logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

“TALAGA? Sumali ka sa contest na pakulo ni Sir Ken? Sabagay, malaking halaga rin ang premyo. Well, good luck sa iyo, pinsan. Sana manalo ka para mabalatuhan mo ako,” anang pinsan niya habang magkasama sila sa lobby. Hindi ito abala sa trabaho kaya nalapitan niya upang ibalita ang pagsali niya sa singing contest.
“Pero may problema ako, ate.”
“Ano naman iyon?”
“Saan ako magpa-practice?” tanong niya sa pinsan. Wala siyang lugar na maaaring pagpraktis-an. Wala rin siyang materials na magagamit dahil puro personal na gamit lang naman ang dala niya sa resort. She didn’t have any plan to join a singing contest.
“Puwede sa bahay ko,” alok ng isang tinig na alam na niya kung sino. “I have some disk in my house that you can use in the contest. Puwede kang mag-practice habang wala ako.”
“Dapat lang naman yata talagang ikaw ang mag-provide para sa lahat ng kailangan ko sa contest na iyon dahil ikaw ang may gustong sumali ako roon,” singhal niya sa lalaki na hindi naman natitinag. Nasanay na rin siguro ito sa mood swings niya.
“Kaya nga, you can use my things. Siya nga pala, kumain ka na ba?”
“Oo.”
“Okay. Susunduin na lang kita bukas nang umaga sa kwarto mo para makapag-praktis ka na. Ilang araw na lang at contest na,” anito saka nagpaalam. Sinundan niya pa ito ng tingin hanggang sa makalabas ito sa automatic glass door ng hotel.
“Kayo na ba ni Gabriel?” tanong ng pinsan niya nang tuluyan nang mawala sa paningin nila si Gabriel.
“Ate, OA! Ni hindi nga nanliligaw iyong tao, paano magiging kami?” naiinis na tanong niya sa Ate Faye niya.
“Eh, bakit parang nanghihinayang ka na hindi ka niya nililigawan?” tudyo sa kanya ng pinsan.
“Hindi, ate. Imagination mo lang iyan,” depensa niya sa sarili.
“Paano kapag niligawan ka niya? Sasagutin mo ba siya?” tudyo pa rin nito sa kanya.
“Hay naku, ate! Huwag kang advance. Sige na, aakyat muna ako sa kwarto ko at magpapahinga,” paalam niya rito upang hindi na ito magfollow-up question. Sa tingin niya ay gumaganti sa kanya ang pinsan niya sa panunukso niya rito at kay Ken.
Kapapasok pa lamang niya sa kwarto ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Gabriel ang caller. Nakangiting sinagot niya ang tawag nito. “What is it this time?” kunwa’y pagtataray niya sa lalaki.
“Wala naman. I just want to hear your voice,” anito.
“Huwag mo nga akong bolahin. Kanina lang ay magkasama tayo, ‘tapos ngayon ay paganyan-ganyan ka na,” aniya na pinipigilan ang kilig. Obviously, binobola siya ni Gabriel but what the heck, she didn’t mind at all! Flirting with another after a break-up was not a crime.
“Kanina pa iyon. Honestly, I just want to ask you something,” tila atubili pang wika nito.
“Ano ba iyon?”
“Ah, kasi, ano, ahm..”
“What, Gabriel? If you can’t say that, itigil na natin ang pag-uusap na ito dahil nasasayang lang ang oras nating pareho,” naiirita niyang wika.
“Okay, ito na, sasabihin ko na. Ano, ah, puwede ba akong manligaw?”
Ilang sandali siyang hindi nakapag-react, kani-kanina lang ay pinag-uusapan nila ng pinsan niya kung ano ang gagawin niya kapag niligawan siya ni Gabriel. Ano nga ba ang gagawin niya?
“Marielle? Are you still there?” untag nito sa kanya.
“Yes, yes,” nalilito na ring sagot niya.
“Okay lang ba?”
“I think so,” wala sa sarili niyang sagot. She had to admit that she liked Gabriel but it was hard for her mind to understand that. Ang iniisip kasi niya ay mali na magmahal ng iba dahil lang nasaktan siya at may isang taong sumalo sa kanya nang mga sandaling miserable siya. Rebound nga lang ba si Gabriel? Iyon kasi ang pilit na pumapasok sa isip niya.
Gabriel made her smile again; he eased her pain. Pero nagdadalawang-isip pa rin siya. Bahala na! There was nothing wrong in giving it a try. They were both single and they liked each other. Malay niya, si Gabriel pala talaga ang itinadhana para sa kanya.
Wow! And now she was talking about destiny. “Really? Okay lang?” Ang masiglang boses ni Gabriel ang nagbalik sa kanya sa wisyo.
“Yes,” mas sigurado na niyang wika.
“That’s nice to hear. Thanks, Marielle. Good night and, ah, see you tomorrow,” anito na tila nag-alangan pa sa huling sasabihin.
“Night,” aniya saka pinutol ang linya. Inihagis niya ang cellphone sa kama matapos nilang mag-usap ni Gabriel at pagkatapos ay ang sarili naman niya ang ibinalibag niya sa kama. “Ayoko nang pahirapan ang sarili ko. I like him, he likes me. I think that’s good enough,” aniya sa sarili.
Sa panliligaw ni Gabriel sa kanya ay mas makilala pa nila ang isa’t-isa at maganda iyon para sa kanilang dalawa. No more inhibitions, it would be just about her and her hero.
“GABRIEL, sigurado ka bang okay lang na rito ako sa bahay mo mag-practice?” nag-aalangang tanong niya sa lalaki. Katatapos lang nilang sabay na mag-almusal at ngayon nga ay nasa bahay na sila nito upang doon siya mag-practice para sa nalalapit na singing contest na sasalihan niya.
“Oo naman. Bakit naman hindi? You can practice here as long as you want. Iiwanan muna kita dahil kailangan ako sa KTV Bar. Feel at home,” anito saka siya iniwang mag-isa. Actually, mas komportable siyang mag-practice nang walang nanunuod sa kanya ngunit malungkot din sa pakiramdam na walang Gabriel na nanggugulo at nangungulit sa kanya.
Anyway, she had to practice her piece. Mas dapat siyang magconcentrate sa bagay na iyon kaysa manghinayang sa pag-alis ni Gabriel. Magkikita at magkakasama rin naman sila mamaya. Ang weird lang dahil parang balewala lang kay Gabriel ang sinabi nito sa kanya nang nakaraang gabi. He told her that he would court her, bakit parang hindi naman nito iyon sineryoso?
Isa na kaya ang pagmamagandang-loob nito na gawin niyang practice venue ang bahay nito sa ‘panliligaw’ na sinasabi nito. Well, maaari. Ngunit bakit parang hindi lang iyon ang inaasahan niya kaya ganito na lamang ang disappointment niya. Nang walang maisip na isasagot sa sarili niyang katanungan ay lumapit na lamang siya sa disks rack at naghanap ng kantang maaaring gamitin sa contest.
Isang kanta ang nakapukaw ng atensyon niya, hindi iyon pambirit, hindi pang-contest ngunit napaka-meaningful. Actually, iyon nga ang dedicated song niya para kay Gabriel. She may not win the contest with that song but at least she can dedicate it to Gabriel.
It was a song of gratitude to someone who came in her lowest moment. He lifted up her spirit and he had contributed great help for her heart to mend. Bagay na bagay sa kanila ni Gabriel.
Sinimulan niyang i-play ang minus one na napili niya. Kahit yata nakahiga siya ay kaya niyang kantahin iyon nang maayos. Ngunit ito lamang ang kanta na kaya niyang bigyan ng buhay at emosyon sa mga sandaling iyon. Kahit siguro anong birit ang gawin niya ay hindi siya mananalo kung hindi naman taos sa puso ang pag-awit niya.
Napapikit pa siya nang maumpisahang kantahin ang chorus ng kanta. Pakiramdam niya ay ang puso niya ang umaawit. Her heart was singing for Gabriel, hindi nga lang nito iyon naririnig. One of these days, maririnig din iyon ni Gabriel, she’ll make sure of that.
Aaminin na niya, gusto niya si Gabriel, maybe the first time she ever saw him, hindi niya lang nabigyang atensyon ang pagtingin na iyon dahil abala siya sa pag-iisip ng ibang bagay. There was no use denying. Sarili lang naman din niya ang lolokohin niya kung saka-sakali.
Patapos na ang kanta nang bigla na lamang may nang-abala sa kanya. In-stop niya ang player at ibinaba ang microphone. Hinarap niya ang biglang nagbalibag ng pinto. Bakit naman kasi hindi ini-lock ng Gabriel na iyon ang pinto?
“What are you doing here?” gulat na galit na hindi niya maintindihan ang boses na sumalubong sa kanya. Si Agnes pala ang nang-istorbo sa pagpapractice niya.
“Practicing for a singing contest. If you’re looking for Gabriel, naroon siya sa KTV Bar niya sa loob ng Isla Paraiso,” aniya saka akmang babalik sa living room upang ituloy ang pag-e-ensayo.
“Hey! I’m not done talking to you, don’t just turn your back on me!” iritableng wika pa ng babae.
Dahan-dahan siyang humarap dito at ngumisi. “Okay. May itsi-tsika ka pa sa akin? Alam ko namang hindi ako ang pakay mo rito, eh. Gabriel is in the resort, doon mo na lang siya puntahan dahil may importante akong ginagawa rito.”
“Hindi ba sinabihan na kita dati na tantanan mo si Gabriel? Kapag hindi mo pa itinigil iyang ilusyon mo na magugustuhan ka niya ay masasaktan ka lang. May relasyon kami ni Gabriel, okay? You are out of the picture. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya,” mataray nitong wika at umangat pa ang isang parte ng labi.
“Okay, it’s my turn to talk now. Hindi ako naniniwalang may relasyon kayo ni Gabriel. Bakit? Dahil nililigawan na niya ako ngayon, he told me he likes me. Now, hindi kaya dapat mong sabihin ang mga salitang sinabi mo sa akin kanina sa sarili mo? You’re just making yourself pathetic by doing and saying things like that,” mataray na rin niyang wika. If this girl wanted war, she’ll give it to her. Hindi siya titiklop na lamang basta, lalo pa at napatunayan na niya sa sarili niyang gusto na niya si Gabriel. At bakit siya uurong kung siya naman talaga ang gusto ni Gabriel?
“Hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi ka nililigawan ni Gabriel. If he knew that you are telling stories like that, ora mismo ay lalayuan ka niya. Good luck na lang sa iyo,” anito saka nagmartsa palabas ng bahay at muling ibinalibag ang pinto. Napikon din siguro ito sa kanya.
“GABRIEL!” malakas na bati sa kanya ni Agnes saka siya niyakap nang mahigpit. Kung hindi pa siya ang kusang bumitiw mula sa pagkakayakap nito ay hindi pa siguro siya nito pakakawalan. Pinaupo niya ito sa isang leather couch sa loob ng KTV Bar.
“Napapadalas ka yata rito, Agnes,” wika niya. Kababata niya si Agnes, she was the only daughter of her mom’s best friend. Before, they used to live in the same subdivision until her parents separated. Noong maghiwalay kasi ang mga magulang nito ay nagpasya itong manatili sa ibang lugar. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga naging maganda ang pagsasama ng mga magulang nito noong umpisa pa lamang. They’ve tried not to separate before because of Agnes but one day, bigla na lamang in-announce ng daddy nito na aalis na ito ng bansa dahil hiwalay na ito at ang mommy ni Agnes.
Matagal na niyang alam na may pagtingin sa kanya si Agnes, hindi naman kasi ito pumalyang iparamdam at ipakita iyon sa kanya. Madalas pa nga itong maging dahilan kung bakit siya laging iniiwan ng mga girlfriends niya dati. Minsan nga ay naiisip niya ipinanganak si Agnes para gawing miserable ang love life niya.
Noong unang beses nitong i-sabotahe ang relasyon niya ay hindi niya ito kinibo nang isang buwan. Ngunit madalas niya rin itong patawarin at intindihin. Ang laging naiisip niya ay baka dahil sa kakulangan ng atensyon ng mga magulang nito ay sa iba ito nakikiamot ng atensyon at pagmamahal.
Matagal na rin niyang nilinaw sa babae na hanggang pagmamahal sa isang kapatid lamang ang kaya niyang ibigay dito, tulad ng pagmamahal niya kay Adara, ngunit hindi siya pinansin nito. Sumumpa pa itong hindi ito titigil hanggang hindi nagiging sila. But that was impossible, hindi tulad ni Agnes ang babaeng magugustuhan niya.
Agnes was a party animal, was not working, was a spoiled-brat, was smoking and he just can’t love her. Kung mamahalin niya ito, sana noon pa. He had tried to give himself a chance to love Agnes more than a brotherly love but he failed. Hindi talaga ang tipo nito ang nais niya.
“Bakit mo hinahayaang may ibang taong nag-i-stay sa bahay mo? Malay mo ba kung magnanakaw pala siya? O kaya ay may nais siyang masama sa iyo. May gusto ka ba talaga sa babaeng iyon, Gabriel?” anito na parang nagger na nanay.
“If in case that I like her, what would you do? Please, Agnes, listen to me. Hindi masamang tao si Marielle, she’s a wonderful girl. Mabait siya at kung bibigyan mo siya ng pagkakataon na makilala ay pihadong magugustuhan mo siya,” madiplomasyang wika niya pa kay Agnes.
“I don’t like her. At hinding-hindi ko sasayangin ang oras ko sa kanya. Hindi ko nga alam sa iyo kung bakit pinaglalaanan mo siya ng panahon,” pagsisintir pa nito. Kung ibang tao lang ito, marahil ay nasinghalan na niya.
Kailan kaya nito maiintindihan at tatanggapin na hindi niya ito maaaring mahalin tulad nang nais nito? “Pinaglalaanan ko siya ng panahon dahil masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi niya kailangang magpatawa upang tumawa ako at maging magaan ang pakiramdam ko. Seeing her smile can brighten my day,” nangingislap ang mga mata niyang sagot. He was always like that when talking and thinking about Marielle.
Kung nagayuma man siya nito ay hindi niya alam at wala siyang pakialam. Naputol ang pag-iisip niya nang muling magsalita si Agnes.
“Look, Gabriel, naaawa ka lang sa kanya dahil iniwan siya ng lalaking mahal niya. Hindi mo siya gusto, okay?” anito na tila mas marunong pa sa kanya, na parang hawak nito ang puso at isip niya. Hindi niya rin alam kung paano nito nalaman ang pinagsasabi nito.
“Look, Agnes,” panggagaya niya pa sa tono nito na lalong ikinasama ng mukha nito. “Hindi lang basta awa ang nararamdaman ko para kay Marielle. It’s totally far from that. I like her not because I pity her but because that is what my heart says.”
“Ako, na mahigit dalawang dekada mong nakasama ay hindi mo magustuhan. Samantalang siya, wala pa kayong isang linggong magkakilala, sasabihin mo na sa aking gusto mo siya? What’s wrong with you, Gabriel?” may hinanakit ang tinig na tanong nito sa kanya.
“There’s nothing wrong with me, Agnes. This is natural, it can happen with anyone. Hindi importante kung gaano mo katagal kakilala ang isang tao para magustuhan mo siya,” paliwanag niya sa babae.
“Hindi kita maintindihan! Hindi ko alam kung ano’ng mayroon sa iba na wala sa akin! Mahal kita, Gabriel. Si Marielle ba ay mahal ka? Bakit hindi na lang ako?” mangiyak-ngiyak na wika ni Agnes. Naaawa siya rito ngunit hindi niya puwedeng aluin na naman ito dahil aasa na naman ito sa kanya.
“You have to accept that I like her, Agnes, whether she likes me or not.” Nais niyang intindihin siya nito ngunit tumayo lang ito at may hinanakit ang mga matang tinitigan siya. Makalipas ang ilang sandali ay wala na ito sa harap niya.
“Grabe, pare! Bilib na ako sa kagwapuhan mo! Someone as hot as that woman was obsessed with you!” nakangising wika ni Ken na hindi niya namalayang pumasok sa loob ng bar.
“Gago ka talaga,” napapailing na wika niya saka tinalikuran si Ken. Agnes plus Ken equals headache.

Comentário do Livro (20)

  • avatar
    de los santosrodellyn

    nice story i love it

    21/06

      0
  • avatar
    France J Baylon

    nice

    06/06

      0
  • avatar
    GanduhaoRogen

    nice

    27/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes