logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 2

- NAKARAANG MAHIRAP TALIKURAN -
Luisa's POV
Halos limang taon na rin ang lumipas mula nang sapitin namin ni ate Elena ang mapait na karanasan sa Maynila. May katagalan man bago naibalik sa kanya ang lahat ngunit naiayos din sa tulong ni inay at lahat kaming nakapaligid sa kanya. Nahirapan man kami ngunit hindi kami tumigil sa pag-alalay sa kanya sa araw-araw, sa bawat sandali ng kanyang malungkot na buhay.
Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ay pinilit kong maabot ang aking pangarap. Nagsikap ako upang magkaroon ng pera at makaipon upang matupad ang aking inaasam na kahit pa maliit lamang na tindahan para sa panimulang negosyo. Aaminin kong sa tulong na rin nina Inay at Itay kung bakit ko naabot ang lahat.
Aaminin kong maging hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na tanggap ang pamanang sa akin ay ipinagkaloob. Ang nakatago kong mata ay pilit kong isinara matapos ang lahat. Ngunit hindi ko rin maikakailang minsan ito ay bumubukas. Tulad na lamang ng dalagang aking nakita kanina sa karinderya, kusang bumuka ang aking bibig nang ako sa kanya ay may nakita.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking mga paninda nang marinig ang pamilyar na sigaw.
" Ba-balot! Balot ka-kayo riyan! "
Agad akong lumabas nang marinig ko ang utal na sigaw. Iniwan ko ang aking ginagawa dahil sa hindi ako maaring magkamali.
" Ba- balot! "
Ang dalagang nasa karinderya kanina ang nakita kong nagtitinda naman ng balot ngayon. Hindi ko siya tinawag dahil hindi naman ako bibili. Pinagmasdan ko lamang siya habang sumisigaw at naglalakad papalayo.
At muli..
Isang dalagang tulad niya ang aking nasilayan. Isang dalagang kasing edaran lamang niya.
Pinagmasdan ko siya hanggang sa siya ay maglaho na sa aking paningin.
Ako ay talagang bumibilib sa kanya, ngunit hindi ko lang talaga maipaliwanag kung bakit ako ay nakakakita ng isa pang imahe sa kanya.
Sino kaya ang dalagang 'yon?
Napatayo ako saglit sa labas ng aking tindahan. Tahimik na ang paligid dahil dis oras na rin ng gabi. Ito ang unang araw na malayo akong muli sa aking mga magulang, ngunit nasanay na ako. Sa loob ng ilang taong paghahanapbuhay ko sa iba't-ibang lugar ay hindi na bago sa akin ang mag-isa. Ako ngayo'y bente uno anyos na at masasabi kong kaya ko na ang aking sarili.
Hindi nakakatakot ang paligid dahil sa maliwanag ang kalye at kabi-kabila rin ang bahay, mga tindahan at may mga baranggay tanod na rumuronda. Ibang-iba ito sa aming baryo na pagdating ng alasais ng hapon ay sarado na ang lahat, maging ang mga tao ay nakatago na sa loob ng kanya-kanyang bahay. Hindi mo rin naman kasi sila masisisi. Ayon sa aking mga magulang ay minsan na kasing nagkaroon ng nakakatakot na pangyayari sa aming baryo. Binalot daw ng takot ang buong lugar noong dumating ang mga aswang at sinasalakay ang mga taga-roon. Ngunit pasalamat din ako dahil kung walang mga aswang na dumating; wala rin ako.
Hindi ko ipagkakaila na isang aswang ang aking ama pati na rin si Ate Sonia na bulag ang kaliwang mata. Ang kaliwa niyang mata na kapag nag-umpisa na sa pag-init ay siguradong may sundo ka na. Ayon din kina Inay ay doon din niya nakuha ang ate Elena at Kuya Abel. Siya raw mismo ang naging dahilan kung bakit naging ulila ang dalawa at sabi rin ni Inay na ang dalawang batang 'yon ay mababagsik na mga mambabarang. Si Inay daw ang sumagip sa madilim na buhay ng dalawa at tinuruan silang mamuhay ng tama. Kaya naman pala hanggang ngayon ay ayaw pang magpamilya ng dalawa, dahil madalas kong marinig kapag nag-uusap ang kuya at ate ay sinasabi nilang hanggang huling hininga ni Inay ay kasama sila. Sadyang napakasarap talaga sa pakiramdam na may mga buhay na nababago sa tulong ng iba. Katulad na lamang ng aming mga kasama ngayon na handang ialay ang lahat para lamang sa kanilang pinakamamahal na Ate Andrea.
Nang makaramdam ako ng antok ay pumasok na ako sa loob. Nagulat pa ako nang isara ang pinto at si ate Elena sa likod nito ay nakatayo.
" Ate naman! Huwag ka ngang basta na lang sumusulpot! " gulat na sabi ko.
" Kanina pa ako nakatayo dito! "
" Bakit naman kasi gising ka pa? " tanong ko.
Kahit kailan talaga si ate Elena ay ang pinakamatagal matulog sa amin, madalas siyang nakikiramdam sa gabi at bawat kaluskos ay sinisilip. Hindi naman ako nagtataka, siguro'y talagang ganoon lang siya simula bata pa. Ayon kasi sa kanya; madalas ay sa hatinggabi siya naglalaro. Hindi siya naglalaro ng laruan. Buhay ng tao ang pinaglalaruan niya dahil nga sa siya ay isang mambabarang noon. Ilang taon na rin naman ang lumipas mula noong huli siyang naglaro. Ako mismo ay nasaksihan ang pagpaslang na ginawa niya sa isang salbaheng tindera sa kabisera ng aming lugar. Pinamaga niya ang bibig nito sa pamamagitan ng isang napakalaking higad. At ginawa niya lamang ito sa loob ng ilang oras. Kinabukasan, nakita ang tinderang patay sa kanyang bahay na hindi malaman kung ano ang nangyari. Walang makapagsabi kung ano ang kinamatay nito. Walang naiwang bakas ng kahit anong makapagsasabing siya ay nabarang. Napakahusay ni Ate Elena pagdating sa larangang 'yon. Nagalit nga lang sa kanya ang inay nang malaman 'yon.
" Hindi kasi ako makatulog Isang, naiinis pa rin ako sa matandang babae sa karinderya kanina. Parang.. "
Nang banggitin niya 'yon ay nabasa ko na agad ang tumatakbo sa isip niya. At nang mapatingin ako sa kanyang kamay ay..
" Naku ate, magagalit sa'yo ang inay kapag ginawa mo 'yan. " paalala ko.
Tiningnan niya rin ang ilang pirasong hibla ng buhok na hawak niya.
" Naawa kasi ako doon sa babae e! Tuturuan ko lang sana siya ng leksyon. " sabi niya.
" Kailan ka ba nakapagpigil? Sa pagkakatanda ko ay wala ka pang binuhay e! " muli kong sabi.
Muli niyang sinulyapan ang ilang hibla ng buhok at saka ibinalumbon na ito.
" Matulog na tayo 'te, maaga pa tayo bukas.. "
Napansin kong hindi pa rin siya mapakali. Ganoon talaga si Ate Elena kapag may gusto siyang gawin. Gumawa na lamang ako ng paraan upang mapakalma siya.
" O sige, hindi ako magsusumbong kay inay. Pero hindi muna ngayon 'te.. Sa susunod na ipahiya niya ang dalaga ay saka ka na lang gumanti. "
Sandali siyang nag-isip. Pinagmamasdan ko lamang ang reaksyon ng kanyang mukha, kung kakagat ba siya sa sinabi ko o hinde.
At sandali pa nga ay..
" Pangako? Hindi ka magsusumbong kapag sinundan niya pa ang pagkasalbahe niya?! "
Napangiti na lang ako habang panay ang tango. At nakuha ko nga siyang pigilin.
" Tara! Tulog na tayo. " yaya ni ate Elena.
At sabay kaming pumasok sa kuwarto na nasa loob din ng aming tindahan.
Sadyang ang nakagawian ay hindi na maiaalis. Mapipigilan ngunit hindi na talaga maaaring talikuran. Tulad na lamang ni Ate Elena na umaatake pa rin ang pagkamabagsik. Sa magandang dahilan na nga lang.
__________
- KASABIKAN AT KALUNGKUTAN -
Alasdos na ng madaling araw nakauwi si Isabel. Pilit niya kasing inubos ang mga paninda niyang balot.
Marahan niyang binubuksan ang pintuan upang hindi maistorbo ang natutulog niya ng nanay at amain. Ngunit..
" Ay! Ano ka ba Isabel?! " bulyaw ng kanyang ina.
Napailing na lamang ang kanyang amain nang makita siya. Naabutan na naman kasi niyang nag-niniig ang dalawa sa labas lamang ng kanilang kuwarto.
" Hoy sa susunod matuto kang kumatok! " inis na sabi ng kanyang amain sabay hagis ng damit nito sa kanya.
" Pa-pasensya na po ti-ti-tiyo Domeng. " paumanhin niya habang nakayuko.
Pumasok na sa kuwarto ang kanyang tiyo Domeng at naiwan silang mag-ina. Nakasimangot naman ang kanyang inay na nakatitig pa ng masama sa kanya.
" I-inay, da-dapat p-po sa ku-ku-kuwarto na lang ka-kayo na-nag-gaganoon. Ba-baka p-po kasi m-m-makita kayo nila Ne-Neneng. " sabi ni Isabel.
Isang malakas na batok naman ang ibinigay sa kanya ng kanyang ina.
" Bakit kasi hindi ka kumakatok e?! Buset ka talaga leche ka! " galit na sabi nito.
Hindi naman kumibo si Isabel tulad ng madalas niyang ginagawa sa tuwing pinagagalitan siya ng ina.
" Matulog ka na nga! Panay hanapbuhay mo pero wala naman ako nakikitang pera mo! Hmp leche! Pumasok ka na sa loob! " tulak pa ng ina sa kanya.
" Melba! Ano ba bilisan mo nga! " Ang sigaw ng kanyang amaing tila nabitin sa kanilang ginagawa.
" Pumasok ka na Isabel. Aalis ako ulit bukas at sa sunod na linggo na uuwi, ibinibilin ko sa iyo ang mga kapatid mo.. " muling sabi ng ina sa kanya.
Tumango lamang si Isabel at pumasok na sa kanyang silid na katabi lamang ng silid ng ina.
Isabel's POV
Hindi ko talaga alam kung bakit napakalupit sa akin ni inay. Simula sapul bata pa ako ay hindi ko siya nakitaan ng pagmamahal o pag-aalaga man lang sa akin. Madalas niyang sabihin na ako raw ang dahilan kung bakit minalas ang buhay niya. Dahil daw sa aking ama kung kaya at iniwan siya ng kanyang tunay na kasintahang dapat ay kanyang mapapangasawa talaga. Biktima raw siya ng isang panghahalay noon at ang aking ama ang may gawa. Pilit niya raw akong pinapatay noong nasa sinapupunan pa lamang niya ngunit sadyang matindi ang aking kapit. Ngunit ang lahat naman ng kanyang ginawa ay sa akin din bumagsak. Ipinanganak niya akong mahina ang utak at dahil ito sa mga gamot na kanyang ininom. Normal man ang katawan at hitsura ko ngunit hindi talaga ako normal. Kaya rin ako naging utal ay dahil sa dila kong pilipit. Ngunit hindi naman ako mangmang, kahit paano ay nakatapos ako kahit elementarya at marunong ding sumulat at magbasa, nakakaintindi rin naman ako kahit papaano kung maayos ang pagpapaliwanag mo at may isang bagay din akong maipagmamalaki.
Ang husay ng aking mga kamay sa pagguhit ay hindi kayang pantayan ng mga totoong normal na tulad ng iba.
Bagay na tanging ako lamang ang natutuwa. Kahit minsan kasi ay hindi binigyang atensyon ni inay ang aking mga gawa. Tulad ko rin ang aking mga iginuhit na hindi niya pansin simula at sapul. Ngunit kahit ganoon si inay ay mahal na mahal ko siya pati na rin ang aking mga kapatid sa ama. Hindi sumama ang loob ko kay inay kahit pa anong galit niya sa akin. Naiintindihan ko kasi kung ano ang damdamin ng isang iniwanan.
Nang iniwan at pinangakuang babalikan..
At heto na naman siya..
" G-gusto k-k-kong ma-makita m-muli si J-J-Joy.."
At muli, sa tuwing makararamdam ng matinding lungkot at pangungulila ay inilalabas ko ang lahat ng aking mga iginuhit.
Ang mga larawan ng aking matalik na kaibigang si Joy.
Naiibsan ang lahat ng kirot sa tuwing hahaplusin ko ang mukha niyang iginuhit ko. Kahit pa mga hitsura lamang namin noong mas bata pa kami ang aking nailalarawan ay sapat na lahat sa akin. Kahit pa hindi ko na alam kung ano ang hitsura niya ay pilit ko pa rin itong inilalarawan kahit pa sa isip lamang. Ang maganda niyang mukha at bilugang mga mata, labing manipis at buhok na mahaba. Sadyang siya lamang ang nagbibigay saya sa akin. Kapag sumasagi ang lahat ng masasaya naming ala-ala ay hindi humihinto ang pagguhit ng ngiti sa aking labi kasabay ang unti-unting pagdampi ng aking mga luha sa pisngi.
Mga luha ng kalungkutan na may kasabikan. Kasabikan na muli siyang makita at kalungkutan naman dahil sa tila ako ay kinalimutan niya na.
At tuwing darating ang ganitong mga sandali ay madalas kong masambit..
" J-Joy, ka-kamusta ka na? S-sana na-naaalala mo p-pa ang si-sinabi mong ba-ba-balik ka.. "
Hanggang sa..
Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at ang antok ay dumadalaw na. Lumipas na naman ang isang araw ko na puno pa rin ng pag-asa.
Muli akong makakatulog ng mahimbing at mananalanging; sana siya ay muling makapiling.
June_Thirteen
***
Note: Isinulat ko na lang po sa matuwid na dila ang parteng ito ni Isabel baka po kasi mainip kayong basahin kapag inutal-utal ko.
Maraming salamat po.

Comentário do Livro (115)

  • avatar
    Jhanmark Padilla

    thankyouuu po napakagandang story po ng binahagi at nabasa ko!🥰

    04/06/2025

      0
  • avatar
    Michael Lawingco

    sobrang ganda karugtong pala sya storya ng paslit

    15/11/2024

      0
  • avatar
    Lilibeth Gomez

    Ang ganda NG story

    09/10/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes