit nakaka kita ka ng mga ganoong bagay"
"Salamat, doc"
Pagkatapos ng naging check up ko kay Dr. Quizon ay dumiretso na kami sa University ni Creige para mag pa enroll isang buwan na lang kasi ay pasukan na at ito ang unang beses na papasok ako after kong maoperahan at maka kita.
Nakarating na kami sa University at nag hiwalay na kami ni Creige dahil magka ibang kurso ang kukunin namin.
Nakapag pa enroll na ako at naglibot sa buong University hanggang sa makita ko ang isang mini garden, siguro'y maraming tumatambay dito kapag may bakanteng oras sila dahil sa nakaka relax dito. Biglang umihip ang malakas na hangin at naramdaman ko na naman ang weird na feeling na iyon na parang may naka tingin sa akin sa malayo.
Nagpa linga linga ako pero wala akong nakitang kahit isang tao kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko para i message si Creige na nandito ako sa mini garden ng University. Humangin ulit at ramdam na ramdam ko na may naka tingin sa akin sa likuran ko, kinakabahan ako pero naglakas loob ako na tingnan kung ano iyon.
"S-sino ka?" utal utal kong tanong sa lalaking nakatayo at naka titig sa'kin
"Czarina..."
"Sino ka? Bakit mo ako kilala?"
"Kamukhang kamukha mo ang iyong ina, hindi malabong namana mo ang abilidad niya" seryosong saad nito
Tinignan ko ito na puno ng pagtataka hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, anong abilidad ang tinutukoy niya? Napa atras ako ng subukan nitong ilapit ang distansya naming dalawa. Umaatras ako habang lumalapit siya ng bigla nitong takbuhin ang distansya naming dalawa dahilan para mapa pikit ako.
Nakapikit parin ako at dumadagundong ang dibdib sa kaba habang hinihintay ang pag atake niya pero... wala. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang isang lalaki na tinitignan ako ng maigi.
"S-sino ka? N-nasaan yung nakakatakot na lalaki na iyon?"
"Huh? sinong lalaki? wala naman akong nakitang ibang tao rito maliban sayo"
"Hindi... meron, g-gusto niya akong saktan" natutuliro kong sagot
"Miss Cza, walang ibang tao rito maliban sayo. Narinig ko ang malakas na sigaw mo kaya ako sumunod dito pero wala akong naabutang tao maliban sayo" sagot nito
"M-meron... diyan siya nakatayo sa kinatatayuan mo ngayon"
"Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Bigla itong natigilan sa tanong ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam paano niya nalaman ang pangalan ko at paanong nawala ang nakakatakot na lalaki na iyon ng ganoon kabilis.
"Ah, kanina pa may naghahanap na batang lalaki a-at Czarina raw ang pangalan and dahil sa pag sigaw mo I assume ikaw yon"
Nagtataka man sa sagot ng lalaki pero hindi na niya napansin iyon ng biglang dumating si Creige at pawis na pawis ng makita niya. Napagod raw ito kakahanap sa kanya at nataranta ng marinig ang sigaw niya buti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya. Napag bintangan pa nito ang lalaki na sinaktan siya pero sinabi niya ang totoo na walang ginawang masama ang lalaki sa kanya.
Ang lalaking naka kapa na sumugod sa kanya ang tunay na dahilan bakit siya sumigaw pero hindi na niya binaggit sa kapatid ang tungkol don at inaya na lang umuwi sila dahil sa pagod na siya.
Nang makauwi ay dumiretso siya sa kanyang kwarto at humiga sa kama habang naka tingin sa kisame naalala niya ang itsura ng lalaking iyon. Nakakatakot kulay pula ang isa nitong mga mata na nakatingin sa kanya ng masama. Sa takot ay pilit niyang inalis sa isipan niya ang itsura ng lalaki at umupo sa gilid ng kama ng may nakita muli siyang anino sa labas ng kanyang bintana. Nakasisigurado siya na ito yung lalaking nakita niya sa mini garden, ang tindig palang nito ay kinikilabutan na siya.
Naipikit niya ang mga mata ng maglakad muli ito papalapit sa kanya ngunit lumipas ang ilang sandali wala siyang naramdamang umatake sa kanya kaya unti unti niyang minulat ang mata ngunit walang anino o tao siyang nakita.
"Bakit ba lagi na lang nagpapakita sa akin ang lalaking iyon? At bakit sinabi niyang kamukhang kamukha ko raw si Mommy, eh marami nga nagsasabing malayo raw ang mukha ko sa pamilya ko..." pagkauspa ko pa sa sarili ko.
"Sino ka ba talaga... anong abilidad ang tinutukoy mo?"

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Marco Lalusin Castillo

    goooooooood

    16/07

      0
  • avatar
    Bhe Leona

    thank you

    30/05

      0
  • avatar
    Nick Nick

    putang Ina mo novelah

    22/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes