logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

10 years later...
Masaya kaming nakikipagkwentuhan ni mama at Agnes ngayon. Masaya na ako na makapiling sila at napakaswerte ko. Noon ay hindi ko inaasahan na magagawa nila akong ituring na pamilya.
May nakakita sa akin sa ilalim ng tulay pagkatapos ng aksidente namin noon. Tinulungan nila akong itago dahil hindi ko gustong magpakita kay lola. Si Lola trinidad na lang ang natitirang kadugo ko rito sa mundo at wala nang iba.
Pilit ko siyang kinalimutan dahil palagi kong makikita ang mga balita na tanggap na niya ang pagkawala ko. Nakakalungkot man at nakakawasak ng puso, pero wala na akong magawa. Hindi ko naman siya kailangan para sumaya.
"Oh? Ate, your turn na! Magkwento kana!" biglang sabi ni Agnes nang matapos na itong mag k'wento. Umayos naman ako.
"Anong I kekwento ko?" ako ay nagtaka dahilan para mapaismid silang dalawa ni Mama.
"Depende sayo aber! Ate, ikwento mo nalang kaya iyong nakilala mo noon! Y-yung C-Cald-dero?" napasmirk ako sa sinabi ni Agnes.
"Loko ka! Nawalan na ako ng gana mag kwento!" Basta sa ganitong topic, mawawalan na talaga ako ng gana kasi alam ko namang this will end me up crying.
"Ayan tuloy, killjoy ka kasi Agnes eh" naaasar na si mama at napatawa naman ang kumag na step sister ko.
"Napakabait niya..." panimula ko at nag handa naman silang makinig.
"Masaya ako kapag kasama siya, kahit kakikilala ko pa lang sa kanya." kuwento ko. Unti unti ko na namang nararamdaman ang pagdilim ng aking puso. Ang bobo ko kasi, Ba't ko pa kinuwento ito.
"Ate, crush mo ba siya noon?" singit ni Agnes.
"Parang ganun na nga."
"Nasaan na siya ngayon?" si Mama dahilan para mapawi ang ngiti sa aking mukha.
"Ayaw kong sabihin ito at gusto ko na rin siyang makalimutan. Wala na siya." napansin kong nagbago ang reaksiyon nila at biglang nalungkot. Kasi kapag malungkot ang isa sa aming pamilya, malulungkot din dapat ang lahat.
"Anak, kasali ba siya sa aksidente noon?" tanong ni Mama at dahan dahan akong tumango.
"Ang sayang naman ate. Sa palagay mo may pag asa ka pa bang makakita ng tulad niya?" naghinayang na ani Agnes. Sumilaw ang mapait na ngiti sa aking labi.
"Baka wala na, pero still nangangarap pa rin ako." bumuntong hininga ako.
"Wag kang mawalan ng pag asa, anak. May makilala ka rin sa tamang panahon." Ngumiti si mama.
"Pero ma, gusto ko nang makalimutan sila. Mas lalo lang akong masasaktan e," Nararamdaman ko na naman ang sakit at pangungulila lalo na sa aking pamilya. Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa kinauupuan, napalingon naman sila sa akin. "Kuwarto muna ako, ma." tumango naman sila at umalis na ako papunta sa kwarto.
Padabog akong humiga sa kama at bigla kong naalala ang Martel University na pagmamay ari namin noon. Sa pag aakala ko noon ay naisara ang unibersidad na iyon pero hindi pa pala. Hindi ko alam kung sino na ang may ari no'n.
Sa amin iyon eh! Bakit ba ganito ang buhay? Mga taong bigla nalang mawawala at iiwan ka, kagaya rin ng bagay.
Wala na sila Mommy at Daddy..
Buti na lang talaga hindi nawala ang memorya ko. Kapag tuluyan itong nangyari ay wala na talagang pag-asa na mabigay ko ang hustisya.
Napakagat ako ng labi at lalo pang lumalalim ang aking iniisip. Nangako ako noon sa aking sarili na kalimutan ko na sila. Sabi ko hindi ko na sila kailangan para sumaya at kung sino man ang taong gumawa ng lahat na iyon ay makonsensya sana.
Unti unti kong nararamdaman ang pagtulo ng mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Napansin ko ring umingay ang nasa baba, baka dumating na si papa. Pero gabi na kaya matutulog na lamang ako.
Madalas ko itong ginagawa upang makalimutan ko ang aking iniisip.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok na sa school. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng uniform ay dumiretso ako sa baba.
Naabutan ko si papa na naghanda na rin.
"Oh, Adelise gusto mo sumabay kana sa akin?" tanong niya at tumango naman ako. Ang hirap kasing mag commute rito at madalas kang mahuhuli sa klase.
Simple lang ang bahay namin, may second floor pero hindi masyadong malaki kagaya ng mga mansiyon. Hindi malaki, hindi rin maliit, sakto lang.
Nagpaalam na ako kay mama at sumakay na sa kotse ni Papa. Nasa passenger's seat ako nakaupo. Palagi na rin kaming magkasabay ni papa kasi teacher din siya sa school kung saan ako nag aaral ngayon.
"May baon kana ba?" biglang tanong niya habang nagmamaneho.
"May natira pa po akong baon kahapon kaya gagamitin ko nalang ito ngayon." sabi ko.
"Bigyan nalang kita ng isang lib--"
"Ay naku wag na po! Napakarami na niyan." angal ko.
"Mag ipon ka, wag mong ubusin lahat. Oh eto" aniya at inabot sa'kin ang isang libo. Tinanggap ko na lang 'yon.
"Salamat, pa." At mabilis naman siyang tumango.
Nakarating na kami sa Rosswell high at pagkatapos mag park ay bumaba na kami sa kotse. I'm a 3rd year high school at maganda pa rin walang pinagbago.
"Mag ingat ka anak. Galingan mo sa pag aaral. Punta na ako sa office." paalam ni papa at tumango naman ako at nag thumbs up.
Naglakad na siya papaalis at marami namang mga estudyante ang bumati sa kanya.
Pagtalikod ko, nagulat ako sa bungad ng tatlo sa harap ko at nakangiti. Ganito talaga ang day routine ng tatlong 'to.
"Hi Adelise goodmorning, hatid na kita"
"Wag ka diyan Adelise, sama ka nalang sakin ililibre kita."
Anong akala mo sakin? Hampaslupa?
"Sakin ka na lang Adeli--"
"Ano ba?! Umagang umaga at pag aagawan niyo na ako?! Doon lang naman ang classroom ko sa unahan!" singhal ko sa kanila. Badtrip. "Tsk! Tabi!" tumabi naman sila at pumasok na ako sa classroom.
Hindi naman sa masungit ako, sila lang talaga ang sinusungitan ko. Sila kasi ang tagasira ng araw ko. Angelo, Josh at Ivan.
Wala pa ang teacher namin kaya lumingon ako kila Laurene na busy sa pakikipagdaldalan.
"Guys, nakita niyo ba nag viral sa Martel?"
"Oo eh! Alam niyo? Pabida bida iyong Beatriz na iyon"
"Eh bobo rin kasi ang estudyanteng na uto sa kanya. Isipin mo, puro mayayaman lang nag aaral doon pero ang kitid naman ng mga utak"
"Bakit? Ano bang nangyari?" singit ko dahilan para mapalingon sila sa akin.
"Lupet mo girl, napakasikat ng mga students sa Martel tapos ikaw hindi ka updated?" si Loreen na nakapamewang pa.
"Pake ko kung sikat sila? Ano ba kasing nangyari sa estudyante?"
"Nagpakamatay! Tumalon mag isa sa veranda ng dormitory nila!" ani Ryan at tumaas ang aking kilay sa gulat.
"Ano namang klaseng kabobohan iyon? Ang sayang ng pinaghihirapan ng kaniyang pamilya"
"Exactly!"
"Bakit? Ano raw dahilan?"
"Pinaglalaruan siya ng isang sikat na model ng Martel." tugon ni Jennifer.
"Pangalan?"
Magsasalita na sana siya ngunit dumating na ang teacher namin at agad naman kaming umayos sa kinaupuan namin.
Hindi ko alam kung bakit ganyan na ang nangyayari sa Martel. Aaminin kong napakaganda nito noon. Noong sila Dad pa ang namamahala, wala masyadong gulo sa loob ng campus. Pero bakit ngayon?
Kahit marami na ang mga nangyari roon, pinili ko pa ring manahimik. Gusto kong bawiin ang pinaghihirapan ng aking pamilya. Pinaghirapan ng lolo ko at dad ko, pero paano?
Impossible ring gobyerno ang nagdala no'n. May duda talaga ako sa may ari ng Martel ngayon eh. Kaya siguro nito tinatago ang kanyang identity, may tinatakpan siguro.
I smell something fishy.
Bigla kong naalala ang nangyari samin noon. If that was an accident, then bakit may mga armadong tao ang sumunod sa amin?
Wala namang naging kaaway sila Mom at Dad. Parang meron sa kutob ko na it was made purposely...
Natapos na ang klase nang hindi ko namalayan. Nandito na kami sa canteen ng mga kaibigan ko. Hindi masyadong malaki ang canteen pero marami naman mga estudyante. Nakatambay lang kami sa isang bench dahil kulang ang mga mesa roon.
"Guys, kung marami lang talaga pera namin, gusto kong mag aral sa Martel." Kumikislap ang mga mata ni Loreen.
"I realize din na napakaswerte talaga ng mga studyante doon. Tayo? Eto lang namumuhay bilang hampaslupang patatas." si Joanna habang sumusubo ng waffles, ganun na rin kami at sandaling tumahimik.
"Girls! Tingnan niyo 'to!" untag ni Ryan habang nakatingin sa cellphone niya. Lumapit naman kami para tingnan kung anong meron doon dahilan para manlaki ang mga mata namin sa tuwa.
"Omg! For real?" sabay sabay nilang sigaw.
"I can't believe na mag hire ng mga scholar ang Martel!" Abot tainga ang ngisi ni Jennifer.
"Wow! For sure hanggang pangarap lang tayo." sabi naman ng bakla
"Bakit naman? Eh nag hire naman ng scholar dibaaa?? Matalino naman tayo kaya may pag asa tayo!" ngiti ko.
Isa talaga ako sa mga estudyanteng nangangarap makapasok doon. Napakamahal ng tuition doon, plus bayad pa sa dormitory mo, plus sa magiging projects doon na parang gagawa ka ng bahay, at marami pang iba. Kaya pasalamat na lang talaga at nag hire sila ng scholars tulad ko.
"Girls, obvious naman na scholars na mayayaman, matalino na mayayaman, or whatevs basta may pera lang ang hanap nila ngayon. Susme! Ang rami kayang mga gastusin doon, Don't expect!" usal ni Ryan dahilan para mapayuko kami sa kawalan ng pag asa.
"But atleast we should try, right?" untag ni Joanna.
"We can try pero sure ako na hindi tayo makakapasa. Parent's Occupation pa lang nila walang wala na tayo." si Jerlyn. Bigla akong tumayo at nagulat sila.
"Takneneng naman kayo! Sabihin na nating totoo ang mga sinasabi ninyo, pero ba't mawawalan kayo ng pag asa? Hindi pa nga natin sigurado kung anong klaseng scholars ang hanap nila. Magagawa rin naman natin iyan kung magsisikap tayo, We can try naman. Alam niyo? Putcharagis kayo!" asik ko at padabog na umupo.
"Wohh! E.Z. ka lang gurl HAHAHA"
"HAHAHHAHAHA"
Nagsitawanan sila. See? Ganyan kasira ang ulo nila, ang seryoso ko tas tatawanan lang nila. Mga walang hiya!
"Baka doon na talaga mahahanap ni Lola Adelise ang magiging Lolo natin?"
"Tumahimik kayo mga langya!"
"Will Lola Adelise find a love inside Martel University?"
"Anong love ka diyan?! Sabing tahimik na eh!"
"Love is everywhere. Malay niyo nasa Ma--"
"Hoy! Hindi iyan ang nasa isip ko! Hindi ako nag-aaral para humarot."
Sa salita palang niyan, walang wala akong interes. Hindi ko na magagawa iyan dahil sino ba naman ang mamahalin ko sa mundong 'to? Wala na siya. Wala nang kwenta para sa akin 'yan. Mas mabuting mag focus na lamang sa pag aaral. Kailangan kong makapasok sa Martel. Kung hindi ko naman gagawin 'yon, mababaliw lang ako sa kakaisip, kaya mas mabuti nang subukan ko...
--author's note...
Abangan ang next chapter.

Comentário do Livro (2)

  • avatar
    Fhil Binaluga

    thx

    09/12

      0
  • avatar
    Kyla Cabalida

    nice novela

    11/04/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes