60 Days Of Loving You Chapter 4 *Era's PoV* Mahigit labing-anim na araw na rin ang nakalipas simula noong ma-comatose si Koevy dahil sa pagkaka-aksidente nito. Alam ko na ang pangalan niya dahil tinanong ko ito sa nars, at ang mas nakaka-gulat pa doon ay anak pala siya ng isang mayaman ding negosyante dito sa bansa. Palagi kong nakikita na bumibisita at binabantayan ng mama niya si Koevy. Minsan din ay nakikita ko silang tatlo ang bumibisita, kabilang na ang Dad nito at isa pa nilang anak. Ngunit ang kadalasan ko talaga na nakikita at napapansin ay ang mama niya, na nagbabantay sa kanya. Pagkakatapos magbantay ng mama nito ay sumusunod ako. Palihim ako na pumapasok sa kuwarto niya at tinitignan ko siya doon. Hindi ko lamang pinapahalata sa mga nars na pumapasok ako, humahanap kasi ako ng tamang tsimpo. Minsan din ay kinaka-usap ko siya kapag wala akong magawa. Tama kinaka-usap ko siya mag-isa kahit natutulog ito. Hindi ko na mapigilan pa ang ginagawa ko, gusto kong araw-araw ko siyang dinadalaw at kinaka-usap para kahit papaano naman ay maging panatag naman ang kaluluwa niya. Jusmeyo biro lang, basta't iba ang pakiramdam kapag nakikita ko siya. Grabe napaka-guwapo niya talaga! Sandali nanaman akong sumilip sa labas ng pinto patungo sa kuwarto ni Koevy at nakita ko na naka-bukas pa rin ito. Ibig sabihin ay nandoon pa rin ang mama niya. Hayystt pangatlong beses ko nang ginagawa ang paninilip ko. Kailan kaya uuwi ang mama niya? Sana naman ay mapa-aga siya ng uwi upang sumunod ako sa pagbisita. Nasasabik na ulit ako na makita siya kahit nagpunta pa lamang ako kahapon. Mahigit limang minuto akong naghintay sa mga sandaling iyon at muling sumilip sa kuwarto ni Koevy. Nakita kong sirado na ang pinto. Siguro nama'y naka-uwi na ang mama niya? Lalabas na ba ako? Hinablot ko ang isang cellophane na naglalaman ng kaunting prutas at excited na lumabas ng kuwarto ko. Kailangan magmadali ako bago pa dumating si mama. May bibilhin lang iyon at paniguradong hahanapin niya ako kapag hindi ako nadatnan na naroon sa kuwarto namin. Bago ako pumasok sa loob ng kuwarto ni Koevy ay sinilip ko muna ito mula sa labas kung may tao pa ba o wala ngunit nag-iisa na lamang siya nong makita ko. Sandali pa ay napangiti na ako at nakaramdam ng pananabik kasabay ng pag-pasok ko sa loob. Pagka-pasok ko doon ay agad kong isinara ang pinto at inilapag ang mga prutas na dala-dala ko. Lumapit ako sa kanya at naupo. "Kumusta ka na Koevy? Kailan ka kaya magigising? Nasasabik na ako na magising ka. Sana makilala mo rin ako bago maganap ang operasyon ko next month," mahinang panimula ko habang nakatingin sa mukha niya. "Alam mo ginoong Koevy, napaka-lungkot ko noong malaman ko na may sakit ako. Sa umpisa ay hindi ko matanggap lalo na at ganoon kalala ang sakit ko. Parang nabalian ako ng pakpak at hindi na makalipad pa. Parang nawalan ako ng pag-asa sa buhay lalong-lalo na, na abutin ang pangarap ko sa buhay. Ngunit kung nakikita mo lang ako ngayon, nandito pa rin ako, patuloy pa rin ako na namumuhay at sinusubukan kong ibalik ang tiwala sa sarili ko at ang pag-asa. Patuloy pa rin ako na lumalaban," mapait kong sabi sa kanya at sandaling pinunas ang mga luha ko. "Kaya't ikaw, kailangan mong lumaban ng patuloy. Huwag ka sanang hihinto dahil kapag huminto ka, hindi na kita makikita pa na magising. Hindi mo na rin ako makikita o makaka-usap man lang sige ka. Kailangan na gayahin mo ako, patuloy na lumalaban sa buhay kahit mahirap. Ganito naman kasi ang buhay hindi ba? Hindi puwede na hindi ka makakaranas ng ganitong ka-sakit na bagay." "Huwag kang mag-alala Koevy, sinusubukan lamang tayo ng diyos at ina-alam kung hanggang kailan at saan natin kaya. Kaya't kinakailangan mong lumaban kung gusto mo pang maabot ang mga pangarap mo sa buhay," nakangiting saad ko. "Gusto mo ba malaman kung ano ang pangarap ko sa buhay Koevy? Simple lang, gusto kong magkaroon ng isang masayang pamilya. Hindi tulad ng pamilya ko, iniwan kami ni Dad at sumama siya sa iba at hindi na man lang kami binalikan. Ayaw ko ng gano'n Koevy, ayaw ko na maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya. Hindi ko gusto na iparanas sa mga magiging anak ko ang katulad ng pinagdaanan ko. Gusto kong maging masaya kaming lahat," muli ko pang wika. "Eh ikaw Koevy? Ano ba ang mga pangarap mo sa buhay? Siguro marami noh? Siguro'y gusto mo mapasa iyo ang isang sikat na p*rn star dito sa bansa? Wild ka ba Koevy? O siguro gusto mong magparami ng negosyo noh? Siguro'y lapitan ka rin ng mga babae ano? Imposible naman kasi na wala kang kasintahan, sa guwapo mong 'yan? Hindi ako maniniwala," may pagtataka kong sabi. Pero teka, hindi ba't wala naman akong napapansin na may dumadalaw sa kanya na isang babae dito eh. Totoo ba talaga na wala pa siyang kasintahan? Sayang gusto pa naman kita. Sana akin ka na lang Koevy. Agad na lamang akong natauhan at bigla kong sinampal ang sarili kong mukha. "Ay gaga ka!" mabilis kong sabi dahil sa sobrang gulat ko. Ano bang pumapasok sa isip ko? bakit ko sinasabi ang mga bagay na 'to? Nababaliw na talaga ako tsk. Sandali pa ay tumayo na ako. Sa mga sandaling iyon ay unti-unti kong naririnig ang kaunting ingay ng pinto na siyang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan na may magbubukas ng pinto ng kuwarto ni Koevy kaya't kinabahan na ako. At ang mas nakaka-gulat doon ay ang mama pala ni Koevy! Lagot paaano na 'to? "Sino ka? Bakit ka nandito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang ako'y napakagat-labi na lamang. Akala ko umuwi na siya, bakit bumalik pa siya? Lagot ako nito! "H-hi po," mahina at medyo kinakabahan kong bungad sa kanya. "Sino ka? Kilala mo ba ang anak ko?" Bigla akong umiling. "Bakit ka nandito? Anong pangalan mo?" interesado pa nitong tanong sa akin. "A-ako po si Kierra Alfenso, kasunod lamang po ng kuwarto ninyo ang kuwarto ko hehe," pacute na sagot ko sa kanya kaya't ngumiti ito sa akin. "Bakit nandito ka iha? Sigurado ka ba talagang hindi mo kilala ang anak ko? Baka magka-kilala kayo?" tanong pa niya sa akin. Napahinto na lang muna ako. "A-actually po hindi ko po talaga kilala ang anak ninyo. Hindi ko nga rin po alam kung anong pumasok sa kukuti ko na bisitahin siya dito. Gusto ko lamang po talaga na kausapin at makita siya hehe," maiksi kong paliwanag sa kanya na nasa kunting hiya na tono. "Gano'n ba, maraming salamat pa rin sa 'yo iha," nakangiti nitong saad sa akin. Mabilis ko naman siyang ginantihan ng ngiti. Sandali niya din na inilapag ang mga bagay at pagkain na binili niya sa lamesa. Habang ako, naupo na lamang muna ako habang pinapanood siya. Matapos niyang gawin ang mga bagay na iyon ay naupo na din siya sa tabi ni Koevy. "Labing-anim na araw na ding natutulog at hindi ako nakaka-usap ng anak ko, iha. Naaawa ako sa kalagayan niya, bakit kailangan niya pang maranasan ang ganitong bagay. Nakaka-awa siya diba?" ang malungkot na sabi niya. Nakita ko rin siyang pinunasan ang kaunting luha na pumatak sa mukha niya. Nanatili akong tahimik at nakayuko 'yong ulo sa mga sandaling iyon. Naaawa rin ako sa kanya, napaka-bata pa niya upang maranasan ang ganitong bagay. Napatingin ulit ako sa direksiyon nila at sandaling ngumiti. "Magigising rin po ang anak ninyo sa lalong madaling panahon ma'am. Huwag po kayong mag-alala dahil lumalaban siya," pahabol ko pang sabi sa kanya kasabay ng kanyang pagtango at ngiti. Maya-maya pa ay nakita ko na si mama sa labas ng kuwarto na naglalakad. Naku lagot papunta na siya sa kuwarto namin! Kapag nakita niyang wala ako doon ay pagagalitan nanaman ako. Naku kailangan ko nang umalis. "Magpapa-alam na po muna ako baka hinahanap na po ako ng mama ko. Maraming salamat po sa oras," pagpaa-alam ko dito. "Maraming salamat din sa 'yo iha." Matapos iyon ay naglakad na ako paalis ng kuwarto nila at marahan itong isinara at sunod na tinahak ang amin. "Saan ka nagpunta anak?" unang bungad ni mama sa akin. Ang speed. "N-nagpunta lang po ako sa CR," pacute kong sagot sa kanya at nahiga na muli sa kama ko. . . . @nicoxx18
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
wow
29/06/2024
0Ang ganda
31/05/2024
0try basahin neto guys ❤️🤗😘
14/01/2023
1Ver Todos