logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

BRING THEM BACK

BRING THEM BACK

Admiral Bliss


Prolouge

10 years ago...
Ako ay nasa isang housekeeping shop at nag iisa lamang. Reunion daw kasi nila dad at gusto nila akong isama pero ayaw ko naman kaya dito nalang ako nanatili. Hindi ko rin inaasahan na ganito pala kalaki ang Martel University na pagmamay ari ni Dad. Sabagay, ngayon ko pa lang ito nakita.
Pinaghihirapan ito ng pamilya namin, si Lolo Francisco Maurin pero wala na siya. Namatay siya sa mismong birthdate ko, natatakot nga ako baka nag reincarnate siya sabi ng iba—Pero hindi ako naniniwala roon. Masaya na siya sa heaven at natapos na niya ang misyon niya.
Habang naka upo ako sa sofa, hindi ko maiwasang tignan ang scarf na binigay sa'kin ni Dad. Nakalagay doon ang pangalan ko at ang lastname ko.
Adelise MaurinThis is my favorite scarf, maganda ang tela at kulay cream.
Habang busy kakatingin sa aking scarf, biglang may narinig akong isang kaluskos galing sa kusina dahilan para bigla akong kabahan. Agad kong nilagay sa bulsa ang panyo at kinuha ang vase na nasa tabi. Mas lalo akong natakot nang biglang marinig ang malakas na pagbagsak ng isang plato at sigurado akong nabasag iyon. Ang kaninang kaba ko ay mas lalong bumibigat.
Dahan dahan akong pumunta malapit sa kusina at baka magnanakaw iyon. 7 years old pa lang ako pero mahilig ako sa action. Handa na ang vase na panghampas ko sa magnanakaw at inaantay ko siyang lumabas sa kusina para ihampas iyon.
Napansin kong hindi pa lumalabas ang magnanakaw at may naamoy rin akong pagkain. Really? Astig naman ng magnanakaw, sakto gutom na ako. Pagkalabas niya ay hahampasin ko sana siya pero hindi natuloy iyon nang makita kong isa pala siyang bata katulad ko. Napako ako sa kinatatayuan at biglang kinabahan, bitbit niya ang tray na may mga pagkain.
"Uhm, Ikaw ba si Adelise?" tanong niya pero nanatili lang akong nakatulala. Hindi ko alam kung bakit ang tagal kong pinagmasdan ang mukha niya. Hanggang sa ilong lang niya ako, maputi na parang anak ng mayaman at ang cute niya.
"Excuseme? Nakita mo ba si Adelise?" tanong ulit niya at natauhan naman ako.
"Ah oo, ako iyon! B-Bakit?!" naiiilang na tanong ko at nagtaka naman siya pero hinayaan nalang niya.
"Ako si Caldence, ayaw ko sa maraming tao kaya sabi ni tito Francisco dito lang daw muna ako para may kalaro ka," nakangiting hayag niya—ngumiti siya at hindi ko alam kung bakit parang mag e-explode na ako. "Gusto mo bang kumain? Samahan mo'ko sa lamesa." dagdag niya at umupo doon. Hindi ko alam kung bakit mabait siyang bata. Mas lalo tuloy akong nahihiya.
Sumunod na lang ako sa kanya at tiningnan
kung anong niluto niya. Kaya siguro ang ingay ng kusina at may nabasag pang plato. Ni hindi ko rin napansin ang pagpasok niya rito.
"May I know your name?" tanong ko at lumingon naman siya sa'kin.
"Nasabi ko na sayo kanina ah, nakalimutan mo na ba? Tss." halos matawang aniya.
"A-ano nga iyon? C-Cald-dero?"
"Pfft..." napahalakhak ang batang lalaki. Mas lalo siyang nakakaakit tingnan kapag nakangisi. Biglang uminit ang pisngi ko at yumuko nalang. Wala naman nakakatawa, spoiled brat ata 'to.
"Sorry. Uulitin ko, Ako si Caldence Severro, anak ni Alexander Severro at Marcella Severro, at itinadhana sa'yo."
'Itinadhana sa'yo'
"HAHAHA it's a joke only. Gusto mo naman?" Matawang sabi niya ulit at inirapan ko na lang siya. Bigla na lang nawala ang kaninang kaba ko because of his funny joke. Tss, funny you think.
"Astig naman ng biro mo, hindi nakakatawa." nawala ang ekspresyon ko.
"Pero nakakatuwa?"
"Hindi rin," asik ko at nag krus ng braso. Mabuti naman at natapos na siyang tumawa at nakahinga naman ako nang maluwag.
Pagkatapos naming kumain ay bigla siyang tumayo kaya ganun na rin ako.
"Adelise, ilang taon kana?" biglang tanong niya at nagtaka naman ako.
"7 why?"
"Wala lang,"
"Ikaw? Ilang taon kana?" pabalik na tanong ko rin.
"9 years old," sagot niya at simpleng tango na lamang ako. Umupo kami sa sofa at sandaling tumahimik. Ilang sandali ay bigla na naman siyang nagsalita.
"Adelise, anong gusto mong gawin natin? Ang boring kasi tayo lang naman dalawa rito." untag ni Caldence na dahilan ng pagsalubong ng kilay ko.
"Ha? Pumunta ka lang ba dito para sabihan ako ng ganyan? Ang bata pa natin Caldence!" sigaw ko at bigla namang kumunot ang noo niya.
"Anong bata? Oo nga bata pa naman tayo, m-may nasabi ba akong masama?" kalmadong tanong niya.
"Oo!"
"Ano iyon?"
"Iyong gawin daw natin ang hindi dapat!" sigaw ko at lumayo sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas.
"Hala, Adelise? What are you talking about? That's not what I meant. Ikaw ah? Isusumbong kita sa dad mo-"
"Hoy! Wag, wag please! I'm sorry." Tinakpan ko ang aking mukha— nahihiya sa aking sinabi. I want the grounds to eat me now.
"Ang bata mo pa, alam mo na iyon? Iniisip ko lang naman kung anong gusto nating laruin." tugon nito at inaamin kong nahihiya ako.
"Edi Sorry na nga. 'Wag mong sabihin ah? Hindi na tayo bati 'pag sinabi mo kay dad." pagmamakaawa ko at mabuti ay tumango naman siya.
Bigla kaming tumahimik at nakakailang na naman 'to. Tiningnan ko ang kamay niya nang makita ko ang napakagandang bangle bracelet na suot niya. Nakakaakit ang bracelet at parang gusto ko iyon.
Bigla siyang napatingin sa akin. "Bakit palagi kang nakatingin sa bracelet ko. Para ba akong bakla?" nagtataka siya at hinawakan iyon. Umiling naman ako,
"Hindi kaya, maganda lang kasi. Pwedeng akin nalang iyan?" pagsusumamo ko at nag puppy eyes.
Napatingin siya sa bracelet niya, may kahulugan ang tingin niya doon dahilan para magtaka ako.
"Mahalaga ito sa'kin," panimula niya at napabuntong hininga. "I can't lost this bracelet. Bigay ito sa akin ni Mommy at Daddy noon and I don't know kung bakit ayaw kong mawala sa akin ito." aniya. Napatango-tango na lamang ako,
"Kung ganoon, mahal mo ang bracelet na iyan?"
"Exactly. I love this and I can't give this to another person. This is only mine." tugon niya at nalungkot naman ako.
"Awt. Sige na nga hindi ko na lang hihingiin iyan, makakabili rin naman ako niyan." wika ko. Makakabili rin naman ako niyan dahil maraming pera ang parents ko.
Bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti dahilan para may maramdaman akong kakaiba sa loob ng tiyan ko.
"Huwag kang mag alala, kung mawawala ako sa mundong ito, ikaw nalang ang magiging mundo ko." At nang sabihin na niya iyon ay doon ko na aamining kinilig ako. Simula ngayon, crush ko na siya. Feel ko heart ang hugis ng Earth ngayon kahit hindi ko masyadong gets ang sinasabi niya.
"Hah? B-bakit-" hindi ko natapos ang tanong ko nang biglang pumasok sila Mom at may kasama rin siyang babae.
Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap at hinalikan niya ako.
"Ano? Nag eenjoy kaba baby?" si Mom at pa simpleng tango lamang ang naging sagot ko. Tumingin ako kay Caldence at nag thumbs up siya sakin.
"Mom, anong oras na? Ayaw ko pang umuwi" sabi ko at napangisi naman siya.
"Baby, kailangan na nating umuwi dahil malalim na ang gabi. Mauna na tayo ng dad mo kasi lasing siya." aniya pero ayaw ko pa rin.
"Mukhang nag eenjoy nga ang anak natin Moira." nakangiting giit ng isang babae na nakahawak kay Caldence.
"Oo nga Marcella, uuwi na rin kami kasi lasing na si Francisco." ani Mom
"Kung ganon, sabay na lang kami, kung p'wede." sabi ng mama ni Caldence dahilan para mapangiti naman ako.
"Aba, Oo naman! Ito rin ata ang gusto ni Adelise kasi kasama si Caldence."
Malalim na ang gabi at nasa labas na kami. Nagkakagulo pa dahil si kalasingan ni dad, nagpupumilit siya na siya ang mag maneho sa kotse pero syempre hindi pumayag sila mom kasi delikado. Pinipigilan si dad ni tito Maximo pero hindi mapigilan si Dad kaya pumayag na lang sila.
"Mom, nasaan si Dad? Dito lang po ba siya?" tanong ni Caldence kay tita Marcella.
"Mauna nalang tayo Caldence. Busy ata ang dad mo sa mga kaibigan niya." si tita.
"So we leave Martel without dad? Kung si dad nalang kaya ang magmaneho para safe." suhestiyon ni Caldence.
"Caldence!" Narinig kong sinisita siya kaya  tumahimik na lamang siya.
Tama naman siya eh. Dapat hindi si Dad ang mag drive. Sumakay na kami sa kotse at nasa backseat kaming dalawa ni Caldence. Si Mom sa passenger's seat at sa likod ni Mom ay si tita Marcella, katabi ni tita Marcella ay ang kapatid niyang si Leonora at sa likod nila ay kami.
Umalis na kami sa Martel University at dala ko pa rin ang masamang pakiramdam. Masama ang kutob ko at kanina ko pa ito nararamdaman. Tumingin ako kay Caldence at ngumiti naman siya sakin dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.
Habang nasa kotse kami, may pinag uusapan sila Mom at hindi ko ugaling makinig sa usapang matanda. Hindi pa rin nawawala ang sama ng parang hindi ko ito mapipigilan. Kapag titingin ako kay Caldence ay mas lalong bumigat ito.
"Adelise, are you okay?" biglang tanong ni Caldence pero umiling naman ako.
"Okay lang ako." I lied because I'm not actually okay.
Nagpatuloy si dad sa pagmamaneho at panay naman ang pag gabay ni Mom sa kanya. Nanatili kaming lahat sa pwestong iyon nang biglang may narinig kaming isang putok ng baril na ikinagugulat namin.
"Saan iyon?!" si Dad
"Manatili lang kayo sa pwesto niyo at yumuko kayo!"
"Francisco mag ingat ka sa pagmamaneho" si Mom.
Lahat ng nasa kotse ay nagulat at nabigla. Kasunod non ay ang bagsikang tinig ng mga motor na parang nagpapaunahan sila. Naguguluhan na kami kung ano ba talaga'ng nangyari. Nanatili lang kaming nakayuko at nadagdagan pa ang pagputok ng baril.
Biglang sumigaw si Leonora. "Putangina! Mamamatay na tayo!" sigaw niya.
"Tumahimik ka Leonora!" sita ni Tita Marcella.
Napatingin kami ni Caldence sa likod ng sasakyan at ganun nalang ang gulat naming may nakasunod sa amin. Mga grupo ng motorsiklo at ang masama pa ay may dalang baril.
"Mom! Dad! May sumusunod sa atin may dala silang baril!" sigaw ko at nagpapanic na si Leonora.
"I said stay where you are at yumuko kayo!" sigaw ni dad.
"Hindi! Hindi! Marami silang nakasunod sa atin!" Nagpapanic na si Leonora.
"Kumalma ka Leonora! Gawin mo ang dapat niyong gawin! Yumuko kayo!" sigaw ni tita Marcella, hindi na rin maporma ang kilay niya sa pag-aalala at panay ang tingin sa amin ni Caldence.
"Adelise!" yumuko kayo diyan!" sigaw ni Mom.
Sunod sunod ang mga putok ng baril, biglang tumulo ang luha ko at hindi ko na kakayanin ito. Parang may mga kabayong nag uunahan sa puso ko at hindi makahinga dahil lumala pa ang pagtibok nito.
"Adelise, wag kang mag alala, nandito lang ako." biglang nagsalita si Caldence. Hinawakan niya ang kamay ko at kumapit naman ako ng mahigpit doon.
"Gusto ko pa sanang makilala ka nang mabuti. Gusto kong sabay tayo lalaki." hagulhol ko at pinapatahan naman niya ako.
Palagi akong mapatalon sa bawat putok ng baril. Napatingin ako sa bintana at naisip kong delikado sa lugar na ito. Nasa kurbada kami at sobrang lalim ng mga pampang.
"Dad! Mag ingat ka!" sigaw ko.
Nakita namin ang ibang motorsiklo na may nakasakay na mga lalaki at naka helmet. Malapit na nila kaming malampasan pero binilisan ni Dad ang pagmamaneho.
Marami pang dumagdag na mga putok ng baril at panay rin ang sigawan nila Mommy, Tita Marcella at Leonora. Ginawa ni dad ang lahat para makatakas at kami naman ni Caldence ay nakayuko lang habang ako ay umiiyak.
"Nawawalan ng preno ang sasakyan!" sigaw ni dad at napasigaw din sila—hindi makapaniwala.
"Pano na iyan?!"
"Bilisan mong magmaneho baka maabutan tayo!"
"Masyadong marami sila!"
"Kung hindi ka lang sana nagpakalasing! Nalampasan na natin sila!"
"Gago ang kapal naman ng mukha mong sabihin sakin iyan!"
"Wala na! Mamatay na tayo! Katapusan na natin!"
"Tangina wag kayong maingay!"
"LEONORA!"
Natamaan ng tatlong bala si Leonora dahilan para mas lalo kaming magpanic. Umiiyak na ako at kanina pa sumisigaw. Hindi ko maiwasang lumapit kay Caldence dahil sa takot ko.
Pero mas lalo kaming nagulat nang mapansing paiba-iba ang direksiyon na pinupuntahan ng sasakyan. Biglang pumasok ang bala sa bintana ng passenger's seat dahilan upang mabasag iyon at natamaan si Dad.
"DDAAAAADDD!!!!!"
"FRANCISCO!!!"
Nasundan pa iyon ng dalawang bala.
"Daaaddd! Wag mo kaming iwan!!!"
Sa kakasigaw namin, tsaka ko lang napansin na nasa ibang direksiyon kami papunta. Unti unti kong nakita ang lalim ng pampang at
"MAHUHULOG TAYO SA PAMPANG!" sigaw ni Mom.
"MOMMY! HALIKA DITO SA LIKOD! MOMMY!" sigaw ko
"WALA NA TAYONG MAGAGAWA! KUMAPIT KAYO NG MABUTI!"
"CALDENCE, ANAK!"
Bumagsak ang sasakyan namin ng malakas! Kasabay nun ang pagbasag ng iba't ibang parte ng sasakyan, pati ang mga bintana ay nabasag din at natamaan kami. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ng kamay ni Caldence at dahil sa sakit ay nandilim ang paningin ko.
.....
MULI kong minulat ang aking mga mata. Pagmulat ko, biglang sumakit ang aking kaliwang braso dahilan upang ako ay mapangiwi. Tiningnan ko naman iyon at nakita ko ang mga dugo sa aking braso. Hindi ko inaasahang mangyari ito.
Napatingin ako sa kabuuan sa loob ng sasakyan. Tahimik at mga walang malay ang nakita ko.
"MOMMY! DAD!" sigaw ko, pero walang sumagot. Agad akong napalingon sa direksiyon ni Caldence.
Ganun nalang ang gulat ko nang nababalot ng maraming dugo ang mukha niya. Hindi ako makagalaw nang maayos ngunit pinilit ko pa ring gisingin siya.
"Caldence! Gumising ka!" umiiyak na sigaw ko. Napansin kong gumalaw siya kaya mas lalo akong sumigaw.
"Tulong! Caldence!" napatingin ako sa kanya. Bigla niyang tinanggal ang bangle bracelet niya at binigay sa akin.
"I-I w-want you to k-keep that.." nahihirapan ngunit pinilit niya pa ring sabihin iyon. Nagtaka naman ako nang binigay niya sakin iyon. Totoo, maganda iyon.
"P-Pero B-Bakit?" tanong ko. Hindi ako makatingin sa kanya at sa kanilang lahat, napupunit ang puso ko.
"I j-just w-want to and you deserve that. Hindi na ako magtatagal sa mundong ito. S-Sorry kung hindi ko matutupad ang gusto mo na makalaro ako at makasama ako. S-Sorry." Sa pagkakasabi niyang iyon, hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko hindi lang sa sakit.
Tinanggap ko ang bracelet na binigay niya at kahit nahihirapan siya, nagawa niya pa ring ngumiti.
"Lumayo kana." utos niya sa akin na ikinatataka ko.
"Bakit?"
"Umalis kana d-dito!" nagulat ako sa sigaw niya.
"P-Pero, b-bakit-"
"I said Umalis kana! Get out!" mas lalo akong naiyak sa sigaw niya. Bigla niya akong hinawakan at pilit na pinapalabas sa kotse gamit ang basag na bintana.
Marahan niya akong tinulak papalabas doon. Hindi ko alam pero sinunod ko na lang siya. Ngunit nagulat ako sa malakas na pagbagsak ko dahilan upang mahulog ako sa pampang.
Mas lalong sumakit ang katawan ko dahil natatamaan ito sa mga malalaking bato. Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Caldence sakin iyon. Tuluyan akong nahulog at napabagsak sa ilog dahilan para mabasa ang buong katawan ko.
Napatalon ako sa gulat at pagkabigla nang marinig ko ang malakas na pagsabog galing sa itaas. Napatingin ako sa pinanggalingan ko at ganoon nalang ang pagbagsak ng aking luha dahil sa mga makakapal na usok sa itaas kung saan ako nanggaling.
"Hindiiiiiii !"
"Caldenceee!! Mom!!! Dad!!!!" Napupunit na ang aking boses.
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking luha. Nahihirapan akong huminga sapagkat pinapangunahan ako ng maiinit na luhang nagbabadya sa aking pisngi.
Hindi ko matanggap na mangyari sa akin ito. I don't deserve this! We don't deserve this!
Wala na ang pamilya ko. Wala na sila...

Comentário do Livro (2)

  • avatar
    Fhil Binaluga

    thx

    09/12

      0
  • avatar
    Kyla Cabalida

    nice novela

    11/04/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes